CHAPTER 29Daniel’s Point of View“Daniel ang dapat mo palang tinatanong ay kung paano ka hindi ang paano tayo. Pero alam kong kung nakaya mong hindi magparamdam sa akin ng tatlong taon, kakayanin mo na ito ng habambuhay." Nasa boses niya ang katatagan. Nakita ko sa kanya ang babaeng nasaktan, bumangon mag-isa at lumaban. Ipinamumukha niya sa akin kung ano ang nawala sa akin dahil sa sarili ko lang ang aking pinakinggan."Naniwala akong kung talagang mahal mo ako, dapat sana naghintay ka kahit gaano pa iyon katagal.""Kung mahal mo ako, hindi mo ako dapat pinaghintay ng walang kasiguraduhan, hindi mo dapat ako iniwan ng walang pinanghahawakan.""Akala ko kasi kung tayo ang itinadhana, tayo parin hanggang sa huli.""Hindi ganoon iyon, Daniel. Ang pagmamahal ay hindi parang suwerte lang sa buhay na basta na lang kakatok at darating nang di inaasahan. Hindi parang isang butil ng santol o mangga sa gubat na kapag sumibol at nagkabuhay ay pwede na lang iwanan at balikan kung kailan ka nito
CHAPTER 30CINDY’s Point of ViewGusto ko lang makita ang mukha niya at kung hindi ko gusto ay sabihan ko na lang na matutulog na ako at tuluyan na lang siyang i-block nang hindi na niya ako kukulitin pa.In-accept na nga niya ako."Hi, Cindy here.""Hi. Kumusta po?" matipid niyang sagot."Pa-view nga?" paki-usap ko. Well, hindi ko na sasayangin ang oras ng isa’t isa. Kung poser siya, dispatsa agad. Kung ayaw niya sa akin, well and good, maraming isda sa dagat.“Saan?”“Video call.”“Video call agad?”Kumunot ang noo ko. Red flag. Mukhag ayaw magpakita.“Ayaw mo?”“Okey lang naman sana pero bakit agad-agad?”“Sige kung ayaw mo, goodnight.”Gusto ko kasing makita agad ang hitsura niya. Ayaw ko ng pasakalye pa tapos di ko naman pala rin gusto sa huli. Sayang lang ang oras. Sayang ang effort. Siguro ganoon talaga kung may hitsura ka. Kadalasan na hinahanap mo dapat ka-level mo rin lang. Hindi ko alam sa iba, ngunit ganoon akong tao. Kaya rin siguro ako madalas masaktan kasi gusto ko lama
CHAPTER 31CINDY’s Point of ViewTahimik lang siyang nakikinig sa akin. Para bang sinasabi ng kanyang mukha na magpatuloy lang ako sa aking pagkukuwento.“Natagpuan ko na lang na kinakausap ko ang puntod nina Mama at Papa.” Pagpapatuloy ko. “Sabi ko nga noon sa kanila na andaya-daya nilang iniwalan na akong mag-isa at di man lang sila gumawa ng kapatid ko na sana magiging kasangga ko sa tuwing tinatamaan ako ng problema. Inialay ko sa kanila ang aking diploma at nangako ako sa puntod nilang kahit mag-isa na lang ako sa buhay, lalaban ako. Aayusin ko at balang araw, may tao ding magmamahal sa akin at ituturing kong kasangga. Kung iniwan ako nina Papa, Mama at Lola, ang mamahalin kong tao ay hindi ako iiwan hanggang sa huli kong hininga.”“Naiyak naman ako sa’yo.” Pinunasan niya ang luha niya saka ako niyakap ng mahigpit na mahigpit. Iyong ang unang yakap na naramdaman ko sa ibang tao na nakinig sa kuwento ng buhay ko. Naghatid iyon ng kagaanan ng loob sa akin.“Shot mo na muna.” Pagpap
CHAPTER 32CINDY’s Point of View"Preferably and ideally, ang alam ko rin dati ganoon nga ang relasyon. Pero alam mo ang natutunan ko sa mga napagdaanan ko?”“Ano? Enlighten me?”“Mas maliit na expectation, mas maliit ang tsansang masaktan. Dapat pala, matuto tayong maging masaya habang magkasama ngunit huwag ding masanay na magiging ganoon habang-buhay. Sana natututunang isipin na siya ang katuwang kapag nasa tabi natin siya ngunit buksan ang isipan na hindi pala natin pag-aari ang isa't isa. Dapat pala binibigyan natin ng kalayaan ang isa't isa dahil maaring darating ang panahong na ariin din siya ng iba. Wala tayong kapangyarihan na angkinin at ariin ang isang tao. Kasal man kayo o hindi. May choice siya laging lumayo kung gusto niya at manatili kung mahal ka talaga niya."“So what now? Why are you telling me all these?”“Have you heard about open relationship?” tanong ko. “I never tried pero baka lang mag-work.”"Wait, are you proposing for an open relationship?""Puwede ba?" ta
CHAPTER 33CINDY’s Point of ViewGinugol namin ang pangalawang monthsary naming sa Tagaytay. Nag staycation kami doon ng dalawang araw. Pinagsaluhan namin ang malamig na panahon. Hindi ko nga mabilang kung naka-ilang beses kami noon. Kung tunay mo nga talagang mahal ang partner mo, kahit paulit-ulit at kahit saan niya gagawin ang love making nagiging espesyal ito. Kahit anong posisyon at kahit anong oras pa, magical ang dating. Mapapamura ka sa sobrag sarap, mapapatalsik ang likido ng pagmamahal. “Gusto kong gawin ito kasama habang-buhay,” bulong ko sa kanya isang umaga habang nakayakap ako mula sa kanyang likod. Sumisilip na noon ang haring araw. Nakatanaw kaming pareho sa dalisay at payapang taal lake at volcano. Hawak niya ang isang tasang kape. Ibinigay niya sa akin ang mainit-init na kape at humigop ako. “Hindi ako mapapagod na mahalin ka. Ikaw man ang pangalawa ngunit gusto kong mahigitan iyon kasi ngayon, handa ko nang ibigay ang lahat sa akin. B
CHAPTER 34CINDY’s Point of ViewMadaling isipin. Ngunit ano nga kaya ang mararamdaman ko kung siya na mismo ang nakikita kong humahalik na siya at rumoromansa ng ibang babae? Paano kung magiging actual na ang larong sinimulan ko?Tulad ng inaasahan, nagsimula ang laro naming dalawa. Nawili ako ng husto sa paniniwala kong saktan niya ako ng minsan at sasaktan ko siya ng dalawang beses. Mag-booking siya ng isa at siguradong dodoblehin ko ang bilang ng booking niya. Nag-eenjoy ako kasi napagbibigyan ko ang kati ko. Nagagawa ng katawan kong pagbigyan ang kondisyon ko sa utak. Lantarang laro ang ginagawa ko. Yun bang dapat maabutan niya o makitang may ginagawa ako. Ngunit iba ang pinanlaban niya sa akin. Mas masakit. Dahil iisa ang nakikita kong kasama niya. Iisa ang naabutan kong kausap niya sa mismong bahay. Hindi ko man nakita ang ginawa nila ay sapat na yung maabutan kong sila lang dalawa sa bahay pag-uwi ko. Tinanggihan na niya ang paghahatid at pagsusundo ko sa kanya. Mas mainam na
CHAPTER 35CINDY’s Point of ViewSa dinami-dami ng lalaking nakatalik ko. May namumukod tangi na siyang nagbibigay ng aking fantasy sa sex. Yung kaya niyang ibigay kong satisfaction na hinahanap ko. Si Jonas ang una kong nakalaro. Mas maliit kay Dainiel ngunit matipuno ang katawan. Maputi sa moreno ang kutis at may hawig siya kay John Prats. Madalas ko siyang nakikita kasi iisa ang building namin at isang Call Center agent. Halos lagi kaming nagkakasabay sa elevator at laging takaw-sulyap siya sa akin. Alam kong may iba siyang gusto dahil madalas kong nahuhuling nakatingin siya sa akin. Matindi siya kung makipagtitigan. At isang madaling araw noon ang schedule ko nang nakasabayan ko din siyang pauwi na rin."Kumusta." ngiti niya sa akin. Alam kong nilakasan lang niya ang loob niya para tuluyang mabuwal ang pader sa pagitan naming dalawa."Okey lang," matipid kong sagot. Nakangiti. Nagpakita ako ng pagka-interes. Hindi ko tinatanggal sa mukha niya ang aking mga mata. Siguro dahil natam
CHAPTER 36CINDY’s Point of View“Kailangan na nating ipahinga ang ating mga sarili. Matagal na rin tayong nag-aaway at pakiramdam ko, nahihrapan na tayong ayusin pa ito dahil hindi natin kayang magsimulang muli dahil alam nating pareho mali ang ating naging simula.""Kung ‘yan na ang desisyon mo, iyon na rin ang gusto ko," iyon na ang pinakahihintay kong gusto kong sabihin niya sa akin."Cindy, mahal na mahal kita. Pero ang ideyang mahal kita at mahal mo ako ang tanging pumipigil sa atin noon para magdesisyon na tapusin ito. Marami tayong mga issues na hindi natin nabibigyan ng solusyon at natatakot ako na isang araw ay tuluyang mawala ang pagmamahalan natin sa isa't isa at ang tanging nalalabi ay ang galit at pagkasuklam.""Sige. Kung iyan ang tingin mong tama. Hindi kita pipigilan."Dahil siya na rin lang ang nagdesisyon, alam kong hindi ako ang magsisisi. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay ako iyong magdedesisyon ng break-up at pagkaraan ng ilang araw ako rin yung babalik. Ilang beses k