Share

CHAPTER 9

Chapter 9

Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon at sa ganoon niyang sitwasyon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin. Itinaas ko ang aking salamin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Nagulat lang ako sa biglaan naming pagkikita.

Kinatok niya ako. Bakit nga ba ako iiwas? Bakit ako ang kailangang mahiya?

“Mark,” Tumango lang ako. “Yung buo na lang, lagyan na lang sana ng straw kung meron?” magalang kong sabi.

“Okey.” Matipid niyang sagot.

Pinagmasdan ko siya habang kumukuha siya ng isang buong buko sa kariton niya. Wala na yung kapogian nito. Bungal na siya at sunog na ang kanyang balat. Sadyang napakabilis ng karma. Ang dating hinangaan kong kakisigan at kapogian niya ay pinanis na nang panahon at hirap ng buhay. May naulinigan akong iyak ng bata. Hinanap ko kung saan galing iyon. Nakita ko ang kasama niyang babae na noon ay may kargang sanggol bukod pa sa isang batang humihila sa blouse niya. Ang dating magandang girl friend niya, nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status