Share

CHAPTER 14

Chapter 14

Daniel’s Point of View

Pagkatapos ng klase naming iyon at pumasok kami sa susunod naming subject ay parang nagugulat pa din ako. Naaasiwa? Siguro. Inspired? Pwede. Kilig? Sigurado. Hindi ko masalubong ang kanyang mga titig sa akin. Tuloy walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng mga instructor namin.

"Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin kapag tinitignan kita?" bulong niya sa akin sabay siko habang hinihintay namin ang instructor namin sa huling subject namin sa araw na iyon.

"Nahihiya ako."

“Nahihiya ka pa rin kahit tayo na?”

“Oo naman. Hindi naman agad matatanggal ‘yon saka para napakabilis lang kasi nang mga pangayayari.”

“Paano mabilis? Gusto na natin ang isa’t isa First Year High School pa lang tayo ngayon lang naging formally na tayo kung kailan first year college na tayo. Marami nga diyang iba, nagka-text lang kahit hindi pa nagkikita sila na. Tayo pa kaya?”

Tumango ako. May punto naman siya. Pero gusto ko sana maramdaman yung ako ang manligaw, ako ang magparamda
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status