CHAPTER 22Pero nakita ko pa doon sa labas ng bahay ang motor niya. Ibig sabihin ay nasa loob lang siya ng bahay. Nakaupo si Mandy sa motor ni Janine. Kaharap niya si James. Nagkukuwentuhan habang umiinom sila ng softdrink. Hindi ko sana sila papansinin nang biglang nagsalita si James.“Anong ginagawa ng syota mo sa kusina, kuya?”“Nasa kusina ba siya?”“Pre, di ba malinaw naman ang sinabi ko, nasa kusina?” sinabi niya iyon kay Mandy. Nagtawanan pa sila na lalo kong ikinairita.“Maganda ang araw ko. Actually, araw-araw maganda, sumasama lang kapag nakikita ko kayong dalawa. Hindi talaga kayo masaya kung hindi ninyo ako binubuwisit ano? Gusto ninyo pag-untugin ko kayong dalawa? Yayabang ninyong sumagot ah?”“Ano ngang ginagawa niya rito? Iniiba mo ang usapan Kuya eh.”“Bakit hindi si Mama ang tanungin mo? Siya ang ang nagpatuloy sa kanya. Hindi naman ako ang nagyaya sa kanya na dito na maghapunan.”“Paano kung maabutan ‘yan ni Papa.”“E, di sabihin kong kaklase ko. Kasama sa term paper
CHAPTER 23Hindi. Hindi mangyayari ang kinatatakutan ko."Yeeyyy! Magbi-beer tayo?" nakangiti si Janine nang sinalubong ako. Tanging puting panty at bra na lang ang suot niya pagpasok ko sa kuwarto. Bahagya ko yung ikinabigla. Iniabot ko sa kaniya ang isang beer at ipinatong ko sa maliit kong mesa ang dala kong baso at pitsel ng tubig.Umupo ako sa kama. Binuksan namin ang hawak naming beer."Cheers baby!”“Cheers! Pinag-umpog namin ang aming mga hawak na lata ng beer.“Isang taon na tayo.”“Sinong magsasabi na aabot tayo ng isang taon, ‘di ba? Sa kabila ng mga pinagdaanan natin, ngayon mas mahal na natin ang isa’t isa.”“Oo nga. Sana magbilang pa tayo ng maraming dekada!" bati uli sa akin ni Janine.Pinag-umpog namin ang hawak naming beer saka sabay kaming tumungga. Pagkainom namin ay tumayo siya sa harapan ko at yumuko kasabay ng masuyo niyang paghalik sa aking labi. Ang pinaghalong amoy ng beer at mabango niyang hininga ang nagpadagdag ng kakaibang sensasyon ang tumupok sa aking ka
CHAPTER 24Bago ako bumaba sa hagdanan ay nilingon ko muna ang mga kapatid ko. Gusto kong magpaalam ng maayos sa kanila. Gusto ko silang mayakap dahil hindi ko alam kung kailan kami muling magkikita. Nakita ko ang awa at lungkot sa mukha ni James. Ang pag-iyak ni Vicky ay nakadagdag sa akin ng bigat ng loob para iwan ang mahal na mahal kong bunso namin. Ngunit kailangan ko nang umalis. Mabilis kong kinawayan sila at tinungo ko na ang hagdanan namin.Pababa na ako sa hagdanan noon nang biglang hinabol ako ni Papa. Hindi bumibitaw si Mama noon kay Papa dahil nga pilit niya itong pinipigilang saktan muli ako. Nang makita kong aambaan ako ng suntok ni Papa ay umilag ako. Sa lakas ng suntok na iyon kung hindi ako iilag ay maaring mawalan ako ng panimbang at mahuhulog ako sa hagdanan. Ngunit sana hinayaan ko na lang na mataaman ako at ako ang bumagsak. Nakita ko na lang kasi si Mama na nakayakap kay Papa ang siyang nawalan ng panimbang. Sinikap kong abutin ang kamay ni Mama ngunit dahil sa
CHAPTER 25Daniel’s Point of ViewHinanap ko ang seat number ko na nakasulat sa ticket ko. Hanggang sa nakita kong bakante ang bahaging dulo. Iyon na nga ang number na hinahanap ko. Wala sa sariling umupo ako. Muli akong umiyak. Madamdamin ngunit tahimik na pag-iyak."Panyo?" nagulat ako nang nakita kong inabutan ako ng panyo ng di ko naman kilalang katabi ko sa bus. Tinignan ko siya. Sa tantiya ko ay mas matanda sa akin ng lima hanggang sampung taon. Maganda. Hindi lang pala maganda. Sobrang ganda. Hindi man kaputian ngunit may dating. Parang si Janine, may malakas na sex appeal. Ngunit halatang mas matanda sa akin. Kung ilang taon, hindi ko alam."Salamat po,” nakangiting sagot ko. Pilit. “May dala ho naman akong panyo.”Inapuhap ko ang panyo ko ngunit hindi ko mahanap sa bulsa ko. Imbes na panyo ay 1,500 pesos ang nakita ko sa bulsa ko. Iyon siguro ang ipinabulsa ni Mandy sa akin kanina. Nag-abala pang mag-abot ng pera. Napakabait talaga niya kahit pa madalas kong bungangaan sila n
CHAPTER 26Daniel’s Point of View"Hayun! Dapat ganyan. Dapat matibay ang kalooban mo kasi wala kang ibang aasahang magpatakbo ng sarili mong buhay kundi ang sarili mo lang. Maaring iwan ka ng kahit sino sa mundo ngunit hinding-hindi niyan gagawin ng sarili mo.”“Napakapositibo po ng pananaw ninyo sa buhay. Nakaka-motivate. Nakaka-inspire.” Buong hanga kong sinabi sa kanya.“Libre ‘yan.” Ngumiti siya. “Sige na. Magpahinga ka na at malayo-layo pa ang Tuguegarao. Gisingin kita kapag stop-over na para makakain ka.""Salamat talaga. Gumaan ang aking pakiramdam dahil sa mga sinabi mo sa akin.""Walang anuman. Ano, friends?”“Talaga?” nakaramdam ako ng saya.“Wala akong ibang kaibigan. Ikaw palang kung gusto mo akong maging kaibigan.""Sige, sige. Friends na tayo." Nakangiti kong sagot. "Tiga Tuguegarao ka ba?" pahabol kong tanong."Hindi sa mismong Tuguegarao pero bahagi pa rin ng Cagayan. Doon ako lumaki. Matagal na ngang hindi ako nakauwi doon. Pero ngayon, gusto ko nang tumira doon at b
CHAPTER 27Daniel’s Point of ViewPagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Lolo na uminom ng wine sa maaliwalas niyang terrace. Presko ang hangin at tahimik ang gabi. Hindi ako sanay na wala akong naririnig na mga busina ng sasakyan at ingay ng mga dumadaan. Parang napaka peaceful lang ng mundo.“Kumusta ka rito apo? Wala ka bang naiwan sa Manila na maaring ikalulungkot mo?”Sa tanong ni Lolong iyon ay ramdam kong hindi ko lang siya Lolo. Nagbibigay siya ng hint na pwede ko siyang magiging kaibigan. Na pwede lang akong magkuwento sa kanya ng kahit ano. Alam kong si Lolo lang ang nakakaintindi sa pinagdadaanan ko. Nakuwento ko na ang buhay ko sa kaniya at hindi ko kinaringgan na hinusgahan niya ako. Kaya naging kampante agad akong pag-usapan ang mga bagay na iyon sa kaniya.Gusto kong yung dapat ginagawa namin ni Papa na bonding ay baka kay Lolo pwede. Magkaiba sila ng ugali ni Papa. Actually, magkalayong-magkalayo at ramdam kong pwede kong i-share ang lahat ng gusto kong i-share sa k
CHAPTER 28Daniel’s Point of ViewAng isang taon ay naging dalawang taon, ang dalawa ay mabilis na naging tatlo. Tatlong taong walang Janine. Tatlong taong tiniis ko siya kapalit ng aking pagtatapos sa kolehiyo. Nagtapos pa rin akong Cum Laude kahit pa ganoon ang nangyari sa akin. Nang mag-review ako ng aking board ay pinayagan na ako ni Lolo na lumuwas ng Manila. Sobrang saya ko noon. Ilang gabi rin akong hindi nakatutulog dahil excited na akong makaharap muli siya. Handa na akong ipagpatuloy ang sa amin. Alam kong magagalit iyon sa ginawa kong bigla na lamang nawala. Ngunit kung makikita niya ang aking diploma. Kung maipaparamdam ko ang tunay kong pagmamahal sa kanya, batid kong tulad noon, tatanggapin pa rin niya ako dahil tiwala akong tuna yang pagmamahal niya sa akin. Kumusta na kaya siya ngayon? Sana nahintay pa rin niya ako.Nanginginig ako sa sobrang excitement nang kumakatok na ako sa pintuan nila. Sigurado akong nakatapos na din kasi siya ng college tulad ko. Tagaktak ang pa
CHAPTER 29Daniel’s Point of View“Daniel ang dapat mo palang tinatanong ay kung paano ka hindi ang paano tayo. Pero alam kong kung nakaya mong hindi magparamdam sa akin ng tatlong taon, kakayanin mo na ito ng habambuhay." Nasa boses niya ang katatagan. Nakita ko sa kanya ang babaeng nasaktan, bumangon mag-isa at lumaban. Ipinamumukha niya sa akin kung ano ang nawala sa akin dahil sa sarili ko lang ang aking pinakinggan."Naniwala akong kung talagang mahal mo ako, dapat sana naghintay ka kahit gaano pa iyon katagal.""Kung mahal mo ako, hindi mo ako dapat pinaghintay ng walang kasiguraduhan, hindi mo dapat ako iniwan ng walang pinanghahawakan.""Akala ko kasi kung tayo ang itinadhana, tayo parin hanggang sa huli.""Hindi ganoon iyon, Daniel. Ang pagmamahal ay hindi parang suwerte lang sa buhay na basta na lang kakatok at darating nang di inaasahan. Hindi parang isang butil ng santol o mangga sa gubat na kapag sumibol at nagkabuhay ay pwede na lang iwanan at balikan kung kailan ka nito