Jaria Santillan POV
Nabangga ang sinasakyan ni mommy ng isang truck habang pauwi na sana siya galing work.
‘’Malubha ang lagay ng inyong asawa, sir. Nabagok ang kanyang ulo, dahilan nito para magka-damage ang kanyang utak. Tatagan niyo po sana ang inyong loob’’, sabi ng doctor nang lumabas siya sa operating room kay daddy.
Nagpapagaling na rin ang driver ng truck na nakabangga kay mommy, hindi malubha ang lagay nito at maari na siyang ipasok sa kulungan sa susunod na araw.
Sabi ng mga pulis, wrong way raw ang lalaking driver na nakabangga kay mommy at lasing ito kaya dapat lang na panagutan niya ang nangyari kay mommy.
Si tita Haide ang kasama ko sa pagbabantay kay mommy. Hindi ko na lang namalayan ay nakatulog na pala ako.
Wala pang isang oras ay nagising ako. Akala ko sa paggising ko, okay na si mommy, akala ko magiging maayos na si mommy pero akala ko lang pala. Unti-unting pumapatak ulit ang mga luha ko sabay yakap kay Tita.
‘’Mahal na mahal ko po si mommy… mahal na mahal ko po siya…’’
‘’Tahan na Jaria, alam ng mommy mo na mahal na mahal mo siya kaya lumalaban siya para mabuhay…’’, sabi ni Tita sabay nagkahiwalay kami ng yakap. ‘’Makinig ka sa’kin Jaria, tibayan mo ang loob mo para sa mommy mo. Ipagdasal mo siya lagi…’’
Si Tita Haide ay kababatang bestfriend ni mommy. Parang magkapatid na sila ni mommy. Magkaklase sila simula elementarya hanggang kolehiyo hanggang sa nagkaroon na sila ng mga sariling pamilya. Sa America sila nanirahan at tuwing summer lang sila nagbabakasayon dito sa Pilipinas. Hindi nakadalo si Tita sa wedding anniversary nila ni daddy dahil inaalagaan niya ang kanyang anak na may sakit.
Ilang saglit lang ay bumalik si daddy.
‘’Umuwi ka muna sa bahay, Jaria, para makapagpahinga ka naman’’, ni daddy.
Mabuti naman at naging concern sa’kin si daddy kahit ngayon lang.
Ayaw kong umuwi pero wala na rin akong magawa nang mag-insist si Tita Haide na umuwi muna ako at sasamahan daw niya ako.
‘’Jaria’’, tawag ni daddy nang paalis na sana kami sa hospital. ‘’Kapag bumalik ka rito, pakikuha ang laptop ko sa table namin ng mommy mo’’, utos sa’kin ni daddy.
Pagkarating namin ni Tita Haide sa bahay, muli na naman akong naiyak dahil sa pagkamiss kay mommy.
Nami-miss ko na siya. Sobrang miss ko siya.
Tumagal rin ng ilang minuto na nakatulala ako sa kuwarto ko bago naligo.
Lumipas ang ilang oras, lumabas na ako sa kuwarto ko. Mugto pa rin ang aking mga mata, halatang kagagaling ko lang sa iyak at iiyak na naman ako dahil pupunta ako sa kuwarto nina mommy para kunin ang pinapakuhang laptop ni daddy.
Pagbungad ko pa lang sa pintuan sa kuwarto nina mommy, naamoy ko na ang paboritong pabango niya.
Agad akong nagtungo sa table nina mommy dahil nandoon ang laptop na pinapakuha ni daddy.
Binuksan ko ang isang drawer dahil nandoon daw ang kanyang laptop pero wala pa doon.
Sa pangalawang drawer, pinukaw ng atensyion ko ng isang long brown envelope na may nakasulat na ‘’ADOPTION’’.
Kinuha ko ito at dahan-dahang binuksan.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero patuloy ko pa rin itong binubuksan at inilabas ko ang mga papers na nandoon.
Nabasa ko sa isang papel ang napakalaking words na…
‘’CERTIFICATE OF ADOPTION’’…
Hanggang sa makita ko ang pangalan ko doon…
‘’JARIA VENTURA SANTILLAN’’
Napalunok ako sa nabasa ko.
Baka nagkakamali lang ako sa pagkabasa ko kaya binasa ko ang ibang papers na nandoon pero sumampal sa’kin ang katotohanang ampon ako.
Tama.
Ampon ako.
Ampon ako!
Napaiyak na lamang ako sa nalaman ko.
Sobrang sakit, akala ko ‘yong nangyari na kay mommy ang pinakamasakit, hindi pa pala, mas masakit pala itong nalaman ko ngayon.
Di na ako nagtagal sa kuwarto nina mommy, kinuha ko ang adoption papers at bumalik ako sa kuwarto ko.
Ni-lock ko ang kuwarto ko at doon ako umiyak ng sobra.
Gusto kong magwala, gusto kong mamatay na ako dahil napakawalang kwenta pala ng buhay ko.
Ilang saglit lang ay nag-ring ang phone ko.
Si daddy ang tumatawag pero hindi ko siya sinagot. Nakailang tawag na siya pero hindi ko siya sinasagot.
May nakita akong wine sa kuwarto ko.
Inimum ko iyon at wala akong pakialam kung malasing ako.
Hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iiyak at kalasingan.
Sa sahig na ako nakatulog katabi ang mga papel na nagsasabing ampon lang ako.
Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok at pagtawag sa’kin ni daddy sa labas ng kuwarto ko.
‘’Jaria, Jaria… Open the door!’’, utos sa’kin ni daddy.
Pinilit kong tumayo kahit medyo masakit ang ulo ko.
‘’Kanina pa ako tawag nang tawag sayo, hindi mo sinasagot…’’, ni daddy nang mabuksan ko ang aking pinto.
Hindi ko sinagot si daddy, tinignan ko lang siya hanggang sa tumulo ulit ang mga luha ko.
‘’Naglasing ka?’’, tanong sa’kin ni daddy nang maamoy niyang amoy alak ako. ‘’Bakit kailangan mong maglasing?’’
Pumasok siya sa kuwarto ko at nakita niya ang mga kalat sa kuwarto ko.
Nginitian ko si daddy.
‘’Relax, daddy, relax…’’, sabi ko sa kanya habang umiiyak na. ‘’Ngayon ka pa ba magiging concern sa’kin?’’, nangingiting pang-iinsulto na tanong ko sa kanya.
‘’Ano bang pinagsasabi mo? Ayusin mo yang sarili mo dahil babantayan mo ang mommy mo mamayang gabi... Si Mica ang nagbabantay ngayon’’, sabi niya sa’kin sabay lumabas na siya sa kuwarto ko.
‘’Dad…’’, tawag ko sa kanya sabay lingon naman siya sa’kin. ‘’Kaya pala hindi niyo ako kayang mahalin…’’, sumbat ko sa kanya. ‘’All these years…’’, sabay tumawa ako. ‘’18 years dad? 18 years… 18 years akong nag-aantay na balang araw mararamdaman ko rin ang pagmamahal niyo sa’kin…’’.
Kumunot-noo siya sa’kin.
Hindi niya alam kung ano ang pinupunto ko.
‘’Hanggang sa dumating na nga si Mica… Ang saya. Ang saya-saya niyo sa kanya, samantalang sa’kin, 18 years? 18 years, pero hindi mo pinaramdaman ‘yong pinapakita niyong pagmamahal kay Mica sa’kin…’’
‘’Ano ba yang pinagsasabi mo, Jaria? Lasing ka lang…’’, nalilitong sabi niya sa’kin.
‘’No…! Maayos pa ako oh… Alam niyo, you’re so unfair!’’
Turo ko sa kanya.
‘’Minahal kita dad, minahal kita… pero hindi niyo ako kayang mahalin…’’
Nalilito pa rin si daddy sa mga pinagsasabi ko.
Nakita niya ang mga papel na kinuha ko sa kanilang kuwarto ni mommy.
Akmang lalapitan sana niya iyon at kukunin pero pinigilan ko siya.
‘’Ngayon, alam ko na ang kasagutan kong bakit di niyo ako kayang mahalin…’’, sabay misteryuso akong tumawa na umiiyak. ‘’Alam ko na ang lahat…’’
Kumunot-noo siya.
‘’Ampon ako…’’, sabay tawa ulit. ‘’Ang saya, diba? Ampon lang ako kaya di niyo ako kayang mahalin… Ang galing… Napakagaling…!’’.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa’kin. Nilapitan niya ako.
‘’Makinig ka sa’kin, Jaria…’’, mahinahong sabi niya sa’kin.
‘’Bakit? Ano pa ba ang dapat kong pakinggan mula sa inyo? Paliwanag ninyo…? No need…!’’
‘’Sorry, Jaria, anak…’’, sabi ni daddy.
‘’Sorry…? Ngayon? Naiintindihan ko na ang lahat… Klaro na sa’kin ang lahat kung bakit hindi niyo ako kayang mahalin… Klaro na sa’kin kung bakit hindi niyo man lang ako kinakamusta kung okay lang ba ako…? Kung kumain na ba ako…? Kung may masakit ba sa’kin…? Bata pa lang ako, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ama… ‘Yon pala, hindi niyo ako kadugo… Pero, sino ba naman ako para mag-expect na mamahalin niyo ako pabalik, diba? Sino ba naman ako sa buhay niyo para maging important…? Inampon niyo lang naman pala ako…‘’
Magsasalita sana si daddy pero biglang may tumawag sa kanya at pagkatapos ay naguguluhan siya kung aalis ba or kakausapin muna niya ako.
Ilang saglit lang ay mas pinili niyang umalis.
‘’Dito ka muna sa bahay…’’, sabi niya at nagmamadali na siyang bumalik sa hospital.
Napaupo na lang ako at napahawak ng ulo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang bigat ng araw na ito para sa’kin.
Jaria Santillan POVKahit medyo lasing pa ako at amoy alak, nagpahatid ako sa’ming driver sa hospital. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.Pagkarating ko, nagpunta ako agad sa room kung nasaaan si mommy. Nadatnan ko si Tita, si Mica at si daddy.Nakatayo sina Tita at daddy at parang ang layo ng kanilang iniisip. Si Mica naman, nakaupo ito at mukhang malungkot siya sa mga nangyayari. Malalim din ang kanyang iniisip.Umiiyak lang ako na lumapit sa pintuan ng room kung nasaan si mommy ng biglang may sinabi sa’kin si Tita. ‘’Okay na ang mommy mo, pero wala pa rin siyang malay…’’Hindi ako makapagsalita. Tinignan ko lang si Tita sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ako at sabay yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at walang tigil ang aking paghagulgul.Lumipas ang ilang segundo, may napansin sa’kin si Tita kaya bigla itong kumawala sa pagkayakap sa’kin. ‘’Nakainom ka ba, Jaria?’’, alalang tanong niya sa’kin.Tinignan ko si daddy pero umiwas ito ng tingin sa’min. ‘’Kunti la
Mica Rodriguez Santillan POVNang natapos kami sa pagkain, nagtungo na kami sa dalampasigan. Saktong makulimlim at kunti lang ang mga tao doon. Sobrang ganda ng dagat, ang sarap ng simoy ng hangin, nakakawala ng problema at parang gusto ko na lang na itapon sa dagat ang mga bigat ng nararamdaman ko para naman maibsan ang sarili ko mula sa lahat-lahat ng dala kong problema.‘’Mamayang 7PM na lang kita ihahatid sa bahay niyo…’’, sabi niya sa’kin habang paupo na kami sa makapal na tela. ‘’…kung okay lang sa’yo’’, nakangiting dagdag niya sa’kin.Bigla ko tuloy naisip sina mama at lola, baka hinahanap na nila ako pero alam ko naman na hahanapin lang nila ako dahil kailangan nila ako. Tumango ulit ako sa kanya bilang pagpayag sa sinabi niya. Tahimik ang paligid, huni ng mga alon lang ang maririnig. Ilang minuto rin ang lumipas nang may humampas sa’min na alon. Nabasa kaunti ang shorts ko gayundin si EJ. Nagkatingin kaming dalawa hanggang sa tinawanan na lang namin ang isa’t-isa. ‘’See…’’
Jaria Santillan POVSabi nila, ang tunay na kaibigan, nandito sila para damayan ka. Nandito sila para kumustahin ka at iparamdam sayo na laging nandiyan lang sila kapag kailangan mo sila.Nasaan na kaya ang tinuring kong mga kaibigan?Or may kaibigan ba talaga akong tunay?Baka nag-assume lang ako na kaibigan ko sila pero hindi pala?Kailangan ko sila ngayon pero nasaan na ba sila?Nakaupo ako katabi ang kamang hinigaan ni mommy. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakikita ko sa mukha ni mommy na lumalaban ito para mabuhay pa at magising.Si mommy ang pinaka-strong na ina na nakilala ko sa buong buhay ko.Pinaka-strong pero ngayon ay nanghihina at pilit na lumalaban para mabuhay pa. Ang daming mga masasayang ala-ala namin ni mommy at umaasa akong madadagdagan pa iyon pagkagising nito.Madami pa kaming pangarap ni mommy, dahil pagkatapos ko sa kinuha kong kurso na Business Administration ay mag-aaral rin ako ng medisina dahil iyon ang panga
Jaria Santillan POVIsang gabi, habang nakahiga ako sa aking kama, narinig ko si EJ sa may tapat ng aking pintuan. Gusto raw niya akong makausap.‘’Jaria, please can we talk?’’, pakiusap niya ng ilang ulit.Dahil sa inis ko sa kanya ay pinagbuksan ko ito. ‘’What do you need? Can you just please stop? Ayaw ko ng kausap at ayaw kitang makita!’’, pagalit na bulyaw sa kanya kasabay ng pagsara ko sa aking pinto pero napigilan niya ako.‘’We need to talk!’’, mariing sabi niya sa akin at pumasok ito sa kuwarto ko. Hinila niya ako at nilock ang pinto ko. ‘’What is your plan now?’’, seryusong tanong niya sa’kin.‘’I don’t know!’’ inis na bulyaw ko sa kanya. ‘’Can you please stop acting na parang may concern ka?’’ garalgal na boses ko.Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. ‘’Im doing this because I care,’’ sagot niya. ‘’Im doing this because I love you’’, dagdag niya. Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.‘’Yes! I still love you, Jaria,’’ pag-uul
Mica Rodriguez Santillan POVUmuwi ako sa bahay at hindi ko nadatnan sina lola at mama.Paniguradong nasa sugalan na naman si mama o di kaya ay naglalasing na naman.Napasandal ako sa aking kinauupuan at inaalala ang sinabi sa’kin ni Jaria kanina.‘’Siguro… Kaya ako nasasaktan ngayon dahil sa pagiging masama ko… Ang dami kong kasalanan sayo… Lagi kitang hinuhusgahan sa lahat… Lagi kong iniisip na aagawin mo lahat sa’kin… Lagi kong iniisip na may balak ka sa’min na masama… Pero mali pala ako, sobrang mali…’Parang inuusig ako ng aking konsensiya sa mga nasabi niya sa’kin. Hindi siya ang masama dahil ako iyon.Alam kong mali ang ginagawa ko pero paano ako mamahalin nina lola at mama kung mabibigo ko sila?Nasa punto na ako ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko ba ang paghihiganti ko o titigil na ako?Nasaktan na masyado si Jaria sa pagkamatay ng kanyang mommy at ayaw ko ng masaktan siya ulit ngayong nagkakamabutihan na kami.Mabait si daddy sa’kin. Ni hindi ko man lang maramdaman sa kanya
Mica Rodriguez POV Padilim na ang paligid kaya dali-dali akong naglakad pauwi para makarating agad sa bahay at para ‘di ako maabutan ng ulan. Paniguradong papagalitan ako nina lola kapag hindi nila ako madatnan sa bahay. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa may naramdaman akong parang may sumusunod sa’kin. ‘’Miss, sa’yo ba ito?’’ Inisip ko kung may naiwan ba ako, kung may nahulog ba akong gamit pero wala naman? Hindi ko nilingon kung sino man ang tumawag sa’kin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa ito. Nang makalayo na ako ay bigla na lamang akong napatigil sa paglalakad nang ma-realize ko ang resume at mga 2x2 picture ko. Hindi ko na pala ito bitbit. Bumalik ako para hanapin ang mga gamit ko pero hindi ko alam kung saan ko ito naiwan. Naalala ko bigla ‘yong nagtanong sa’kin kanina pero hindi ko man lang siya nilingon. Habang naglalakad ako, sakto namang may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at may hawak na folder sa may bahay-kubo. May
Mica Rodriguez POV “Hello everyone. Hello, Mr. and Mrs. Santillan!”, bati ko sa kanila habang ako ay nasa stage. Lahat sila ay nakatingin sa’kin. Hindi nila maintindihan kung bakit ko nga ba ito ginagawa. “First of all, I would like to congratulate, Mr. and Mrs. Santillan for this event,’’ sabi ko habang nakangiti sa kanila. ‘’Nagtataka kayo siguro kung sino ako, well I am Mica Rodriguez’’, patuloy na sabi ko kahit kinakabahan ako sa pinagagawa ko. Hindi nila maintindihan kung ano ang ginagawa ko. Nakita kong tumayo ang ama ko at ang kanyang asawa para pigilan ako pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita. ‘’Itong gabi na ito, ito ang gabi na hinding-hindi niyo makakalimutan. Ito ‘yong araw na ikinasal kayong dalawa, at nagsumpaan sa altar. Pero sa kabila nun, Mr. Santillan, hindi mo ba naisip na may iniwan ka na dapat responsiblidad mo…?’’, umakyat ang asawa niya at pinipigilan niya ako sa mga pinagsasabi ko. Inagaw niya sa’kin ang microphone. ‘’What are you doing…?’’, mahina
Mica Rodriguez POV Nangyari na nga ang plano namin ni lola. Kilalang-kilala na ako bilang Mica Rodriguez, ang anak ni Marco Santillan na binaliwala niya mahigit labing-walaong taon. Hindi magtatagal ay magagawa ko na lahat ng mga plano ni lola. Isang linggo na ang lumipas noong makuha ni Marco Santillan, ang walang kwentang ama ko, ang DNA test result, madami na nga ang nangyari sa buhay namin. Ang kanyang asawa na si Jasmine ay mukhang hindi pa rin niya tanggap ang mga nangyayari pero pasensyahan na lang dahil kailangan niyang mag-adjust kasama ang kanyang anak sa aking paghihiganti. Magiging masaya sila mama at lola kapag naiparanas ko sa walang kwentang ama ko ang sakit na dinulot niya noon sa’min. In-enroll niya ako sa isang sikat na school at alam kong mga matatalino at mayayaman lamang ang dapat nandoon. Binilhan niya rin ako ng mga bagong damit at iba pang mga kakailanganin ko sa school. Binigay niya lahat kahit hindi ko sinabi sa kanya ang mga iyon. Pagkatapos niya akon
Mica Rodriguez Santillan POVUmuwi ako sa bahay at hindi ko nadatnan sina lola at mama.Paniguradong nasa sugalan na naman si mama o di kaya ay naglalasing na naman.Napasandal ako sa aking kinauupuan at inaalala ang sinabi sa’kin ni Jaria kanina.‘’Siguro… Kaya ako nasasaktan ngayon dahil sa pagiging masama ko… Ang dami kong kasalanan sayo… Lagi kitang hinuhusgahan sa lahat… Lagi kong iniisip na aagawin mo lahat sa’kin… Lagi kong iniisip na may balak ka sa’min na masama… Pero mali pala ako, sobrang mali…’Parang inuusig ako ng aking konsensiya sa mga nasabi niya sa’kin. Hindi siya ang masama dahil ako iyon.Alam kong mali ang ginagawa ko pero paano ako mamahalin nina lola at mama kung mabibigo ko sila?Nasa punto na ako ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko ba ang paghihiganti ko o titigil na ako?Nasaktan na masyado si Jaria sa pagkamatay ng kanyang mommy at ayaw ko ng masaktan siya ulit ngayong nagkakamabutihan na kami.Mabait si daddy sa’kin. Ni hindi ko man lang maramdaman sa kanya
Jaria Santillan POVIsang gabi, habang nakahiga ako sa aking kama, narinig ko si EJ sa may tapat ng aking pintuan. Gusto raw niya akong makausap.‘’Jaria, please can we talk?’’, pakiusap niya ng ilang ulit.Dahil sa inis ko sa kanya ay pinagbuksan ko ito. ‘’What do you need? Can you just please stop? Ayaw ko ng kausap at ayaw kitang makita!’’, pagalit na bulyaw sa kanya kasabay ng pagsara ko sa aking pinto pero napigilan niya ako.‘’We need to talk!’’, mariing sabi niya sa akin at pumasok ito sa kuwarto ko. Hinila niya ako at nilock ang pinto ko. ‘’What is your plan now?’’, seryusong tanong niya sa’kin.‘’I don’t know!’’ inis na bulyaw ko sa kanya. ‘’Can you please stop acting na parang may concern ka?’’ garalgal na boses ko.Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. ‘’Im doing this because I care,’’ sagot niya. ‘’Im doing this because I love you’’, dagdag niya. Napalunok ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.‘’Yes! I still love you, Jaria,’’ pag-uul
Jaria Santillan POVSabi nila, ang tunay na kaibigan, nandito sila para damayan ka. Nandito sila para kumustahin ka at iparamdam sayo na laging nandiyan lang sila kapag kailangan mo sila.Nasaan na kaya ang tinuring kong mga kaibigan?Or may kaibigan ba talaga akong tunay?Baka nag-assume lang ako na kaibigan ko sila pero hindi pala?Kailangan ko sila ngayon pero nasaan na ba sila?Nakaupo ako katabi ang kamang hinigaan ni mommy. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakikita ko sa mukha ni mommy na lumalaban ito para mabuhay pa at magising.Si mommy ang pinaka-strong na ina na nakilala ko sa buong buhay ko.Pinaka-strong pero ngayon ay nanghihina at pilit na lumalaban para mabuhay pa. Ang daming mga masasayang ala-ala namin ni mommy at umaasa akong madadagdagan pa iyon pagkagising nito.Madami pa kaming pangarap ni mommy, dahil pagkatapos ko sa kinuha kong kurso na Business Administration ay mag-aaral rin ako ng medisina dahil iyon ang panga
Mica Rodriguez Santillan POVNang natapos kami sa pagkain, nagtungo na kami sa dalampasigan. Saktong makulimlim at kunti lang ang mga tao doon. Sobrang ganda ng dagat, ang sarap ng simoy ng hangin, nakakawala ng problema at parang gusto ko na lang na itapon sa dagat ang mga bigat ng nararamdaman ko para naman maibsan ang sarili ko mula sa lahat-lahat ng dala kong problema.‘’Mamayang 7PM na lang kita ihahatid sa bahay niyo…’’, sabi niya sa’kin habang paupo na kami sa makapal na tela. ‘’…kung okay lang sa’yo’’, nakangiting dagdag niya sa’kin.Bigla ko tuloy naisip sina mama at lola, baka hinahanap na nila ako pero alam ko naman na hahanapin lang nila ako dahil kailangan nila ako. Tumango ulit ako sa kanya bilang pagpayag sa sinabi niya. Tahimik ang paligid, huni ng mga alon lang ang maririnig. Ilang minuto rin ang lumipas nang may humampas sa’min na alon. Nabasa kaunti ang shorts ko gayundin si EJ. Nagkatingin kaming dalawa hanggang sa tinawanan na lang namin ang isa’t-isa. ‘’See…’’
Jaria Santillan POVKahit medyo lasing pa ako at amoy alak, nagpahatid ako sa’ming driver sa hospital. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.Pagkarating ko, nagpunta ako agad sa room kung nasaaan si mommy. Nadatnan ko si Tita, si Mica at si daddy.Nakatayo sina Tita at daddy at parang ang layo ng kanilang iniisip. Si Mica naman, nakaupo ito at mukhang malungkot siya sa mga nangyayari. Malalim din ang kanyang iniisip.Umiiyak lang ako na lumapit sa pintuan ng room kung nasaan si mommy ng biglang may sinabi sa’kin si Tita. ‘’Okay na ang mommy mo, pero wala pa rin siyang malay…’’Hindi ako makapagsalita. Tinignan ko lang si Tita sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ako at sabay yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at walang tigil ang aking paghagulgul.Lumipas ang ilang segundo, may napansin sa’kin si Tita kaya bigla itong kumawala sa pagkayakap sa’kin. ‘’Nakainom ka ba, Jaria?’’, alalang tanong niya sa’kin.Tinignan ko si daddy pero umiwas ito ng tingin sa’min. ‘’Kunti la
Jaria Santillan POVNabangga ang sinasakyan ni mommy ng isang truck habang pauwi na sana siya galing work.‘’Malubha ang lagay ng inyong asawa, sir. Nabagok ang kanyang ulo, dahilan nito para magka-damage ang kanyang utak. Tatagan niyo po sana ang inyong loob’’, sabi ng doctor nang lumabas siya sa operating room kay daddy.Nagpapagaling na rin ang driver ng truck na nakabangga kay mommy, hindi malubha ang lagay nito at maari na siyang ipasok sa kulungan sa susunod na araw.Sabi ng mga pulis, wrong way raw ang lalaking driver na nakabangga kay mommy at lasing ito kaya dapat lang na panagutan niya ang nangyari kay mommy.Si tita Haide ang kasama ko sa pagbabantay kay mommy. Hindi ko na lang namalayan ay nakatulog na pala ako.Wala pang isang oras ay nagising ako. Akala ko sa paggising ko, okay na si mommy, akala ko magiging maayos na si mommy pero akala ko lang pala. Unti-unting pumapatak ulit ang mga luha ko sabay yakap kay Tita. ‘’Mahal na mahal ko po si mommy… mahal na mahal ko po s
Mica Rodriguez Santillan POVKinuha ko rin ang libro ko at sinundan si Jaria. Lagi na lang niya kasi akong iniiwasan. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, gusto ko lang naman maging kaibigan siya.‘’Jaria….’’, tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad ng tinawag ko ulit siya at tinignan niya ako na parang naiinis.‘’What…?’’Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko at parang natakot ako sa kanya dahil parang wala siya sa mood na makipag-usap.‘’Pwedi bang lubayan mo ako? Pwedi bang gumawa ka ng boundaries between us kahit dito man lang sa Academy? And please, huwag mo akong kakausapin…!’’, sabi niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Wala rin naman akong isasagot sa kanya at kung mayroon man, hindi iyon matinong sagot at ayaw kong pati siya ay madamay sa paghihiganti ko. Naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niya sa’kin, ako rin naman kasi ang unang nanggulo sa kanilang pamilya at hanggang n
Jaria Santillan POV ‘’Daddy, nakalimutan ko pala ang ID ko sa library. Magtaxi na lang po ako’’, sabi ko kay dad nang sunduin niya ako sa Academy kasama si Mica. Hindi ako nagpunta sa library dahil hindi naman totoong naiwan doon ang ID ko. Mabuti na lang dahil nakasalubong ko si Avon. Pauwi na siya pero niyaya ko siyang mamasyal muna sa mall. Madali lang naman siya mapapayag lalo na kapag ililibre ko siya. Sa Great Day’s Restaurant muna kami pumunta ni Avon dahil nagugutom na kami. Habang papasok na kami sa restaurant na ‘yon ay bigla akong hinila ni Avon. ‘’Yung daddy mo at si Mica…’’, bulong niya sa’kin habang hinihila pa rin niya ako. Nakita ko nga sina daddy at Mica. Ang saya nilang kumakain sa favorite restaurant namin ng family ko. Ang saya ni daddy at ngayon ko lang siya nakita na ganito, hindi siya ganoon kasaya noong kami ni mommy ang kasama niya doon na kumakain. ‘’Jaria, actually, hindi pa naman ako gutom eh. Tara, bili muna tayo ng shoulder bag natin’’, yaya niya
Mica Rodriguez Santillan POV Sinundo ako ng ama ko para doon mananghalian sa kanilang bahay. Ito ang unang araw na doon ako manananghalian. Ang daming pagkain, parang fiesta. Wala naman silang mga bisita pero ang daming nakahandang pagkain. ‘’Pwedi siyang um-extra every weekends sa company natin para kahit papaano ay makatulong pa rin siya sa mama at lola niya’’, suhestiyon ng ama ko nang tanungin nila ako kung saan ako magtatrabaho. ‘’At Saint Willford Academy siya mag-aaral, Mondays to Fridays’’, dagdag ni dad. ‘’What…?’’, gulat na tanong ni Jaria. ‘’I don’t believe with this! Doon ako mag-aaral at ayaw ko siyang makasama doon… Nakakahiya…’’ ‘’No…!’’ mariing sabi ng ama ko. ‘’Doon siya mag-aaral at enrolled na siya doon,’’ pagtatanggol niya sa’kin. Natahimik ulit ang bahay at nagpatuloy kami sa pagkain. Alam kong inis na inis na sa’kin ang mag-ina. Nakakatuwang makita ang kanilang reaksiyon. Pagkatapos namin mag-lunch ay nagpunta kami sa may swimming pool kasama ang asawa at