Chapter: Epilogue 6 years later“That’s mine! Give it back to me!”Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya. Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n
Huling Na-update: 2023-01-01
Chapter: Chapter 30“You may now kiss the bride.”Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni R
Huling Na-update: 2023-01-01
Chapter: Chapter 291 year later“Ito naman si Kapitan,” nakangiting wika ni Ella Jane habang hawak ang invitation card na inaabot niya sa Baranggay Captain nila. “Siyempre hindi ka po namin makakalimutan.”Lumapit sa kaniya si Rafael at inakbayan siya. Nakangiti ito nang sulyapan niya at kinindatan pa ang Kapitan nila.“Ano, Kap? Bilib ka na ba?” Nagpaguwapo pa ito sa harap ng Kapitan at sinuklay ang buhok na para bang may pinabibiliban.Palihim niya itong kinurot sa tagiliran pero hindi man lang siya nito pinansin.“Sabi sa’yo, Kap eh. Bakit ayaw mo kasing maniwala na kaya kong bingwitin ‘tong pinakamagandang guro sa baranggay natin.” Lumayo ito sa kaniya at pinaharap siya rito. “Kita mo na? Pakakasalan pa ‘ko.”“Hay nako, Kap—” aangal pa sana siya pero parang walang narinig ang dalawa.“At alam mo ba, Kap? In love na in love si Ella Jane sa’kin. Hindi ‘to pumapayag kapag hindi nakikita ang kaguwapohan ko.”Napailing na lang siya at lumayo sa dalawang lalaki na parang mga ewan.Mabilis na lumipas ang i
Huling Na-update: 2023-01-01
Chapter: Chapter 28“Can’t you forgive me?”Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado. Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.“Bakit? Are you still mad?”Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. San
Huling Na-update: 2023-01-01
Chapter: Chapter 27BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya. Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin. Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito
Huling Na-update: 2022-12-31
Chapter: Chapter 26TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa
Huling Na-update: 2022-12-31
Chapter: Epilogue“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
Huling Na-update: 2021-08-04
Chapter: Chapter 42“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
Huling Na-update: 2021-08-03
Chapter: Chapter 41 “I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
Huling Na-update: 2021-08-02
Chapter: Chapter 40“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Huling Na-update: 2021-08-02
Chapter: Chapter 39Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Huling Na-update: 2021-08-01
Chapter: Chapter 38Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Huling Na-update: 2021-07-31
Chapter: Special Chapter“Hon?”Agad na tumingin si Rey Jhon kay Gabriella na may dalang ice cream at palapit sa kaniya. Kahit maingay sa plaza ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ng nobya. Para bang ginawa talaga ang tainga niya para marinig ang boses nito. “Look, bumili ako ng ice cream. You want?” anito at ngumiti pa.Alam na niya kung anong susunod nitong sasabihin. Halos kabisado na niya ang sasabihin nito tuwing may binibili ito tapos hindi nagpapaalam sa kaniya.“Pera mo ang ginamit ko,” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na ngiti.At kailan pa namali ang hula niya? Hindi pa siya pumapalya kapag si Gabriella ang hinuhulaan niya.Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at tinapik ang bakante na upuan sa tabi niya. Ito talagang nobya niya, napakakulit kapag ice cream ang pag-uusapan. Kahit sobrang hina lang ng bell ng nagbebenta ng ice cream, dinig na dinig nito. Para bang ginawa ang tainga nito para marinig ang bell ng ice cream.Napaka-unfair, bulong niya. “Ayaw mo talaga, hon? Masarap pa naman
Huling Na-update: 2022-12-22
Chapter: Epilogue “Congratulations!”Matamis na ngumiti si Gabriella matapos mabuksan ang pinto ng bahay nila at sabay-sabay na sumigaw ang mga kasambahay nilang hindi nakasama sa graduation ceremony niya kanina.Kanina pa siya iyak nang iyak dahil hindi siya makapaniwalang narating na niya ang puntong ‘to. Parang kailan lang nang nagkaroon siya ng babysitter dahil sa tigas ng kaniyang ulo.Babysitter, bulong niya at nilibot ng tingin ang buong bahay. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?“Nakita mo si Rey Jhon, Mom?” tanong niya sa kaniyang Mommy. “Hindi ba sumunod sa’tin ‘yon kanina?”Tinanggap niya ang bulaklak na binigay sa kaniya ng kanilang Mayordoma. Ngumiti siya at nagpasalamat at muli niyang tiningnan ang kaniyang Mommy.“Mommy? Nakita mo ba si Rey Jhon?”“Si Rey Jhon?” tanong nito at para namang walang ganang sagutin ang tanong niya. May tiningnan pa ito sa cellphone bago siya sinagot. “Hindi ka ba sinabihan?”“Sinabihan na?” nagtataka niyang tanong. Wala naman itong sinabi sa kaniya nang magkita s
Huling Na-update: 2022-12-22
Chapter: Chapter 35Mabilis ang mga hakbang ni Gabriella papunta sa canteen ng school nila. Magkasalubong pa ang mga kilay niya dahil marami namang oras na puwede niyang makalimutan ang payong niya, ay ngayon pa talaga kung kailan parang tinamaan ng kabaitan ang araw. Tirik na tirik iyon at tila walang posibilidad na mabawasan ang init na ibinibigay nito. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang bilisan ang mga lakad niya para marating agad ang canteen.Mas lalo lang uminit ang ulo niya nang makitang wala ng bakante. Kanina pa nagrereklamo ang mga boarders niya sa tiyan kaya naisipan niyang bumaba pero ang galing-galing lang talaga dahil ang ganda ng timing niya, walang bakante na mesa kahit isa.Nasapo na lang niya ang noo at muling pinalibot ang mga mata, nagbabakasaling baka may makita siyang kakilala na puwede niyang matabihan. Hindi na puwedeng umakyat pa siya ulit at maghintay na baka magkabakante pa.Umukit agad sa labi niya ang matamis na ngiti nang makita niya si Rey Jhon na mag-isa lang sa mesa at k
Huling Na-update: 2022-12-22
Chapter: Chapter 34“Saan ka po pupunta, Ma'am Gab?”Nahinto sa paglalakad si Gabriella at mahigpit ang hawak sa bike. Nilingon niya ang security guard nila na alam niyang may rules na namang binigay ang kaniyang Daddy dito. Nahuli pa talaga siya!“Sabi ng Daddy niyo, hindi ka raw po puwede na lumabas.”At ‘yon ang rules, aniya sa sarili at napabuga na lang siya ng hangin. Of course, akala kasi ni Daddy, baby pa ‘ko. Nakalimutan niya yatang matanda na ang nag-iisa niyang anak, dagdag pa niya.Kinawayan niya ang security guard at ngumiti. Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay, aber? Makipagtitigan sa cellphone niya hanggang umuwi ang Daddy niya na hindi na naman niya alam kung saang planeta pumunta?“Hindi mo ako madadala sa smile, Ma'am. I'm just following the rules.” Nag-whistle ito at nag-sign sa isa nitong kasama na security guard na i-lock ang gate. “Lock the gate.”Binitawan niya ang bike at naglikha iyon ng ingay. Daig pa talaga ng security guard nila ang mga guards sa mga movies ng Disney. Iba
Huling Na-update: 2022-12-22
Chapter: Chapter 33“Rey Jhon for you. Don't tell me, ayaw mo rin sa’kin.”Tila natigil sa paggalaw ang lahat ng nakapaligid kay Gabriella. Hindi niya kayang ibuka ang bibig para sabihin kay Rey Jhon na ayaw niya rito. Hindi niya kayang igalaw ang kamay niya para isarado ang pinto nang hindi na niya makita ang mukha ng binata. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa at tumakbo palayo rito.Anong nangyayari sa kaniya? Bakit hindi niya magalaw ang mga paa? Bakit hindi niya kayang ibuka ang bibig?Tinitigan niya lang si Rey Jhon at nanatiling hindi makagalaw. Tinitigan niya ang magandang mga mata ng binata. Pinagmasdan niyang maigi ang maiitim nitong mga mata na para bang hinihigop ang lahat-lahat sa kaniya. Parang may nais itong iparating na hindi niya kayang basahin.Pababa nang pababa ang kaniyang tingin at kinabisado ang lahat. Dumaan sa matangos nitong ilong, sa medyo mapula nitong pisngi, hanggang sa mapula nitong labi. Natural na mapula, parang pinahiran ng lipstick. Kaunti na lang ang mga lalaking ga
Huling Na-update: 2022-12-22
Chapter: Chapter 32Nakatikom lang ang mga labi ni Gabriella kahit pa tudo ngiti ang Daddy niya at kinawayan pa siya nito. Wala siya sa mood na ngumiti kanina pero mas lumala pa ang tupak niya ngayon. Wala na talaga siya sa mood kahit pa ngumiti na lang ng peke, para bang hindi na niya kayang gawin ‘yon. Sinabihan siya ng Daddy niya na lumapit kaya wala siyang nagawa kun’di ang humakbang habang hinihiling na sana namamalikmata lang siya at mawala si Rey Jhon sa paningin niya. Alam naman niyang impossible iyon pero nagbabakasali pa rin siya.Marami naman sanang puwedeng manligaw sa kaniya, bakit si Rey Jhon pa talaga? Marami pa naman sanang single sa mundo pero bakit parang naubusan yata siya? Okay na sa kaniya kahit isa lang ang mata o hindi kaya isa lang ang ngipin, basta huwag lang si Rey Jhon. Huwag talaga dahil ikamamatay niya ‘yon. Makita nga lang ito ay sumasakit na ang ulo niya.Hindi kaya nasobrahan ka na sa kaartehan, Gabriella? Tanong ng utak niya.Hindi siya maarte, sadiyang iyon talaga ang k
Huling Na-update: 2022-12-22