Deal with Mr. Rafael

Deal with Mr. Rafael

last updateLast Updated : 2023-01-01
By:  senyora_athenaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
31Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Isang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hindi siya mananalo. Pero paano kung nahulog siya sa binata at hindi siya nito saluhin? Paano kung hahanap-hanapin niya ang lalaki? Paano kung hindi pala nito kayang suklian ang pagmamahal niya? Paano kapag nalaman niya ang lahat tungkol sa binata? Ngayon ang tanong, “Anong gagawin niya upang mapaibig ang isang Rafael Sanrojo?”

View More

Chapter 1

Chapter 1

Prologue

Kinuha niya ang cellphone upang tawagan na naman si Kenneth. Halos tatlong minuto na rin siyang nasa coffee shop upang hintayin ang nobyo. Hindi naman ito ganito noon at hindi rin ito pumapayag na maghintay siya ng labis.

Ito nga ang isa sa naging dahilan kung bakit siya nahulog kay Kenneth. Nagpapahalaga ito sa oras ng iba at higit pa roon ay pinahahalagahan din siya nito.

Hindi mabura-bura sa kaniyang isipan ang unang beses na inaya siya nito na makipag-date. Si Kenneth ang unang lalaki na inaya siya ng ganoon. Umabot na lang kasi siya sa kolehiyo na hindi man lang dumaan sa kaniyang isipan na pumasok sa tinatawag nilang pag-ibig.

May angkin din naman siyang kagandahan at hindi rin naman nahuhuli ang kaniyang taleno. May ipinagmamalaki rin naman siyang talento pero parang wala man lang nagtangkang manligaw sa kaniya. Ganoon siguro kapag hindi man lang nagpapakita ng interest ang babae, wala rin magtatangkang manligaw.

Pero labis niyang ipinagtaka kung bakit lumapit sa kaniya si Kenneth. May dala pa itong isang tangkay ng pulang rosas noong nilapitan siya. Kaklase niya kasi si Kenneth sa education noon kaya kung iisipin ay may pinagsamahan na rin sila kahit papaano. Sa loob ng halos tatlong taon ay medyo marami-rami na rin ang pinagsamahan nila ng binata.

Wala siyang naisagot noon kay Kenneth nang magtanong ito kung papayag ba siyang manligaw ito sa kaniya. Hanggang titig lang ang kaniyang nagawa at hindi niya alam kung paano ibuka ang bibig upang lumabas doon ang kaniyang sagot. Pero hindi niya matandaan kung paano siya tumango, ang natatandaan lang niya ay ang pagyakap sa kaniya ni Kenneth na naging hudyat na kiligin ang mga kaklase niya.

Ganoon pala kapag niligawan.

Lumipas ang tatlong minuto pero hindi pa rin sinasagot ni Kenneth ang tawag niya. Kinakabahan siyang inilapag sa lamesa ang kaniyang cellphone at nagpasiya na lang na magligpit. Parang wala ng senyales na pupunta pa ang nobyo niya. Sayang, may maganda pa naman siyang balita.

Pero gano'n siguro talaga, hindi marunong makisama ang panahon. Kung kailan may gusto siyang sabihin sa nobyo, ngayon pa talaga hindi nagpakita.

Nagpasiya siyang umalis na lang ng coffee shop at bumalik sa boarding house kung saan siya kasalukuyang nakatira habang naghahanap ng maaaring mapasukan na trabaho habang naghihintay siya ng board exam. Mas mabuti na lang din iyon, pandagdag ng allowance niya. Nakahihiya na rin kung palagi na lang siyang hihingi ng pera sa Mama niya, gipit din naman 'yon.

Parang kailan lang din nang sagutin niya si Kenneth, akalain mo nga naman na ang bilis tumakbo ng panahon. Third year pa lang sila no'n pero ngayon, graduate na. Malapit na nga ang second anniversary nila.

Ang malungkot nga lang, gusto ni Kenneth na pumunta sa America. Pero, paano siya? Paano sila? Ayaw pa naman niya na maghiwalay sila ng matagal.

Huminga siya nang malalim at tumayo na. Sapat na siguro ang tatlumpong minuto na paghihintay niya.

Hawak niya ang cellphone na linisan ang lugar na iyon.

Ang pag-alis ni Kenneth ang gusto niya sanang pag-usapan nila. Papayag na lang siya na umalis ito total mas importante ang gagawin ng nobyo niya roon. Para din naman ito sa kinabukasan ng lalaki. Sino ba naman siya upang pigilan ito? Sino ba naman siya upang harangan ito sa mga plano nito sa buhay?

Nobya lang siya. Nobya lang siya ni Kenneth.

Biglang tumunog ang cellphone niya, senyales na may nagpadala sa kaniya ng mensahe sa messenger. Tumigil siya sa paghakbang at binuksan ang cellphone upang tingnan kung sino ang nag-message.

Baka si Kenneth na 'to, masigla niyang bulong sa sarili.

Pero biglang tumigil ang oras at natigilan din siya sa nakita. Hindi kayang bumukas ng bibig niya at hindi niya magawang pumikit upang hindi makita ang laman ng mensahe.

Bakit ganoon? Bakit ang sakit? Bakit magkasama sila? Bakit kailangan na nakaakbay pa?

Maraming tanong ang dumagsa sa utak niya na hindi niya kayang sagutin. Maraming masasakit na tanong ang nagtakbuhan sa isip niya na tanging si Kenneth lang ang makasasagot.

Biglang tumunog na naman ang cellphone niya at ang kapatid pa rin ni Kenneth ang nagpadala.

"Nasa airport na kami, Ate Ella. Kuya Kenneth told me na isekreto ang lahat ng ito but I can't. I can't betrayed you," pagbasa niya sa mensahe.

Agad niyang ipinasok sa bulsa ang cellphone at tinakbo niya ang daan. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin sa mga panahon na iyon. Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang manampal.

Matatanggap naman niya ang lahat pero huwag namang ganito. Kaya niyang tanggapin kung nais man siyang saktan ng nobyo niya pero huwag namang ganito. Huwag namang best friend pa niya ang ipalit nito! Huwag naman gano'n!

Hindi niya alam kung ano ang sumunod na nangyari. Bigla na lang nagkaroon ng sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan at nakahiga na siya sa mainit na kalsada.

*****

CHAPTER 1

Napalabi si Ella Jane nang biglang nawala sa paningin niya ang prinsipi na kanina lang ay hawak ang kaniyang kamay. Dahan-dahan ding nawala sa paningin niya ang mga bulaklak na nagbigay ng maganda at mabangong amoy sa paligid. What's happening?

Pero biglang bumalik ang prinsipi at muling hinawakan ang kaniyang kamay. Inilapit nito sa labi ang kaniyang kamay at hinalikan.

“Akala ko iiwan mo na ‘ko, You're Highness,” aniya at muling ngumiti.

“Hinding-hindi kita iiwan,” sagot ng prinsipi na nagbigay ng tila kiliti sa kaniyang tiyan.

Pero ang ngiti ng prinsipi ay biglang nagbago. Ang ngiting nagpakilig sa kaniya ay biglang naglaho at napalitan ng tumutulong dugo. Sobrang bilis ng pangyayari at ang nasundan na lang niya ay ang pagkagat nito sa kaniyang leeg na naging dahilan ng kaniyang pagsigaw.

“Hoy, Ella Jane! Bitawan mo nga ang kamay ko! Ano ka ba! Naging bampira ka na? Loka-loka ka talaga!”

Agad siyang napabangon nang marinig ang sigaw ng kaniyang Mama. Napadilat agad siya at palinga-linga.

Bumuga siya ng hangin. Panaginip lang pala.

“Bumangon ka na, nasa labas si Kapitan. Hinahanap ka,” ani ng Mama niya.

Muli siyang humiga sa kama. Prinsipi na sana 'yon eh, naging bampira pa.

“BAKIT po ako?” magalang na tanong ni Ella Jane sa kanilang Kapitan na kasalukuyang nililinis ang hinubad nitong salamin.

Nakapagtataka kung bakit ito biglang pumunta sa bahay nila. Akala pa naman niya ay may nagawa siyang mali o ‘di kaya ay may nagawa siyang kasalanan kaya dinalaw siya. Pero wala naman siyang maalalang ganoon.

Dalawang dekada at anim na taon na rin naman siyang naninirahan sa barangay nila pero wala naman siyang kinasangkutan na problema o gulo. Eh halos nga hindi siya dumadalo sa mga aktibidad nila sa barangay kapag hindi naman talaga kailangan ang presensiya niya.

Okay na siya kahit ganito lang. Okay na siya kahit hindi siya kilala ng mga ka-barangay niya. Ang importante, masaya siya.

Muli niyang hinarap si Kapitan. Kanina pa ito tapos na magpahayag sa dahilan kung bakit ito napadalaw sa kanilang maliit na tahanan. Naputol tuloy ang panaginip niya.

“Eh, bakit hindi?" balik-tanong sa kaniya ng Kapitan at isinuot ang salamin nito sa mata. Inayos pa nito ang buhok nito kasabay nang pag-upo nito nang maayos. “Education graduate ka naman sa pagkakaalam ko, bakit hindi mo gamitin iyon?”

Idiniin niya ang ibabang labi at pilit na hindi ibuka ang mga iyon baka kung ano pa ang masabi niya. Ayaw niyang maalala ang bagay na tungkol sa pag-aaral niya noong kolehiyo. Nagsisisi siya kung bakit iyon ang kinuha niya. Puwede naman kasi siyang kumuha ng ibang kurso, bakit education pa ang kinuha niya?

Napailing siya at mas lalong idiniin ang mga labi.

“Ha?” gulat na tanong ng kanilang Kapitan at muling hinubad ang suot na salamin. “Aba’y pasensiya na, Ella. Akala ko talaga education ang course mo–”

“Education naman po talaga, Kapitan.”

“Iyon naman pala, bakit hindi mo tanggapin ang inaalok ko sa’yo? Ikaw nga ang nilapitan ko kasi akala ko ay tatanggapin mo,” anito na siya namang pagpasok ng kaniyang Mama sa sala na may dalang palamig at inabutan si Kapitan. “Salamat, Mare.”

Mare? Magkumpare at kumare pala ang Mama niya at ang Kapitan ng barangay nila? Palitap-lipat ang tingin niya sa dalawa na nakangiti pa rin.

Mas lalo siyang napailing.

“Tatanggapin niya ‘yan, Kap. Sinisigurado–”

“Mare, gusto kong ang anak mo ang mag-decide,” ani ng kapitan pagkatapos uminom ng juice. “Siya naman ang magtatrabaho doon sa Day Care Center ng barangay natin eh. At isa pa, siya ang haharap sa mga bata, hindi tayo. Kaya mas mabuting hindi masikip sa dibdib niya ang pagpapasiya.”

Iyon po ang isa sa problema ko, Kap. Hindi po talaga sisikip ang dibdib ko kasi wala po akong dibdib, bulong niya.

“Sabagay, Kap. May punto ka rin naman.”

Siya naman ang tiningnan ng kapitan. “Oh, eh, Ella, papayag ka ba? Medyo may kalakihan din naman ang sahod doon, makatutulong na rin iyon sa mga gastusin niyo.”

Yumuko siya at sumagot, “Pag-iisipan ko po.”

Tumayo si Kapitan at inilahad ang kamay sa kaniya. “Sige, pag-isipan mo sanang mabuti. Lumapit ka lang sa bahay o doon mismo sa Barangay Hall kung may pasiya ka na. Hihintayin kita roon bukas at kung hindi ka pumunta, isa lang ang ibig sabihin no’n, hindi ka papayag. Maghahanap na lang ako ng iba.”

* * *

“PUMAYAG ka na, anak. Si Kapitan pa talaga mismo ang lumapit sa’yo oh, tatanggi ka pa?”

Kung tatanungin ang puso niya, ayaw niyang muling magkaroon ng ugnayan pa sa kursong napili niya. Sobra-sobra na ang sakit na nakuha niya, ayaw niyang dagdagan pa. Ayaw niyang muling tumulo ang luha niya at maiipit na naman sa kaniyang kahapon.

Kahit kunti-kunti lang ang paghakbang niya palayo sa nakaraan ay at least, nagawa niyang lumayo. Kapag tatangapin niya ang hinihingi ng Kapitan nila na magturo sa Day Care ay parang siya na mismo ang kumuha ng pantali sa leeg niya upang magpakamatay.

Mula noong maiwan siyang mag-isa ay sinabi niya sa sariling pipilitin niyang lumimot sa lahat na may ugnayan kay Kenneth. Ayaw na rin niyang maalala ang lalaking – ayaw niyang maalala ang manlolokong lalaki na ‘yon.

Kaya nagdadalawang-isip siya kung tatanggi ba o tatanggapin niya.

“Mama, nahihi–”

“Anak,” tawag nito sa kaniya at lumapit sa kaniyang higaan at hinawakan ang buhok niyang hanggang baywang at sinuklay iyon gamit ang daliri. “Sa tingin mo, hindi pa rin ba ito ang panahon upang lumimot?”

Lumimot? Panahon? Mapait siyang ngumiti.

Matagal na mula nang magsimula siyang lumimot. Pero hanggang ngayon hindi pa rin sapat ang ginugol niya upang kalimutan ang sakit at gamutin ang mga sugat na nakuha niya mula sa sitwasiyon na ‘yon. Gusto niya ring lumimot, gusto niyang kalimutan lahat pero kung papasok siya sa ganoong trabaho parang mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan niya.

“Kung gusto mong lumimot, harapin mo ang mga bagay na kinatatakutan mo. Ipakita mo sa kaniya na wala ng ibig sabihin ang lahat ng mga bagay na may koneksiyon sa kaniya. Ipakita mo na hindi ka na nasasaktan. Hindi mo kasi malalaman kung hindi mo rin susubukan.”

Pagkatapos na maitali ng Mama niya ang kaniyang buhok ay tumayo ito at lumapit sa may bintana. Inayos nito ang mga kurtina niya.

“Sa tingin ko, hindi ka pa rin nakakalimot. Ni hindi mo nga magawang buksan itong bintana mo kahit sinusuntok ka na ng araw.”

“Mama, hindi ibig sabihin na–”

“Isipin mo rin ang pamilya natin, Ella Jane. Ako na lang mag-isa ang tumataguyod sa’tin. Matanda na ‘ko, wala na ngang umaasa sa’kin magpalabada eh. Kasi sa tingin nila, hindi ko na kaya. Hindi mo ba naisip na ito na rin ang panahon upang ikaw naman ang humanap ng paraan?”

Siguro ito na nga. Siguro ito na ang panahon para tuluyang lumimot. Siguro tama ang Mama niya. Siguro...

Pumikit siya at kusang lumitaw ang mukha ni Kenneth. Kahit medyo madilim ay kitang-kita niya ang ngiti ng lalaki at bumuka ang bibig nito. Nagsalita ito kahit hindi niya narinig. Pero bigla yatang lumakas ang volume at dahan-dahan na luminaw ang boses nito sa kaniyang pandinig.

Tila isang musika ang mga salitang binigkas ni Kenneth. Musika na ayaw na niyang pakinggan pa ulit. Mga pangakong nagsasaad na tutuparin nito. Mga pangakomg nais niyang ibaon sa limot.

Agad siyang nagdilat. Gusto niyang iwasan na ang lahat pero mukhang mas tama ang sinabi ng Mama niya. Haharapin niya ang mga bagay na iniwasan niya dahil kay Kenneth. Haharapin niya ito upang tuluyan na siyang makausad. Haharapin niya ito upang tulungan ang sarili na makabangon.

* * *

MAAGA siyang nagbihis dahil pupunta siya sa Barangay Hall. Buo na ang desisyon niya, haharap na siya sa daan na matagal na niyang tinalikuran.

Sapat na siguro ang dalawang taon na nagluksa siya. Dalawang taon din siyang naging tambay sa bahay, dalawang taon din siyang nagmukmok na para bang kapag ginawa niya ‘yon ay babalik sa kaniya si Kenneth.

Umaksiyon siyang maduduwal sa harap ng salamin. Kahit pa siguro bumalik ang lalaking ‘yon, hindi siya muling magpapaloko. Natauhan na siya.

Pagkatapos niyang ayusan ang sarili ay nagmadali siyang lumabas ng bahay upang magtungo na sa pupuntahan niya. Siguro naman nandoon na si Kapitan.

Pero nang makarating siya sa Barangay Hall at pumasok sa opisina ni Kapitan ay nakita niya ang lalaking nakangiti habang kausap ang Kapitan nila.

“Salamat po, Kap. Hindi ko po sasayangin ang opportunity na ibinigay niyo upang turuan ko ang mga bata sa barangay natin.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Azila
I have read this story and this is nice. Highly recommended.
2022-12-29 19:35:59
1
31 Chapters
Chapter 1
PrologueKinuha niya ang cellphone upang tawagan na naman si Kenneth. Halos tatlong minuto na rin siyang nasa coffee shop upang hintayin ang nobyo. Hindi naman ito ganito noon at hindi rin ito pumapayag na maghintay siya ng labis.Ito nga ang isa sa naging dahilan kung bakit siya nahulog kay Kenneth. Nagpapahalaga ito sa oras ng iba at higit pa roon ay pinahahalagahan din siya nito.Hindi mabura-bura sa kaniyang isipan ang unang beses na inaya siya nito na makipag-date. Si Kenneth ang unang lalaki na inaya siya ng ganoon. Umabot na lang kasi siya sa kolehiyo na hindi man lang dumaan sa kaniyang isipan na pumasok sa tinatawag nilang pag-ibig.May angkin din naman siyang kagandahan at hindi rin naman nahuhuli ang kaniyang taleno. May ipinagmamalaki rin naman siyang talento pero parang wala man lang nagtangkang manligaw sa kaniya. Ganoon siguro kapag hindi man lang nagpapakita ng interest ang babae, wala rin magtatangkang manligaw.Pero labis niyang ipinagtaka kung bakit lumapit sa kaniy
last updateLast Updated : 2022-12-23
Read more
Chapter 2
“Ella.”Natigil siya sa paglakad nang marinig ang boses ng barangay captain nila. Nais pa naman sana niyang magmadali pero parang nais pa siyang pigilan ng Kapitan nila. Uuwi na lang sana siya, para kasing hindi nakahintay ang Kapitan nila at naghanap na agad ng iba.Ang galing ng talent, grabe, bulong niya sa sarili.Sabagay, lahat ng lalaki ay ganoon talaga ang ugali. Oo, nilalahat na niya. Mga lalaki na hindi marunong tumupad sa mga pangako pero panay bitaw naman ng pangako. Bakit ba kasi parang ang dali lang sa mga lalaki na mangako? Daig pa ang extra rice sa canteen nila noong high school. Ang mali nga lang din, naniwala siya. Parang hindi na siya nasanay.Ilang lalaki na ba ang nangako sa kaniya na hindi marunong tumupad? Ilang lalaki na ba ang nagbitaw ng pangako na pinaniwalaan niya? Si Kenneth?No, hindi lang si Kenneth. May iba pa na ayaw na niyang banggitin pa. May iba pa na ayaw na niyang isipin pa. May iba pa na ayaw na niyang maalala pa.Pero sabagay, bakit hindi pa ba k
last updateLast Updated : 2022-12-23
Read more
Chapter 3
Nagsusuklay na siya sa harap ng salamin nang pumasok ang kaniyang Mama dala ang kape na hiningi niya. Maaliwalas ang mukha nito na siyang hinahanap-hanap niya tuwing umaga. Ngumiti ito pagkatapos malapag ang kape sa mesa.Maaga siyang gumising, mas nauna pa nga siya sa alarm clock niya. Siya pa ang gumising sa alarm clock niya na nakalimutan niya pa lang bilhan ng bagong battery. Pero nang maalala niyang regalo pala iyon ni Kenneth ay dinala niya iyon at nilagay sa basurahan.Tapos na siyang mag-decide. Itatapon na niya lahat ng mga bagay na may kinalaman kay Kenneth. Hindi man madali pero sa bawat pagtapon niya ay nabubunutan siya ng tinik. Nakaramdam siya ng ginhawa at maganda na ang kaniyang bawat paghinga.Daig pa niya ang isang manonood na nabunutan ng tinik pagkatapos mapanood ang buong teleserye. Pero at least, alam na ang buong nangyari.“Mukhang ang ganda ng gising natin ah?” Lumapit sa kaniya ang Mama niya at bumulong, “Anong mayro’n? Tapos na ba ang menstruation mo?” Humala
last updateLast Updated : 2022-12-23
Read more
Chapter 4
“Kumusta naman ang trabaho mo?”Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking `yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.“Ayos naman, `Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa. Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit na
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Chapter 5
“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang ka
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Chapter 6
Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Chapter 7
Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Chapter 8
Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Chapter 9
Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Chapter 10
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status