CHAPTER 32CINDY’s Point of View"Preferably and ideally, ang alam ko rin dati ganoon nga ang relasyon. Pero alam mo ang natutunan ko sa mga napagdaanan ko?”“Ano? Enlighten me?”“Mas maliit na expectation, mas maliit ang tsansang masaktan. Dapat pala, matuto tayong maging masaya habang magkasama ngunit huwag ding masanay na magiging ganoon habang-buhay. Sana natututunang isipin na siya ang katuwang kapag nasa tabi natin siya ngunit buksan ang isipan na hindi pala natin pag-aari ang isa't isa. Dapat pala binibigyan natin ng kalayaan ang isa't isa dahil maaring darating ang panahong na ariin din siya ng iba. Wala tayong kapangyarihan na angkinin at ariin ang isang tao. Kasal man kayo o hindi. May choice siya laging lumayo kung gusto niya at manatili kung mahal ka talaga niya."“So what now? Why are you telling me all these?”“Have you heard about open relationship?” tanong ko. “I never tried pero baka lang mag-work.”"Wait, are you proposing for an open relationship?""Puwede ba?" ta
CHAPTER 33CINDY’s Point of ViewGinugol namin ang pangalawang monthsary naming sa Tagaytay. Nag staycation kami doon ng dalawang araw. Pinagsaluhan namin ang malamig na panahon. Hindi ko nga mabilang kung naka-ilang beses kami noon. Kung tunay mo nga talagang mahal ang partner mo, kahit paulit-ulit at kahit saan niya gagawin ang love making nagiging espesyal ito. Kahit anong posisyon at kahit anong oras pa, magical ang dating. Mapapamura ka sa sobrag sarap, mapapatalsik ang likido ng pagmamahal. “Gusto kong gawin ito kasama habang-buhay,” bulong ko sa kanya isang umaga habang nakayakap ako mula sa kanyang likod. Sumisilip na noon ang haring araw. Nakatanaw kaming pareho sa dalisay at payapang taal lake at volcano. Hawak niya ang isang tasang kape. Ibinigay niya sa akin ang mainit-init na kape at humigop ako. “Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Ikaw man ang pangalawa ngunit gusto kong mahigitan iyon kasi ngayon, handa ko nang ibigay ang lahat sa akin. B
CHAPTER 34CINDY’s Point of ViewMadaling isipin. Ngunit ano nga kaya ang mararamdaman ko kung siya na mismo ang nakikita kong humahalik na siya at rumoromansa ng ibang babae? Paano kung magiging actual na ang larong sinimulan ko?Tulad ng inaasahan, nagsimula ang laro naming dalawa. Nawili ako ng husto sa paniniwala kong saktan niya ako ng minsan at sasaktan ko siya ng dalawang beses. Mag-booking siya ng isa at siguradong dodoblehin ko ang bilang ng booking niya. Nag-eenjoy ako kasi napagbibigyan ko ang kati ko. Nagagawa ng katawan kong pagbigyan ang kondisyon ko sa utak. Lantarang laro ang ginagawa ko. Yun bang dapat maabutan niya o makitang may ginagawa ako. Ngunit iba ang pinanlaban niya sa akin. Mas masakit. Dahil iisa ang nakikita kong kasama niya. Iisa ang naabutan kong kausap niya sa mismong bahay. Hindi ko man nakita ang ginawa nila ay sapat na yung maabutan kong sila lang dalawa sa bahay pag-uwi ko. Tinanggihan na niya ang paghahatid at pagsusundo ko sa kanya. Mas mainam na
CHAPTER 35CINDY’s Point of ViewSa dinami-dami ng lalaking nakatalik ko. May namumukod tangi na siyang nagbibigay ng aking fantasy sa sex. Yung kaya niyang ibigay kong satisfaction na hinahanap ko. Si Jonas ang una kong nakalaro. Mas maliit kay Dainiel ngunit matipuno ang katawan. Maputi sa moreno ang kutis at may hawig siya kay John Prats. Madalas ko siyang nakikita kasi iisa ang building namin at isang Call Center agent. Halos lagi kaming nagkakasabay sa elevator at laging takaw-sulyap siya sa akin. Alam kong may iba siyang gusto dahil madalas kong nahuhuling nakatingin siya sa akin. Matindi siya kung makipagtitigan. At isang madaling araw noon ang schedule ko nang nakasabayan ko din siyang pauwi na rin."Kumusta." ngiti niya sa akin. Alam kong nilakasan lang niya ang loob niya para tuluyang mabuwal ang pader sa pagitan naming dalawa."Okey lang," matipid kong sagot. Nakangiti. Nagpakita ako ng pagka-interes. Hindi ko tinatanggal sa mukha niya ang aking mga mata. Siguro dahil natam
CHAPTER 36CINDY’s Point of View“Kailangan na nating ipahinga ang ating mga sarili. Matagal na rin tayong nag-aaway at pakiramdam ko, nahihrapan na tayong ayusin pa ito dahil hindi natin kayang magsimulang muli dahil alam nating pareho mali ang ating naging simula.""Kung ‘yan na ang desisyon mo, iyon na rin ang gusto ko," iyon na ang pinakahihintay kong gusto kong sabihin niya sa akin."Cindy, mahal na mahal kita. Pero ang ideyang mahal kita at mahal mo ako ang tanging pumipigil sa atin noon para magdesisyon na tapusin ito. Marami tayong mga issues na hindi natin nabibigyan ng solusyon at natatakot ako na isang araw ay tuluyang mawala ang pagmamahalan natin sa isa't isa at ang tanging nalalabi ay ang galit at pagkasuklam.""Sige. Kung iyan ang tingin mong tama. Hindi kita pipigilan."Dahil siya na rin lang ang nagdesisyon, alam kong hindi ako ang magsisisi. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay ako iyong magdedesisyon ng break-up at pagkaraan ng ilang araw ako rin yung babalik. Ilang beses k
CHAPTER 37CINDY’s Point of View Hindi si Daniel. Guwapo at mukhang maganda ang hubog ng katawan ng lalaki ngunit putol ang isang paa. Ngumiti ang naka-wheel chair. Nginitian ko rin siya. "Sa wakas nagkita din tayo Cindy," magiliw niyang bati sa akin. Nagtataka ako kung bakit kilala niya ako. Matipid na ngiti lang ang iginawad ko sa masaya niyang pagbati sa akin. "Si Ken nga pala Cindy, asawa ko," pagpapakilala ni Janine. Itinabi ni Janine ang wheelchair ni Ken sa isang upuan na nakaharap sa akin. Doon din siya tumabi sa upuang iyon. Kinuha ni Janine ang kamay ni Ken at pinisil-pisil iyon habang nakangiti sa akin. Noon ako napahiya sa aking sarili dahil ang babaeng pinagseselosan ko ay may mahal na palang iba. May asawa na. Kung nakinig lang sana ako kay Daniel. Narinig ko ang sinabi niya noon tungkol pa pagkakasakit ng asawa ni Janine ngunit hindi ako naniwala."Ngayon Cindy, sa tingin mo, mangangaliwa kami ni Daniel ka
UNFAITHFULLY YOURSCHAPTER 38Binuksan ko muli ang kanyang sulat. Kailangan kong tapusin kahit pa sadyang may kahabaan. Nawiwili rin naman ako kasi ibinabalik niya ang dalawang taon naming relasyon. Ibinabalik ako nang nakaraan at binubuksan niya ang aking kamalayan kung saan nga ba talaga ako nagkamali.Hindi ka talaga naubusan ng pakulo Cindy. Yung panglimang monthsary natin, kakaiba pa rin. Iyon kasi ang unang pagkakataong nakasakay ako sa eroplano. Hanggang ngayon parang maiiwan pa rin ang aking hininga sa tuwing naalala ko yung biglang pag-angat at pagbaba ng eroplano. Mabuti na lang magkahawak tayo ng kamay kaya naiibsan nito yung takot na nararamdaman ko. Aminin mo, sabay tayong napapapikit at pinipigilan ang paghinga. Pero sulit naman kasi nang nasa alapaap na tayo at nakita natin ang ulap na kulang na lang mahawakan natin. Ngunit bakit pa natin kailangan ang alapaap kung ikaw ay ako ay sapat na para maramdamang tayo ay nasa alapaap. Sa kagustuhan nating makain lahat ang Cebu
Chapter 39DANIEL’s Point of ViewMagkasunod ang naging kabiguan ko sa pag-ibig ngunit hindi ko hinayaang maapektuhan nito ang aking career. Nang nawala sa akin si Janine, hindi ko hinayaang masira ang buhay ko. Inaamin ko, nahirapan ako at naaktan. Ilang taon din akong nalungkot ngunit ginagamit ko ang sakit na iyon para lalong mapabuti ang estado ng aking buhay. Pumasa ako noon sa board exam at naging Certified Public Accountant. Hindi ako nakuntento at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Kumuha ako ng Law. Hindi kasi ako yung taong kapag nasaktan ay nanghihina o kaya wala ng ganang ipagpatuloy ang buhay. Hindi uso sa akin ang malugmok. Masasaktan ako, oo. Mahihirapang mag-focus ngunit positibo akong tao. Hindi ako humihinto. Tinatanggap ko ang lahat bilang isang malaking challenge. Ako yung taong mas lumalaban sa buhay sa tuwing sinasaktan at nabibigo sa pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Cindy. Mahal ko si Cindy, mahal na mahal ngunit iba ang paniniwal
FINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an
CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an
CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam
CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga
CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S
Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa
CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n
CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga
CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay