Share

CHAPTER 38

UNFAITHFULLY YOURS

CHAPTER 38

Binuksan ko muli ang kanyang sulat. Kailangan kong tapusin kahit pa sadyang may kahabaan. Nawiwili rin naman ako kasi ibinabalik niya ang dalawang taon naming relasyon. Ibinabalik ako nang nakaraan at binubuksan niya ang aking kamalayan kung saan nga ba talaga ako nagkamali.

Hindi ka talaga naubusan ng pakulo Cindy. Yung panglimang monthsary natin, kakaiba pa rin. Iyon kasi ang unang pagkakataong nakasakay ako sa eroplano. Hanggang ngayon parang maiiwan pa rin ang aking hininga sa tuwing naalala ko yung biglang pag-angat at pagbaba ng eroplano. Mabuti na lang magkahawak tayo ng kamay kaya naiibsan nito yung takot na nararamdaman ko. Aminin mo, sabay tayong napapapikit at pinipigilan ang paghinga. Pero sulit naman kasi nang nasa alapaap na tayo at nakita natin ang ulap na kulang na lang mahawakan natin. Ngunit bakit pa natin kailangan ang alapaap kung ikaw ay ako ay sapat na para maramdamang tayo ay nasa alapaap. Sa kagustuhan nating makain lahat ang Cebu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status