Samantala gabi na at nasa sala pa si Abi na naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Hindi pa ito tumatawag sa kanya simula pa kanina. Si Baby Gavin andun na sa nursery room natutulog at binabantayan ni nanay Rosa. Yes, may kasama na sila sa bahay. Ipinilit kasi talaga ni Seb na kumuha ng makakasama niya sa bahay para hindi siya mahirapan sa gawaing bahay at mag focus na lang kay baby Gavin.
Hindi naman na niya tinutulan pa ang gusto ng asawa. Kahit pa kaya naman niyang gampanan ang lahat. Laki siya sa hirap kaya lahat kaya niya.Pumunta siya ng dining area at ininit na muna niya ang mga pagkaing inihanda niya kanina para kay Seb. Baka pagod galing sa trabaho ang asawa niya at gutom na ito kaya mabuti ng ihanda na niya ang hapunan nilang dalawa. Hindi pa rin naman kasi siya kumakain at hinihintay niya itong dumating para sabay na silang kumain. Ito ang pangalawang beses na ginabi ng uwi ang asawa niya. Dati kasi maaga itong nakakauwi. Siguro busy lang talaga ito sa kompanya at maraming inaasikaso.Hindi naman siya nabigo at ilang minuto lang ang hinintay niya matapos na initin ang mga pagkain, ay nauniligan niya ang ugong ng sasakyan sa garahe. Malamang si Seb ito, dumating na ang asawa niya. Mabilis niyang inayos ang mga pagkain at inilatag muli sa hapag-kainan.Tinungo na rin niya ang main door at doon hinintay ang pagdating ng kanyang asawa.Ilang minuto lang ang hinintay niya at nagbukas na ang pintuan at iniluwa nun si Seb. Halatang ang pagod sa mukha nito. Ngunit napangiti naman ng makita siyang nag-aabang sa pintuan."Hey, love, ano'ng ginagawa mo rito sa baba? Bakit gising ka pa?" sunod-sunod na tanong ni Seb sa kanya matapos siya nitong gawaran ng halik sa noo at labi.Ngumiti naman siya kay Seb habang tinutulungan itong alisin ang suot nitong coat. Kinuha na rin niya ang dala nitong attache case. Nilapag niya muna ang mga iyon sa sofa. Pati sapatos ni Seb, ay tinanggal na rin niya at medyas. Ganito lagi siya sa asawa. Pagkatapos ay magkahawak kamay silang pumunta sa dining area para kumain ng dinner."Thank you, sa paghintay sa akin love. Late ka na rin tuloy kumain, dahil late akong nakauwi. Sana nauna ka na lang kumain kanina at hindi na lang ako hinintay." Wika si Seb, matapos nguyain ang pagkain."Anu ka ba love, okay lang 'yon. Hinintay talaga kita at hindi pa naman ako nagugutom kanina. Isa pa mas masarap kumain kapag kasama kita," nakangiti niyang sagot na siyang nagpasilay ng magandang ngiti sa mga labi ni Seb.Hay ang gwapo talaga ng lalaking to. Ang swerte niya kay Seb, talaga.Well, totoo naman na hindi siya kumain kanina dahil busog pa siya at gusto niya rin talaga itong makasabay sa pagkain.Pagkatapos nilang kumain ay hinugasan na niya ang pinagkainan nila. Pinauna na niya si Seb sa taas para makapag pahinga na ito at susunod na lamang siya. Pero hindi umalis ang lalaki. Bagkus, tinulungan pa siya nito. Ito ang nagpunas sa lamesa at nagligpit ng mga natirang pagkain.Patapos na siya sa pagbabanlaw ng mga hugasin ng maramdaman niyang yumakap sa likuran niya si Seb. Ipinatong pa nito ang baba niya kanang balikat niya."Love, sorry ha kung hindi ako nakatawag kanina. Ang dami ko kasing tinapos na trabaho sa opisina. Marami rin meetings na nakapila. Plus dumagdag pa itong si Johnson." pagpapaliwanag ni Seb sa kanya.Nagpunas naman siya ng kamay at humarap sa asawa. Hinaplos niya ang makinis na pisngi nito."Ayos lang, love naiintindihan naman kita. Alam kong busy ka kaya ayos lang," malambing niyang sambit sa asawa."Nga pala, love kamusta si Johnson? Naayos mo ba ang problema niya? Yong nasagasaan niya, maayos ba ang lagay?" tanong niya.Dinig niya ang pagbuntong hininga ni Seb."Naayos ko na love, nailabas ko na rin sa kulungan si Johnson. Nabayaran ko na rin ang pamilyang nadisgrasya niya. Buti na lang at buhay pa ito at nagpabayad na lang ang pamilya. Pati bills sa hospital sinagot ko na rin." mahabang wika ni Seb."By the way, love, ikaw kamusta ka rito? Kayo ni baby Gavin? Hindi ka ba nahihirapan? Gusto mo kumuha pa ako ng isang kasambahay?"Napailing siya sa huling sinabi ni Seb."No, love, wag ka na kumuha ng isa pang kasambahay. Ayos lang ako, kami ni baby. Hindi naman na ako nahihirapan dahil nandito naman si Nay Rosa. Kaya wag ka na mag abala pa." aniya."Love, hindi naman abala yon, ayoko lang nahihirapan ka." ani Seb sa malambing na tono.Hindi niya tuloy mapigilan ang kiligin. Kahit kailan talaga lagi na lang siyang pinapakilig ng asawa niya."Love, huwag ka na mag alala, ayos lang talaga ako." ngumiti siya ng matamis at tumingkayad para gawaran ng halik sa labi ang asawa niya.Ngunit nagulat na lang siya ng bigla siya nitong buhatin at umangat siya sa ere ng hindi napuputol ang halikan nilang dalawa. Mabilis tuloy niyang naiyakap ang mga binti sa beywang ni Seb. Karga karga siya nito habang tinatahak ang hagdanan paakyat sa kanilang kwarto.Isang bwan pa ang matulin na lumipas. Sa loob nang isang buwan na iyon ay palagi na lang ginagabi ng uwi si Seb. Balewala lamang iyon kay Abi, at naiintindihan niya ang trabaho ng kanyang asawa. Hindi nga naman madali ang maging CEO ng isang napakalaking kumpanya. Isa pa hindi naman ito nagkukulang sa mga pangangailangan nila. Lalo na ng kanilang anak. Pero pakiramdam ni Abi, ay may nagbago sa kanyang asawa. Gabi-gabi niya itong hinihintay na umuwi para sabay sila kung kumain. Ngunit lagi nitong sinasabi na busog na ito. Kaya siya na lamang ang kumakain mag-isa. Nauuna na rin itong umakyat sa kwarto nila pagdating nito galing trabaho. Palaging pagod ang asawa niya pagdating sa bahay nila at wala nang oras para sa kanya maging sa kanilang anak. Ni hindi na nga nito naabutan na gising si baby Gavin. Dahil maaga itong umaalis at pumapasok sa trabaho, tulog pa ang bata. Pagdating naman nito sa gabi tulog na rin si Gavin. Wala na ring nagaganap na sexy time sa pagitan nila. Sa isang igl
Nagmamadali na iniligpit ni Seb ang mga gamit niya sa opisina para maka uwi na siya. Trenta minutos na lang at malapit na mag alas sais. Kailangan niyang bilisan ang kilos. Dadaan pa siya ng mall para ibili ng regalo ang anak nila ni Abi.Palabas na sana siya ng bigla namang sumulpot si ang sekretarya niya sa harap ng pinto. Nagtataka ang mukha nito napatingin sa kamay niya ng makita na bibit na niya ang kanyang attache case. Pati na rin ang kanyang lunch box. Ibig sabihin kasi niyon ay pauwi na siya."Maaga pa para umuwi Mr. Ashford," wika ni Sandra at tuluyan ng pumasok sa loob."I have to go, Sandra. Hinihintay na ako ng asawa at anak ko. Magce-celebrate kami ngayon sa pag iisang buwan na kasama namin si baby Gavin." aniya sa babae."Celebrate? Ibig sabihin ba niyan, may sexy time rin kayo mamaya ng asawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sandra."Hindi mo na dapat tinatanong yan Sandra, asawa ko si Abi. At wala naman sigurong masama kung meron di ba?" sagot ni Seb.Biglang luma
Masayang nakikipaglaro si Abi kay baby Gavin sa playroom nito. Maganda ang araw niya lalo pa ng maalala niya kagabi ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila ng kanyang asawa.Akala niya ay nanlalamig na sa kanya si Seb, pero mali siya dahil kagabi, ipinaramdam nito sa kanya ang labis nitong pagmamahal. Lalo na ng halos sambahin ng kanyang asawa ang katawan niya. Walang siyang naging reklamo kahit pa halos buong gabi siya nitong inangkin. Mahal niya si Seb kaya buong puso siyang nagpaubaya rito.Nasa ganoong pag-iisip siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Agad niyang kinuha ito at tinignan ang nasa screen. Akala ni Abi ay si Seb ang tumatawag pero si Lyca pala, ang besfriend niya. Agad naman niyang sinagot niya ito."Hello, bes?'' aniya."Hi, bes. Kamusta ka na?" tanong nito sa kabilang linya."Maayos naman, ito busy sa pag-aalaga kay baby Gavin at kay Seb syempre," proud niyang sagot sa kaibigan. Habang nakatuon ang mga mata sa anak na naglalaro sa laruang binili ng daddy Se
Kanina pa tapos ang tawag ng kaibigan ni Abi na si Lyca, pero nanatili lang siyang nakatulala habang pinagmamasdan ang anak sa crib nito na naglalaro ng laruan.Hindi na nga niya napansin na sa pgkakatulala niya ay nabitawan na pala niya ang kanyang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Lyca. Mahal niya si Seb at alam niyang mahal din siya ng asawa.Naniniwala siyang hindi siya kayang lokohin ni Seb. Nangako itong hindi siya nito ipagpapalit sa ibang babae at hindi sasaktan. Hanggat kaya niyang paniwalaan ang puso niya ay ito ang susundin niya. Hanggat wala siyang nakikitang ebidensya ay hindi siya maniniwala.Sumapit ang gabi at hindi pa rin umuuwi si Seb. Tulog na si baby Gavin at nasa loob pa ito ng nursery room nito kasama si Nanay Rosa. Doon niya muna iniiwan ang anak kapag may ginagawa pa siya. Nasa dining area na siya nakaupo at nakaharap sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Nagugutom na siya pero hinihintay pa niya dumating ang asawa niya. Mag alas onse
"Baka maya-maya ay dadating na rin iyon anak," sambit ni nanay Rosa. Tinapik pa siya nito sa braso bago umalis ang matanda at tumungo sa sarili nitong silid. Kinuha ni Abi ang anak at inilipat sa kama. Malaki naman ang kama nila at nakadikit ang kabilang side nito sa wall kaya safe na hindi mahuhulog si baby Gavin kapag itatabi niya ito sa kama. Maingat niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Nilagyan niya ng maraming unan ang gilid ng wall. Nahiga na rin siya sa tabi ng anak. Tumagilid siya paharap dito at itinukod muna ang isang siko para titigan ang anak na payapa nang natutulog. "Thank you, baby sa pagdating mo sa buhay namin, lalong-lalo na sa akin. Binuo at kinompleto mo ang kakulangan ko bilang isang babae. Thank you, dahil sa'yo nararanasan ko ngayon ang maging ina. Sa'yo ako ngayon kumukuha ng lakas ng loob anak," garalgal ang boses na kausap niya sa bata na mahimbing ng natutulog na ngayon sa tabi niya. "Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Abi. Ano bang nangyayari
Tuluyan ng pumasok sa loob ng nursery room si Seb. Nagising naman si Abi nang maramdaman niya ang pagdating ni Seb ang presensya nito sa loob ng kwarto. Ang mabangong amoy nito agad na nagkalat sa loob ng silid. Lumundo ang kama sa gilid niya kaya alam niyang umupo sa tabi niya si Seb. Narinig niya ang ilang beses na pagbuntong hininga nito na kay lalim. Pinapakiramdaman na lamang niya ang asawa hanggang sa narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Tumayo si Seb at narinig niya ang mga yabag nito na bahagyang lumayo sa kama. "Yes, nasa bahay na ako. Bukas na lang tayo magkita. Anong oras na kaya matulog ka na, okay? I miss you too and I love you too, babe," malambing na turan ni Seb. Mahina ngunit dinig na dinig niya ang mga salitang binigkas nito. Mga salitang halos dumurog ng husto sa puso niya. Kahit nakapikit ang mga mata niya kusang tumulo ang mga luha niya. Umiiyak siya ng palihim at walang maririnig na hikbi kundi isang tahimik na pag iyak lamang. Hindi niya alam
Pababa na ng hagdanan si Abi nang marinig niya ang pag andar ng sasakyan ni Seb. Nang makita niyang palabas na ito ng malaking gate ay saka siya mabilis na bumaba ng hagdanan at tinungo ang sariling sasakyan na nakaparada din sa kanilang garahe. Kaagad siyang sumakay rito at binuhay ang makina. Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kotse ng matanaw niya ang sasakyan ng kanyang asawa na palabas pa lang ng subdivision. Dumistansya siya rito habang patuloy na nakabuntot sa likuran ng kotse nito ang kotse niya. "Meeting ba talaga ang dahilan kaya ka nagmamadaling pumasok palagi sa trabaho, Seb?" tanging kausap niya sa kanyang sarili. Malapit na sila sa kompanyang pag-aari ng kanyang asawa nang magpatuloy ito at hindi huminto. "Akala niya may meeting ito pero mukhang ibang meeting ata ang dadaluhan ng asawa niya. Sana nga mali siya." Binagalan niya ang takbo ng sasakayan ng makitang inihinto nito ang kotse sa harap ng isang mamahaling restaurant. Nakita niyang bumaba ang asawa
Pinaandar ni Abi ang dalang sasakyan at nagmaneho palayo sa lugar na iyon. Alam na alam na niya kung bakit pumasok ang dalawa sa hotel na iyon. Kahit nanginginig at nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha ay nagawa niya pa ring magmaneho. Kinuha niya ang cellphone at nag dial sa numero ng kaibigan. Laking pasalamat niya nang sumagot ito kaagad. "Hello, besh?" Dinig niyang boses ni Lyca sa kabilang linya. "Yca," sambit niya sa pangalan nito at hikbi na ang naging kasunod niyon. Ilang saglit na naging tahimik ang kaibigan niya bago niya narinig ang mahabang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Nasaan ka? Pupuntahan kita? Teka, nagmamaneho ka ba Abi?" tanong ng kaibigan niya. Ngunit imbes na sagutin ang tanong nito ay siya naman ang nagbalik tanong sa kaibigan. "Pwede ba tayong magkita ngayon?" garalgal pa rin ang boses niya. "Oo naman, pwede mo akong puntahan dito sa cafe ngayon. Maaga pa naman at wala pang gaanong tao rito," wika ni Lyca sa kanya. Hindi na siya
Panay ang punas ng kamay niya sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi. Pinagtitinginan na siya halos ng mga empleyadong madadaanan niya pero wala siyang pakialam. Ngayon niya inilabas ang sakit sa puso na nararamdaman niya ngayon. Nagmamahal lang naman siya pero bakit ganito kasakit. Kung alam lang niya na ganito pala, sana hindi na niya sinubukan. Paglabas niya ng building ay naroon na kagaad ang kotse ng daddy niya at hinihintay siya. Mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver kaya agad siyang sumakay sa back seat. Seryosong mukha ng daddy niya ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa kalokohan niya pero kailangan pa rin niyang humingi ng sorry rito. "D-Dad.... Daddy, I'm sorry," humihikbing sambit niya habang nakatingin sa daddy niya. Hindi sumagot ang ama niya pero malinaw niyang naririnig ang malalim nitong pagbuntong hininga. Ilang segundo pang katahimikan ang dumaan bago ito humarap sa
Kinagat-kagat pa nito ang ibabang labi niya kaya nakaramdam siya ng sakit. Hanggang sa nalasahan niya ang lasang dugo. Marahil nasugatan ang kanyang labi sa paraan ng paghalik ni Vaden sa kanya. Tahimik na tumulo ang luha niya dahil sa ginagawa nito sa kanya. Ito ang gusto niya pero hindi sa ganitong paraan. Halos kapusin na siya ng hininga kaya naman buong pwersa niya sana itong itutulak nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Sabay silang napalingon ni Vaden dito matapos maghiwalay ang mga labi nila. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang nakakunot na noo ng daddy niya. Pati na ng tito Vince niya. Ang daddy ni Vaden. "Dad!" sambit niya sa daddy niya na ngayon ay madilim na ang mukhang nakatitig sa kanila ni Vaden. Mabilis naman na umalis si Vaden na halos nakadapa na sa ibabaw niya at lumayo sa kanya. "Ano'ng ginagawa niyong dalawa?" madalim ang mukha na tanong ng daddy Seb ni Sofie. "Ikaw Sofie, sinabi mong dadaan ka lang dito at may ibibigay
"Ay!" tili niya dahil nagulat siya nang malakas na hinaklit ni Vaden ang braso niya. "Kuya sandali nasasaktan ako," pakiusap niya at pilit na binabawi ang braso mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Totoo naman kasi na nasasaktan siya, kulang na lang bumaon ang maiksi nitong mga kuko sa balat niya. "Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo huh, Sofie!" sigaw nito sa pagmumukha niya. Umaapoy sa galit ang mga mata nito na hindi niya kayang salubungin dahil tila mapapaso siya ano mang oras. "I'm sorry kuya, h-hindi ko sinasadya," aniya na nakayuko pa rin ang ulo. "Are you out of your mind, Sofie? Nag-iisip ka ba? Bakit mo sinabi sa fiancee ko na fiancee kita gayong hindi naman?" galit na galit na tanong nito, pero wala siyang mahigilap na maisagot. Gusto sana niyang sabihin na mahal niya ito kaya niya nasabi iyon pero baka mas lalo lang itong magalit. "Ano nga ang tawag mo sa akin noong isang araw? Future husband? Tsk... maganda ka pa naman sana, pero hindi ko alam na ganyan k
"Oh ano'ng mukha yan Sofie? Para ka namang biyernes santo jan?" puna ni Myles nang makita siyang malayo ang tingin at nakapangalumbaba. "Ano pala ang nangyari sa lakad mo kahapon Sofie, nagkita ba kayo ng future husband mo?" tanong naman ni Ally, pinaalala pa sa kanya ang nangyari. "Wala, iniwan ako," tipid niyang sagot. "Iniwan?!" sabay pa na tanong ng dalawa. "Bakit naging kayo ba at iniwan ka?" bungisngis ni Myles. Hinarap niya ang dalawang makulit na kaibigan at sinamaan nang tingin, kaya naman tumawa ang mga ito. "Hey class good morning!" isang magandang boses ng lalaki ang narinig nila kaya napatingin sila sa harapan. Isang gwapong lalaki ang pumasok at malawak ang pagkakangiti sa harapan nilang lahat. "Hello everyone, let me introduce myself to all of you. My name is Kurt Benevidez, and I am your new professor," pagpapakilala nito sa harap nilang lahat. "Shit! Ang gwapo naman ni prof," nakatulalang sambit ni Myles. Samantalang si Ally naman ay nakanganga
"What the hell are you doing here?" malamig na tanong nito nang mag-angat ng tingin sa kanya. Nakakunot pa ang noo nito. Pero ang gwapo pa rin talaga. "Well, I'm here to give you this Kuya Vaden," aniya at inilapag sa desk nito ang dala niya na coffee. Dumapo ang mga mata nito sa coffee na ibinigay niya at ganun na lang ang sobrang pangungunot ng noo nito na halos magsalubong na ang mga kilay. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili. Kaya mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili niya na matawa. May sinulat lang naman siya sa cup ng coffee kaya ganito ang hitsura ng lalaki habang titig na titig sa cup. "You like it, my future husband?" tanong niya kay Vaden. Iyan din ang salita na isinulat niya sa cup kanina. "Oh yes....I really....really.....really don't like it, kuha mo?" supladong sagot nito at matalim siyang tiningnan. Okay na ang unang sinabi eh, bakit naman kasi dinugtungan pa. "Anong kailangan? Dahil kung wa
Nanlaki ang mga mata ni Sofie sa tinuran ng ginang. Tila namagnet ang mga labi niya di niya magawang ibuka. Shit! Sofie ito na ang gusto mo di ba? Bulong ng isip niya. Hindi kaya napansin ng tita Coleen niya ang pagkagusto niya sa anak nito? Pero paano naman nito iyon nalaman? Halata ba masyado ang pagpapapansin niya sa anak nito? "T-Tita...si...si kuya Vaden po," nauutal niyang sagot. "Pero, iha may girlfriend na si Vaden. Hindi ba pwedeng si Vayden na lang," nakangisi nitong sabi. Nireto pa ang isang kambal na anak. "Pero tita si Kuya Vaden po ang gusto ko. Saka girlfriend pa lang naman po niya iyon. Kaya may pag-asa pa ako. Please mommy este tita, I want to marry your son," direktang sabi niya, sabay nguso. Nawala na ata ang bisa ng hiya sa katawan niya at heto na naman siya ngayon, wala na namang hiya. Napanganga ang tita Coleen niya dahil sa sinabi niya. Halatang nagulat din ito base sa naging reaksyon nito. "Jusko kang bata ka. Ang bata mo pa para sa kasal na
"Wow mommy! Andami nyo namang dala na gulay galing sa farm," namimilog ang mga mata na isa-isang tinignan ni Sofie ang mga iba't-ibang gulay. Para siyang bata na ngayon lang nakakita ng maraming gulay kahit palagi naman siyang nakakita nito."Yes sweetie, dinamihan na namin ng dad mo para mabigyan niya rin ang mga kaibigan niya. Alam mo naman masarap ang fresh na gulay," nakangiting sabi ng mommy niya. Umalis kasi ang mga ito kahapon ng hapon at pumunta sa farm nila. Ngayon kababalik lang ng mga ito. Sayang may pasok siya sa school kaya hindi na siya nakakapunta pa roon. Masarap pa naman mag stay roon lalo na kapag bakasyon kasi nakaka relax at presko ang simoy ng hangin. Na miss niya tuloy ang kubo na tambayan nya roon. Sa tabi nito napapalibutanng maraming mangga. At di mawawala ang paborito niyang kainin. Ang pipino na sobrang favorite niya. Lalo na kapag malaki at mahaba, sobrang enjoy siyang kainin ito. "Manang, pasuyo na lang ako rito sa mga gulay ilagay sa malinis na plastic
"Hoy bakla! Anong nangyayari sa iyo? Huh?" anang kaibigan niya at himapas siya ng hawak nitong notebook sa braso. Kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Napahalakhak naman ang bruha at ang isa pa nilang kaibigan. "Kanina pa tapos ang klase natin, pero itong si Sofie hindi pa ata tapos managinip," wika ni Ally sabay bungisngis. "Baka nananaginip na naman siya nang gising kay Mr. Suplado," natatawang segunda naman ni Myles. Inirapan niya ang dalawa saka siya tumayo at iniwan ang mga ito. "Let's go guy's sa cafeteria na muna tayo ," aya niya sa dalawang makulit. "Hoy! Sandali lang naman Sofie," tawag ng dalawa na alam niyang nakabuntot sa kanya. Vacant nila ngayon at wala ang prof nila sa kasunod na subject kaya tamang tambay na muna sila sa cafeteria. "Sofie, di ba manliligaw mo 'yan?" sabi ni Myles at ininguso ang lalaking papalapit sa kinaroroonan nila. Napatingin siya rito at doon niya nakita si Kurt na papalapit sa kanya at may dalang dalawang milktea sa kam
12 years later..... "Hello kuya Vaden," masiglang bati ni Sofie sa kuya Vaden niya, matapos niyang batiin ang tita Coleen at tito Vince niya. Nasa mansion kasi ngayon ang mga Santillan para mag dinner dahil inembeta ito ng kanyang daddy. Dinig kasi niya ay may bagong business project ang daddy niya at baka kasama rito ang tito Vince niya. Kaya siguro may pa-dinner ang daddy niya para pag-usapan ng mga ito ang nasabing proyekto. "Hi," tipid na sagot sa kanya ni Vaden na wala man lang kangiti-ngiti sa labi ng lalaki. Mukhang napipilitan pang batiin siya pabalik. Ni hindi nga siya nito tinapunan ng tingin. Seryoso lang ang mukha nito. Gwapo sana pero ang sungit naman. Mahinang bulong niya na hindi niya akalaing maririnig pa nito. "What did you say?" lingon nito sa kanya sabay tanong na nakakunot ang noo. "Huh? Ang alin?" patay-malisyang sagot niya. Syempre di siya aamin na may sinabi siya. Bat naman kasi parang bulong na nga lang narinig pa nito. Ganun ba katalas pan