Chapter 17Daniel’s Point of ViewHindi na naging madali ang mga sumunod na araw. Napakahirap matulog sa gabi at napakahirap bumangon sa higaan lalo pa’t alam kong masasaktan ako kapag makita ko si Janine. Yung nandiyan lang siya, nakakatabi minsan, nakikita, naririnig at naaamoy ngunit wala nang kami. Hindi ko na siya makakausap at mahahawakan man lang. Hanggang tingin na lang rin ako. Ngunit ako ang may gusto ng lahat ng ito. Paano ko ba mapapanindigan sa habang panahon. Paano ko kakayanin ang bawat araw na dadaan?Ang masakit, nakikita ko siyang masaya kasama ng teacher namin na alam kong nanliligaw sa kanya. Teacher namin sa Filipino na inaway lang niya noong nakaraan pero ito na ang nakikita kong lagi niyang kasamang magmiryenda, kausap sa hallway, hinihintay at kasamang umuwi. Kung anuman ang meron sila, kung pinapaselos man nila ako, nagwawagi siya. Nasasaktan ako.Kahit sa facebook, Instagram o messenger wala. Tuluyan na niya akong tinaggal sa kanyang sistema. May mga araw na
Chapter 18Daniel’s Point of View“Ate, bigyan mo nga kaming dalawang spaghetti at dalawang softdrink.” Agad nyang bilin sa tindera ng aming school canteen. Iniabot sa akin ng tindera ang binili ni sir. Ako ang nagdala ng tray hanggang sa mesang napili niyang uupuan namin. Sa dulo at sa sulok iyon malayo sa mga iba pang kumakain.“Bakit kailangan mo akong eskandaluhin?”“Sorry sir. Iyon lang ang paraan ko para kausapin ninyo ako.”“Ang ipamahamak ang trabaho ko sa akusasyon mo?” huminga ito ng malalim na para bang gusto niyang mawala yung rubdob ng nararamdaman niyang galit sa akin. “Sige na, ano ang tungkol kay Janine na gusto mong pag-usapan? Sabihin mo sa akin at hindi yung nagsisigaw ka pa na parang hindi mo teacher ang kausap mo.”“Sorry talaga sir. These past few days kasi, lagi ko kayong nakikita na magkasama.”“At? Ano naman sa’yo kung lagi kaming magkasama ng ex mo.”“Alam talaga ninyong ex ko siya.”“Alam ng buong campus anak. Kung hindi pa nga kayo naghiwalay, baka mapataw
Chapter 19Daniel’s Point of View “Napapatawad mo na ba ako?” nanginginig ang boses kong tanong. “Napapatawad naman na talaga kita e. Kahit nong isang araw pa na kinausap mo ako. Siguro more on takot. Takot ako na saktan mo uli? Takot na tanggapin ka ng ganoon lang kabilis kasi hindi mo naman ako pinaghirapang makuha katulad dati? Takot na mahalin ka saka mo ako biglang isuko?” “Hindi na mangyayari iyon. Pangako.” “Anong pinagkaiba ng pangako mo ngayon sa pangako mo noon sa akin? Narinig ko na kasi iyan eh. Paulit-ulit lang tayo kung pagbibigyan kita ngayon ta’s kapag may dumating na problema ay matatakot ka na naman at ako na naman ang bibitiwan mo imbes na pag-uusapan natin at pagtutulungang resolbahin ang problema.” “I’ve learned my lesson. Noong una kasi hindi ko na napagdaanan yung sakit at hirap. Hindi ko noon alam ang kaibahan. Ngayon, alam ko na. Sobra palang sakit.” Namula ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ka
Chapter 20Daniel’s Point of View"Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo anak ha?" pakiusap sa akin ni Mama."Bakit gano'n sa akin si Papa, Ma?”“Kasi di ka sumusunod sa kanyang gusto. Alam mo naman yung mga ayaw niya, hindi ba? Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?”“Ma, eto na ho ang tubig.” Si James. Nakatingin sa akin. Wala na yung galit niya kanina nang kausap ko siya sa pagpapalayas niya sa mga kaibigan ko. Awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata.“Uminom ka na muna ng tubig.”Sinunod ko si Mama. Uminom ako saka ako muling humiga.“Ako na ang nagsos-sorry anak para kay Papa.”“Hindi ko siya naiintindihan ‘Ma. Wala naman akong ginagawang masama, ni hindi ko naman siya binibigyan ng kahit anong kahihiyan, di ba? Lalaki ako, wala naman siyang nakikita ng bahid kabaklaan sa pagkatao ko pero bakit parang takot na takot siyang magkaroon ng baklang anak. Hindi ako bakla ‘Ma, alam niyo iyon. Yung ibang ama nga, ayaw nilang manilawa na bakla ang anak nila pero bakit si Papa, kahit alam niyang h
Chapter 21Daniel’s Point of ViewNang tinatanggal niya ang uniform ko ay titig na titig siya sa aking mukha. Sa tuwing nagtatanggal siya ng butones ng polo ko ay lalong tumataas bumibilis ang tibok ng aking puso. Nakatingin ako sa kaniyang nakalabas niyang suso at ang maumbok na iyon na tinatago ng kanyang puting panty. Nang matanggal niya ang polo ko ay tinanggal niya ang belt ko at pinatayo. Nang tumayo na ako ay binaba niya ang pantalon kasama ng boxer short at brief ko. Wala siyang iniwan na puwedeng tumakip sa galit na galit kong kahindigan.Mabilis kong tinakpan iyon. Nahihiya ako sa kaniya lalo pa't titig na titig siya sa nakatigas kong ari. Hindi ako sanay na nakahubad sa harap ng iba. Tumalikod ako. Naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking batok hanggang sa likod ng aking tainga at ang isang kamay ay humawak sa aking kaselanan. Ramdam ko ang kanyang malambot na dibdib sa aking likod na lalong nagpa-igting sa aking pagnanasa."Sandali nakikiliti ako." natatawa kong pagpigil s
CHAPTER 22Pero nakita ko pa doon sa labas ng bahay ang motor niya. Ibig sabihin ay nasa loob lang siya ng bahay. Nakaupo si Mandy sa motor ni Janine. Kaharap niya si James. Nagkukuwentuhan habang umiinom sila ng softdrink. Hindi ko sana sila papansinin nang biglang nagsalita si James.“Anong ginagawa ng syota mo sa kusina, kuya?”“Nasa kusina ba siya?”“Pre, di ba malinaw naman ang sinabi ko, nasa kusina?” sinabi niya iyon kay Mandy. Nagtawanan pa sila na lalo kong ikinairita.“Maganda ang araw ko. Actually, araw-araw maganda, sumasama lang kapag nakikita ko kayong dalawa. Hindi talaga kayo masaya kung hindi ninyo ako binubuwisit ano? Gusto ninyo pag-untugin ko kayong dalawa? Yayabang ninyong sumagot ah?”“Ano ngang ginagawa niya rito? Iniiba mo ang usapan Kuya eh.”“Bakit hindi si Mama ang tanungin mo? Siya ang ang nagpatuloy sa kanya. Hindi naman ako ang nagyaya sa kanya na dito na maghapunan.”“Paano kung maabutan ‘yan ni Papa.”“E, di sabihin kong kaklase ko. Kasama sa term paper
CHAPTER 23Hindi. Hindi mangyayari ang kinatatakutan ko."Yeeyyy! Magbi-beer tayo?" nakangiti si Janine nang sinalubong ako. Tanging puting panty at bra na lang ang suot niya pagpasok ko sa kuwarto. Bahagya ko yung ikinabigla. Iniabot ko sa kaniya ang isang beer at ipinatong ko sa maliit kong mesa ang dala kong baso at pitsel ng tubig.Umupo ako sa kama. Binuksan namin ang hawak naming beer."Cheers baby!”“Cheers! Pinag-umpog namin ang aming mga hawak na lata ng beer.“Isang taon na tayo.”“Sinong magsasabi na aabot tayo ng isang taon, ‘di ba? Sa kabila ng mga pinagdaanan natin, ngayon mas mahal na natin ang isa’t isa.”“Oo nga. Sana magbilang pa tayo ng maraming dekada!" bati uli sa akin ni Janine.Pinag-umpog namin ang hawak naming beer saka sabay kaming tumungga. Pagkainom namin ay tumayo siya sa harapan ko at yumuko kasabay ng masuyo niyang paghalik sa aking labi. Ang pinaghalong amoy ng beer at mabango niyang hininga ang nagpadagdag ng kakaibang sensasyon ang tumupok sa aking ka
CHAPTER 24Bago ako bumaba sa hagdanan ay nilingon ko muna ang mga kapatid ko. Gusto kong magpaalam ng maayos sa kanila. Gusto ko silang mayakap dahil hindi ko alam kung kailan kami muling magkikita. Nakita ko ang awa at lungkot sa mukha ni James. Ang pag-iyak ni Vicky ay nakadagdag sa akin ng bigat ng loob para iwan ang mahal na mahal kong bunso namin. Ngunit kailangan ko nang umalis. Mabilis kong kinawayan sila at tinungo ko na ang hagdanan namin.Pababa na ako sa hagdanan noon nang biglang hinabol ako ni Papa. Hindi bumibitaw si Mama noon kay Papa dahil nga pilit niya itong pinipigilang saktan muli ako. Nang makita kong aambaan ako ng suntok ni Papa ay umilag ako. Sa lakas ng suntok na iyon kung hindi ako iilag ay maaring mawalan ako ng panimbang at mahuhulog ako sa hagdanan. Ngunit sana hinayaan ko na lang na mataaman ako at ako ang bumagsak. Nakita ko na lang kasi si Mama na nakayakap kay Papa ang siyang nawalan ng panimbang. Sinikap kong abutin ang kamay ni Mama ngunit dahil sa