Home / Romance / THE UNFAITHFUL WIFE / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of THE UNFAITHFUL WIFE: Chapter 11 - Chapter 20

53 Chapters

CHAPTER 11

Chapter 11Daniel Point of ViewAko si Daniel. Lumaki ako sa isang masaya at kumpletong pamilya. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon lang ang agwat namin ng kapatid kong si James at anim na taon sa bunso naming si Vicky. Sundalo si Papa kaya palagi siyang wala sa bahay namin at si Mama ay isang kaya lagi lang siyang nasa bahay at dahil doon, siya lang ang kinalakhan naming kasa-kasama. Noong mga bata pa kami, mapagmahal sa amin si Papa. Sa tuwing dumadating siya kahit gabing-gabi na ay hindi niya nakakaligtaang puntahan kami sa aming mga kuwarto. Magigising na lang kami na may dala siyang pasalubong sa amin. Kaya naman, labis naming ikinatutuwa kung sasabihin ni Mama sa amin na uuwi si Papa. Hindi na kami no’n matutulog. Excited na kami sa pagdating ni Papa. Pinagpupustahan pa namin ni James kung ano kaya ang pasalubong sa aming pagkain at laruan. Iyon ang mga masasayang alaala ko sa aming kabataan. Sana kung alam ko lang na may magbago, nanatili na lang kaming ma
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 12

Chapter 12Daniel’s Point of ViewNang naglaon ilang araw bago ang graduation namin ay nalaman ko din ang buong pangalan niya at ilang mga detalye tungkol sa kanya. Kahit pa kaklase ko si Robi, hindi din naman kami close. Isa pa, ayaw ko din naman na pag-isipan ako kung bakit interesado ako sa buhay ng girlfriend niya. Umiiwas lang ako ng away. Ayaw ko lang magkagulo lalo pa’t siya naman din talaga ang nauna kay Janine.Nakilala ko lang si Janine ng lubos dahil sa slumbook na pinagpapasa-pasahang ipapirma ng mga babaeng kaklase ko. Dahil campus crush kaming dalawa, ako sa mga babae at bakla at siya sa mga lalaki, kaya kalimitan ay kami ang binibigyan ng pagkakataong mag-sign sa sangkatutak na slumbook. Ang iba ay humihingi pa ng ID picture o whole body picture na idikit nila sa tabi ng aming pangalan.Binasa ko ang mga nilagay niya sa slumbook.FULLNAME (optional): Janine CruzNICKNAME (optional): Janine lang din.ADDRESS (just the city!): Makati CityBIRTHDAY (optional): January 30
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 13

Chapter 13Daniel’s Point of View“Pero bakit umuwi ka?”“Hindi naman talaga ako umuwi no’n. Nagpalit lang ako sa CR.”“Talaga? Ibig sabihin ako talaga ang gusto mo?” sa wakas kahit nanginginig ako ay nadiretso ko nang nasabi ang gusto kong sabihin sa kanya.Tumango siya."Bakit ba ang ilap mo? Lagi kang umiiwas sa akin? Hindi ba ako ang tipo mong babae?”Huminga ako ng malalim. Hindi ko siya matignan sa kanyang mga mata ngunit sumagot ako ayon sa laman ng aking puso. “Nahihiya ako. Isa pa, kayo na ni Robi. Ayaw kong makagulo ng relasyon.”“Bakit? Pwede naman sana tayong maging magkaibigan hindi ba? Sobra yung ginagawa mong pag-iwas na parang may sakit akong nakakahawa. Alam mo bang naisip ko no’n na baka naiilang ka dahil kay Robi o maari ding nagkamali ako ng hinala na may gusto ka din sa akin. Pero alam ko, ramdam kong iba yung lagkit ng mga panakaw mong sulyap at titig sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ka lumalayo? Bakit kailangan mo akong laging iwasan e ako na itong
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 14

Chapter 14Daniel’s Point of ViewPagkatapos ng klase naming iyon at pumasok kami sa susunod naming subject ay parang nagugulat pa din ako. Naaasiwa? Siguro. Inspired? Pwede. Kilig? Sigurado. Hindi ko masalubong ang kanyang mga titig sa akin. Tuloy walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng mga instructor namin."Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin kapag tinitignan kita?" bulong niya sa akin sabay siko habang hinihintay namin ang instructor namin sa huling subject namin sa araw na iyon."Nahihiya ako."“Nahihiya ka pa rin kahit tayo na?”“Oo naman. Hindi naman agad matatanggal ‘yon saka para napakabilis lang kasi nang mga pangayayari.”“Paano mabilis? Gusto na natin ang isa’t isa First Year High School pa lang tayo ngayon lang naging formally na tayo kung kailan first year college na tayo. Marami nga diyang iba, nagka-text lang kahit hindi pa nagkikita sila na. Tayo pa kaya?”Tumango ako. May punto naman siya. Pero gusto ko sana maramdaman yung ako ang manligaw, ako ang magparamda
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 15

Chapter 15Daniel’s Point of ViewMahal ko si Janine. Ngunit ang pagmamahal na iyon at ang katigasan ng ulo ko ang naging dahilan pala ng pagkawasak ng aking pamilya. Naging mas masalimuot ang lahat sa buhay ko. Naging bahagi si Janine sa mga panahong halos hindi ko na kayanin ang biglang pagdating ng pagsubok na iyon. Kung gaano kabilis ang pagtatapat sa akin ni Janine ay ganoon din kabilis ang pagbulusok ang pagkawasak ng aking pamilya.Sa kagustuhan ni Papa na may magbabantay sa aming magkapatid at sabay na din kaming pumasok at umuwi, nag-transfer si James sa pinapasukan kong campus. Nasa highschool siya at ako naman sa college kaya alam kong madalas niya akong makita na kasama ko si Janine. Si Janine ay mahilig makipagkaibigan sag a bakla kaya bukod sa mga babae at lalaki ay may ilan din kaming mga baklang kaibigan. Tatlo kaming straight sa grupo at partner partner kaya nga lang karamihan sa mga kasama ko ay mga durog o kaya ay pinulbos nang paminta o sabihin na nating mga halata
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 16

Chapter 16Daniel’s Point of View Kinabukasan, first period namin, tumabi si Janine sa akin. Maluwang ang kanyang pagkakangiti. Masaya pa siyang bumati sa akin ng good morning ngunit pilit na ngiti lang ang isinukli ko. Lumipat ako ng ibang upuan. Kumunot ang kanyang noo. Pinili kong umupo sa gitna ng dalawang kaklase naming lalaki. Padating na ang instructor namin nang lumapit siya. Kinalabit niya si Noel na kaklase namin, “Lumipat ka na lang, pwede bang ako na lang ang umupo diyan? Sige na please?” “Nauna ako rito ah. Bakit mo ako aagawan ng upuan?” “Please?” nakikiusap na siya. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Balak ko sana mag-usap na lang kami pagkatapos ng aming klase. “Hindi pwede, nandiyan na si sir e. Saka andami namang bakanteng upuan, maghanap ka ng sa’yo.” “Yes Miss Cruz? Hihintayin ka ba naming hanggang makaupo ka?” Tinignan niya ako ng masama. H
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 17

Chapter 17Daniel’s Point of ViewHindi na naging madali ang mga sumunod na araw. Napakahirap matulog sa gabi at napakahirap bumangon sa higaan lalo pa’t alam kong masasaktan ako kapag makita ko si Janine. Yung nandiyan lang siya, nakakatabi minsan, nakikita, naririnig at naaamoy ngunit wala nang kami. Hindi ko na siya makakausap at mahahawakan man lang. Hanggang tingin na lang rin ako. Ngunit ako ang may gusto ng lahat ng ito. Paano ko ba mapapanindigan sa habang panahon. Paano ko kakayanin ang bawat araw na dadaan?Ang masakit, nakikita ko siyang masaya kasama ng teacher namin na alam kong nanliligaw sa kanya. Teacher namin sa Filipino na inaway lang niya noong nakaraan pero ito na ang nakikita kong lagi niyang kasamang magmiryenda, kausap sa hallway, hinihintay at kasamang umuwi. Kung anuman ang meron sila, kung pinapaselos man nila ako, nagwawagi siya. Nasasaktan ako.Kahit sa facebook, Instagram o messenger wala. Tuluyan na niya akong tinaggal sa kanyang sistema. May mga araw na
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 18

Chapter 18Daniel’s Point of View“Ate, bigyan mo nga kaming dalawang spaghetti at dalawang softdrink.” Agad nyang bilin sa tindera ng aming school canteen. Iniabot sa akin ng tindera ang binili ni sir. Ako ang nagdala ng tray hanggang sa mesang napili niyang uupuan namin. Sa dulo at sa sulok iyon malayo sa mga iba pang kumakain.“Bakit kailangan mo akong eskandaluhin?”“Sorry sir. Iyon lang ang paraan ko para kausapin ninyo ako.”“Ang ipamahamak ang trabaho ko sa akusasyon mo?” huminga ito ng malalim na para bang gusto niyang mawala yung rubdob ng nararamdaman niyang galit sa akin. “Sige na, ano ang tungkol kay Janine na gusto mong pag-usapan? Sabihin mo sa akin at hindi yung nagsisigaw ka pa na parang hindi mo teacher ang kausap mo.”“Sorry talaga sir. These past few days kasi, lagi ko kayong nakikita na magkasama.”“At? Ano naman sa’yo kung lagi kaming magkasama ng ex mo.”“Alam talaga ninyong ex ko siya.”“Alam ng buong campus anak. Kung hindi pa nga kayo naghiwalay, baka mapataw
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 19

Chapter 19Daniel’s Point of View “Napapatawad mo na ba ako?” nanginginig ang boses kong tanong. “Napapatawad naman na talaga kita e. Kahit nong isang araw pa na kinausap mo ako. Siguro more on takot. Takot ako na saktan mo uli? Takot na tanggapin ka ng ganoon lang kabilis kasi hindi mo naman ako pinaghirapang makuha katulad dati? Takot na mahalin ka saka mo ako biglang isuko?” “Hindi na mangyayari iyon. Pangako.” “Anong pinagkaiba ng pangako mo ngayon sa pangako mo noon sa akin? Narinig ko na kasi iyan eh. Paulit-ulit lang tayo kung pagbibigyan kita ngayon ta’s kapag may dumating na problema ay matatakot ka na naman at ako na naman ang bibitiwan mo imbes na pag-uusapan natin at pagtutulungang resolbahin ang problema.” “I’ve learned my lesson. Noong una kasi hindi ko na napagdaanan yung sakit at hirap. Hindi ko noon alam ang kaibahan. Ngayon, alam ko na. Sobra palang sakit.” Namula ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ka
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 20

Chapter 20Daniel’s Point of View"Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo anak ha?" pakiusap sa akin ni Mama."Bakit gano'n sa akin si Papa, Ma?”“Kasi di ka sumusunod sa kanyang gusto. Alam mo naman yung mga ayaw niya, hindi ba? Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?”“Ma, eto na ho ang tubig.” Si James. Nakatingin sa akin. Wala na yung galit niya kanina nang kausap ko siya sa pagpapalayas niya sa mga kaibigan ko. Awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata.“Uminom ka na muna ng tubig.”Sinunod ko si Mama. Uminom ako saka ako muling humiga.“Ako na ang nagsos-sorry anak para kay Papa.”“Hindi ko siya naiintindihan ‘Ma. Wala naman akong ginagawang masama, ni hindi ko naman siya binibigyan ng kahit anong kahihiyan, di ba? Lalaki ako, wala naman siyang nakikita ng bahid kabaklaan sa pagkatao ko pero bakit parang takot na takot siyang magkaroon ng baklang anak. Hindi ako bakla ‘Ma, alam niyo iyon. Yung ibang ama nga, ayaw nilang manilawa na bakla ang anak nila pero bakit si Papa, kahit alam niyang h
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status