UNFAITHFULLY YOURSCHAPTER 38Binuksan ko muli ang kanyang sulat. Kailangan kong tapusin kahit pa sadyang may kahabaan. Nawiwili rin naman ako kasi ibinabalik niya ang dalawang taon naming relasyon. Ibinabalik ako nang nakaraan at binubuksan niya ang aking kamalayan kung saan nga ba talaga ako nagkamali.Hindi ka talaga naubusan ng pakulo Cindy. Yung panglimang monthsary natin, kakaiba pa rin. Iyon kasi ang unang pagkakataong nakasakay ako sa eroplano. Hanggang ngayon parang maiiwan pa rin ang aking hininga sa tuwing naalala ko yung biglang pag-angat at pagbaba ng eroplano. Mabuti na lang magkahawak tayo ng kamay kaya naiibsan nito yung takot na nararamdaman ko. Aminin mo, sabay tayong napapapikit at pinipigilan ang paghinga. Pero sulit naman kasi nang nasa alapaap na tayo at nakita natin ang ulap na kulang na lang mahawakan natin. Ngunit bakit pa natin kailangan ang alapaap kung ikaw ay ako ay sapat na para maramdamang tayo ay nasa alapaap. Sa kagustuhan nating makain lahat ang Cebu
Chapter 39DANIEL’s Point of ViewMagkasunod ang naging kabiguan ko sa pag-ibig ngunit hindi ko hinayaang maapektuhan nito ang aking career. Nang nawala sa akin si Janine, hindi ko hinayaang masira ang buhay ko. Inaamin ko, nahirapan ako at naaktan. Ilang taon din akong nalungkot ngunit ginagamit ko ang sakit na iyon para lalong mapabuti ang estado ng aking buhay. Pumasa ako noon sa board exam at naging Certified Public Accountant. Hindi ako nakuntento at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Kumuha ako ng Law. Hindi kasi ako yung taong kapag nasaktan ay nanghihina o kaya wala ng ganang ipagpatuloy ang buhay. Hindi uso sa akin ang malugmok. Masasaktan ako, oo. Mahihirapang mag-focus ngunit positibo akong tao. Hindi ako humihinto. Tinatanggap ko ang lahat bilang isang malaking challenge. Ako yung taong mas lumalaban sa buhay sa tuwing sinasaktan at nabibigo sa pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Cindy. Mahal ko si Cindy, mahal na mahal ngunit iba ang paniniwal
Chapter 40DANIEL’s Point of View Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nagpaalam para puntahan daw sina Janine at Ken ngunit alam kong hindi lang niya nagugustuhan ang kaniyang nasasaksihan. Kita ko sa kanyang mga mata ang sakit ng kanyang naabutan. "Tama lang ba itong ginagawa natin?" tanong ko kay Rizza nang naglalakad na si Cindy palayo sa amin. "We will just wait and see. Malalaman lang natin kung talagang mahal ka niya kung kaya ka pa niyang ipaglaban. Kulang pa ang mga nasaksihan niya kumpara sa mga sakit na pinadanas niya sa'yo kaya bigyan mo siya ng pantay na laban. Ngayon natin malalaman kung anong tunay na dahilan ng pagpunta niya rito." “Sinabi na niya kanina.”“Talaga? Anong sinabi niya sa’yo?”Huminga muna ako nang malalim. “Sabi niya, pumunta lang daw siya rito para humingi ng tawad at wala siyang balak makipagbalikan pa.” “Sinabi niya ‘yon?” Tumango ako. “K
CHAPTER 41DANIEL’s Point of View"Sa palagay mo ba, matatahimik ako ngayon? Sa palagay mo ba magiging ganoon pa rin kasimple sa akin ang lahat." Tanong ko nang hindi ko na makayanan ang namamayaning katahimikan lalo pa't napakarami kong hindi maintindihan sa pagpunta niya dito ngunit hindi naman niya ako ipinaglalaban. Nalilito ako kung bakit niya sinasabing mahal niya ako ngunit wala siyang ginagawa para bawiin ako. Bakit siya narito ngayon? Humingi ng tawad? Bakit niya sinasabing mahal niya ako at ipinaparamdam kung gaano siya nasasaktan samantalang ayaw naman niya akong bawiin? "Patawarin mo ako kung nakagulo ang pagpunta ko dito para humingi ng tawad sa iyo. Ngunit iyon lamang ang tanging alam ko para tuluyang mawala ang lahat ng mga dala-dala kong inaalala araw-araw. Wala akong balak na guluhin ka. Inaamin kong partly nasaktan akong nalamang may iba ka na ngunit maniwala ka, sa ngayon masaya ako at wala akong balak na bawiin kita sa kanya. Alam kong gusto mo akon
Chapter 42DANIEL’s Point of View “Bakit kailangan mong ibalik pa ‘to.” “To finally give you the freedom you deserve. Gusto kong maging masaya ka na at wala ka nang iisipin pang Cindy. Dahil abogado ka naman, pwede mong pabilisin ang annulment natin. I want you to be free and happy.” Huminga ako nang malalim. Tinignan ko ang iniaabot niya sa aking singsing. “Okey. If this is what you want and makes you happy.” Kinuha ko sa kanya ang singsing. “I hope na sa tama at dapat na tao mong ibibigay iyan. Doon na sa huling taong mamahalin mo.” “Thank you.” “No, Daniel. I should be the one thanking you kasi ipinadama mo sa akin ang tunay na pagmamahal. Mag-iingat ka lagi.” Tumalikod siya. Naiwan ako doong lumuluha. Naguguluhan. Saan ba hahantong ang aking buhay pag-ibig. Bakit parang mas lalong gumugulo na ngayong nagkita kami kays asana ayusin na muna namin ito. Kinab
CHAPTER 43DANIEL’s Point of View “Hello Kashmine, ano yung tungkol kay Papa?” kinakabahang tanong ko nang makontak ko siya."Nandito kasi siya ngayon sa hospital namin at nasa sa pangangalaga siya ni Bryan.”“Nasa hospital? May nangyari ba? Anong sakit niya?”“Huwag kang mag-alala ligtas na siya. Mabuti at mas maagang nadala sa hospital dahil kung hindi ay maaring hindi na nakayanan ng Papa mo ang kahinaan ng katawan.”“Sino ang anak ng Diyos na nagdala sa kanya diyan?”“Sandali ha. May gustong kakausap sa'yo. Sandali lang at pupuntahan ko siya sa reception. Saka pakiusap pala, ito ay isang pakiusap din ng taong nagdala sa Papa mo sa hospital, kailangan mo daw aminin na ikaw ang nagpasundo sa kaniya sa asawa niya.""Asawa niya? Sino ang tinutukoy mo, Dok?" "Ang bunso ninyo." "Si Vicky? Nandiyan si Vicky at may asawa na siya?" mabilis akong nagbilang sa isip ko kung ilang taon na ba si bunso. Napakabata pa niya para mag-asawa. Anong nang
CHAPTER 44DANIEL’s Point of View .“Ano itong pinag-uusapan dito. Siguradong ako na naman ang topic ninyo, ano?" "Sus, feeling mo naman artista ka at ikaw lagi ang pag-uusapan kuya," Si Vicky."Hindi nga pero pulitiko ako at kontrobersiyal ang buhay ko. Hindi ba? Ano naman ang binatbat sa akin kahit pa pagsama-samahin mo ang mga ginananapang dramang pelikula nina Christopher De Leon, Joel Torres, at Aga Muhlach sa pinagdaanan ko."“Ang tatanda ha? Napanghahalata ka kuya.”“E di Daniel, Enrique Gil at Alden na lang.” tumawa ako. "Kuya, paano mo nabuo uli itong pamilya natin?" tanong ni James. Umupo ako sa gitna ng dalawa kong kapatid. Huminga ako ng malalim. "Pakiramdam ko kasi, ako ang sumira kaya dapat lang na ako din ang aayos. Noong libing ni Mama at ayaw niyo akong palapitin, ipinangako ko sa kaniya na pagdating ng araw ay mabubuo ko ang pamilyang ito at magiging proud din kayo sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ang ma
CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay
FINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an
CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an
CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam
CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga
CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S
Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa
CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n
CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga
CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay