Mica Rodriguez POV
Padilim na ang paligid kaya dali-dali akong naglakad pauwi para makarating agad sa bahay at para ‘di ako maabutan ng ulan.
Paniguradong papagalitan ako nina lola kapag hindi nila ako madatnan sa bahay.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa may naramdaman akong parang may sumusunod sa’kin.
‘’Miss, sa’yo ba ito?’’
Inisip ko kung may naiwan ba ako, kung may nahulog ba akong gamit pero wala naman?
Hindi ko nilingon kung sino man ang tumawag sa’kin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa ito.
Nang makalayo na ako ay bigla na lamang akong napatigil sa paglalakad nang ma-realize ko ang resume at mga 2x2 picture ko.
Hindi ko na pala ito bitbit.
Bumalik ako para hanapin ang mga gamit ko pero hindi ko alam kung saan ko ito naiwan.
Naalala ko bigla ‘yong nagtanong sa’kin kanina pero hindi ko man lang siya nilingon.
Habang naglalakad ako, sakto namang may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at may hawak na folder sa may bahay-kubo. May kausap siya sa kanyang cellphone.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan hanggang sa napansin niya ako.
‘’Oh. Mica Rodriguez, right?’’, nakangiting tanong niya sa’kin. ‘’Napulot ko itong folder mo.’’
Hindi ako agad nakapagsalita hanggang sa iniabot niya sa’kin ang folder ng walang pag-aalinlangan.
‘’Ihahatid na kita sa bahay niyo…’’, nakangiting alok niya sa’kin.
Natulala pa rin ako.
Bakit kailangan niya akong ihatid? At paano naman niya ako ihahatid eh wala nga siyang sasakyan?
Baka naman may balak siya sa’kin na masama?
Ang daming mga katanungan sa isipan ko.
Bigla kong kinuha aking folder. ‘’Salamat…’’, sabi ko sa kanya at nagmadali na akong umalis.
Nang makalayo na ako, nilingon ko siya at sakto namang may kotseng tumigil sa tapat niya.
Sumakay ito at ilang saglit lang ay umandar na ang kotse. Lumiko ang kotse sa ibang daanan at bigla akong nalungkot.
Nalungkot ako dahil tinanggihan ko ang kanyang alok.
Hindi!
Tama lang na tinanggihan ko siya.
Hindi ko siya kilala at baka ano pa ang gawin niya sa’kin.
Pasado alas-syete na ng gabi ako nakauwi rito sa bahay.
Mabuti na lang dahil hindi ako naabutan ng malakas na ulan.
Pinainit ko na lang ang sabaw na ulam namin kaninang tanghali. Nang mainit na ang sabaw, sakto namang dumating na si lola. Lasing na naman ito pero bakas sa kanyang mukha ang saya. Panigurado, nanalo na naman siya sa sugal.
Ilang segundo lang ay dumating na rin si mama. May bitbit itong supot at iniabot niya akin nang matapos akong magmano sa kanila ni lola.
‘’May napasukan ka na bang trabaho?”, seryusong tanong ni lola sa’kin.
‘’Naghahanap pa lang po ako, lola…’’, sagot ko.
Tinignan ako ni lola. Ang seryuso niya kaya napayuko na lang ako. Alam kong galit na naman ito dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.
‘’Napakahina mo naman!’’, bulyaw niya sa’kin.
Hindi na ako umimik pa. Mas lalo kasing magagalit sa’kin si lola kapag nangatwiran pa ako.
Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon kaya parang normal na lang sa’kin na ganito ang trato sa’kin ni lola.
Namulat ako na hindi buo ang pamilya. Nasa sinapupunan pa lang ako ni mama, iniwan na kami ng aking ama at nagpakasal siya sa ibang babae. Iniwan niya kami ni mama na wala man lang kalaban-laban.
Nasira ang buhay ni mama dahil sa aking ama. Bilang anak ni mama, ako ang nag-aasikasu sa kanila ni lola. Binubuhos ko sa kanilaa ang mga araw ko at umaasang balang araw ay magiging okay na ang lahat.
Si lola ay madalas naglalasing. Sigarilyo, sugal at alak ang kanyang bisyo pero sa kabila ng lahat, siya ang nagturo sa’kin kung paano ako gaganti sa taong nang-iwan sa’min ni mama. Siya ang nagturo sa’kin kung paano ako lumaban. Siya ang nagturo kung paano ko papasukin ang buhay ng taong nang-iwan sa’min.
Nakailang hanap na ako sa aking 2 by 2 picture pero hindi ko pa rin mahanap. Wala rin sa mga bulsa ng shorts ko.
Nag-iisang picture lang iyon at ididikit ko sana ito sa aking resume.
Ilang segundo ay bigla kong naalala kanina ‘yong lalaking nakapulot ng folder ko. Maaring siya ang kumuha ng picture ko.
Ano naman gagawin niya sa picture ko? Bakit niya ito kukunin?
Kinabukasan, dumaan ako ulit sa dinaanan ko kahapon.
Nagbabakasakaling nahulog ko lang ang picture ko sa daan pero wala talaga.
Naiinis ako doon sa lalaki na iyon.
Napulot daw niya pero ang totoo ay kinuha naman niya ang picture ko.
Nakakairita…
Mukha siyang mabait, masiyahin pero magnanakaw ng picture. Humanda siya sa’kin kapag nakita ko siya ulit. Malilintikan siya sa’kin.
Nagpaprint na lang ako ulit ng 2 by 2 picture kahit medyo may kamahalan.
Ang gusto ni lola ay magtratrabaho ako imbis na magpatuloy sa pag-aaral sa college.
Gustuhin ko man magpatuloy sa pag-aaral pero wala namang susupurta sa’kin, lalo na dahil mahal ang tuition sa college.
Masuwerte na ako dahil nakapagtapos pa ako ng High School kahit ayaw ni lola.
Sabi nila, kung gusto, may paraan, kung ayaw, may dahilan.
Gusto ko naman talaga mag-aral pero saan ko hahanapin ang paraan kung si lola mismo ang humahadlang sa paraan na iyon.?
Ayaw ni lola na mag-aral ako dahil dagdag gastos lang ito.
Tama naman si lola at hindi ko siya masisisi sa kanyang katwiran na iyon.
Jaria Santillan POV
Bakas sa mukha ni mommy na sobrang excited at happy siya sa kanyang mga ginagawa kaya naisipan namin na magtingin ng maisusuot na dress sa mall para sa darating na 18th wedding anniversary nila ni daddy.
Mabilis lang kami nakabili ng dress at nauna noong umuwi si mommy sa bahay. Nagpasiya akong magpaiwan muna rito sa mall para maghanap ng gift para sa kanila ni daddy. Hindi naman ako nahirapang tumingin ng bibilhing gift kaya nang matapos akong magbayad sa counter ay nagpunta ako sa Great Day’s Restaurant, ang favorite restaurant namin nina mommy and daddy.
Nakasanayan ko na rin kasing kumain dito sa restaurant na ito. I prefer to be alone at sanay na ako.
Nabibili ko lahat ng mga gusto kong bilhin pero namulat ako na laging naghahanap ng kalinga ng aking ama.
Si daddy ang may ari ng Santillan Ventura Company o mas kilala bilang SV Company. Busy siya lagi sa trabaho kaya hindi niya ako napagtutuunan ng pansin. Mahal na mahal ko si daddy pero mas mahal niya ang trabaho niya.
Si mommy naman ay madalas sa bahay lang siya o di kaya ay sa bahay ng mga kaibigan niya, gayunpaman ay nabibigyan pa rin niya ako ng oras hindi gaya ni daddy.
I can say na napaka-suwerte ko pa rin dahil may buo akong pamilya. At kung mayroon man akong hihilingin ay sana maramdam ko na totoong mahal ako ni daddy.
This is the night of the 18th wedding anniversary of my parents. Sa labas ng bahay namin gaganapin ang party.
As usual, ang daming mga bisita nina mommy and daddy.
I also invited my two friends, sina Violet and Avon. Classmates ko sila since Junior High School. Masarap naman sila kasama, matalino pero medyo OA nga lang. Naiinis ako kapag umaataki sa kanila ang pagiging over-acting. Parang nagpapansin or whatever, hindi naman sila kagandahan.
Nagpasiya ako saglit na tumungo sa aking kuwarto para kunin ang bag ko pero habang naglalakad ako, may nakita akong isang babae na nasa living room namin.
Nakatayo lamang siya at tinititigan ang family picture namin. Well, hindi naman na bago sa’kin na may napapatingin sa mga pictures namin.
Nang makuha ko ang aking bag sa kuwarto ay bumaba rin ako agad at habang pababa ako sa hagdanan, nakita ko ulit ang babae na nakatayo kanina at parang katatapos lang niya itong umiyak.
Siguro may problema lang siya or baka napuling lang. Hindi ko na pinansin ung babae at deretso na akong nagpunta sa table namin nina mommy and daddy.
Buti pa si mommy, proud na proud siyang ipinapakilala niya ako sa mga kaibigan niya na galing pa sa Canada.
Nasa kalagitnaan na kami ng kasiyahan nang biglang may isang babae na sumulpot sa stage.
Mica Rodriguez POV “Hello everyone. Hello, Mr. and Mrs. Santillan!”, bati ko sa kanila habang ako ay nasa stage. Lahat sila ay nakatingin sa’kin. Hindi nila maintindihan kung bakit ko nga ba ito ginagawa. “First of all, I would like to congratulate, Mr. and Mrs. Santillan for this event,’’ sabi ko habang nakangiti sa kanila. ‘’Nagtataka kayo siguro kung sino ako, well I am Mica Rodriguez’’, patuloy na sabi ko kahit kinakabahan ako sa pinagagawa ko. Hindi nila maintindihan kung ano ang ginagawa ko. Nakita kong tumayo ang ama ko at ang kanyang asawa para pigilan ako pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita. ‘’Itong gabi na ito, ito ang gabi na hinding-hindi niyo makakalimutan. Ito ‘yong araw na ikinasal kayong dalawa, at nagsumpaan sa altar. Pero sa kabila nun, Mr. Santillan, hindi mo ba naisip na may iniwan ka na dapat responsiblidad mo…?’’, umakyat ang asawa niya at pinipigilan niya ako sa mga pinagsasabi ko. Inagaw niya sa’kin ang microphone. ‘’What are you doing…?’’, mahina
Mica Rodriguez POV Nangyari na nga ang plano namin ni lola. Kilalang-kilala na ako bilang Mica Rodriguez, ang anak ni Marco Santillan na binaliwala niya mahigit labing-walaong taon. Hindi magtatagal ay magagawa ko na lahat ng mga plano ni lola. Isang linggo na ang lumipas noong makuha ni Marco Santillan, ang walang kwentang ama ko, ang DNA test result, madami na nga ang nangyari sa buhay namin. Ang kanyang asawa na si Jasmine ay mukhang hindi pa rin niya tanggap ang mga nangyayari pero pasensyahan na lang dahil kailangan niyang mag-adjust kasama ang kanyang anak sa aking paghihiganti. Magiging masaya sila mama at lola kapag naiparanas ko sa walang kwentang ama ko ang sakit na dinulot niya noon sa’min. In-enroll niya ako sa isang sikat na school at alam kong mga matatalino at mayayaman lamang ang dapat nandoon. Binilhan niya rin ako ng mga bagong damit at iba pang mga kakailanganin ko sa school. Binigay niya lahat kahit hindi ko sinabi sa kanya ang mga iyon. Pagkatapos niya akon
Mica Rodriguez Santillan POV Sinundo ako ng ama ko para doon mananghalian sa kanilang bahay. Ito ang unang araw na doon ako manananghalian. Ang daming pagkain, parang fiesta. Wala naman silang mga bisita pero ang daming nakahandang pagkain. ‘’Pwedi siyang um-extra every weekends sa company natin para kahit papaano ay makatulong pa rin siya sa mama at lola niya’’, suhestiyon ng ama ko nang tanungin nila ako kung saan ako magtatrabaho. ‘’At Saint Willford Academy siya mag-aaral, Mondays to Fridays’’, dagdag ni dad. ‘’What…?’’, gulat na tanong ni Jaria. ‘’I don’t believe with this! Doon ako mag-aaral at ayaw ko siyang makasama doon… Nakakahiya…’’ ‘’No…!’’ mariing sabi ng ama ko. ‘’Doon siya mag-aaral at enrolled na siya doon,’’ pagtatanggol niya sa’kin. Natahimik ulit ang bahay at nagpatuloy kami sa pagkain. Alam kong inis na inis na sa’kin ang mag-ina. Nakakatuwang makita ang kanilang reaksiyon. Pagkatapos namin mag-lunch ay nagpunta kami sa may swimming pool kasama ang asawa at
Jaria Santillan POV ‘’Daddy, nakalimutan ko pala ang ID ko sa library. Magtaxi na lang po ako’’, sabi ko kay dad nang sunduin niya ako sa Academy kasama si Mica. Hindi ako nagpunta sa library dahil hindi naman totoong naiwan doon ang ID ko. Mabuti na lang dahil nakasalubong ko si Avon. Pauwi na siya pero niyaya ko siyang mamasyal muna sa mall. Madali lang naman siya mapapayag lalo na kapag ililibre ko siya. Sa Great Day’s Restaurant muna kami pumunta ni Avon dahil nagugutom na kami. Habang papasok na kami sa restaurant na ‘yon ay bigla akong hinila ni Avon. ‘’Yung daddy mo at si Mica…’’, bulong niya sa’kin habang hinihila pa rin niya ako. Nakita ko nga sina daddy at Mica. Ang saya nilang kumakain sa favorite restaurant namin ng family ko. Ang saya ni daddy at ngayon ko lang siya nakita na ganito, hindi siya ganoon kasaya noong kami ni mommy ang kasama niya doon na kumakain. ‘’Jaria, actually, hindi pa naman ako gutom eh. Tara, bili muna tayo ng shoulder bag natin’’, yaya niya
Mica Rodriguez Santillan POVKinuha ko rin ang libro ko at sinundan si Jaria. Lagi na lang niya kasi akong iniiwasan. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, gusto ko lang naman maging kaibigan siya.‘’Jaria….’’, tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad ng tinawag ko ulit siya at tinignan niya ako na parang naiinis.‘’What…?’’Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko at parang natakot ako sa kanya dahil parang wala siya sa mood na makipag-usap.‘’Pwedi bang lubayan mo ako? Pwedi bang gumawa ka ng boundaries between us kahit dito man lang sa Academy? And please, huwag mo akong kakausapin…!’’, sabi niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Wala rin naman akong isasagot sa kanya at kung mayroon man, hindi iyon matinong sagot at ayaw kong pati siya ay madamay sa paghihiganti ko. Naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niya sa’kin, ako rin naman kasi ang unang nanggulo sa kanilang pamilya at hanggang n
Jaria Santillan POVNabangga ang sinasakyan ni mommy ng isang truck habang pauwi na sana siya galing work.‘’Malubha ang lagay ng inyong asawa, sir. Nabagok ang kanyang ulo, dahilan nito para magka-damage ang kanyang utak. Tatagan niyo po sana ang inyong loob’’, sabi ng doctor nang lumabas siya sa operating room kay daddy.Nagpapagaling na rin ang driver ng truck na nakabangga kay mommy, hindi malubha ang lagay nito at maari na siyang ipasok sa kulungan sa susunod na araw.Sabi ng mga pulis, wrong way raw ang lalaking driver na nakabangga kay mommy at lasing ito kaya dapat lang na panagutan niya ang nangyari kay mommy.Si tita Haide ang kasama ko sa pagbabantay kay mommy. Hindi ko na lang namalayan ay nakatulog na pala ako.Wala pang isang oras ay nagising ako. Akala ko sa paggising ko, okay na si mommy, akala ko magiging maayos na si mommy pero akala ko lang pala. Unti-unting pumapatak ulit ang mga luha ko sabay yakap kay Tita. ‘’Mahal na mahal ko po si mommy… mahal na mahal ko po s
Jaria Santillan POVKahit medyo lasing pa ako at amoy alak, nagpahatid ako sa’ming driver sa hospital. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.Pagkarating ko, nagpunta ako agad sa room kung nasaaan si mommy. Nadatnan ko si Tita, si Mica at si daddy.Nakatayo sina Tita at daddy at parang ang layo ng kanilang iniisip. Si Mica naman, nakaupo ito at mukhang malungkot siya sa mga nangyayari. Malalim din ang kanyang iniisip.Umiiyak lang ako na lumapit sa pintuan ng room kung nasaan si mommy ng biglang may sinabi sa’kin si Tita. ‘’Okay na ang mommy mo, pero wala pa rin siyang malay…’’Hindi ako makapagsalita. Tinignan ko lang si Tita sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ako at sabay yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at walang tigil ang aking paghagulgul.Lumipas ang ilang segundo, may napansin sa’kin si Tita kaya bigla itong kumawala sa pagkayakap sa’kin. ‘’Nakainom ka ba, Jaria?’’, alalang tanong niya sa’kin.Tinignan ko si daddy pero umiwas ito ng tingin sa’min. ‘’Kunti la
Mica Rodriguez Santillan POVNang natapos kami sa pagkain, nagtungo na kami sa dalampasigan. Saktong makulimlim at kunti lang ang mga tao doon. Sobrang ganda ng dagat, ang sarap ng simoy ng hangin, nakakawala ng problema at parang gusto ko na lang na itapon sa dagat ang mga bigat ng nararamdaman ko para naman maibsan ang sarili ko mula sa lahat-lahat ng dala kong problema.‘’Mamayang 7PM na lang kita ihahatid sa bahay niyo…’’, sabi niya sa’kin habang paupo na kami sa makapal na tela. ‘’…kung okay lang sa’yo’’, nakangiting dagdag niya sa’kin.Bigla ko tuloy naisip sina mama at lola, baka hinahanap na nila ako pero alam ko naman na hahanapin lang nila ako dahil kailangan nila ako. Tumango ulit ako sa kanya bilang pagpayag sa sinabi niya. Tahimik ang paligid, huni ng mga alon lang ang maririnig. Ilang minuto rin ang lumipas nang may humampas sa’min na alon. Nabasa kaunti ang shorts ko gayundin si EJ. Nagkatingin kaming dalawa hanggang sa tinawanan na lang namin ang isa’t-isa. ‘’See…’’
Mica Rodriguez Santillan POVUmuwi ako sa bahay at hindi ko nadatnan sina lola at mama.Paniguradong nasa sugalan na naman si mama o di kaya ay naglalasing na naman.Napasandal ako sa aking kinauupuan at inaalala ang sinabi sa’kin ni Jaria kanina.‘’Siguro… Kaya ako nasasaktan ngayon dahil sa pagiging masama ko… Ang dami kong kasalanan sayo… Lagi kitang hinuhusgahan sa lahat… Lagi kong iniisip na aagawin mo lahat sa’kin… Lagi kong iniisip na may balak ka sa’min na masama… Pero mali pala ako, sobrang mali…’Parang inuusig ako ng aking konsensiya sa mga nasabi niya sa’kin. Hindi siya ang masama dahil ako iyon.Alam kong mali ang ginagawa ko pero paano ako mamahalin nina lola at mama kung mabibigo ko sila?Nasa punto na ako ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko ba ang paghihiganti ko o titigil na ako?Nasaktan na masyado si Jaria sa pagkamatay ng kanyang mommy at ayaw ko ng masaktan siya ulit ngayong nagkakamabutihan na kami.Mabait si daddy sa’kin. Ni hindi ko man lang maramdaman sa kanya
Jaria Santillan POVIsang gabi, habang nakahiga ako sa aking kama, narinig ko si EJ sa may tapat ng aking pintuan. Gusto raw niya akong makausap.‘’Jaria, please can we talk?’’, pakiusap niya ng ilang ulit.Dahil sa inis ko sa kanya ay pinagbuksan ko ito. ‘’What do you need? Can you just please stop? Ayaw ko ng kausap at ayaw kitang makita!’’, pagalit na bulyaw sa kanya kasabay ng pagsara ko sa aking pinto pero napigilan niya ako.‘’We need to talk!’’, mariing sabi niya sa akin at pumasok ito sa kuwarto ko. Hinila niya ako at nilock ang pinto ko. ‘’What is your plan now?’’, seryusong tanong niya sa’kin.‘’I don’t know!’’ inis na bulyaw ko sa kanya. ‘’Can you please stop acting na parang may concern ka?’’ garalgal na boses ko.Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. ‘’Im doing this because I care,’’ sagot niya. ‘’Im doing this because I love you’’, dagdag niya. Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.‘’Yes! I still love you, Jaria,’’ pag-uul
Jaria Santillan POVSabi nila, ang tunay na kaibigan, nandito sila para damayan ka. Nandito sila para kumustahin ka at iparamdam sayo na laging nandiyan lang sila kapag kailangan mo sila.Nasaan na kaya ang tinuring kong mga kaibigan?Or may kaibigan ba talaga akong tunay?Baka nag-assume lang ako na kaibigan ko sila pero hindi pala?Kailangan ko sila ngayon pero nasaan na ba sila?Nakaupo ako katabi ang kamang hinigaan ni mommy. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakikita ko sa mukha ni mommy na lumalaban ito para mabuhay pa at magising.Si mommy ang pinaka-strong na ina na nakilala ko sa buong buhay ko.Pinaka-strong pero ngayon ay nanghihina at pilit na lumalaban para mabuhay pa. Ang daming mga masasayang ala-ala namin ni mommy at umaasa akong madadagdagan pa iyon pagkagising nito.Madami pa kaming pangarap ni mommy, dahil pagkatapos ko sa kinuha kong kurso na Business Administration ay mag-aaral rin ako ng medisina dahil iyon ang panga