Chapter 4
Nang pumasok na ako sa bahay ay hindi ako mapakali. Kailangan kong alamin kung ano nga ba ang totoo? Ano nga ba niya ang matronang ‘yon? Tropa ang sinabi niyang kasama niyang susundo sa kanya pero bakit hindi ganoon ang tingin ko.
“Nakita kita. Sinundo ko ng isang parang matrona. Anong meron?” text ko sa kanya.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mark. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya o ika-cancel ko. Ngunit nagtanong na ako, nangialam na kaya kailangan ko nang pangatawanan. Kailangan ko siyang sagutin para malaman kung anong totoo.
“Hello beyb.”
“Hello,” sagot ko sa kanya kasi mas nauna pa siyang nag-hello kaysa sa akin.
“Ano yung text mo?”
“Nabasa mo naman hindi ba? Tinatanong kita kung anong meron kayo niyag sumundo sa’yo?”
“Sandali ha, ipakikiusap ko siya sa’yo.”
“Sino ‘yan?” dinig kong tanong ng matronang kasama niya.
“Girlfriend ko. Sabihin mo ngang tropa lang tayo. Mukhang nagseselos nang makita ka eh.”
“Hello, kung sino ka man, huwag kang mag-alala, Tropa ko lang ang boyfriend mo, okey?”
Minabuti kong huwag na lang din sagutin ang akala ko matron pero boses lalaki. Ibig sabihin. Bakla.
“Ano, naniniwala ka na?”
“Akala ko babae, Bakla ba siya?”
“Oo, teacher ko ‘to noon. Pupunta lang kami sa iba ko pang mga kaklase kasi nga late na maglabasan sila. Kaya gabi na itong lakad namin.”
“Sorry.” paghingi ko ng tawad kahit ramdam kong may mali.
“Beyb, sana kung gusto mo magtagal tayo, tanggalin mo ang pagkapraning. Walang magandang maidudulot ‘yan sa atin.”
“Okey. Sorry po.”
“Okey na ‘yon basta huwag mo na akong pag-isipan ng masama. Hindi naman dapat talaga ako sasama kay sir kung maaga ka lang kanina nag-message. Ayaw ko sana sumama sa out of town namin kasama ng iba pang asungot kong college friends kaso sabi mo kasi kanina busy ka kaya nakapag-commmit na ako.”
“Sige, ingat ka po. Sorry uli.”
“Tulog ka na at may pasok ka pa bukas. Bye.”
Dahil sa kagustuhan kong makaramdam ng pagmamahal at maranasan ang pagkakaroon ng karelasyon, tinanggap ko ang katotohanang kabit lang ako. Araw ng Linggo ay pumunta siya sa akin. Tinupad niya ang pangako niyang pupuntahan niya ako. Niyakap niya ako at hinalikan ako sa labi. Naamoy ko ang amoy alak niyang hininga.
“Lasing ka?”
“Kagabi, nagkayayaan e.”
“Kaya pala wala kang text sa akin magdamag kahit nag-goodnight ako.”
“Huwag mong ugaliin ang mag-text ng mga gano’n. Mabubuking tayo niyan ng girlfriend ko e.”
“Girlfriend? Akala ko ba fling mo lang iyon at ako ang girlfriend mo?”
“Fling nga. Ganoon na rin ‘yon.”
“Ano ba ‘to? Magiging ganito ba tayo?”
“Di ba okey naman sa’yo? Basta itago na muna natin. Ngayon kung kaya mo na akong panindigan sa lahat, kahit sa school, hiwalayan ko ang fling ko.”
“Hindi lang naman iyon tungkol sa fling mo. Tungkol ito sa sinasabi mo kanina sa akin na huwag kita i-text kung kasama moa ng fling mo, paano kung gusto kitang kausapin? Maghihintay lang ako?”
“Pupuntahan naman kita e. nagkikita naman tayo araw-araw sa school. Kasabay sa pagmimiryenda sa school canteen. Hindi na kailangan pang mag-texsan o kaya magtawagan lagi. Yung sinasabi kong fling ko, sa kanya ako ngayon nakatira. Siya ang bumubuhay sa akin.”
“Ano? Hindi ‘yon fling kung ganoon. Live-in partner kasi ho ang tawag doon.”
“Ah basta, fling pa rin ang turing ko sa kanya. Unless gusto mo, dito na lang ako? Kapag malaman ng school na dito rin ako umuuwi sa’yo bahala ka na lang magpaliwanag.”
“Teka. Huwag muna.”
“See? Ikaw itong mahamon pero ikaw itong maraming kinatatakutan. Kaya hayaan mo na lang ako. Ayaw mo bang ganito na lang muna tayo?”
Huminga ako ng malalim. “Wala naman palang silbi na may number ako sa’yo kung ganoon. Kayo ang magkasama sa bahay. Hindi ko alam kung paano kita kokontakin. Walang silbi ang cellphone.”
“Bakit naman wala? Ako ang tatawag sa’yo. Ako ang unang mag-tetext. Kapag may tawag o may text ako, ibig sabihin, safe. Di ba ikaw din naman nag-iingat sa school? Gano’n din ako sa fling ko na tinutuluyan ko ngayon. Tiga Pampanga pa ako. Dito lang nag-aaral. Medyo kailangan kong magtipid. Sana give and take lang tayo lalo’t siya ang nauna. Kailangan ko munang diskartehan kung paano ko siya mahihiwalayan. Mas mahal kasi kita. Nauna ko lang siyang nakilala. Pangako, ikaw pa rin sa huli.”
“Pambobola ba ‘yan?”
“Hindi ah? Nagsasabi akong totoo.”
“Sige, wala naman akong magagawa hindi ba?”
“Good.” Hinila niya ako at niyakap. Humalik siya sa aking leeg. “Marunong ka bang magluto?”
“Marunong naman, bakit?”
“Gusto kong sabaw. Ipagluto mo naman akong tinola na maraming luya.” Lambing niya sa akin. “Medyo masama yata ang pasok ng alak sa akin.”
“Sige. Ipagluluto kita.”
“Yown. Paano, do’n muna ako sa kwarto mo ha? Itulog ko lang ‘tong hang-over ko kasi masakit pa talaga ang ulo ko.”
“Sige, gigisingin na lang kita mamaya o gusto mo dadalhin ko na lang sa kwarto ang pagkain mo?”
“Sige, do’n na lang sa kwarto mo.”
“Okey. Pahinga ka na muna.”
“Salamat beyb ko.” muli niya akong niyakap at hinalikan sa labi.
Habang nagluluto ako ay ramdam ko yung saya. Ganito pala ang pakiramdam na may ipinagluluto, may pinagsisilbihan at may nasasabing mahal sa buhay. Dahil sa pagdating ni Mark, may nakakausap ako, may kasamang kumain at may kayakap sa pagtulog. Dahil matagal akong nag-isa, parang naging sabik ako na may nakakausap ako sa bahay. May nagpaparamdam ng pagmamahal sa akin.
Nang ipinasok ko ang tray ng kakainin niya ay pinagmasdan ko siyang himbing na himbing sa pagtulog. Nakasuot lang ito ng hapit na bozer brief. Litaw ang halos nakalabas na ulo ng kanyang alaga. Napalunok ako. Para siyang anghel na bumagsak sa langit. Napakaamo ng kanyang guwapong mukha. Napakakinis ng maputi niyang katawan. Naramdaman kong bahagyang nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan.
“Beyb, gising na. Luto nang pagkain mo.” Tinapik ko ang kanyang malambot ang mamula-mulang pisngi.
Dumilat siya. Ngumiti. “Wow, naamoy ko agad ah! Bango ng tinola mo, babe.” Uminat siya saka humikab.
“Kain ka na.” inilapag ko sa maliit na mesa sa kwarto ang dala kong pagkain.
Uminat siyang nuli. Nakita ko ang may kalaguan niyang pubic hair. Nakaragdag iyon ng init sa aking katawan lalo na nang makita ko ang may kalakihang bumabakat na iyon sa kanyang boxer brief. Tumayo siya at umupo sa maliit na mesa. Kumuha ng kanin at humigop muna ng sabaw ng tinola.
“Panalo ah. Sarap.” Muli siyang humigop. “Kain na tayo beyb, sabayan mo ako.”
“Ikaw na lang muna. Busog pa ako e.”
“Ah kumain ka na?”
“Oo eh. Sandali ha, kuha lang akong tubig.”
“Gusto kong softdrinks, yung malamig na malamig ha. Yung nagye-yelo”
“Naku, wala akong stock ng softdrink sa ref. Juice lang.”
“Tsk! Ano ba ‘yan. Gusto ko ngang softdrinks na malamig na malamig.”
“Sige, labas na lang ako diyan sa store sa labas. Bibili na lang ako.”
“Yown! Mahal na mahal mo talaga ako beyb. Bilisan mo ha? Hintayin ko.”
“Okey po.”
Dahil first time kong magka-boyfriend gusto ko perfect ang lahat. Okey lang kung nagmumukha akong alila. Okey lang din na gawin ko ang lahat para sa kanya. Masaya kasi ako sa ginagawa ko. Hindi ako mapapagod na pagsilbihan ang taong mahal ko. Ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal, mag-work lang ito. Umaasa kasi ako na kung makita ni Mark na mahal na mahal ko siya at handa kong gawin ang lahat sa kanya, baka iiwan niya ang kinakasama niya at ako ang pipiliin niya. Maling umasa ngunit kung nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat maagaw at masolo mo lang ang pinakamamahal mo.
“Sa wakas nakakain din ng lutong bahay. Grabe yung busog ko eh.”
“Yung fling mo ba hindi nagluluto?”
“Wala. Prito-prito lang alam no’n kaya ikaw pa rin ang the best. Kaya nga mas matagal man kami no’n. Sa kanya man ako nakatira, mas love na love naman kita.” Narinig ko ang pag-burp niya. “Busog talaga ako. Sarap talaga kasi ng luto mo beyb. Ngayon may isa na namang dahilan kung bakit ako mapapadalas dito sa bahay mo.”
“Talaga? Gusto ko ‘yan.”
“Pahiram akong tuwalya, Liligo lang ako.”
“Sige pumasok ka na sa banyo, dadalhin ko na lang doon.”
“Okey. Masyado mo akong binebeybi ah. Ano? Gusto mo ba dito na lang ako sa’yo?”
“Pag-iisipan ko. May mga kapitbahay kasi tayo na sa school nagta-trabaho. Baka pwede kapag tapos ka na sa school.”
“Sige. Ikaw ang bahala.”
Kinatok ko siya nang dinala ko ang tuwalya sa kanya.
Binuksan niya ang banyo at nakita ko ang buong katawan niyang basa. Kumikislap ang maputi at makinis niyang katawan sa tama ng ilaw. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa nakatayo niyang ari. Iba ang dating no’n. Parang gusto ko na magpapasok kung ganoon kakinis at ka-pinkish ang naghahamon.
Hinaplos haplos niya ang kanyang kaselanan at nakita ko ang lalong paggalit ng pinkish na ulo at ang walang kauga-ugat nitong alaga. Sobrang init na ng pakiramdam ko. Kung pwede ko lang siyang pasukin sa banyo at papsukin siya sa akin ay ginawa ko na ngunit dahil may katiting pa rin akong respeto sa aking sarili kaya nagpigil pa rin ako.
Lumabas siyang walang kahit anong suot. Ang tuwalya ay nakasampay lang sa balikat niya kaya kitang-kita ko ang kanyang kahubdan at ang tigas na tigas pa din niyang pagkalalaki na halos hindi na gumagalaw sa katigasan. Dahan-dahan siyang tumihaya sa aking kama. Nakapikit niyang hinahaplos ang kanyang dibdib. Nilalapirot niya ang kanyang mamula-mulang u***g. Kinakagat niya ang kanyang labi. Alam kong hinihintay lang niyang ako na mismo ang susuko. Ako na ang bubukaka sa kanyang kandungan. Iyon na ba ang hudyat na may mangyari sa amin?
Chapter 5Pinanood ko lang muna siyang nilalaro niya ang alaga niya habang nakatingin siya sa akin. Gusto ko ang ginagawa niyang inaakit ako. Gusto kong lalong tumaas yung level ng aking nararamdamang libog. Yung parang gugutumin niya ako sa pagkatakam. Lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang kanyang kamay na lumalaro sa kanyang alaga. Hinawakan ko ang nag-uumigting na iyon habang dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Maalab ang aming naging halikan. Nang una ay ako lang ang humahalik sa kanya ngunit nang naglaon ay inilalabas na din niya ang kanyang dila. Hanggang sa hinawakan na niya ang batok ko. Nilamutak niya ang malambot kong mga labi.“Ang sarap mo beuyb,” bulong niya sa akin habang nararamdaman ko ang marahan niyang paghimas sa aking malulusog na dibdib. Nilalapirot niya ng bahagya ang pinkish na korona ng aking dibdib kaya lalong nagpaigting iyon ng makamundo kong pagnanasa.“Dilaan mo ang utong ko,” bulong niya sa akin.Ginawa ko ang sinabi niya. Dahan-dah
Chapter 6Ang isa pang masakit ay yung makakasalubong ko siya sa school ngunit iiwas siya. Alam kong pinapasukan niya ang ibang klase niya ngunit hindi sa akin. Bakit? Dahil alam niyang kahit hindi siya papasok sa klase ko ay papasa naman siya sa akin at iyon ang hindi ko nagugustuhan. Binabale-wala na niya ako. Kaya nga nang minsang nakasalubong ko siya ay hinawakan ko agad ang braso niya at pilit kinausap dahil punum-puno na ako.“Bakit ka ba umiiwas?” galit kong tanong.“Anong umiiwas ang sinasabi mo?”“Hindi ka na pumapasok sa klase ko, bakit?”“Lasing ako kagabi. Ang aga kasi ng klase ko sa’yo. Di ko magawang magising ng maaga. Saka hindi mo naman ako ibabagsak hindi ba?”“Bakit? Dati naman nagagawa mong pasukan ang klase ko ah. Sa tingin mo hindi kita kayang ibagsak sa ginagawa mo?”“Ibabagsak mo ako? Weehh, talaga?”“Oo at huwag mo akong hinahamon. Kaya kitang ibagsak. Kayo kong mawala ka sa buhay ko kung ganyang lokohan at gamitin na lang pala ito!”“Sige kung gusto mo akong i
Chapter 7Sinipat ko ang hitsura ng kasama niyang bakla. Pangit. Bukod sa pangit, hindi rin bagay sa kanya ang magsuot pambabae dahil mukha siyang sanggano na dinamitan ng pambabae. Masagwa. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng pagseselos dahil alam ko namang pera-pera lang kung bakit kasama ni Mark ang bakla ngunit anong pinagkaiba namin? Pakiramdam ko, ginagamit din naman ako ni Mark ah, babae lang ako at maganda pero yung level ng panggagamit, pareho lang. Kaya ako nanginginig. Matindi kasi yung galit sa dibdib ko. Alam kong nadama niya iyon. Alam kong nakita niya na ako. Kaya pagkaupo ko sa mesa ng mga kaibigan ko ay bigla akong tumungga ng alak. Pagkatapos ng isa ay isa pa uli hanggang naging sunud-sunod ang aking pagtungga. Gusto kong malasing agad. Yung sana malunod na ako sa alak at mawala yung hapdi sa dibdib na aking nararamdaman. Gusto kong makita niya kung paano niya ako sinaktan sa kanyang ginagawa.Hanggang sa hindi na ito nakatiis pa. Lumapit siya na parang b
Chapter 8Ngunit hindi ko kayang ihataw sa kanya. Natatakot pa rin pala akong makapatay kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Naisip ko na hindi talaga niya ako seseryosohin kasi ginawa ko na ang lahat pero hindi niya sinabing pakakasal na kami o sa akin na siya tuluyang titira. Sinasabi lang niya ang mga sinabi niya sa akin noon kasi kinukuha niya ang aking tiwala ngunit hindi talaga niya gagawin. Hindi niya ako iibigin. Walang kasinsakit kapag ipinamukha sa iyong kasinungalingan lang pala ang sinasabing mahal ka. Lalo pa't tuluyan kang pinaniwala. Kinalimutan ko ang dating takot ko na niloloko lang niya ako. Nagpakatanga ako. Nagpakamanhid ngunit iba pa din talaga kung ipinapamukha na ang katotohanan.“Ano? Okey na? Gusto mo ba akong hampasin niyang hawak mo? Gusto mo akong patayin nang makulong ka?”Binitiwan ko ang dos por dos ngunit nakatitig ako sa kanya. Kung nakasusugat lang ang titig paniguradong duguan na siya.“Nasampal mo na rin naman ako. Amanos na ba?” itinulak niya ako. “A
Chapter 9Napalunok ako. Hindi ko inaasahang makita ko siyang muli sa ganoong pagkakataon at sa ganoon niyang sitwasyon. Natameme ako. Wala akong maapuhap na sasabihin. Itinaas ko ang aking salamin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Nagulat lang ako sa biglaan naming pagkikita.Kinatok niya ako. Bakit nga ba ako iiwas? Bakit ako ang kailangang mahiya?“Mark,” Tumango lang ako. “Yung buo na lang, lagyan na lang sana ng straw kung meron?” magalang kong sabi.“Okey.” Matipid niyang sagot.Pinagmasdan ko siya habang kumukuha siya ng isang buong buko sa kariton niya. Wala na yung kapogian nito. Bungal na siya at sunog na ang kanyang balat. Sadyang napakabilis ng karma. Ang dating hinangaan kong kakisigan at kapogian niya ay pinanis na nang panahon at hirap ng buhay. May naulinigan akong iyak ng bata. Hinanap ko kung saan galing iyon. Nakita ko ang kasama niyang babae na noon ay may kargang sanggol bukod pa sa isang batang humihila sa blouse niya. Ang dating magandang girl friend niya, nga
Chapter 10Kung noon ay nagsasabi siyang maghahanap siya ng trabaho, nang mga sumunod na buwan ay hindi ko na siya naringgan pa tungkol doon. Hindi ko alam kung balak ba niya talaga magtrabaho o nasasarapan na siya sa buhay na ibinibigay ko. Sa akin, wala namang problema sa ganoon basta ba ibigay din niya sa akin ang kanyag pagmamahal, loyalty at ang hilig ng katawan kong tanging siya lamang ang nakapagbibigay. Sa ilang buwan naming pagsasama ay alam kong minahal ko siya. Malayo sa karanasan ko noon kay Mark. Kay Raymond, wala akong kahati, wala akong kinatatakutan na kasiping o kasama niya sa tuwing hindi kami magkasama. Naniwala ako noon na dumating na nga ang taong para sa akin. Hindi man siya nagtratrabaho, hindi ko man siya maipagmamalaki sa aking mga kaibigan dahil wala siyang career ngunit sapat na na masaya ako sa piling niya."Mako, pwede bang dito na lang kami mag-inuman ng mga tropa ko mamaya?" tanong niya sa akin bago ako pumasok sa trabaho. Siya ang namili ng tawagan nami
Chapter 11Daniel Point of ViewAko si Daniel. Lumaki ako sa isang masaya at kumpletong pamilya. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon lang ang agwat namin ng kapatid kong si James at anim na taon sa bunso naming si Vicky. Sundalo si Papa kaya palagi siyang wala sa bahay namin at si Mama ay isang kaya lagi lang siyang nasa bahay at dahil doon, siya lang ang kinalakhan naming kasa-kasama. Noong mga bata pa kami, mapagmahal sa amin si Papa. Sa tuwing dumadating siya kahit gabing-gabi na ay hindi niya nakakaligtaang puntahan kami sa aming mga kuwarto. Magigising na lang kami na may dala siyang pasalubong sa amin. Kaya naman, labis naming ikinatutuwa kung sasabihin ni Mama sa amin na uuwi si Papa. Hindi na kami no’n matutulog. Excited na kami sa pagdating ni Papa. Pinagpupustahan pa namin ni James kung ano kaya ang pasalubong sa aming pagkain at laruan. Iyon ang mga masasayang alaala ko sa aming kabataan. Sana kung alam ko lang na may magbago, nanatili na lang kaming ma
Chapter 12Daniel’s Point of ViewNang naglaon ilang araw bago ang graduation namin ay nalaman ko din ang buong pangalan niya at ilang mga detalye tungkol sa kanya. Kahit pa kaklase ko si Robi, hindi din naman kami close. Isa pa, ayaw ko din naman na pag-isipan ako kung bakit interesado ako sa buhay ng girlfriend niya. Umiiwas lang ako ng away. Ayaw ko lang magkagulo lalo pa’t siya naman din talaga ang nauna kay Janine.Nakilala ko lang si Janine ng lubos dahil sa slumbook na pinagpapasa-pasahang ipapirma ng mga babaeng kaklase ko. Dahil campus crush kaming dalawa, ako sa mga babae at bakla at siya sa mga lalaki, kaya kalimitan ay kami ang binibigyan ng pagkakataong mag-sign sa sangkatutak na slumbook. Ang iba ay humihingi pa ng ID picture o whole body picture na idikit nila sa tabi ng aming pangalan.Binasa ko ang mga nilagay niya sa slumbook.FULLNAME (optional): Janine CruzNICKNAME (optional): Janine lang din.ADDRESS (just the city!): Makati CityBIRTHDAY (optional): January 30