Chapter 11Daniel Point of ViewAko si Daniel. Lumaki ako sa isang masaya at kumpletong pamilya. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon lang ang agwat namin ng kapatid kong si James at anim na taon sa bunso naming si Vicky. Sundalo si Papa kaya palagi siyang wala sa bahay namin at si Mama ay isang kaya lagi lang siyang nasa bahay at dahil doon, siya lang ang kinalakhan naming kasa-kasama. Noong mga bata pa kami, mapagmahal sa amin si Papa. Sa tuwing dumadating siya kahit gabing-gabi na ay hindi niya nakakaligtaang puntahan kami sa aming mga kuwarto. Magigising na lang kami na may dala siyang pasalubong sa amin. Kaya naman, labis naming ikinatutuwa kung sasabihin ni Mama sa amin na uuwi si Papa. Hindi na kami no’n matutulog. Excited na kami sa pagdating ni Papa. Pinagpupustahan pa namin ni James kung ano kaya ang pasalubong sa aming pagkain at laruan. Iyon ang mga masasayang alaala ko sa aming kabataan. Sana kung alam ko lang na may magbago, nanatili na lang kaming ma
Chapter 12Daniel’s Point of ViewNang naglaon ilang araw bago ang graduation namin ay nalaman ko din ang buong pangalan niya at ilang mga detalye tungkol sa kanya. Kahit pa kaklase ko si Robi, hindi din naman kami close. Isa pa, ayaw ko din naman na pag-isipan ako kung bakit interesado ako sa buhay ng girlfriend niya. Umiiwas lang ako ng away. Ayaw ko lang magkagulo lalo pa’t siya naman din talaga ang nauna kay Janine.Nakilala ko lang si Janine ng lubos dahil sa slumbook na pinagpapasa-pasahang ipapirma ng mga babaeng kaklase ko. Dahil campus crush kaming dalawa, ako sa mga babae at bakla at siya sa mga lalaki, kaya kalimitan ay kami ang binibigyan ng pagkakataong mag-sign sa sangkatutak na slumbook. Ang iba ay humihingi pa ng ID picture o whole body picture na idikit nila sa tabi ng aming pangalan.Binasa ko ang mga nilagay niya sa slumbook.FULLNAME (optional): Janine CruzNICKNAME (optional): Janine lang din.ADDRESS (just the city!): Makati CityBIRTHDAY (optional): January 30
Chapter 13Daniel’s Point of View“Pero bakit umuwi ka?”“Hindi naman talaga ako umuwi no’n. Nagpalit lang ako sa CR.”“Talaga? Ibig sabihin ako talaga ang gusto mo?” sa wakas kahit nanginginig ako ay nadiretso ko nang nasabi ang gusto kong sabihin sa kanya.Tumango siya."Bakit ba ang ilap mo? Lagi kang umiiwas sa akin? Hindi ba ako ang tipo mong babae?”Huminga ako ng malalim. Hindi ko siya matignan sa kanyang mga mata ngunit sumagot ako ayon sa laman ng aking puso. “Nahihiya ako. Isa pa, kayo na ni Robi. Ayaw kong makagulo ng relasyon.”“Bakit? Pwede naman sana tayong maging magkaibigan hindi ba? Sobra yung ginagawa mong pag-iwas na parang may sakit akong nakakahawa. Alam mo bang naisip ko no’n na baka naiilang ka dahil kay Robi o maari ding nagkamali ako ng hinala na may gusto ka din sa akin. Pero alam ko, ramdam kong iba yung lagkit ng mga panakaw mong sulyap at titig sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ka lumalayo? Bakit kailangan mo akong laging iwasan e ako na itong
Chapter 14Daniel’s Point of ViewPagkatapos ng klase naming iyon at pumasok kami sa susunod naming subject ay parang nagugulat pa din ako. Naaasiwa? Siguro. Inspired? Pwede. Kilig? Sigurado. Hindi ko masalubong ang kanyang mga titig sa akin. Tuloy walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng mga instructor namin."Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin kapag tinitignan kita?" bulong niya sa akin sabay siko habang hinihintay namin ang instructor namin sa huling subject namin sa araw na iyon."Nahihiya ako."“Nahihiya ka pa rin kahit tayo na?”“Oo naman. Hindi naman agad matatanggal ‘yon saka para napakabilis lang kasi nang mga pangayayari.”“Paano mabilis? Gusto na natin ang isa’t isa First Year High School pa lang tayo ngayon lang naging formally na tayo kung kailan first year college na tayo. Marami nga diyang iba, nagka-text lang kahit hindi pa nagkikita sila na. Tayo pa kaya?”Tumango ako. May punto naman siya. Pero gusto ko sana maramdaman yung ako ang manligaw, ako ang magparamda
Chapter 15Daniel’s Point of ViewMahal ko si Janine. Ngunit ang pagmamahal na iyon at ang katigasan ng ulo ko ang naging dahilan pala ng pagkawasak ng aking pamilya. Naging mas masalimuot ang lahat sa buhay ko. Naging bahagi si Janine sa mga panahong halos hindi ko na kayanin ang biglang pagdating ng pagsubok na iyon. Kung gaano kabilis ang pagtatapat sa akin ni Janine ay ganoon din kabilis ang pagbulusok ang pagkawasak ng aking pamilya.Sa kagustuhan ni Papa na may magbabantay sa aming magkapatid at sabay na din kaming pumasok at umuwi, nag-transfer si James sa pinapasukan kong campus. Nasa highschool siya at ako naman sa college kaya alam kong madalas niya akong makita na kasama ko si Janine. Si Janine ay mahilig makipagkaibigan sag a bakla kaya bukod sa mga babae at lalaki ay may ilan din kaming mga baklang kaibigan. Tatlo kaming straight sa grupo at partner partner kaya nga lang karamihan sa mga kasama ko ay mga durog o kaya ay pinulbos nang paminta o sabihin na nating mga halata
Chapter 16Daniel’s Point of View Kinabukasan, first period namin, tumabi si Janine sa akin. Maluwang ang kanyang pagkakangiti. Masaya pa siyang bumati sa akin ng good morning ngunit pilit na ngiti lang ang isinukli ko. Lumipat ako ng ibang upuan. Kumunot ang kanyang noo. Pinili kong umupo sa gitna ng dalawang kaklase naming lalaki. Padating na ang instructor namin nang lumapit siya. Kinalabit niya si Noel na kaklase namin, “Lumipat ka na lang, pwede bang ako na lang ang umupo diyan? Sige na please?” “Nauna ako rito ah. Bakit mo ako aagawan ng upuan?” “Please?” nakikiusap na siya. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Balak ko sana mag-usap na lang kami pagkatapos ng aming klase. “Hindi pwede, nandiyan na si sir e. Saka andami namang bakanteng upuan, maghanap ka ng sa’yo.” “Yes Miss Cruz? Hihintayin ka ba naming hanggang makaupo ka?” Tinignan niya ako ng masama. H
Chapter 17Daniel’s Point of ViewHindi na naging madali ang mga sumunod na araw. Napakahirap matulog sa gabi at napakahirap bumangon sa higaan lalo pa’t alam kong masasaktan ako kapag makita ko si Janine. Yung nandiyan lang siya, nakakatabi minsan, nakikita, naririnig at naaamoy ngunit wala nang kami. Hindi ko na siya makakausap at mahahawakan man lang. Hanggang tingin na lang rin ako. Ngunit ako ang may gusto ng lahat ng ito. Paano ko ba mapapanindigan sa habang panahon. Paano ko kakayanin ang bawat araw na dadaan?Ang masakit, nakikita ko siyang masaya kasama ng teacher namin na alam kong nanliligaw sa kanya. Teacher namin sa Filipino na inaway lang niya noong nakaraan pero ito na ang nakikita kong lagi niyang kasamang magmiryenda, kausap sa hallway, hinihintay at kasamang umuwi. Kung anuman ang meron sila, kung pinapaselos man nila ako, nagwawagi siya. Nasasaktan ako.Kahit sa facebook, Instagram o messenger wala. Tuluyan na niya akong tinaggal sa kanyang sistema. May mga araw na
Chapter 18Daniel’s Point of View“Ate, bigyan mo nga kaming dalawang spaghetti at dalawang softdrink.” Agad nyang bilin sa tindera ng aming school canteen. Iniabot sa akin ng tindera ang binili ni sir. Ako ang nagdala ng tray hanggang sa mesang napili niyang uupuan namin. Sa dulo at sa sulok iyon malayo sa mga iba pang kumakain.“Bakit kailangan mo akong eskandaluhin?”“Sorry sir. Iyon lang ang paraan ko para kausapin ninyo ako.”“Ang ipamahamak ang trabaho ko sa akusasyon mo?” huminga ito ng malalim na para bang gusto niyang mawala yung rubdob ng nararamdaman niyang galit sa akin. “Sige na, ano ang tungkol kay Janine na gusto mong pag-usapan? Sabihin mo sa akin at hindi yung nagsisigaw ka pa na parang hindi mo teacher ang kausap mo.”“Sorry talaga sir. These past few days kasi, lagi ko kayong nakikita na magkasama.”“At? Ano naman sa’yo kung lagi kaming magkasama ng ex mo.”“Alam talaga ninyong ex ko siya.”“Alam ng buong campus anak. Kung hindi pa nga kayo naghiwalay, baka mapataw
FINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an
CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an
CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam
CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga
CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S
Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa
CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n
CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga
CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay