Share

THE UNFAITHFUL WIFE
THE UNFAITHFUL WIFE
Author: MissThick

CHAPTER 1

UNFAITHFULLY YOURS

Chapter 1

Kung ano ang dahilan at bakit ako hindi na naniniwala na may lalaking kayang magmahal ng isang babae lang? Kung bakit nagawa kong lokohin ang aking asawa? Ito ang kuwento ko.

Ang kuwento ko ay hindi tungkol sa aking pamilya, ang kuwento kong ito ay tungkol sa aking asawa at aking pangangabit. Opo. Naging marupok ako. Malungkot na kung malungkot ang walang masabing pamilya ngunit sanay na ako. Sinanay ko ang sarili kong mag-isa. Naging independent ako sa lahat ng bagay kaya naman hindi mababanaag sa akin ang kalungkutan. Pero hindi naman ako bato. Sa tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya at masayang kumakain at namamasyal, napapaisip din ako. Paano kaya ang buhay na may nasasandalan sa tuwing tinitira ako ng walang patumanggang kalungkutan? Ano nga bang pakiramdam nang may nag-aasikasong ina pagpasok sa trabaho sa umaga at may ama na may magtatanong sa gabi kung kumusta ang buong araw sa trabaho. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid na mang-iinis o manghihiram sa gamit? Kapatid na nakakalaro. Hanggang pangarap na lang yung sabay-sabay na kakain habang nagtatawanan, nagkukuwentuhan at nagkabibiruan. Ngunit alam kong hanggang pangarap na lang iyon. Hindi na babalik si Mama, Papa at Lola para iparamdaman pa iyon sa akin. Ang tanging ipinagpapasalamat ko na lamang ay nag-iwan sila sa akin ng mga ari-ariang nagagamit ko para mabuhay ng marangya. Sa kabila ng kawalan nila physically, inihanda naman nila ang kinabukasan ko financially.

Noong nagsasama pa sina Mama at Papa, ang pambabae ni Papa ang lagi nilang pinag-aawayan. Nakikita ko si Papa na laging may kalantaring iba. Naawa ako kay Mama noon. Laging umiiyak, laging natutulala. Nang una, nainis ako kay Papa ngunit nang lumaon mas nainis na ako kay Mama. Kasi hinahayaan niyang gawin iyon ni Papa sa kanya. Bakit kaya hindi siya lumaban? Bakit hindi siya sumabay? Mahina si Mama. Hindi niya sinasabayan si Papa. Sana ipinaramdam niya kay Papa na kaya rin niyang sumabay. Na kaya niyang ipamukha na pantay lang silang may kakayanang magluko. Iyon ang hinihintay ko kay Mama no’n. Sana lumaban siya. Sana ipinakita niya rin kay Papa na hindi siya basta-basta palalamang.

Dahil doon, hindi ako nagtiwala sa relasyon. Lahat ‘yan naglolokohan. Lahat naggagamitan. Masaya sa una pero kapag lumaon, problema na. Kung sex lang din naman pala bakit kailangan pang magseryosohan na mauuwi lang naman sa sakitan? Kaya nga naging snob ako at supada sa mga lalaki. Hindi ako nagpaligaw noong High school at College. Mailap ako sa mga lalaki. Hindi ako paloloko sa kanila. Hindi ako gagaya kay Mama at lalong hindi ako mag-aasawa ng kagaya ni Papa. Nakatulong ang pagiging istrikto ni Lola sa akin para mapalayo sa mga lalaki.

Ngunit may kung ano akong kakaibang nararamdaman lalo na kapag nakakakita ako ng hubad na katawan ng mga lalaki. May kung init ako sa katawan na hindi ko kayang pigilan. Nagsasarili ako sa tuwing nararamdaman ko iyon. Hindi lang isang beses sa isang araw. Paulit-ulit sa tuwing may pagkakataon. May kung ano akong fantasy na siyang nagpapa-excite sa aking nararamdaman. Ngunit sinasarili ko lang ang lahat dahil ayaw kong masaktan. Ayaw kong lokohin ng lalaki. Ayaw kong magkakatotoo ang mga sinasabi ni Lola sa akin tungkol sa maagang pakikipagrelasyon.

Kung kailan malapit na ang gradution ko, saka naman nagkasakit si Lola na siya niyang ikinamatay. Iniwan na ako ng lahat na mag-isa sa aming bahay sa Makati. Hindi man kami masabing sobrang yaman pero alam kong mas nakakaangat kami sa iba. Dahil sa tulong ni Lola  ay nakapag-aral ako at nakatapos. Noong graduation ko, sobrang naramdaman na ako na lang pala talaga. Wala akong kasamang nagmartsa papuntang entablado. Walang akong pinaghahandugan ng aking diploma, walang kasamang nagpakita ng kasiyahan sa nakamit kong tagumpay. Walang pumapalakpak sa akin. Noon ko naramdaman na parang ulilang lubos na talaga ako kahit pa may Mama pa naman sana ako ngunit dahil may asawa na rin siyang iba sa Cebu, hindi na niya ako naasikaso pa. Umiyak ako no’n dahil wala pala talaga akong masabing pamilya. Akala ko kasi okey na ako. Akala ko, kaya ko na. Iba pa rin pala talaga ng may masabing pamilya. Mag-isa lang ako. Walang karamay sa problema at wala din kasamang magdiwang sa ligaya. Natagpuan ko na lang na kinakausap ko ang puntod nina Lola at Papa. Andaya-daya nilang iniwalan na akong mag-isa at di man lang sila gumawa ng kapatid ko na sana magiging kasangga ko sa buhay. Wala kasi silang inatupag kundi ang magselos, mag-away at magsumbatan. Namatay si Papa sa pamamaril na sinasabi nila ay tunay na asawa ng kinabit niya. Hindi nahuli ang pumatay. Nalungkot si Mama sa pagkawala ni Papa at umuwi ng Cebu. Doon niya muling nakita ang boyfriend niya nang college pa siya. Naging sila at bumuo ng pamilya at ako ay naiwan lang sa pangangalaga ni Lola. Ganoon ako kawalang kuwenta kay Mama. Hindi ko alam kug pagmamahal ang kanyang ginawa o katangahan. Hindi niya ako inisip na maiwang mag-isa. Hindi niya ako pinahalagahan kagaya ng pagpapahalaga niya kay Papa. Ganoon pa man, inialay ko sa kanila ang aking diploma at nangako ako sa puntod nila Lola at Papa kahit mag-isa na lang ako sa buhay, lalaban ako. Aayusin ko at balang araw, may tao ring magmamahal sa akin at ituturing kong kasangga. May masasabi rin akong sariling pamilya. Kung iniwan ako nina Papa, Mama at Lola, ang mamahalin kong tao ay hindi ako iiwan hanggang sa huli kong hininga.

Bukod sa nangyari sa mga magulang ko, wala naman na akong mga nakaraang hindi maganda sa buhay ko lalo pa't dalawa lang namin kami ni lola sa buhay at ibinigay din naman ni lola ang lahat para hindi ko maramdaman ang kakulangan ko. Naging mas spoiled pa nga ako kay lola kaysa sa aking mga magulang. Sa lalaki lang istrikto si Lola. Ayaw niyang makipagkaibigan o may kasama akong lalaki. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat at dahil nga ayaw ko rin naman sa lalaki dahil sa nakita kong ginawa ni Papa, naging mas tahimik ang buhay ko. Lahat ng kailangan ko o kahit mga bagay na gusto ko lang, ibinigay iyon ni lola kaya naman nang nawala siya sa akin, parang naging mas doble ang sakit no’n kaysa nang nawala si Papa at iniwan naman ako ni Mama. Kasi siguro, si lola na lang ang huling meron ako, kinuha pa ng Diyos sa akin ng maaga.

Kinausap naman ako ng kapatid ni Papa kung gusto kong sumama sa kanya sa Canada ngunit tumanggi ako. Hindi kasi kami close dahil noong namatay lang si lola kami nagkita. Isa pa sanay na ako sa Pilipinas at ilang buwan na lang magtatapos na din naman ako sa aking kurso. Hindi naman din siya nagpilit pa. Iyon na yung una at huli naming pag-uusap. Yung kapatid naman ni Mama sa Samar, hindi din siya close dahil na din sa nakita ko lang din siya noong pumanaw si Mama. Hindi na ako kinontak pa mula noon. Hindi man lang din ako naalalang kumustahin.

Dahil sa ramdam kong kakulangan ng pagmamahal ng pamilya at dahil solo na din naman ako sa buhay, naging desperado akong makahanap ng makakasama. Desperadong gawin ang mga pantasya ko sa sex. Ano kayang pakiramdam kung palayain ko ang fantasy ko na iyon kasama ng isang laaki. Kaya siguro naging sunud-sunod ang mga sakit na pinagdaanan ko dahil sa pagmamadaling magkaroon ng masabing partner sa buhay.

Hanggang sa nang nagtapos ako ng college at alam kong handa na din naman akong magmahal, kaya relasyon na ang tinutukan ko. Nasanay din naman ako sa saglit na mga landian. Yung kayo ngayon dahil nagkakayayaan sa gimik at bukas makalawa, magbe-break na o wala nang paramdaman. Ngunit kung kailan ako nagdesisyong makipagrelasyon saka naman ako paulit-ulit na nabibigo. Nagpakapositibo kasi ako. Maaring ang nagyari kina Mama at Papa ay hindi mangyari sa akin. Na iba ang kapalaran nila sa akin. Na kailangan ko pa rin namang sumubok at magtiwala lalo na’t mag-isa na lang ako sa buhay. Ngunit ang pagsubok kong iyon ay tanging pagluha lang aking dinanas. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status