CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga
CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n
Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa
CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S
CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga
CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam
CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an
FINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an