Home / Romance / THE UNFAITHFUL WIFE / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of THE UNFAITHFUL WIFE: Chapter 1 - Chapter 10

53 Chapters

CHAPTER 1

UNFAITHFULLY YOURSChapter 1Kung ano ang dahilan at bakit ako hindi na naniniwala na may lalaking kayang magmahal ng isang babae lang? Kung bakit nagawa kong lokohin ang aking asawa? Ito ang kuwento ko.Ang kuwento ko ay hindi tungkol sa aking pamilya, ang kuwento kong ito ay tungkol sa aking asawa at aking pangangabit. Opo. Naging marupok ako. Malungkot na kung malungkot ang walang masabing pamilya ngunit sanay na ako. Sinanay ko ang sarili kong mag-isa. Naging independent ako sa lahat ng bagay kaya naman hindi mababanaag sa akin ang kalungkutan. Pero hindi naman ako bato. Sa tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya at masayang kumakain at namamasyal, napapaisip din ako. Paano kaya ang buhay na may nasasandalan sa tuwing tinitira ako ng walang patumanggang kalungkutan? Ano nga bang pakiramdam nang may nag-aasikasong ina pagpasok sa trabaho sa umaga at may ama na may magtatanong sa gabi kung kumusta ang buong araw sa trabaho. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid na mang-iinis o
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more

CHAPTER 2

Chapter 2Kapag daw nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Kung ayaw mong masaktan, huwag kang magmahal. Simpleng alituntunin sa buhay. Paano ka nga ba masasaktan kung wala kang nararamdaman? Ngunit minsan kahit pilitin huwag magmahal, dumadating talaga yung puntong nahuhulog ka na lang nang hindi mo sinasadya. Yung kahit ayaw mo, pilit itong papasok sa sistema mo at wala ka nang magagawa pa kundi ang sundin kung ano ang binubulong sa’yo ng isip at puso mo. Okey lang naman magmahal at papasok sa relasyon kung mahal tayo ng taong mahal natin, na may handang sasalo sa atin sa tuwing nahuhulog tayo, paano kung wala?Kaya nga nang sa tingin ko, handa na ako para magmahal at makipagrelasyon ay binuksan ko ang sarili ko sa iba. Nang una, sa isang estudiyante ako unang nagpakatanga. Nangyari ito noong nagturo ako sa isang hindi gaano kilalang College School. Unang trabaho ko iyon noon kaya naman pinahalagahan ko ng husto ito. Isa ako sa mga Computer Subject instructor dahil nga nakatapos ak
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more

CHAPTER 3

Chapter 3Kinagabihan habang abala akong gumawa ng aking module para sa mga subjects na ituturo ko ay biglang may nagtext."Kita tayo, Ma’am? Mark 'to."“Magkita? Bakit?” reply ko.“Bonding uli.”“Busy ako.”“Sige na, Ma’am. Walang magawa e. Saka Friday naman ngayon.”"Ikaw walang magawa. Ako abala.”“Kahit Saturday bukas busy ka pa rin?” Huminga ako nang malalim. Makulit nga ang isang ito ah.“Saan ka ba? Busy kasi ako talaga ngayon.""Sayang naman. Isang beer lang. Wala akong kasama.”“Beer? Paano mo alam na umiinom rin ako.”“Wala lang. Mukha kasing game ka e.”“Pasensiya na. Busy e, may pasok bukas.”“Sabado nga bukas, wala naman tayo pasok ah?”“Kayo wala. Ako kasi may klase kahit Sabado.”“Okey. Kung busy ka, puntahan na lang kita diyan sa inyo.”“Huwag na.”“Sa'n ka ba nakatira, Ma’am?” Pangungulit niya.“May ginagawa nga ako,” pagdadahilan ko dahil mahigpit ngang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng karelasyong istudiyante sa pinagtuturuan ko. “Diyan na lang tayo uminom ng beer k
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more

CHAPTER 4

Chapter 4Nang pumasok na ako sa bahay ay hindi ako mapakali. Kailangan kong alamin kung ano nga ba ang totoo? Ano nga ba niya ang matronang ‘yon? Tropa ang sinabi niyang kasama niyang susundo sa kanya pero bakit hindi ganoon ang tingin ko.“Nakita kita. Sinundo ko ng isang parang matrona. Anong meron?” text ko sa kanya.Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mark. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya o ika-cancel ko. Ngunit nagtanong na ako, nangialam na kaya kailangan ko nang pangatawanan. Kailangan ko siyang sagutin para malaman kung anong totoo.“Hello beyb.”“Hello,” sagot ko sa kanya kasi mas nauna pa siyang nag-hello kaysa sa akin.“Ano yung text mo?”“Nabasa mo naman hindi ba? Tinatanong kita kung anong meron kayo niyag sumundo sa’yo?”“Sandali ha, ipakikiusap ko siya sa’yo.”“Sino ‘yan?” dinig kong tanong ng matronang kasama niya.“Girlfriend ko. Sabihin mo ngang tropa lang tayo. Mukhang nagseselos nang makita ka eh.”“Hello, kung sino ka man, huwag kang
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more

CHAPTER 5

Chapter 5Pinanood ko lang muna siyang nilalaro niya ang alaga niya habang nakatingin siya sa akin. Gusto ko ang ginagawa niyang inaakit ako. Gusto kong lalong tumaas yung level ng aking nararamdamang libog. Yung parang gugutumin niya ako sa pagkatakam. Lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang kanyang kamay na lumalaro sa kanyang alaga. Hinawakan ko ang nag-uumigting na iyon habang dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Maalab ang aming naging halikan. Nang una ay ako lang ang humahalik sa kanya ngunit nang naglaon ay inilalabas na din niya ang kanyang dila. Hanggang sa hinawakan na niya ang batok ko. Nilamutak niya ang malambot kong mga labi.“Ang sarap mo beuyb,” bulong niya sa akin habang nararamdaman ko ang marahan niyang paghimas sa aking malulusog na dibdib. Nilalapirot niya ng bahagya ang pinkish na korona ng aking dibdib kaya lalong nagpaigting iyon ng makamundo kong pagnanasa.“Dilaan mo ang utong ko,” bulong niya sa akin.Ginawa ko ang sinabi niya. Dahan-dah
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more

CHAPTER 6

Chapter 6Ang isa pang masakit ay yung makakasalubong ko siya sa school ngunit iiwas siya. Alam kong pinapasukan niya ang ibang klase niya ngunit hindi sa akin. Bakit? Dahil alam niyang kahit hindi siya papasok sa klase ko ay papasa naman siya sa akin at iyon ang hindi ko nagugustuhan. Binabale-wala na niya ako. Kaya nga nang minsang nakasalubong ko siya ay hinawakan ko agad ang braso niya at pilit kinausap dahil punum-puno na ako.“Bakit ka ba umiiwas?” galit kong tanong.“Anong umiiwas ang sinasabi mo?”“Hindi ka na pumapasok sa klase ko, bakit?”“Lasing ako kagabi. Ang aga kasi ng klase ko sa’yo. Di ko magawang magising ng maaga. Saka hindi mo naman ako ibabagsak hindi ba?”“Bakit? Dati naman nagagawa mong pasukan ang klase ko ah. Sa tingin mo hindi kita kayang ibagsak sa ginagawa mo?”“Ibabagsak mo ako? Weehh, talaga?”“Oo at huwag mo akong hinahamon. Kaya kitang ibagsak. Kayo kong mawala ka sa buhay ko kung ganyang lokohan at gamitin na lang pala ito!”“Sige kung gusto mo akong i
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 7

Chapter 7Sinipat ko ang hitsura ng kasama niyang bakla. Pangit. Bukod sa pangit, hindi rin bagay sa kanya ang magsuot pambabae dahil mukha siyang sanggano na dinamitan ng pambabae. Masagwa. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng pagseselos dahil alam ko namang pera-pera lang kung bakit kasama ni Mark ang bakla ngunit anong pinagkaiba namin? Pakiramdam ko, ginagamit din naman ako ni Mark ah, babae lang ako at maganda pero yung level ng panggagamit, pareho lang. Kaya ako nanginginig. Matindi kasi yung galit sa dibdib ko. Alam kong nadama niya iyon. Alam kong nakita niya na ako. Kaya pagkaupo ko sa mesa ng mga kaibigan ko ay bigla akong tumungga ng alak. Pagkatapos ng isa ay isa pa uli hanggang naging sunud-sunod ang aking pagtungga. Gusto kong malasing agad. Yung sana malunod na ako sa alak at mawala yung hapdi sa dibdib na aking nararamdaman. Gusto kong makita niya kung paano niya ako sinaktan sa kanyang ginagawa.Hanggang sa hindi na ito nakatiis pa. Lumapit siya na parang b
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 8

Chapter 8Ngunit hindi ko kayang ihataw sa kanya. Natatakot pa rin pala akong makapatay kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Naisip ko na hindi talaga niya ako seseryosohin kasi ginawa ko na ang lahat pero hindi niya sinabing pakakasal na kami o sa akin na siya tuluyang titira. Sinasabi lang niya ang mga sinabi niya sa akin noon kasi kinukuha niya ang aking tiwala ngunit hindi talaga niya gagawin. Hindi niya ako iibigin. Walang kasinsakit kapag ipinamukha sa iyong kasinungalingan lang pala ang sinasabing mahal ka. Lalo pa't tuluyan kang pinaniwala. Kinalimutan ko ang dating takot ko na niloloko lang niya ako. Nagpakatanga ako. Nagpakamanhid ngunit iba pa din talaga kung ipinapamukha na ang katotohanan.“Ano? Okey na? Gusto mo ba akong hampasin niyang hawak mo? Gusto mo akong patayin nang makulong ka?”Binitiwan ko ang dos por dos ngunit nakatitig ako sa kanya. Kung nakasusugat lang ang titig paniguradong duguan na siya.“Nasampal mo na rin naman ako. Amanos na ba?” itinulak niya ako. “A
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 9

Chapter 9Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon at sa ganoon niyang sitwasyon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin. Itinaas ko ang aking salamin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Nagulat lang ako sa biglaan naming pagkikita.Kinatok niya ako. Bakit nga ba ako iiwas? Bakit ako ang kailangang mahiya?“Mark,” Tumango lang ako. “Yung buo na lang, lagyan na lang sana ng straw kung meron?” magalang kong sabi.“Okey.” Matipid niyang sagot.Pinagmasdan ko siya habang kumukuha siya ng isang buong buko sa kariton niya. Wala na yung kapogian nito. Bungal na siya at sunog na ang kanyang balat. Sadyang napakabilis ng karma. Ang dating hinangaan kong kakisigan at kapogian niya ay pinanis na nang panahon at hirap ng buhay. May naulinigan akong iyak ng bata. Hinanap ko kung saan galing iyon. Nakita ko ang kasama niyang babae na noon ay may kargang sanggol bukod pa sa isang batang humihila sa blouse niya. Ang dating magandang girl friend niya, nga
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 10

Chapter 10Kung noon ay nagsasabi siyang maghahanap siya ng trabaho, nang mga sumunod na buwan ay hindi ko na siya naringgan pa tungkol doon. Hindi ko alam kung balak ba niya talaga magtrabaho o nasasarapan na siya sa buhay na ibinibigay ko. Sa akin, wala namang problema sa ganoon basta ba ibigay din niya sa akin ang kanyag pagmamahal, loyalty at ang hilig ng katawan kong tanging siya lamang ang nakapagbibigay. Sa ilang buwan naming pagsasama ay alam kong minahal ko siya. Malayo sa karanasan ko noon kay Mark. Kay Raymond, wala akong kahati, wala akong kinatatakutan na kasiping o kasama niya sa tuwing hindi kami magkasama. Naniwala ako noon na dumating na nga ang taong para sa akin. Hindi man siya nagtratrabaho, hindi ko man siya maipagmamalaki sa aking mga kaibigan dahil wala siyang career ngunit sapat na na masaya ako sa piling niya."Mako, pwede bang dito na lang kami mag-inuman ng mga tropa ko mamaya?" tanong niya sa akin bago ako pumasok sa trabaho. Siya ang namili ng tawagan nami
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status