Share

CHAPTER 20

"Sir Kenneth, ano ba’ng ginagawa niyo?" takang-taka na tanong ni Leia kay Kenneth. Nakaupo na siya sa loob ng kotse. Tinangka niyang lumabas pero agad na ipinower-lock ni Kenneth ang mga automatic door ng sasakyan at mabilis na pinasibad iyon.

"Hindi mo tinanggap ang tulong ko sa inyo kanina pero heto at para kang basahan na humihingi ng tulong kung saan-saan,” madidiin ang boses ng binata. Nagsasalita ito pero hindi siya tinitingnan, diretso ang tingin nito sa kalsada habang natiim-bagang. "Tinanggihan ka na nga lahat-lahat pero sige ka pa rin. Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?”

Umawang ang mga labi ni Leia. Nakita lahat ‘yon ni Sir Kenneth niya? Sinusundan ba siya nito kanina pa?

Napayuko siya ng ulo. Naawa na rin siya sa kaniyang sarili. Nahiya sa katabi. Pero ano’ng magagawa niya kung walang maitutulong sa kaniya ang mga nilapitan niya. Alam din niya ang mga buhay ng mga kamag-anak nila ni Bryle. Parehas din nilang mga hirap sa buhay kaya naiintidihan niya sil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status