CHAPTER 37CINDY’s Point of View Hindi si Daniel. Guwapo at mukhang maganda ang hubog ng katawan ng lalaki ngunit putol ang isang paa. Ngumiti ang naka-wheel chair. Nginitian ko rin siya. "Sa wakas nagkita din tayo Cindy," magiliw niyang bati sa akin. Nagtataka ako kung bakit kilala niya ako. Matipid na ngiti lang ang iginawad ko sa masaya niyang pagbati sa akin. "Si Ken nga pala Cindy, asawa ko," pagpapakilala ni Janine. Itinabi ni Janine ang wheelchair ni Ken sa isang upuan na nakaharap sa akin. Doon din siya tumabi sa upuang iyon. Kinuha ni Janine ang kamay ni Ken at pinisil-pisil iyon habang nakangiti sa akin. Noon ako napahiya sa aking sarili dahil ang babaeng pinagseselosan ko ay may mahal na palang iba. May asawa na. Kung nakinig lang sana ako kay Daniel. Narinig ko ang sinabi niya noon tungkol pa pagkakasakit ng asawa ni Janine ngunit hindi ako naniwala."Ngayon Cindy, sa tingin mo, mangangaliwa kami ni Daniel ka
UNFAITHFULLY YOURSCHAPTER 38Binuksan ko muli ang kanyang sulat. Kailangan kong tapusin kahit pa sadyang may kahabaan. Nawiwili rin naman ako kasi ibinabalik niya ang dalawang taon naming relasyon. Ibinabalik ako nang nakaraan at binubuksan niya ang aking kamalayan kung saan nga ba talaga ako nagkamali.Hindi ka talaga naubusan ng pakulo Cindy. Yung panglimang monthsary natin, kakaiba pa rin. Iyon kasi ang unang pagkakataong nakasakay ako sa eroplano. Hanggang ngayon parang maiiwan pa rin ang aking hininga sa tuwing naalala ko yung biglang pag-angat at pagbaba ng eroplano. Mabuti na lang magkahawak tayo ng kamay kaya naiibsan nito yung takot na nararamdaman ko. Aminin mo, sabay tayong napapapikit at pinipigilan ang paghinga. Pero sulit naman kasi nang nasa alapaap na tayo at nakita natin ang ulap na kulang na lang mahawakan natin. Ngunit bakit pa natin kailangan ang alapaap kung ikaw ay ako ay sapat na para maramdamang tayo ay nasa alapaap. Sa kagustuhan nating makain lahat ang Cebu
Chapter 39DANIEL’s Point of ViewMagkasunod ang naging kabiguan ko sa pag-ibig ngunit hindi ko hinayaang maapektuhan nito ang aking career. Nang nawala sa akin si Janine, hindi ko hinayaang masira ang buhay ko. Inaamin ko, nahirapan ako at naaktan. Ilang taon din akong nalungkot ngunit ginagamit ko ang sakit na iyon para lalong mapabuti ang estado ng aking buhay. Pumasa ako noon sa board exam at naging Certified Public Accountant. Hindi ako nakuntento at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Kumuha ako ng Law. Hindi kasi ako yung taong kapag nasaktan ay nanghihina o kaya wala ng ganang ipagpatuloy ang buhay. Hindi uso sa akin ang malugmok. Masasaktan ako, oo. Mahihirapang mag-focus ngunit positibo akong tao. Hindi ako humihinto. Tinatanggap ko ang lahat bilang isang malaking challenge. Ako yung taong mas lumalaban sa buhay sa tuwing sinasaktan at nabibigo sa pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Cindy. Mahal ko si Cindy, mahal na mahal ngunit iba ang paniniwal
Chapter 40DANIEL’s Point of View Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nagpaalam para puntahan daw sina Janine at Ken ngunit alam kong hindi lang niya nagugustuhan ang kaniyang nasasaksihan. Kita ko sa kanyang mga mata ang sakit ng kanyang naabutan. "Tama lang ba itong ginagawa natin?" tanong ko kay Rizza nang naglalakad na si Cindy palayo sa amin. "We will just wait and see. Malalaman lang natin kung talagang mahal ka niya kung kaya ka pa niyang ipaglaban. Kulang pa ang mga nasaksihan niya kumpara sa mga sakit na pinadanas niya sa'yo kaya bigyan mo siya ng pantay na laban. Ngayon natin malalaman kung anong tunay na dahilan ng pagpunta niya rito." “Sinabi na niya kanina.”“Talaga? Anong sinabi niya sa’yo?”Huminga muna ako nang malalim. “Sabi niya, pumunta lang daw siya rito para humingi ng tawad at wala siyang balak makipagbalikan pa.” “Sinabi niya ‘yon?” Tumango ako. “K
CHAPTER 41DANIEL’s Point of View"Sa palagay mo ba, matatahimik ako ngayon? Sa palagay mo ba magiging ganoon pa rin kasimple sa akin ang lahat." Tanong ko nang hindi ko na makayanan ang namamayaning katahimikan lalo pa't napakarami kong hindi maintindihan sa pagpunta niya dito ngunit hindi naman niya ako ipinaglalaban. Nalilito ako kung bakit niya sinasabing mahal niya ako ngunit wala siyang ginagawa para bawiin ako. Bakit siya narito ngayon? Humingi ng tawad? Bakit niya sinasabing mahal niya ako at ipinaparamdam kung gaano siya nasasaktan samantalang ayaw naman niya akong bawiin? "Patawarin mo ako kung nakagulo ang pagpunta ko dito para humingi ng tawad sa iyo. Ngunit iyon lamang ang tanging alam ko para tuluyang mawala ang lahat ng mga dala-dala kong inaalala araw-araw. Wala akong balak na guluhin ka. Inaamin kong partly nasaktan akong nalamang may iba ka na ngunit maniwala ka, sa ngayon masaya ako at wala akong balak na bawiin kita sa kanya. Alam kong gusto mo akon
Chapter 42DANIEL’s Point of View “Bakit kailangan mong ibalik pa ‘to.” “To finally give you the freedom you deserve. Gusto kong maging masaya ka na at wala ka nang iisipin pang Cindy. Dahil abogado ka naman, pwede mong pabilisin ang annulment natin. I want you to be free and happy.” Huminga ako nang malalim. Tinignan ko ang iniaabot niya sa aking singsing. “Okey. If this is what you want and makes you happy.” Kinuha ko sa kanya ang singsing. “I hope na sa tama at dapat na tao mong ibibigay iyan. Doon na sa huling taong mamahalin mo.” “Thank you.” “No, Daniel. I should be the one thanking you kasi ipinadama mo sa akin ang tunay na pagmamahal. Mag-iingat ka lagi.” Tumalikod siya. Naiwan ako doong lumuluha. Naguguluhan. Saan ba hahantong ang aking buhay pag-ibig. Bakit parang mas lalong gumugulo na ngayong nagkita kami kays asana ayusin na muna namin ito. Kinab
CHAPTER 43DANIEL’s Point of View “Hello Kashmine, ano yung tungkol kay Papa?” kinakabahang tanong ko nang makontak ko siya."Nandito kasi siya ngayon sa hospital namin at nasa sa pangangalaga siya ni Bryan.”“Nasa hospital? May nangyari ba? Anong sakit niya?”“Huwag kang mag-alala ligtas na siya. Mabuti at mas maagang nadala sa hospital dahil kung hindi ay maaring hindi na nakayanan ng Papa mo ang kahinaan ng katawan.”“Sino ang anak ng Diyos na nagdala sa kanya diyan?”“Sandali ha. May gustong kakausap sa'yo. Sandali lang at pupuntahan ko siya sa reception. Saka pakiusap pala, ito ay isang pakiusap din ng taong nagdala sa Papa mo sa hospital, kailangan mo daw aminin na ikaw ang nagpasundo sa kaniya sa asawa niya.""Asawa niya? Sino ang tinutukoy mo, Dok?" "Ang bunso ninyo." "Si Vicky? Nandiyan si Vicky at may asawa na siya?" mabilis akong nagbilang sa isip ko kung ilang taon na ba si bunso. Napakabata pa niya para mag-asawa. Anong nang
CHAPTER 44DANIEL’s Point of View .“Ano itong pinag-uusapan dito. Siguradong ako na naman ang topic ninyo, ano?" "Sus, feeling mo naman artista ka at ikaw lagi ang pag-uusapan kuya," Si Vicky."Hindi nga pero pulitiko ako at kontrobersiyal ang buhay ko. Hindi ba? Ano naman ang binatbat sa akin kahit pa pagsama-samahin mo ang mga ginananapang dramang pelikula nina Christopher De Leon, Joel Torres, at Aga Muhlach sa pinagdaanan ko."“Ang tatanda ha? Napanghahalata ka kuya.”“E di Daniel, Enrique Gil at Alden na lang.” tumawa ako. "Kuya, paano mo nabuo uli itong pamilya natin?" tanong ni James. Umupo ako sa gitna ng dalawa kong kapatid. Huminga ako ng malalim. "Pakiramdam ko kasi, ako ang sumira kaya dapat lang na ako din ang aayos. Noong libing ni Mama at ayaw niyo akong palapitin, ipinangako ko sa kaniya na pagdating ng araw ay mabubuo ko ang pamilyang ito at magiging proud din kayo sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ang ma