“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.
Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang kasama niya. Kumindat ito sa kaniya at sinamahan ng ngiti. Umiwas siya ng tingin sa lalaki.“Wala lang po, curious lang,” pagdadahilan niya.Sabagay, totoo namang curious siya. Bakit? Mali bang maging curious sa kasamahan sa trabaho? Wala namang ibang meaning no’n eh. Gusto lang talaga niyang malaman.Ngumiti ito at itinaas-baba pa ang kilay. “Aba, mukhang may naaamoy ako. Baka ibang curious na ‘yan. Magsabi ka lang, tutulungan kita. Medyo close kami niyan ni Rafael. Madali lang iyang kausap.”Nakitawa na lang din siya kahit gusto niyang sapakin ang kaharap. Mag-isip ba naman ng ganoon, ni hindi nga iyan pumasok sa isip niya. “Hay nako, kung ano-ano na naman ‘yang naiisip mo, Kuya. Curious lang po talaga ako, okay? Walang ibang meaning. Kayo po talaga, nag-iisip agad ng ganiyan.”“Asus,” anito at humagikhik. Sumubo muna ito bago siya muling hinarap. “Ganiyan din ako no’ng una kong nakita ang Ate Mia mo. Ang ganda kasi nito noong suot nito ang isang mahabang puting saya at may rosas pa sa may bandang tainga. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko, palagi akong nagtatanong tungkol sa kaniya. Minsan nga tinanong ko na mismo ang Mama ng Ate Mia mo. Mabuti na lang talaga, tanggap ako ng Mama niya kahit ganito lang ako.“Pero mabalik tayo sa tanong mo, anong mayroon kay Rafael?” Hinawakan nito ang nguso at kunwari ay nag-isip. “Maliban sa mabait ang batang ‘yan ay wala na akong ibang masabi. Magaling din ‘yang guro gaya nang palagi kong naririnig na chismis at hinahangaan din si Rafael sa paraalan na pinapasukan niya. Iyon nga lang, hindi mabait ang mga taong nakapalibot sa kaniya.”Nilingon na naman niya si Kuya Marlon nang hindi na nito tinuloy ang kuwento. Mukha kasing mas mahaba pa ang ginawa nitong kuwento tungkol sa asawa nito kumpara sa buhay ni Rafael.Naubos na pala ang kinakain nito kaya tumayo na ito upang hugasan ang platong ginamit.“What do you mean, Kuya?” tanong niya. Ayaw pa naman niyang nabibitin kapag kuwento ang pinag-uusapan.“Give me coins to unlock the next chapter.”MAAGA natapos ang klase niya sa mga bata. Pero nang tingnan niya ang kabilang classroom ay patuloy pa rin sa pagtuturo ang kasama niyang guro. Mabuti naman at pumasok na, akala pa naman niya ay hindi na naman ito papasok. Mas matino na ito kumpara kahapon na sigaw nang sigaw dahil hindi ito ang pinili.Naisip niya na mas matino pa pala siya noong siya ang iniwan, hindi niya nagawang sumigaw at nagtanong kung bakit siya iniwan. Hindi rin naman siya pinili pero hindi siya sumigaw. May kunting hiya pa rin naman siyang itinira sa sarili.Kahit pa siguro iwanan ulit siya ng isang lalaki ay hindi pa rin siya sisigaw. Ang suwerte naman yata kung isisigaw pa niya talaga. Ayaw niya ring maging bida sa chismis.Pero kahit anong gawin natin, may mga tanong pa rin talaga na hindi kayang sagutin. Kahit pa siguro ang pinakamatalinong tao sa balat ng lupa ay hindi kayang ibigay ang sagot na hinihingi natin. Dahil nakatadhana na iyon na mananatiling lihim.Naisip niya rin na baka naging lihim iyon upang maiwasan tayong masaktan. Baka ang mga sagot na iyon ay isa pa lang matalim na bagay at sasaktan tayo nang paulit-ulit. Baka nga ay iyon pa ang maging dahilan kung bakit tayo mamamatay.Huminga siya nang malalim at tumalikod na upang bumalik na sa mesa nang halos muntikan na siyang matumba. Ngumisi pa ang ginang na naging dahilan kung bakit siya nagulat.“Silip-silip ha? Bakit hindi mo kausapin?” tanong nito sa kaniya. Isa yata ito sa Mama ng mga estudyante niya. “Mahirap pa naman kung panay sulyap lang. Hindi maganda sa health ‘yan.”“Ay, hindi po.” Nagsenyas pa siya na mali ang iniisip nito. “Tiningnan ko lang kung tapos na ba ang klase niya.”Ngumisi ulit ito na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya. Nagkibit-balikat siya at naglakad papunta sa mesa niya. Kukunin na lang niya ang bag at nang makauwi na siya. Marami pa naman siyang dapat tapusin. Gagawa pa siya ng mga illustration para sa klase niya bukas. Pero biglang nagsalita ang ginang.“Alam mo,” ulit nito kaya muli siyang lumingon. Hindi ito nakatingin sa kaniya pero base pa lang sa boses nito ay parang seryoso na. “Magaling na elementary teacher iyang si Rafael. Wala ka talagang mahanap na bad records sa batang iyan. Paborito rin si Rafael ng mga estudyante kasi sobrang bait at patas sa lahat. Pero...”Humakbang siya papalapit sa ginang. Gusto niyang marinig lahat ng sasabihin nito. “Pero, bakit po?”“Pero hindi naging patas sa binata ang tadhana.” Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga.“Paanong hindi po naging patas? May masama po bang nangyari?”Hinarap siya ng ginang at ngumiti ng pilit. Hindi nga abot sa mga mata nito ang ngiti. “Ikaw ba, Ella, naging patas ba sa iyo ang pag-ibig?”Tila hindi niya maibuka ang bibig upang sagutin ang tanong ng ginang. Hindi niya kayang sabihin na hindi naging patas sa kaniya ang pag-ibig. Pero hindi naman siguro basehan ang isang relasiyon upang masabi kung patas ba o hindi. Siguro hindi lang talaga para sa kaniya si Kenneth. Siguro may nakalaan na para talaga sa kaniya.May iba nga na unlimited ang paghahanap ng katipan. May ginagawa pa nga searching sa internet. Ginawa na ng lahat ang paghahanap upang makita lang ang taong nakalaan para sa kanila.Sinalubong niya ang mga mata ng ginang. Walang emosiyon na mababakas sa mata nito. Kahit maganda ang kulay brown nitong mga mata pero hindi iyon nakangiti.“Kung pag-ibig ang pag-uusapan, kawawa ang resulta sa huling pakikipagrelasiyon ni Rafael. Open book iyon sa lahat, lalo na sa mga taong kilala si Rafael at ang nobya nito. Akala talaga ng lahat ay mauuwi ang dalawa sa simbahan. Akala ng lahat na makaririnig sila ng tunog ng kampana. Pero...” Natahimik na naman ito at muling pinagmasdan si Rafael na patuloy pa rin sa pagtuturo. “Oo, sa simbahan nga ang bagsak pero iniwan si Rafael. Ganoon kasaklap, Ella.”Halos nahirapan siyang intindihin kahit ang dali lang naman. Iisa lang ang ibig sabihin no’n pero hindi kayang pasukin ng utak niya.“Ibig niyo po bang sabihin na iniwan si Rafael ng girlfriend niya?”Tumango ito. “Sa mismong araw ng kasal nila.”Mas lalong lumaki ang mata niya.Kaya pala, bulong niya. Kaya pala halos nahihirapan si Rafael. Mas masakit pala ang nangyari sa lalaki.“Pero, bakit?”“Nakahanap ng Amerikano eh. Alam mo ba iyong four M?” tumatawa nitong tanong.Umiling siya. “Hindi po eh.”“Matandang mayaman, madaling mamatay.” Muli itong humalakhak. “Gano’n siguro talaga kapag mukhang pera.”Huminga siya nang malalim at tumayo na. Sapat na siguro ang tatlumpong minuto na paghihintay niya.Hawak niya ang cellphone na linisan ang lugar na iyon.Ang pag-alis ni Kenneth ang gusto niya sanang pag-usapan nila. Papayag na lang siya na umalis ito total mas importante ang gagawin ng nobyo niya roon. Para din naman ito sa kinabukasan ng lalaki. Sino ba naman siya upang pigilan ito? Sino ba naman siya upang harangan ito sa mga plano nito sa buhay?Nobya lang siya. Nobya lang siya ni Kenneth.Biglang tumunog ang cellphone niya, senyales na may nagpadala sa kaniya ng mensahe sa messenger. Tumigil siya sa paghakbang at binuksan ang cellphone upang tingnan kung sino ang nag-message.Baka si Kenneth na 'to, masigla niyang bulong sa sarili.Pero biglang tumigil ang oras at natigilan din siya sa nakita. Hindi kayang bumukas ng bibig niya at hindi niya magawang pumikit upang hindi makita ang laman ng mensahe.Bakit ganoon? Bakit ang sakit? Bakit magkasama sila? Bakit kailangan na nakaakbay pa?Maraming tanong ang dumagsa sa utak niya na hindi niya kayang sagutin. Maraming masasakit na tanong ang nagtakbuhan sa isip niya na tanging si Kenneth lang ang makasasagot.Biglang tumunog na naman ang cellphone niya at ang kapatid pa rin ni Kenneth ang nagpadala."Nasa airport na kami, Ate Ella. Kuya Kenneth told me na isekreto ang lahat ng ito but I can't. I can't betrayed you," pagbasa niya sa mensahe.Agad niyang ipinasok sa bulsa ang cellphone at tinakbo niya ang daan. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin sa mga panahon na iyon. Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang manampal.Matatanggap naman niya ang lahat pero huwag namang ganito. Kaya niyang tanggapin kung nais man siyang saktan ng nobyo niya pero huwag namang ganito. Huwag namang best friend pa niya ang ipalit nito! Huwag naman gano'n!Hindi niya alam kung ano ang sumunod na nangyari. Bigla na lang nagkaroon ng sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan at nakahiga na siya sa mainit na kalsada.“Iyon din ang isang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Rafael sa paaralan na pinagtatrabahuan nito. Walang nakaaalam kung nasaan na ang babae na ‘yon, pero ayaw pa ring bumalik ni Rafael sa trabaho. Baka siguro–”“Ayaw ni Rafael na maalala ang girlfriend niya?” tanong niya.“Baka.”Katulad ko pala siya, mahina niyang bulong.Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang
Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell
Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n
Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n
Tumabi sa kaniya si Melonie na halos hindi maipinta ang mukha. Padabog pa nitong inilapag ang bag kasama ang Physical Education uniform nito. Pinagmasdan niya itong pagalit na binuksan ang hawak nitong junk food.“Ayos ka lang?” tanong niya at ipinasok ang cellphone sa bulsa ng uniform. “Bad mood?”Huminga ito nang malalim at tiningnan siya. “Sobra. Akalain mong iba pala ang crush ng crush ko.” “Ano naman ngayon kung iba ang crush niya?”“'Wag mo kong kausapin kung hindi mo naiintindihan ang sitwasiyon ko.” Hinawakan nito ang dibdib at binitawan ang junk food. “Masakit sa dibdib, Ella. I can’t accept the fact—”“Na wala kang dibdib.”Natigil ito sa pagdadrama at tiningnan siya nang masama. Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito na para bang katapusan na ng mundo.Totoo naman na wala itong pakialam kung iba ang gusto ng crush nito. Hindi nito hawak ang puso ng lalaking ‘yon. At totoo rin naman na wala talaga itong dibdib. Kahit anong gawin niyang pagtitig ay wala talaga siyang makita
HAHAWAKAN na sana ni Ella Jane ang baso nang biglang narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napatayo siya at hinarap si Rafael na may hawak ng kaniyang cellphone. Kampante pa itong tiningnan ang screen at pinindot iyon. Narinig niya ang boses ng kaniyang Mama.Hinablot niya iyon at lumayo kay Rafael.Loko! Ano kayang balak ng lalaking ‘yon?“Hello, ‘Ma?” Halos hindi niya marinig ang boses ng kaniyang Mama sa sobrang pagkabog ng puso niya. Hindi lang naman siya umuwi kagabi, siguradong puputak ang kaniyang ina.Ano naman din kasing pumasok sa isip niya? Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat! Kasi kung hindi ito gumawa ng kahina-hinala, hindi naman niya susundan ang lalaki. At hindi rin siya makararating sa bar kung hindi niya ito sinundan. Si Rafael talaga ang may kasalanan.Nilingon niya ang lalaki nang makalabas na siya sa pinto. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Mama niya ang lahat. Hindi niya alam kung anong kasinungalingan ang gagamitin niya ngayon. Ayaw niyang mala
UMUWI si Ella Jane na naging artista. Daig pa niya ang nag-audition na bigla agad natanggap at hindi pa magawang i-acting ng tama ang lines nito. Pero sa sitwasiyon niya nang makauwi siya sa bahay nila ay siya na ang naging writer, siya pa ang artista.Hindi niya alam kung effective ba ang pag-acting niya o uma-acting lang din ang Mama niya na niniwala sa mga sinasabi niya. Naalala niya tuloy ang mga pagsasadula niya noon sa High School, bagsak siya dahil ang pangit ng pag-acting niya.Hinampas niya sa mukha ang hawak niyang unan. Patay na talaga siya, palpak pa naman siya sa ganito.Isang oras na yata siya na nasa loob ng kuwarto. Mula nang nakauwi siya sa bahay ay hindi na siya lumabas. Ayaw niyang magsinungaling na naman na masama ang pakiramdam niya.Kasalanan talaga ni Rafael ang lahat.Pero kahit anong gawin niyang pagsisi sa binata ay hindi na naman nito mababago ang lahat. Ano pang silbi no’n? Isa pa, siguro nasarapan naman din naman siya sa ginawa nila.Muli siyang napaungol
6 years later“That’s mine! Give it back to me!”Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya. Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n
“You may now kiss the bride.”Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni R
1 year later“Ito naman si Kapitan,” nakangiting wika ni Ella Jane habang hawak ang invitation card na inaabot niya sa Baranggay Captain nila. “Siyempre hindi ka po namin makakalimutan.”Lumapit sa kaniya si Rafael at inakbayan siya. Nakangiti ito nang sulyapan niya at kinindatan pa ang Kapitan nila.“Ano, Kap? Bilib ka na ba?” Nagpaguwapo pa ito sa harap ng Kapitan at sinuklay ang buhok na para bang may pinabibiliban.Palihim niya itong kinurot sa tagiliran pero hindi man lang siya nito pinansin.“Sabi sa’yo, Kap eh. Bakit ayaw mo kasing maniwala na kaya kong bingwitin ‘tong pinakamagandang guro sa baranggay natin.” Lumayo ito sa kaniya at pinaharap siya rito. “Kita mo na? Pakakasalan pa ‘ko.”“Hay nako, Kap—” aangal pa sana siya pero parang walang narinig ang dalawa.“At alam mo ba, Kap? In love na in love si Ella Jane sa’kin. Hindi ‘to pumapayag kapag hindi nakikita ang kaguwapohan ko.”Napailing na lang siya at lumayo sa dalawang lalaki na parang mga ewan.Mabilis na lumipas ang i
“Can’t you forgive me?”Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado. Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.“Bakit? Are you still mad?”Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. San
BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya. Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin. Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito
TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa
MAHIGIT ang pagkakapit ni Ella Jane sa baywang ni Rafael habang sakay sila sa motor nito. Isang linggo na ang lumipas mula nang maging sila ni Rafael.Pauwi na sila sa bahay ng lalaki dahil ngayong araw na ito ang balak nila na ipapakilala raw siya nito sa mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa trabaho. Isipin palang na mga guro din ang makikilala niya mamaya ay kinakabahan na siya.Noong isang araw ay tinanong niya si Rafael tungkol sa sinabi ng Nanay nito na wala raw itong mga barkada. Nagtataka lang siya dahil bakit hindi kilala ng Nanay nito ang mga sinasabi ni Rafael na kaibigan raw kuno nito.Taga ibang baranggay daw kasi ang mga kaibigan ng nobyo kaya hindi pa nadadalaw sa bahay nito at hindi pa nito napakilala sa sarili nitong Nanay. Hindi na lang siya muling nagtanong pa.Sabagay, hindi nga rin kilala ng Mama niya ang best friend niya noon. Mabuti na lang pala at hindi niya pinakilala, baka mas lalo lang ma-stress ang Mama niya.Noong pinakilala niya si Rafael sa Mama niy
MABILIS na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Ella Jane. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rafael tungkol sa Papa niya ay gumaan ang kaniyang loob at mas naging malapit siya sa lalaki. Aminin man niya o hindi, palaging dumadaan sa isip niya ang maamong mukha ng binata.Hindi niya inakalang may sense pala kausap ang Rafael na ‘yon, na may mga punto rin naman pala siyang makukuha. Akala niya kasi puro panlalait lang ang kaniyang maririnig dito. Wala kasi itong ibang ginawa noon kun’di ang ipamukha sa kaniya na hindi siya nito kilala at iparinig ang lahat ng panlalait nito sa kaniya.Pero mula nang araw na iyon, nagbago ang kaniyang paningin sa lalaki at sinubukan niyang ibigay ang kapatawaran sa kaniyang Papa na matagal na panahon niyang ipinagkait rito. Ilang araw lang ang lumipas ay dumalaw siya sa puntod ng kaniyang Papa.Masakit para sa kaniya ang biglaang pagkawala nito. Hindi man lang ibinigay ng panahon na muli niya itong makita na may buhay at lakas pa. Hindi niya inaasahan na s
TANGING yakap ng binata ang nagbigay init kay Ella Jane. Hindi na naman siya makapaniwala na nagawa na naman niya ito. Parang panaginip lang ang lahat pati ang pagpayag niya. Pero wala siyang maramdaman na lungkot o kahit kaunting pagsisisi sa dibdib niya.Hinalikan siya ni Rafael sa noo at pinasiksik siya sa katawan nito. Mabuti na lang talaga na wala ang Mama niya.Oh God, ang sama mo, Ella Jane! Pangaral niya sa sarili.Nakayakap siya sa binata habang sinusuklay nito ang buhok niya. Kanina pa siya nagising pero si Rafael parang hindi man lang nakatulog. Tinawanan pa siya nito dahil ang lakas niya raw kuno humilik. ‘Di naman niya narinig na humilik siya.Hinampas niya ito sa dibdib at bumangon siya. Tiningnan niya ito nang masama at muli na namang hinampas. Tumawa lang si Rafael sa kaniya at ginawang shield ang unan.“Hindi nga kasi sabi ako humilik!” sigaw na naman niya pero panay tawa lang ang lalaki. “Bakit ba ipinipilit mo na humilik ako?”“Bakit ba pinipilit mo rin na hindi ka