Share

CHAPTER 23

CHAPTER 23

Hindi. Hindi mangyayari ang kinatatakutan ko.

"Yeeyyy! Magbi-beer tayo?" nakangiti si Janine nang sinalubong ako. Tanging puting panty at bra na lang ang suot niya pagpasok ko sa kuwarto. Bahagya ko yung ikinabigla. Iniabot ko sa kaniya ang isang beer at ipinatong ko sa maliit kong mesa ang dala kong baso at pitsel ng tubig.

Umupo ako sa kama. Binuksan namin ang hawak naming beer.

"Cheers baby!”

“Cheers! Pinag-umpog namin ang aming mga hawak na lata ng beer.

“Isang taon na tayo.”

“Sinong magsasabi na aabot tayo ng isang taon, ‘di ba? Sa kabila ng mga pinagdaanan natin, ngayon mas mahal na natin ang isa’t isa.”

“Oo nga. Sana magbilang pa tayo ng maraming dekada!" bati uli sa akin ni Janine.

Pinag-umpog namin ang hawak naming beer saka sabay kaming tumungga. Pagkainom namin ay tumayo siya sa harapan ko at yumuko kasabay ng masuyo niyang paghalik sa aking labi. Ang pinaghalong amoy ng beer at mabango niyang hininga ang nagpadagdag ng kakaibang sensasyon ang tumupok sa aking ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status