Share

CHAPTER 29

CHAPTER 29

Daniel’s Point of View

“Daniel ang dapat mo palang tinatanong ay kung paano ka hindi ang paano tayo. Pero alam kong kung nakaya mong hindi magparamdam sa akin ng tatlong taon, kakayanin mo na ito ng habambuhay." Nasa boses niya ang katatagan. Nakita ko sa kanya ang babaeng nasaktan, bumangon mag-isa at lumaban. Ipinamumukha niya sa akin kung ano ang nawala sa akin dahil sa sarili ko lang ang aking pinakinggan.

"Naniwala akong kung talagang mahal mo ako, dapat sana naghintay ka kahit gaano pa iyon katagal."

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako dapat pinaghintay ng walang kasiguraduhan, hindi mo dapat ako iniwan ng walang pinanghahawakan."

"Akala ko kasi kung tayo ang itinadhana, tayo parin hanggang sa huli."

"Hindi ganoon iyon, Daniel. Ang pagmamahal ay hindi parang suwerte lang sa buhay na basta na lang kakatok at darating nang di inaasahan. Hindi parang isang butil ng santol o mangga sa gubat na kapag sumibol at nagkabuhay ay pwede na lang iwanan at balikan kung kailan ka nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status