Si Cindy ay isang teacher nang nakilala niya si Mark na isang gwapong estudiyante. Sa kagustuhang maranasan yung mga fantasy niya sa sex, pinatulan niya si Mark kahit pa alam niya na mahigpit na ipinagbabawal sa isang teacher na patulan ang kanyang estudiyante. Dahil ibinibigay ni Mark ang sex na gusto niya at si Mark ang una niyag naging karanasan, nabaliw siya sa lalaki. Gusto niyang solohin si Mark ngunit hindi pwedeng exclusive si Mark sa iisa lang. Nasira ang buhay niya. Natanggal siya sa pagiging teacher. Naging call center agent naman siya. Lalong lumala ang kanyang pagkahilig sa sex at dumating sa buhay niya si Raymond. Dahil nagpakita ng kabaitan ang napakagwapong si Raymond, inuwi niya ito sa kanila at sa mga unang mga araw, napakabait nga ng lalaki ngunit wala itong trabaho. Kung kailan mahal na niya si Raymond, isang araw pag-uwi niya, wala na lahat ang pera niya, ang lahat ng mamahalin niyang alahas at gamit kasama ng magnanakaw na si Raymond. Doon na naging lalong magulo ang buhay ni Cindy. Nakipagkita na siya sa kung sinu-sino basta maibigay ang hilig niya sa sex. Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Hanggang sa dumating si Daniel sa buhay niya. Si Daniel na naniniwala sa tunay na pag-ibig kaya niyaya itong pakasal sa kanya. Bumuo sila ng isang pangarap. Masaya na ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa hindi nagagawang kontrolin ni Cindy ang kanyang sakit. Sakit na hindi niya alam na mayroon siya. Paano magtatagal ang pagsasama nila ni Daniel kung walang tiwala si Cindy na mahal talaga siya ng lalaki? Paano masasatisfy ni Daniel si Cindy kung may sakit ang babaeng nymphomania na lalong lumala nang may asawa na siya. Na naghahanap na ang katawan ni Cindy ng sex hindi lang kay Dani kundi sa iba pang mga lalaki?
View MoreFINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an
CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an
CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam
CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga
CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S
Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa
CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n
CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga
CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay
UNFAITHFULLY YOURSChapter 1Kung ano ang dahilan at bakit ako hindi na naniniwala na may lalaking kayang magmahal ng isang babae lang? Kung bakit nagawa kong lokohin ang aking asawa? Ito ang kuwento ko.Ang kuwento ko ay hindi tungkol sa aking pamilya, ang kuwento kong ito ay tungkol sa aking asawa at aking pangangabit. Opo. Naging marupok ako. Malungkot na kung malungkot ang walang masabing pamilya ngunit sanay na ako. Sinanay ko ang sarili kong mag-isa. Naging independent ako sa lahat ng bagay kaya naman hindi mababanaag sa akin ang kalungkutan. Pero hindi naman ako bato. Sa tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya at masayang kumakain at namamasyal, napapaisip din ako. Paano kaya ang buhay na may nasasandalan sa tuwing tinitira ako ng walang patumanggang kalungkutan? Ano nga bang pakiramdam nang may nag-aasikasong ina pagpasok sa trabaho sa umaga at may ama na may magtatanong sa gabi kung kumusta ang buong araw sa trabaho. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid na mang-iinis o ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments