Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2022-12-23 14:53:52

“Ella.”

Natigil siya sa paglakad nang marinig ang boses ng barangay captain nila. Nais pa naman sana niyang magmadali pero parang nais pa siyang pigilan ng Kapitan nila. Uuwi na lang sana siya, para kasing hindi nakahintay ang Kapitan nila at naghanap na agad ng iba.

Ang galing ng talent, grabe, bulong niya sa sarili.

Sabagay, lahat ng lalaki ay ganoon talaga ang ugali. Oo, nilalahat na niya. Mga lalaki na hindi marunong tumupad sa mga pangako pero panay bitaw naman ng pangako. Bakit ba kasi parang ang dali lang sa mga lalaki na mangako? Daig pa ang extra rice sa canteen nila noong high school. Ang mali nga lang din, naniwala siya. Parang hindi na siya nasanay.

Ilang lalaki na ba ang nangako sa kaniya na hindi marunong tumupad? Ilang lalaki na ba ang nagbitaw ng pangako na pinaniwalaan niya? Si Kenneth?

No, hindi lang si Kenneth. May iba pa na ayaw na niyang banggitin pa. May iba pa na ayaw na niyang isipin pa. May iba pa na ayaw na niyang maalala pa.

Pero sabagay, bakit hindi pa ba kasi siya nasanay? Bakit nasasaktan pa rin siya? Para kasing gripo ang bibig ng mga lalaki. Kung makabitaw ng pangako para lang nakikipag-usap ng simple. Para bang pagkatapos mangako, wala ng babalikan pa.

Akala siguro ng mga lalaki, bibili lang sila through online at hindi babayaran. Grabe, ang galing! Ang galing manloko. Para bang wala silang masasaktan.

Pagkatapos niyang tumigil sa paglakad ay nagbilang pa siya ng tatlong segundo bago lumingon. Ayaw niyang makarinig siya ng salitang sorry ngayon. Ayaw niyang may manghingi ng tawad sa kaniya dahil hindi tumupad sa pangako.

Mahirap bang tumupad? Mahirap gawing totoo ang mga salitang binitawan? Mahirap bang huwag manakit ng damdamin? Bakit panay pangako lang sila at hindi man lang gumawa ng paraan upang tuparin?

Paglingon niya ay nag-aayos ng salamin ang Kapitan nila at ngumiti sa kaniya. Medyo gusot pa nga ang t-shirt nito na parang takot padaanan ng plantsa.

May gana pa talagang ngumiti, ano? Para bang hindi nanakit ngayon. Pero kahit anong ngiti pa ‘yan, para kay Ella, kung hindi tumupad, peke pa rin.

“Pumunta ka, ibig bang sabihin niyan ay pumapayag ka na?” nakangiting tanong nito sa kaniya.

Aba! Para yatang iba ang ihip ng hangin ngayon. Parang kung umakto ang Kapitan nila ay parang wala itong tinanggap na aplikante kanina.

“Opo.” Labis-labis ang pagpigil niya na huwag mang-insulto. Baka rin kasi iba ang pagkaintindi niya kaya may mukha pang iniharap ang Kapitan nila.

Napakamot ito sa ulo nang muling mag-angat ng tingin.

Heto na, mukhang ito na ang oras na hihingi ito ng pasensiya. Inihanda niya ang sarili, gusto pa nga niya sanang takpan ang tainga niya.

“May nag-apply dito kanina bago ka dumating. Akala ko kasi hindi ka na pupunta.” Tumingin ito sa suot na relo.

Mukhang tama nga ang hinala niya. Bakit naman niya naisip na mali ang akala niya, sobrang halata na nga diba? Sino bang niloloko niya? Niloko na nga siya, lolokohin pa niya ang sarili.

“Alas nueve na rin ng umaga eh,” patuloy nito. “Akala ko talaga hindi ka na tutuloy. Pero ayos lang naman sa akin kung dalawa kayo, mas maganda nga iyon para hindi kayo mabigatan sa trabaho. Lalo na at bata ang tuturuan niyo, medyo makulit pa naman ang mga bata natin dito. Alam mo naman siguro iyon. Pero asahan niyo na lang na liliit ang sahod kumpara sa sinabi ko sa’yo kahapon.

“Tingin ko naman ay papayag din iyong binata na nakausap ko kanina. Medyo matino naman iyon tingnan, maiintindihan naman niya siguro ako.” Ngumiti ito. “Ano? Payag ka? Tatawagan ko agad ang lalaking ‘yon. Mukhang interesado talaga iyon sa trabaho eh.”

Ah, nagpaparinig ka po ba, Kap? Ibig bang sabihin niyan na ako ang hindi interested? Bulong niya sa sarili.

Sabagay, totoo naman.

Wala naman sigurong problema kung may kasama siya. Ayos lang naman siguro kung lalaki ang kasama niya. Wala naman sigurong problema diba?

Lumunok siya ng laway, hindi niya alam kung bakit parang ayaw niyang maipit sa sitwasiyon na ganoon. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya. Mukhang masamang pangitain ito.

Sasagot na sana siya nang dumaan ang lalaking tinutukoy ng Kapitan nila. Agad na dumaan sa kaniyang ilong ang mabango nitong amoy. Pinagmasdan niya ang masuwabeng paglakad ng lalaki na daig pa ang sumabak sa isang fashion runway. May kausap ito sa cellphone at nagmamadali itong lumabas sa Barangay Hall.

“Siya nga pala ang tinutukoy kong makakasama mo kung sakaling papayag ka,” anito at humarap sa kaniya. “Oh, ano? Decide na.”

Nagmamadali ka ba, Kap? Hindi ba puwedeng magpakipot muna ako?

Pero hindi ito ang panahon na magpakipot pa siya. Hindi ito ang panahon para isipin kung dapat ba niyang pasukin ito o hindi. Kailangan niya ng pera para kahit papaano makatulong din siya sa Mama niya. Kailangan niya ng pera! Kailangan niya talaga.

Maliban pa roon, kailangan niya ring mag-move on. Kailangan niyang kalimutan ang lahat.

Nagbawi siya ng tingin at kay Kapitan na nag-focus. Baka kung saan pa mapunta itong iniisip niya. “Sige, Kap. No probs.”

Ngiti ang ginanti nito sa kaniya.

Teka, ibang ngiti ‘yon ah!

***

“Yes, `Nay. Tanggap po ako.”

Boses agad ng lalaki ang narinig niya nang makalabas siya sa Barangay Hall. Hindi pa pala nakaalis ang lalaki. Hindi pa rin yata ito tapos sa kausap nito.

Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy na sa paglakad.

“Yes. Ano pong tinapay ang gusto mo, `Nay?”

Ang sweet ng boses ah, bulong niya. Mukhang sign ito na kailangan niya ring bumili ng tinapay para sa Mama niya.

Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit ngayon lang niya nakita ang lalaki na ‘to. Bakit ngayon lang niya nalaman na may itinatagong guwapo pala ang baranggay nila? Pero sabagay, ermitanya nga naman siya. Paano niya malalaman kung taga barangay nga nila ang lalaki o hindi. Ni kapitbahay nga niya ay hindi na niya kilala.

Dalawang taon din naman siyang halos hindi lumabas ng bahay. Natatakot na nga ang Mama niya na baka magkasakit siya dahil halos hindi na siya nasisikatan ng araw. Pero para sa kaniya, mas mabuti na ‘yon. Mas mabuti na iyon kaysa sa may makita siyang masakit sa mata at pati nananahimik niyang puso ay madamay pa. Natatakot siyang makasalubong na naman ang lalaking pumatay sa puso niya.

Ang palaging sinasabi ng Mama niya, wala naman daw posibilidad na magtagpo sila ni Kenneth. Nasa America daw ang lalaki tapos siya ay nasa isang sulok ng Pilipinas. Malayo sa kabihasnan. Mahirap daw ang iniisip niya.

Tinatawanan lang niya ang Mama niya at pagkatapos ay iiyak. Walang imposible sa lalaking nang-iwan sa kaniya. Nagawa nga nitong paglaruan siya kahit hindi naman siya stuff toy. Nagawa nga nitong ipagpalit siya sa best friend niya. Wala, walang imposible sa traydor na lalaki.

Napailing siya. Ang layo na ng nilipad ng utak niya. Ewan din ba, kahit anong iniisip niya ay naisisingit niya ang mga pighati niya sa buhay kahit hindi naman dapat.

Wala na dapat lugar si Kenneth sa buhay niya. Hindi na dapat pagsayangan ng panahon ang mga lalaking hindi marunong tumupad sa pangako. Hindi na dapat. Kasi hindi naman din siya iniisip no’n eh. Ang saya na nga siguro ng buhay no’n. Baka mayaman na ‘yon ngayon. Baka tumakbo na ‘yon bilang presidente sa America. At lahat ng manlolokong lalaki ang boboto rito. Panigurado ang panalo ng ex-boyfriend niya.

Kahit hindi na ito gumastos, panigurado na ang panalo. Sa dami ba naman ng manloloko sa panahon ngayon, hindi na dapat ito kabahan.

Nagmadali siya sa paglakad. Baka kung saan pa mapunta itong iniisip niya.

***

Walang emosiyon na mababakas sa mukha niya nang humarap siya sa salamin. Nasa baba ng kaniyang kama ang dalawang kahon na kinuha niya sa ilalim ng kaniyang kabinet. Tumayo siya papalapit sa salamin na nakadikit sa sementado nilang dingding.

Hindi siya ganito noon. Palaging nakadikit ang ngiti sa kaniyang mga mata. Pero biglang nagbago ang lahat. Tila ba isang mabangis na bagyo ang dumaan sa buhay ni Ella. Tila ba isang pitik lang sa daliri ay nagbago ang lahat.

Gusto niyang bumalik sa dating siya. Gusto niyang bumalik ang magandang atmospera sa apat na sulok ng kaniyang kuwarto. Gusto niya ulit malayo sa lungkot. Gusto niyang bumalik ang masayahin niyang mukha. Gusto niyang layuan ang lahat ng mga malulungkot na ala-ala.

Pero paano?

Mahirap ba talaga ‘yon? Mahirap ba talagang buksan muli ang puso niya upang pumasok ang tuwa? Mahirap ba talagang bumalik siya sa dating siya at tumawa ulit? Mahirap ba talaga ‘yon?

Hinawakan niya ang salamin na para bang hinawakan niya rin ang sarili niyang mukha. Mula sa kaniyang magagandang mata patungo sa matangos niyang ilong.

“Gusto ko na mag-move on,” matigas niyang saad at hinarap na ang mga kahon.

Isa ito sa dahilan kung bakit hindi pa rin siya makausad. Laman ng mga kahon na ‘yon ang mga regalo sa kaniya dati ni Kenneth. Ang isang kahon naman ay mga litrato.

Kinuha niya ang isang kahon at lumabas na ng kuwarto. May dala rin siyang posporo, handa na siyang sunugin ang kadena na gumagapos sa kaniya patungo sa nakaraan.

Sana pagkatapos nito ay makausad na siya. Sana pagkatapos nito ay makalimot na siya. Sana pagkatapos nito ay maharap na niya ang magandang sikat ng araw.

Isa-isa niyang sinunog ang mga litrato. Bawat mukha niya roon ay nakangiti. Hindi niya inakalang ang katabi niya rin sa litrato ang magiging dahilan kung bakit siya malungkot ngayon.

Dalawang taon. Tama na ang dalawang taon. Gusto na niyang mag-move on.

Muli siyang pumasok sa kuwarto niya at kinuha ang isang kahon. Mga stuff toys ang laman no’n kaya pumunta siya sa kabilang kanto at ibinigay iyon sa mga bata. Sana dati pa niya ito ginawa.

“Thank you, Ate Ella. Ang bait niyo naman po,” pasasalamat ng bata sa kaniya habang hawak ang isang stuff toy na Pikachu.

Bakit ngayon ko lang naisipan ito? Bakit ngayon lang? Bulong niya at hinawakan ang pisngi ng bata.

“You’re welcome.”

Kaugnay na kabanata

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 3

    Nagsusuklay na siya sa harap ng salamin nang pumasok ang kaniyang Mama dala ang kape na hiningi niya. Maaliwalas ang mukha nito na siyang hinahanap-hanap niya tuwing umaga. Ngumiti ito pagkatapos malapag ang kape sa mesa.Maaga siyang gumising, mas nauna pa nga siya sa alarm clock niya. Siya pa ang gumising sa alarm clock niya na nakalimutan niya pa lang bilhan ng bagong battery. Pero nang maalala niyang regalo pala iyon ni Kenneth ay dinala niya iyon at nilagay sa basurahan.Tapos na siyang mag-decide. Itatapon na niya lahat ng mga bagay na may kinalaman kay Kenneth. Hindi man madali pero sa bawat pagtapon niya ay nabubunutan siya ng tinik. Nakaramdam siya ng ginhawa at maganda na ang kaniyang bawat paghinga.Daig pa niya ang isang manonood na nabunutan ng tinik pagkatapos mapanood ang buong teleserye. Pero at least, alam na ang buong nangyari.“Mukhang ang ganda ng gising natin ah?” Lumapit sa kaniya ang Mama niya at bumulong, “Anong mayro’n? Tapos na ba ang menstruation mo?” Humala

    Huling Na-update : 2022-12-23
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 4

    “Kumusta naman ang trabaho mo?”Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking `yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.“Ayos naman, `Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa. Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit na

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 5

    “Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang ka

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 6

    Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 7

    Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 8

    Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 9

    Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 10

    Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n

    Huling Na-update : 2022-12-29

Pinakabagong kabanata

  • Deal with Mr. Rafael   Epilogue

    6 years later“That’s mine! Give it back to me!”Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya. Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 30

    “You may now kiss the bride.”Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni R

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 29

    1 year later“Ito naman si Kapitan,” nakangiting wika ni Ella Jane habang hawak ang invitation card na inaabot niya sa Baranggay Captain nila. “Siyempre hindi ka po namin makakalimutan.”Lumapit sa kaniya si Rafael at inakbayan siya. Nakangiti ito nang sulyapan niya at kinindatan pa ang Kapitan nila.“Ano, Kap? Bilib ka na ba?” Nagpaguwapo pa ito sa harap ng Kapitan at sinuklay ang buhok na para bang may pinabibiliban.Palihim niya itong kinurot sa tagiliran pero hindi man lang siya nito pinansin.“Sabi sa’yo, Kap eh. Bakit ayaw mo kasing maniwala na kaya kong bingwitin ‘tong pinakamagandang guro sa baranggay natin.” Lumayo ito sa kaniya at pinaharap siya rito. “Kita mo na? Pakakasalan pa ‘ko.”“Hay nako, Kap—” aangal pa sana siya pero parang walang narinig ang dalawa.“At alam mo ba, Kap? In love na in love si Ella Jane sa’kin. Hindi ‘to pumapayag kapag hindi nakikita ang kaguwapohan ko.”Napailing na lang siya at lumayo sa dalawang lalaki na parang mga ewan.Mabilis na lumipas ang i

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 28

    “Can’t you forgive me?”Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado. Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.“Bakit? Are you still mad?”Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. San

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 27

    BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya. Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin. Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 26

    TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 25

    MAHIGIT ang pagkakapit ni Ella Jane sa baywang ni Rafael habang sakay sila sa motor nito. Isang linggo na ang lumipas mula nang maging sila ni Rafael.Pauwi na sila sa bahay ng lalaki dahil ngayong araw na ito ang balak nila na ipapakilala raw siya nito sa mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa trabaho. Isipin palang na mga guro din ang makikilala niya mamaya ay kinakabahan na siya.Noong isang araw ay tinanong niya si Rafael tungkol sa sinabi ng Nanay nito na wala raw itong mga barkada. Nagtataka lang siya dahil bakit hindi kilala ng Nanay nito ang mga sinasabi ni Rafael na kaibigan raw kuno nito.Taga ibang baranggay daw kasi ang mga kaibigan ng nobyo kaya hindi pa nadadalaw sa bahay nito at hindi pa nito napakilala sa sarili nitong Nanay. Hindi na lang siya muling nagtanong pa.Sabagay, hindi nga rin kilala ng Mama niya ang best friend niya noon. Mabuti na lang pala at hindi niya pinakilala, baka mas lalo lang ma-stress ang Mama niya.Noong pinakilala niya si Rafael sa Mama niy

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 24

    MABILIS na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Ella Jane. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rafael tungkol sa Papa niya ay gumaan ang kaniyang loob at mas naging malapit siya sa lalaki. Aminin man niya o hindi, palaging dumadaan sa isip niya ang maamong mukha ng binata.Hindi niya inakalang may sense pala kausap ang Rafael na ‘yon, na may mga punto rin naman pala siyang makukuha. Akala niya kasi puro panlalait lang ang kaniyang maririnig dito. Wala kasi itong ibang ginawa noon kun’di ang ipamukha sa kaniya na hindi siya nito kilala at iparinig ang lahat ng panlalait nito sa kaniya.Pero mula nang araw na iyon, nagbago ang kaniyang paningin sa lalaki at sinubukan niyang ibigay ang kapatawaran sa kaniyang Papa na matagal na panahon niyang ipinagkait rito. Ilang araw lang ang lumipas ay dumalaw siya sa puntod ng kaniyang Papa.Masakit para sa kaniya ang biglaang pagkawala nito. Hindi man lang ibinigay ng panahon na muli niya itong makita na may buhay at lakas pa. Hindi niya inaasahan na s

  • Deal with Mr. Rafael   Chapter 23

    TANGING yakap ng binata ang nagbigay init kay Ella Jane. Hindi na naman siya makapaniwala na nagawa na naman niya ito. Parang panaginip lang ang lahat pati ang pagpayag niya. Pero wala siyang maramdaman na lungkot o kahit kaunting pagsisisi sa dibdib niya.Hinalikan siya ni Rafael sa noo at pinasiksik siya sa katawan nito. Mabuti na lang talaga na wala ang Mama niya.Oh God, ang sama mo, Ella Jane! Pangaral niya sa sarili.Nakayakap siya sa binata habang sinusuklay nito ang buhok niya. Kanina pa siya nagising pero si Rafael parang hindi man lang nakatulog. Tinawanan pa siya nito dahil ang lakas niya raw kuno humilik. ‘Di naman niya narinig na humilik siya.Hinampas niya ito sa dibdib at bumangon siya. Tiningnan niya ito nang masama at muli na namang hinampas. Tumawa lang si Rafael sa kaniya at ginawang shield ang unan.“Hindi nga kasi sabi ako humilik!” sigaw na naman niya pero panay tawa lang ang lalaki. “Bakit ba ipinipilit mo na humilik ako?”“Bakit ba pinipilit mo rin na hindi ka

DMCA.com Protection Status