Share

CHAPTER 18

Chapter 18

Daniel’s Point of View

“Ate, bigyan mo nga kaming dalawang spaghetti at dalawang softdrink.” Agad nyang bilin sa tindera ng aming school canteen. Iniabot sa akin ng tindera ang binili ni sir. Ako ang nagdala ng tray hanggang sa mesang napili niyang uupuan namin. Sa dulo at sa sulok iyon malayo sa mga iba pang kumakain.

“Bakit kailangan mo akong eskandaluhin?”

“Sorry sir. Iyon lang ang paraan ko para kausapin ninyo ako.”

“Ang ipamahamak ang trabaho ko sa akusasyon mo?” huminga ito ng malalim na para bang gusto niyang mawala yung rubdob ng nararamdaman niyang galit sa akin. “Sige na, ano ang tungkol kay Janine na gusto mong pag-usapan? Sabihin mo sa akin at hindi yung nagsisigaw ka pa na parang hindi mo teacher ang kausap mo.”

“Sorry talaga sir. These past few days kasi, lagi ko kayong nakikita na magkasama.”

“At? Ano naman sa’yo kung lagi kaming magkasama ng ex mo.”

“Alam talaga ninyong ex ko siya.”

“Alam ng buong campus anak. Kung hindi pa nga kayo naghiwalay, baka mapataw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status