"Baka maya-maya ay dadating na rin iyon anak," sambit ni nanay Rosa. Tinapik pa siya nito sa braso bago umalis ang matanda at tumungo sa sarili nitong silid. Kinuha ni Abi ang anak at inilipat sa kama. Malaki naman ang kama nila at nakadikit ang kabilang side nito sa wall kaya safe na hindi mahuhulog si baby Gavin kapag itatabi niya ito sa kama. Maingat niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Nilagyan niya ng maraming unan ang gilid ng wall. Nahiga na rin siya sa tabi ng anak. Tumagilid siya paharap dito at itinukod muna ang isang siko para titigan ang anak na payapa nang natutulog. "Thank you, baby sa pagdating mo sa buhay namin, lalong-lalo na sa akin. Binuo at kinompleto mo ang kakulangan ko bilang isang babae. Thank you, dahil sa'yo nararanasan ko ngayon ang maging ina. Sa'yo ako ngayon kumukuha ng lakas ng loob anak," garalgal ang boses na kausap niya sa bata na mahimbing ng natutulog na ngayon sa tabi niya. "Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Abi. Ano bang nangyayari
Tuluyan ng pumasok sa loob ng nursery room si Seb. Nagising naman si Abi nang maramdaman niya ang pagdating ni Seb ang presensya nito sa loob ng kwarto. Ang mabangong amoy nito agad na nagkalat sa loob ng silid. Lumundo ang kama sa gilid niya kaya alam niyang umupo sa tabi niya si Seb. Narinig niya ang ilang beses na pagbuntong hininga nito na kay lalim. Pinapakiramdaman na lamang niya ang asawa hanggang sa narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Tumayo si Seb at narinig niya ang mga yabag nito na bahagyang lumayo sa kama. "Yes, nasa bahay na ako. Bukas na lang tayo magkita. Anong oras na kaya matulog ka na, okay? I miss you too and I love you too, babe," malambing na turan ni Seb. Mahina ngunit dinig na dinig niya ang mga salitang binigkas nito. Mga salitang halos dumurog ng husto sa puso niya. Kahit nakapikit ang mga mata niya kusang tumulo ang mga luha niya. Umiiyak siya ng palihim at walang maririnig na hikbi kundi isang tahimik na pag iyak lamang. Hindi niya alam
Pababa na ng hagdanan si Abi nang marinig niya ang pag andar ng sasakyan ni Seb. Nang makita niyang palabas na ito ng malaking gate ay saka siya mabilis na bumaba ng hagdanan at tinungo ang sariling sasakyan na nakaparada din sa kanilang garahe. Kaagad siyang sumakay rito at binuhay ang makina. Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kotse ng matanaw niya ang sasakyan ng kanyang asawa na palabas pa lang ng subdivision. Dumistansya siya rito habang patuloy na nakabuntot sa likuran ng kotse nito ang kotse niya. "Meeting ba talaga ang dahilan kaya ka nagmamadaling pumasok palagi sa trabaho, Seb?" tanging kausap niya sa kanyang sarili. Malapit na sila sa kompanyang pag-aari ng kanyang asawa nang magpatuloy ito at hindi huminto. "Akala niya may meeting ito pero mukhang ibang meeting ata ang dadaluhan ng asawa niya. Sana nga mali siya." Binagalan niya ang takbo ng sasakayan ng makitang inihinto nito ang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Nakita niyang bumaba ang asawa
Pinaandar ni Abi ang dalang sasakyan at nagmaneho palayo sa lugar na iyon. Alam na alam na niya kung bakit pumasok ang dalawa sa hotel na iyon. Kahit nanginginig at nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha ay nagawa niya pa ring magmaneho. Kinuha niya ang cellphone at nag dial sa numero ng kaibigan. Laking pasalamat niya nang sumagot ito kaagad. "Hello, besh?" Dinig niyang boses ni Lyca sa kabilang linya. "Yca," sambit niya sa pangalan nito at hikbi na ang naging kasunod niyon. Ilang saglit na naging tahimik ang kaibigan niya bago niya narinig ang mahabang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Nasaan ka? Pupuntahan kita? Teka, nagmamaneho ka ba Abi?" tanong ng kaibigan niya. Ngunit imbes na sagutin ang tanong nito ay siya naman ang nagbalik tanong sa kaibigan. "Pwede ba tayong magkita ngayon?" garalgal pa rin ang boses niya. "Oo naman, pwede mo akong puntahan dito sa cafe ngayon. Maaga pa naman at wala pang gaanong tao rito," wika ni Lyca sa kanya. Hindi na siya
Pagdating ni Seb sa bahay ay agad niyang nakasalubong si Nay Rosa na paakyat ng hagdanan at may dala dalang mangkok na my umuusok. Nalalanghap niya ang mabangong amoy nito. "Saan nyo po dadalhin yan Nay? At para kanino?" kuryusong tanong ni Seb. "Para ito sa asawa mo anak. Hindi kasi iyon bumaba para maghapunan at kanina pa masakit ang ulo niya. Wala rin daw siyang gana kumain, kaya naman nilutuan ko siya nitong arozcaldo at baka lang magustuhan niya. Para makainom na rin siya ng gamot," wika ni Nay Rosa. Natigilan naman si Seb, dahil sa narinig mula sa matanda. May sakit ang asawa niya. "Ako na ho ang magdadala niyan, Nay," aniya at kinuha sa matanda ang dala nitong tray na agad namang ibinigay sa kanya. Pagpasok ni Seb sa loob ng masters bedroom ay hindi niya nakita roon ang asawa. Wala ito sa loob ng silid nila. Akala niya ba nandito sa taas si Abi at may sakit. Bakit wala ito dito sa kwarto nila? Isa lang ang naisip niya kaya agad siyang nagtungo sa silid ng kanilang
Totoo nga ang sinabi ni Seb na hindi ito pumasok sa kompanya habang masama ang pakiramdam niya. Halos isang linggo din kasing pabalik-balik ang sama ng pakiramdam niya. Lagi din siyang nahihilo at laging pagod. Bago sa kanya ang ganitong pakiramdam, pero isinantabi na lamang niya ito dahil minsan naman ay nagiging okay ang pakiramdam niya. Sinabihan na nga rin siya ng asawa na magpatingin na sa doctor pero umayaw siya. Pakiramdam niya na trauma pa siya nun huling beses na pumunta sila sa doctor. At iyon nga ay ang nalaman nilang baog pala siya at hindi na magkaka-anak. Simula nun kaya para siyang nagkaroon ng takot sa pagpapa check up.Kasalukuyan naman ngayong nasa mini office si Seb dito sa loob ng bahay nila. May inaayos lang daw itong mga dokumento sa opisina para wala itong masaydong alalahanin kapag nasa bakasyon sila.Ngayon nga ay busy rin siya sa pag-iimpake ng mga gamit nila. Bukas na kasi ang alis nila papuntang palawan para sa dalawang linggo nilang bakasyon. Ibig sabihin
"Wife, let's go. We're ready," sigaw ni Seb sa asawang si Abi. Nasa baba na kasi sila ng anak na si baby Gavin at hinihintay na lang siya ng mga ito. "Yes, hubby, coming," ganting sigaw niya rito. Ang sabi ni Seb ay maglalakad-lakad daw sila sa gilid ng dalampasigan kasi malamig na ang temperatura at tamang-tama na maglakad-lakad sila at maliligo na rin sa malinaw na tubig sa dagat. Napangisi si Abi nang makita niya ang reaksyon ni Seb na nakatulala habang titig na titig sa kanya. Bakit? Nakasuot lang naman siya ng ternong white bikini na pinatungan niya ng see through cover up open front kimono cardigan. "Perfect, you're so beautiful and sexy, love," sambit ni na sinusuyod pa rin ng tingin ang kabuuan niya. Nagdiwang ang loob ni Abi buhat sa narinig na sinabi ni Seb. "Dapat lang Seb, dapat ako lang ang maganda sa paningin mo para hindi mo na maisip ang babaeng pilit kang inaagaw sa akin," piping sigaw ng isip ni Abi. "Shall we?" untag niya sa asawa na tila na magnet na 'a
Pagdating nila sa resthouse ay sabay na silang tatlo na naligo ulit sa loob ng banyo. Binilisan na niya ang kilos dahil kanina pa namumungay sa antok ang mga mata ng anak. Wala na ito sa mood dahil halata na ang antok sa mga mata nito. Nauna na rin silang lumabas ng banyo at naiwan si Seb na hindi pa tapos maligo. Inunang asikasuhin ni Abi si baby Gavin, mabilis niya itong binihisan ng damit dahil papikit-pikit na talaga ang mga mata ng bata. Siya naman ay nakasuot pa run ng bathrobe. Hindi muna siya nagbihis para unahin ang anak. Nang matapos bihisan ang anak ay agad niya itong tinimplahan ng gatas kaya ilang segundo lang ay agad naman itong nakatulog na habang dumedede pa sa feeding bottle nito. Napagod din 'ata 'tong anak niya sa kakatampisaw sa tubig kanina, kaya ito bagsak agad. Tatalikod na sana siya para kumuha ng damit para magbihis nang mapansin niya ang celphone ng asawa na nakapatong sa night stand pati na ang wallet at wrist watch nito. Nilapitan niya ito at kinuha
Kinaumagahan ay gumising si Abi na puyat na puyat. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa pag-iisip at pag-aalala niya sa asawa. Muli niyang sinulyapan ang cellphone sa pagbabakasakaling may tawag o messages si Seb pero wala pa rin. Gusto na niyang mainis at magalit sa asawa pero nangingibabaw ang pag-aalala niya para rito. Hindi ito gawain ni Seb. Hindi ito ginagawa ng asawa niya, lalo na ang pag-aalalahanin siya nang ganito. Bigla niyang naalala si Rowan. Kasama ito ng asawa niya na nagtungo sa switzerland. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at chinat ang PA ni Seb. Pero hindi online ang lalaki. Pumasok pa rin sa opisina si Abi kahit pa wala siyang gana. Gusto lang sana niya ay magmukmok sa mansion at titigan ang cellphone niya, baka sakaling tumawag si Seb. Balak na sana niyang ipaalam sa mga magulang nito ang tungkol sa hindi pagkontak ni Seb sa kanya, pero nag-aalalangan naman siya. Ayaw niya na pati ang mga ito ay mag-alala sa asawa niya. Kaya naman inisip
Kinabukasan ay naging abala si Abi sa pag iimpake ng mga damit ni Seb dahil aalis ito ng bansa. Meron kasing business meeting ang asawa niya sa Switzerland. Biglaan na annouce ang nasabing business meeting at kailangan na dumalo ang asawa niya roon. Three days lang naman itong mawawala pero sinisigurado pa rin niyang mabuti na maayos ang mga gamit na dadalhin nito. Bukas na ang alis nito at ngayon pa lang ay nalulungkot na siya. Paano birthday niya pa naman niya sa susunod na araw tapos wala si Seb. Patapos na siya sa pag aayos nang pumasok sa Seb sa silid nila. Sakto na naisara na niya ang maleta na dadalhin bukas ng asawa niya papuntang ibang bansa. "Hmmn...bakit malungkot ang asawa ko," bulong nito sa tainga. Nakayakap kasi ito sa kanya mula sa likuran. Pumihit siya paharap sa asawa at agad na ipinilupot ang dalawang braso sa leeg nito. Gusto sana niyang sabihin na nalulungkot siya dahil saktong magbi-birthday siya pero wala ito. Pero hindi niya masabi dahil kilala ni
One year later... "Hey dude, sigurado ka ba talaga diyan sa gusto mo?" tanong ni Seb sa kausap niya sa phone. "Yes dude, sigurado ako kaya pumayag ka na," pangungulit pa ng kausap niya na tila bata lang kung mangulit. Napapabuntong-hininga tuloy si Seb nang malalim at napapahilot sa sintido niya. Kung bakit pabigla-bigla naman kasi itong kaibigan niya. Alam naman niya na may nakaraan ang dalawa. Pero higit pa roon, ang inaalala niya ay si Abi. Baka magalit ito at sa kanya magalit ang asawa niya. Iyon ang ayaw niya. Wala pa naman ngayon sa opisina ang asawa niya dahil hinatid nito ang bunso nila sa bahay ng parents niya. "Okay, dude pero tatanungin ko muna si Abi at...." ngunit nahinto ang pagsasalita niya nang putulin ito nang kausap niya. "Please dude, bigay mo na sa akin 'to," pamimilit pa nito sa kanya. "Alam mo naman si Abi hindi 'yon papayag kapag sinabi mo pa," dagdag pa nito. "Okay, pero ayusin mo lang talaga dude. Kundi malalagot ka rin sa akin," banta niya
"Wow! You're not just beautiful mam but very beautiful," wika ng babae na nagme-make up sa kanya. Napapangiti naman siya sa sinabi nito. "What is your name, dear?" tanong niya sa nagme-make up sa kanya. "Mia po ma'am." "And you are?" tukoy niya sa baklang nag-aayos ng buhok niya. "Paolo ma'am," anito na nag boses lalaki pa kaya natawa sila. "Pero noon 'yon, ngayon ako na si Paola, lalalala...." dagdag ps nito sa malanding boses. Ngayong araw kasi ay ikakasal siya ulit kay Seb. Ilang buwan matapos niyang manganak ay sinabi ng asawa niya ang plano nitong muli siyang pakakasalan. Ayaw na sana niyang pumayag dahil gastos lamang iyon. Pero para kay Seb na isang bilyonaryo ay hindi problema ang pera. At sa huli pumayag siya dahil wala naman siyang magagawa. Mahal niya ang asawa niya at ang makasal muli rito ay napakasarap sa pakiramdam. "Naku, siguradong matutulala sa inyo ang asawa niyo mam Abi," anang make up artist niya. "Sa ganda ni bride hindi lang tulaley si
"Shit," muling napamura si Seb nang sabihin ni Abi na samahan niya ang asawa sa loob ng delivery room. Hindi naman sa takot siya or duwag siya kundi kinakabahan siya ng sobra. Napatingin si Seb sa palad niya at kita niyang sobrang puti nito na tila wala ng dugo. Ambilis din nang kabog ng dibdib niya na akala mo ay siya itong manganganak. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang asawa na napapangiwi sa sakit ng tiyan. Nasaktan siya kanina sa natamo niyang sampal sa asawa niya pero mas nasasaktan siya na nakikita itong nahihirapan. Nakahiga na ngayon si Abi at nakabukaka ang dalawang hita nito. Mahigpit din na nakahawak sa kamay niya ang kamay ng asawa niya habang nasa gilid siya nito. Na para bang sa kanya kumukuha ng lakas. Ngunit kasabay nang malakas na pag-ire ni Abi at paglabas ng baby nila ay siya namang biglang pagbuhos ng mga luha sa mga mata niya. ******** Nagising si Abi na puting kisame agad ang nabungaran ng paningin niya. Nanghihina siya at parang naubos ang l
Five months later... "Hubby," gising ni Abi kay Seb na mahimbing ang tulog sa tabi niya. "Manganganak na ata ako, hubby," saad ni Abi at muling niyugyog ang balikat ng asawa niya para gisingin ito. Pero nakakailang gising na siya ay hindi pa rin nagigising si Seb at nakanganga pa ito. Hindi man lang natinag sa panggigising niya. Nagising kasi siya ngaying madaling araw dahil nakaramdam siya ng panaka-nakang sakit sa tiyan niya. Idagdag pa ang pangangalay ng balakang niya. Kabuwanan na kasi niya ngayong buwan. Pero ang expected due date niya ay sa susunod na linggo pa. Pero mukhang hindi na ata siya aabutin next sunday dahil pakiramdam niya ngayong araw ay lalabas na ang baby nila. "Ouch," daing niya nang muling makaramdam ng sakit. Naninigas ang tiyan niya kaya napapangiwi siya sa sakit. Napahaplos siya sa tiyan niya at hinimas-himas ito. Nakasuot naman siya ng maternity night dress kaya ready na siya ano mang oras na dalhin na siya sa hospital. Ang problema niya ay tulo
Maingat siyang inilapag ni Seb sa dulo ng kama. Yumuko ito sa harapan niya at agad na sinibasib ng halik ang labi niya. Hindi na rin siya nagpakipot pa at kaagad na nag-init ang katawan niya nang magsimulang maglumikot ang kamay ni Seb sa malulusog niyang dibdib. Kahit na may suot pa siyang nighties ay damang-dama niya ang init na nagmumula sa palad nito. Hinuli nito ang dila niya at sinupsop iyon, kaya hindi niya napigilan ang mapaungol. "Uhmmn..." Bumaba ang halik ni Seb sa leeg niya at pinatakan siya roon ng magagaang halik. Habang ang malikot nito kamay ay nasa hita na niya naglalakbay. Lalo tuloy siyang nakiliti. Pakiramdam niya basang-basa na siya down there. Idagdag pa na buntis kaya mataas ang libido niya sa katawan. Natatawa na lang tuloy siya sa sarili niyang karupukan. Kanina lang kasi sobrang inis niya kay Seb, tapos heto ngayon namamasa na siya. "Naku Abi, maghinay-hinay ka at buntis ka pa naman," paaalala ng isip niya. "Ahhh....ohhh..." ungol ng himasin ni Seb ang
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni