Chapter 3
Kinagabihan habang abala akong gumawa ng aking module para sa mga subjects na ituturo ko ay biglang may nagtext.
"Kita tayo, Ma’am? Mark 'to."
“Magkita? Bakit?” reply ko.
“Bonding uli.”
“Busy ako.”
“Sige na, Ma’am. Walang magawa e. Saka Friday naman ngayon.”
"Ikaw walang magawa. Ako abala.”
“Kahit Saturday bukas busy ka pa rin?” Huminga ako nang malalim. Makulit nga ang isang ito ah.
“Saan ka ba? Busy kasi ako talaga ngayon."
"Sayang naman. Isang beer lang. Wala akong kasama.”
“Beer? Paano mo alam na umiinom rin ako.”
“Wala lang. Mukha kasing game ka e.”
“Pasensiya na. Busy e, may pasok bukas.”
“Sabado nga bukas, wala naman tayo pasok ah?”
“Kayo wala. Ako kasi may klase kahit Sabado.”
“Okey. Kung busy ka, puntahan na lang kita diyan sa inyo.”
“Huwag na.”
“Sa'n ka ba nakatira, Ma’am?” Pangungulit niya.
“May ginagawa nga ako,” pagdadahilan ko dahil mahigpit ngang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng karelasyong istudiyante sa pinagtuturuan ko.
“Diyan na lang tayo uminom ng beer kahit tig-isa lang."
"Huwag na nga muna. Di ba sinabi ko sa’yo, busy ako? Bakit baa ng kulit kulit mo?"
"Sige na nga. Next time."
“Okey.”
Ngunit dahil sa text na iyon ay ako na ang hindi mapakali. Parang nawala na ang concentration ko sa ginagawa ko. Mas lalo kasi ako na-excite na makasama siya sa bahay kaysa sa tapusin ang paggawa ko ng module. Kinuha ko ang cellphone ko.
“Pupuntahan mo ba talaga ako?” text ko.
Ilang minuto na hindi pa rin nag-reply. Panay na tuloy ang tingin ko sa aking cellphone. Nanghihinayang na di ko pa pinatos yung gusto niya. Kung kaya kong itago ang sa amin, baka naman mag-work ito. Subukan ko lang. Bahala na basta gusto ko si Mark at mukhang gusto rin naman niya ako.
“Saan ka na ba?” muling text ko nang 30 minutes na at wala pa rin siyang reply.
“Sure ka? Pupwede ako riyan?” reply niya nang nawalan na ako ng pag-asa at nakahiga na.
"Sige, puntahan mo ako rito sa bahay.”
“Saan ba ang address mo?”
“Dito sa may Cembo malapit sa may Guadalupe station. Kung nandoon ka na sa may Jollibee sa may tulay, sabihan mo ako at susunduin kita."
"Yown! Sige, Ma’am! Ayos!" sagot niya.
“Bahala na,” bulong ko sa aking sarili. “One time lang ‘to.”
Nang sinundo ko siya ay naka-short lang siya at nakasando ng itim at sumbrero ngunit napakalakas na ng tama niya sa akin. Bumagay sa maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan ang itim na sando. Napalunok ako.
Bumili muna kaming anim na beer sa malapit na store sa bahay.
Nang pumasok kami ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa bahay.
“Ang laki ng bahay ninyo, Ma’am ah. Ilang kwarto ‘to?”
“Tatlo. Tara doon tayo sa kuwarto ko. Madumi kasi at maalikabok dito sa sala. Walang naglilinis. Kuwarto ko lang ang nililinis ko.”
“Nasaan ang parents at mga kapatid mo, Ma’am, nandito ba sila?” tanong niya nang papasok na kami sa kuwarto ko.
“Andami mong tanong agad e, di pa tayo nagsisimulang mag-inom.”
“Sorry, antahimik kasi. Pwede ba akong mag-short lang?”
“Sige lang.”
Tanging boxer short na lang ang suot niya. Nakita ko ang mabalbon niyang hita. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan lalo nang tumambad sa akin ang bukol na iyon. Napalunok ako.
“Mag-isa ka lang ba talaga rito?”
"Oo, hindi lang mag-isa rito sa bahay. Mag isa na rin ako sa buhay."
"Talaga? Ulila ka? Walang kapatid?”
“Wala eh.”
“Hindi ba malungkot ang mag-isa niyan?"
"Malungkot pero sanayan na lang din siguro. Pero umaasa pa rin ako na may makakasama rin ako balang araw."
“Sige, iinom natin ang pagiging huling araw ng pagiging single mo sa buhay.” Binuksan niya ang beer. Ibinigay niya sa akin ang isa at sa kanya ang isa. “Cheers!”
“Cheers!” sagot ko.
Pinag-umpog namin ang aming mga bote at sabay kaming tumungga.
Lumalim ang gabi at ang tig-isang bote na beer na usapan namin ay dumami ng dumami. Nagtanggal na siya ng t-shirt. Nanlaki ang aking mga mata. Takam na takam ako sa maputi niyang katawan. Nanginginig ako sa pinkish niyang mga u***g. Napakasarap sigurong halikan ang kanyang dibdib at impis na tiyan. Ano kayang pakiramdam ang mahalikan siya lalo pa’t nakatatakam yung labi niyang laging basa at namumula. Hindi ko alam kung inaakit niya ako. Ngunit sa totoo lang, sumasabog na ako sa init. Lalo na’t panay ang himas niya sa kanyang dibdib at ang pagkambyo niya sa kanyang pag-aari. Hindi ako tanga pero lahat iyon ay isang pagpapatakam. Isang hudyat na gusto niyang may mangyari.
Hanggang sa pakiramdam ko ay lumakas ang loob kong magpalipad-hangin. Sa sandaling iyon, alam kong gustung-gusto ko na talaga siya.
"May naging karanasan ka na sa relasyon?" pasakalye ko. Napaka-lame ng tanong. Halatang may maitanong lang. Iniisip ko pa rin siyempre na babae pa rin ako.
"Wala pa, pero parag gusto kong subukan.”
“Weeh! Huwag mo nga akong niloloko. Sa edad mong ‘yan, hindi ka pa nakipagrelasyon?”
“Fling oo, meron pero yung seryosong relasyon, wala pa.”
“Talaga? Paano kung ako ang seseryosohin mo?” Landi lang iyon.
“Di ba sabi mo, bawal sa school.”
“Bawal, kung malalaman nila.”
“Pwede naman sana ako. Kayang-kaya ko naman itago ‘yon kung maging tayo kaso…”
“Kaso ano?”
“Kaso may ka-fling nga kasi ako ngayon e," seryosong sagot niya.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Oo nga naman. Bakit ko iisiping single ang katulad niyang guwapo na't malakas pa ang karisma.
"Kung wala ka bang ka-fling, puwede mo ba sana sa akin subukan?"
"Bakit hindi? Mabait ka naman, Ma’am e, saka malakas ang dating, maganda pa.”
“Ang lagay maghihintay ako hanggang wala ka nang sabit?”
“Ikaw?”
“Anong ako?”
“Ikaw, kung kaya mo?”
“Maghintay?”
“Oo.”
“Hindi siguro.”
“Bakit ka naman kasi maghihintay pa e, pwede naman nating subukan kahit may fling na ako. Fling lang iyon. Ikaw ang girlfriend ko.”
“Paano ‘yon? Baka mamaya, yung fling mo pa magpatanggal sa akin sa school.”
“Kung kaya natin ilihim sa school, kaya rin natin do’n sa fling ko. Ano? Papayag ka ba sa set-up na gano'n."
"Pwede naman. Kaso baka masasaktan lang ako."
"Lahat naman ng nagmamahal nasasaktan. Kahit nga hindi ka magmahal, masasaktan ka pa rin naman.”
“Natatakot lang siguro ako.”
“Ikaw? Kung ayaw mo, wala naman problemang maging tropa tayo, di ba, Ma’am? Kaso, sana mas higit pa ro'n. Kung pwede sana?" tanong niya sa akin at binasa niya ang kanyang labi.
"Pwede kung hiwalayan mo yung fling mo.”
“Sige. Gagawan ko ng paraan. Huwag lang biglaan ha? Habang hindi ko pa siya hinihiwalayan, hindi na muna niya dapat pang malaman. Gusto ko kasi, ako ang magsabi sa kanya. Ako ang hihiwalay na hindi niya alam na may bago na ako. Kapag lumabas tayo, parang magtropa lang muna tayo para di tayo mahuli sa school at sa fling ko."
"Pag-isipan ko muna," sagot ko.
“Sige lang, pag-isipan mo.”
“Hindi ba malalaman sa school kung sakali?”
“Bakit ko naman ipahihiya ang sarili ko?”
“Oo nga naman.”
"Magpatugtog nga tayo, Ma’am. Antahimik. Okey lang?" hindi siya humihingi ng permiso. Sinasabi lang niya iyon kasi mabilis niyang kinuha remote ng TV. Dahil sa tabi ko lang ang remote ay parang sinadya niyang ang kaniyang ari ay tuluyang maidampi sa aking tiyan. Nakatihaya kasi ako at nakasandal at siya naman ay dumapa para maabot ang remote na nasa tabi ko. Biglang nagising ang dati ko nang pananabik. At nang naglapat ang katawan niya sa aking katawan ay tuluyan na akong tinupok ng aking pagpipigil. Kaya bago siya bumalik sa kaniyang pagkakaupo ay pinigilan ko siya. Nagsalubong ang aming mga mata at lumapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. Naamoy ko ang amoy beer niyang hininga ngunit mas lalong nakadagdag iyon ng pagkalibog. Nang madampian ng labi ko ang malambot niyang labi ay bigla ko siyang itunulak sa dibdib. Naisip kong masyado yata akong bumigay. Ngunit huli na iyon. Kahit saglit lang ang pagkakadampi ng labi ko sa labi niya ay naikintal na sa aking isipan ang sarap ng aming unang halik.
"Ang bilis ah. Di ka pa nga nakakapagdesisyon kung tayo na, naka-score ka na agad ng halik."
Nangingiti kong biro sa kanya habang namimili siya ng kanta sa youtube sa aking Smart TV.
“Sarap mo palang humalik. Pwede isa pa?” Kinindatan niya ako.
Muli niya akong hinila at mabilis na nagtagpo ang aming mga labi. Sa pangawalang pagkakataon mas nagiging agresibo na siya. Parang puputok ang labi ko sa kanyang agresibong pagkagat-kagat. Hanggang sa bigla na lang niyang inilayo ang labi niya sa akin.
“Mamaya na lang uli,” bulong niya at mabilis na lumayo sa akin. Hinarap niya ang TV. Pumindot sa remote.
Ngunit hindi pa rin ako nakuntento. Sinubukan kong lumapit sa kaniya. Niyakap siya at naramdaman ko ang kakaibang init ng kaniyang katawan. Muli kong tinangkang ilapit ang aking labi sa kaniyang labi at hindi rin naman siya tumanggi. Hindi man siya lumalaban sa aking halik sa pangatlong pagkakataon ngunit alam kong nagpapaubaya siya. Nagsimulang lumikot ang aking mga kamay. Inapuhap ko ang matigas-tigas niyang dibdib hanggag sa may kalambutan niyang tiyan. Sumasabog na ako sa panggigil. Nang papasok na sa loob ng kaniyang boxer brief ang nanginginig kong kamay ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag. Nainis ako sa istorbo kasi papunta na kami do’n eh!
"Sandali lang ha.”
“Bakit?”
“Kailangan ko nang umalis.”
“Aalis ka pa? Dis-oras na ng gabi. Dito ka na lang matulog.”
“Next time na lang.”
“E, di gawin muna natin yung naudlot?”
“Ano ka ba, marami pang araw. Saka na natin gagawin ‘yon. Maghanda muna ako.”
“Maghanda? Saan?”
“Mabaho pa ‘yan,” ngumiti siya. “Saka may lalakarin pa kasi ako. Mag-aalas dose na rin pala."
“Yun na nga e. Hindi ba delikado?”
“Ihahatid mo naman ako sa kung saan mo ako sinundo kanina, di ba?”
“Oo naman pero, baka naman… Dito ka na lang please?”
“Hindi talaga pwede. Hayaan mo sa susunod, dito na ako madalas matulog.”
“Sure ‘yan ha?”
“Sure.”
Nabitin ako. Tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang sando at short. Sinilip niya ang mukha sa salamin at isinuot niya ang sumbrerong ipinatong niya sa aking kama. Nakita kong nag-text siya. Tumunog ang cellphone. Binasa niya ang text at muling nagreply.
"Kita na lang tayo bukas ano, Ma’am?"
"Huwag mo na akong tawaging, ma’am kung tayo lang.”
“Ah gusto mo na ba ng beyb? Beyb na lang kung tayo lang dalawa?"
"Beyb?”
“Oo, beyb?”
Natawa ako. “Bakit? Tayo na ba?”
“Oo, tayo na. Bakit? Ayaw mo ba?”
“Hindi naman, kaso akala ko ba pag-iisipan ko muna?" tanong ko.
"Hindi na. Sigurado na ako gusto mo rin ako. Huwag na nating patagalin pa. Gusto mo ako, gusto kita e, di ayos na ‘yon."
“Beyb?” Napapatawa pa rin ako sa tawagan namin.
"Sige beyb. Bukas na lang," nangingiti din niyang paalam. “Huwag mo na pala akong ihatid.”
“Bakit?”
“Sunduin na lang ako ng tropa ko diyan sa labasan.”
“Tropa? Tropa mo lang ba talaga yung susundo sa’yo?”
Tumango siya. “Oo, tropa ko lang ‘to kaya huwag na huwag kang magseselos ha?”
“Sabi mo e.”
“Tara na. Ihatid mo ako sa pintuan baka maligaw ako sa laki ng bahay mo.”
Hinatid ko siya sa pintuan.
"Huwag kang mag-alala huling lakad na ‘to. Ang tagal mo kasi sumagot kanina e, kaya nakapag-set ako ng ibang lakad kasama ng mga tropa ko.”
“Sige lang, naintindihan ko.”
“Yown, dapat kung tayo na. Lagi kang ganyan dapat para walang away ha?”
“Oo naman, basta behave ka lang.”
“Behave ako, promise.”
“Sige. Ingat ka ha?”
“Okey. Salamat. Saan ang halik ko?" nakangiti niyang biro sa akin.
Hinawakan ko ang baba niya at hinalikan ko siya ng smack sa labi.
"Gano'n lang?" tanong niya
"E, di sige, 'kaw na lang humalik sa akin.”
Napakamot siya.
Hindi lang smack ang ginawa niya. Isang mainit na halik hanggang sa tinulak ko muli siya sa dibdib.
"Tama na. Next time na ha? Ba-bye,” bulong ko.
Nang umalis siya ay lihim kong sinundan. Kita kong may sumundo nga sa kanyang isang babaeng parang may edad na. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba.
Chapter 4Nang pumasok na ako sa bahay ay hindi ako mapakali. Kailangan kong alamin kung ano nga ba ang totoo? Ano nga ba niya ang matronang ‘yon? Tropa ang sinabi niyang kasama niyang susundo sa kanya pero bakit hindi ganoon ang tingin ko.“Nakita kita. Sinundo ko ng isang parang matrona. Anong meron?” text ko sa kanya.Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mark. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya o ika-cancel ko. Ngunit nagtanong na ako, nangialam na kaya kailangan ko nang pangatawanan. Kailangan ko siyang sagutin para malaman kung anong totoo.“Hello beyb.”“Hello,” sagot ko sa kanya kasi mas nauna pa siyang nag-hello kaysa sa akin.“Ano yung text mo?”“Nabasa mo naman hindi ba? Tinatanong kita kung anong meron kayo niyag sumundo sa’yo?”“Sandali ha, ipakikiusap ko siya sa’yo.”“Sino ‘yan?” dinig kong tanong ng matronang kasama niya.“Girlfriend ko. Sabihin mo ngang tropa lang tayo. Mukhang nagseselos nang makita ka eh.”“Hello, kung sino ka man, huwag kang
Chapter 5Pinanood ko lang muna siyang nilalaro niya ang alaga niya habang nakatingin siya sa akin. Gusto ko ang ginagawa niyang inaakit ako. Gusto kong lalong tumaas yung level ng aking nararamdamang libog. Yung parang gugutumin niya ako sa pagkatakam. Lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang kanyang kamay na lumalaro sa kanyang alaga. Hinawakan ko ang nag-uumigting na iyon habang dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Maalab ang aming naging halikan. Nang una ay ako lang ang humahalik sa kanya ngunit nang naglaon ay inilalabas na din niya ang kanyang dila. Hanggang sa hinawakan na niya ang batok ko. Nilamutak niya ang malambot kong mga labi.“Ang sarap mo beuyb,” bulong niya sa akin habang nararamdaman ko ang marahan niyang paghimas sa aking malulusog na dibdib. Nilalapirot niya ng bahagya ang pinkish na korona ng aking dibdib kaya lalong nagpaigting iyon ng makamundo kong pagnanasa.“Dilaan mo ang utong ko,” bulong niya sa akin.Ginawa ko ang sinabi niya. Dahan-dah
Chapter 6Ang isa pang masakit ay yung makakasalubong ko siya sa school ngunit iiwas siya. Alam kong pinapasukan niya ang ibang klase niya ngunit hindi sa akin. Bakit? Dahil alam niyang kahit hindi siya papasok sa klase ko ay papasa naman siya sa akin at iyon ang hindi ko nagugustuhan. Binabale-wala na niya ako. Kaya nga nang minsang nakasalubong ko siya ay hinawakan ko agad ang braso niya at pilit kinausap dahil punum-puno na ako.“Bakit ka ba umiiwas?” galit kong tanong.“Anong umiiwas ang sinasabi mo?”“Hindi ka na pumapasok sa klase ko, bakit?”“Lasing ako kagabi. Ang aga kasi ng klase ko sa’yo. Di ko magawang magising ng maaga. Saka hindi mo naman ako ibabagsak hindi ba?”“Bakit? Dati naman nagagawa mong pasukan ang klase ko ah. Sa tingin mo hindi kita kayang ibagsak sa ginagawa mo?”“Ibabagsak mo ako? Weehh, talaga?”“Oo at huwag mo akong hinahamon. Kaya kitang ibagsak. Kayo kong mawala ka sa buhay ko kung ganyang lokohan at gamitin na lang pala ito!”“Sige kung gusto mo akong i
Chapter 7Sinipat ko ang hitsura ng kasama niyang bakla. Pangit. Bukod sa pangit, hindi rin bagay sa kanya ang magsuot pambabae dahil mukha siyang sanggano na dinamitan ng pambabae. Masagwa. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng pagseselos dahil alam ko namang pera-pera lang kung bakit kasama ni Mark ang bakla ngunit anong pinagkaiba namin? Pakiramdam ko, ginagamit din naman ako ni Mark ah, babae lang ako at maganda pero yung level ng panggagamit, pareho lang. Kaya ako nanginginig. Matindi kasi yung galit sa dibdib ko. Alam kong nadama niya iyon. Alam kong nakita niya na ako. Kaya pagkaupo ko sa mesa ng mga kaibigan ko ay bigla akong tumungga ng alak. Pagkatapos ng isa ay isa pa uli hanggang naging sunud-sunod ang aking pagtungga. Gusto kong malasing agad. Yung sana malunod na ako sa alak at mawala yung hapdi sa dibdib na aking nararamdaman. Gusto kong makita niya kung paano niya ako sinaktan sa kanyang ginagawa.Hanggang sa hindi na ito nakatiis pa. Lumapit siya na parang b
Chapter 8Ngunit hindi ko kayang ihataw sa kanya. Natatakot pa rin pala akong makapatay kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Naisip ko na hindi talaga niya ako seseryosohin kasi ginawa ko na ang lahat pero hindi niya sinabing pakakasal na kami o sa akin na siya tuluyang titira. Sinasabi lang niya ang mga sinabi niya sa akin noon kasi kinukuha niya ang aking tiwala ngunit hindi talaga niya gagawin. Hindi niya ako iibigin. Walang kasinsakit kapag ipinamukha sa iyong kasinungalingan lang pala ang sinasabing mahal ka. Lalo pa't tuluyan kang pinaniwala. Kinalimutan ko ang dating takot ko na niloloko lang niya ako. Nagpakatanga ako. Nagpakamanhid ngunit iba pa din talaga kung ipinapamukha na ang katotohanan.“Ano? Okey na? Gusto mo ba akong hampasin niyang hawak mo? Gusto mo akong patayin nang makulong ka?”Binitiwan ko ang dos por dos ngunit nakatitig ako sa kanya. Kung nakasusugat lang ang titig paniguradong duguan na siya.“Nasampal mo na rin naman ako. Amanos na ba?” itinulak niya ako. “A
Chapter 9Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon at sa ganoon niyang sitwasyon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin. Itinaas ko ang aking salamin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Nagulat lang ako sa biglaan naming pagkikita.Kinatok niya ako. Bakit nga ba ako iiwas? Bakit ako ang kailangang mahiya?“Mark,” Tumango lang ako. “Yung buo na lang, lagyan na lang sana ng straw kung meron?” magalang kong sabi.“Okey.” Matipid niyang sagot.Pinagmasdan ko siya habang kumukuha siya ng isang buong buko sa kariton niya. Wala na yung kapogian nito. Bungal na siya at sunog na ang kanyang balat. Sadyang napakabilis ng karma. Ang dating hinangaan kong kakisigan at kapogian niya ay pinanis na nang panahon at hirap ng buhay. May naulinigan akong iyak ng bata. Hinanap ko kung saan galing iyon. Nakita ko ang kasama niyang babae na noon ay may kargang sanggol bukod pa sa isang batang humihila sa blouse niya. Ang dating magandang girl friend niya, nga
Chapter 10Kung noon ay nagsasabi siyang maghahanap siya ng trabaho, nang mga sumunod na buwan ay hindi ko na siya naringgan pa tungkol doon. Hindi ko alam kung balak ba niya talaga magtrabaho o nasasarapan na siya sa buhay na ibinibigay ko. Sa akin, wala namang problema sa ganoon basta ba ibigay din niya sa akin ang kanyag pagmamahal, loyalty at ang hilig ng katawan kong tanging siya lamang ang nakapagbibigay. Sa ilang buwan naming pagsasama ay alam kong minahal ko siya. Malayo sa karanasan ko noon kay Mark. Kay Raymond, wala akong kahati, wala akong kinatatakutan na kasiping o kasama niya sa tuwing hindi kami magkasama. Naniwala ako noon na dumating na nga ang taong para sa akin. Hindi man siya nagtratrabaho, hindi ko man siya maipagmamalaki sa aking mga kaibigan dahil wala siyang career ngunit sapat na na masaya ako sa piling niya."Mako, pwede bang dito na lang kami mag-inuman ng mga tropa ko mamaya?" tanong niya sa akin bago ako pumasok sa trabaho. Siya ang namili ng tawagan nami
Chapter 11Daniel Point of ViewAko si Daniel. Lumaki ako sa isang masaya at kumpletong pamilya. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon lang ang agwat namin ng kapatid kong si James at anim na taon sa bunso naming si Vicky. Sundalo si Papa kaya palagi siyang wala sa bahay namin at si Mama ay isang kaya lagi lang siyang nasa bahay at dahil doon, siya lang ang kinalakhan naming kasa-kasama. Noong mga bata pa kami, mapagmahal sa amin si Papa. Sa tuwing dumadating siya kahit gabing-gabi na ay hindi niya nakakaligtaang puntahan kami sa aming mga kuwarto. Magigising na lang kami na may dala siyang pasalubong sa amin. Kaya naman, labis naming ikinatutuwa kung sasabihin ni Mama sa amin na uuwi si Papa. Hindi na kami no’n matutulog. Excited na kami sa pagdating ni Papa. Pinagpupustahan pa namin ni James kung ano kaya ang pasalubong sa aming pagkain at laruan. Iyon ang mga masasayang alaala ko sa aming kabataan. Sana kung alam ko lang na may magbago, nanatili na lang kaming ma