Share

CHAPTER 22

CHAPTER 22

Pero nakita ko pa doon sa labas ng bahay ang motor niya. Ibig sabihin ay nasa loob lang siya ng bahay. Nakaupo si Mandy sa motor ni Janine. Kaharap niya si James. Nagkukuwentuhan habang umiinom sila ng softdrink. Hindi ko sana sila papansinin nang biglang nagsalita si James.

“Anong ginagawa ng syota mo sa kusina, kuya?”

“Nasa kusina ba siya?”

“Pre, di ba malinaw naman ang sinabi ko, nasa kusina?” sinabi niya iyon kay Mandy. Nagtawanan pa sila na lalo kong ikinairita.

“Maganda ang araw ko. Actually, araw-araw maganda, sumasama lang kapag nakikita ko kayong dalawa. Hindi talaga kayo masaya kung hindi ninyo ako binubuwisit ano? Gusto ninyo pag-untugin ko kayong dalawa? Yayabang ninyong sumagot ah?”

“Ano ngang ginagawa niya rito? Iniiba mo ang usapan Kuya eh.”

“Bakit hindi si Mama ang tanungin mo? Siya ang ang nagpatuloy sa kanya. Hindi naman ako ang nagyaya sa kanya na dito na maghapunan.”

“Paano kung maabutan ‘yan ni Papa.”

“E, di sabihin kong kaklase ko. Kasama sa term paper
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status