“Saan ka po pupunta, Ma'am Gab?”Nahinto sa paglalakad si Gabriella at mahigpit ang hawak sa bike. Nilingon niya ang security guard nila na alam niyang may rules na namang binigay ang kaniyang Daddy dito. Nahuli pa talaga siya!“Sabi ng Daddy niyo, hindi ka raw po puwede na lumabas.”At ‘yon ang rules, aniya sa sarili at napabuga na lang siya ng hangin. Of course, akala kasi ni Daddy, baby pa ‘ko. Nakalimutan niya yatang matanda na ang nag-iisa niyang anak, dagdag pa niya.Kinawayan niya ang security guard at ngumiti. Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay, aber? Makipagtitigan sa cellphone niya hanggang umuwi ang Daddy niya na hindi na naman niya alam kung saang planeta pumunta?“Hindi mo ako madadala sa smile, Ma'am. I'm just following the rules.” Nag-whistle ito at nag-sign sa isa nitong kasama na security guard na i-lock ang gate. “Lock the gate.”Binitawan niya ang bike at naglikha iyon ng ingay. Daig pa talaga ng security guard nila ang mga guards sa mga movies ng Disney. Iba
Mabilis ang mga hakbang ni Gabriella papunta sa canteen ng school nila. Magkasalubong pa ang mga kilay niya dahil marami namang oras na puwede niyang makalimutan ang payong niya, ay ngayon pa talaga kung kailan parang tinamaan ng kabaitan ang araw. Tirik na tirik iyon at tila walang posibilidad na mabawasan ang init na ibinibigay nito. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang bilisan ang mga lakad niya para marating agad ang canteen.Mas lalo lang uminit ang ulo niya nang makitang wala ng bakante. Kanina pa nagrereklamo ang mga boarders niya sa tiyan kaya naisipan niyang bumaba pero ang galing-galing lang talaga dahil ang ganda ng timing niya, walang bakante na mesa kahit isa.Nasapo na lang niya ang noo at muling pinalibot ang mga mata, nagbabakasaling baka may makita siyang kakilala na puwede niyang matabihan. Hindi na puwedeng umakyat pa siya ulit at maghintay na baka magkabakante pa.Umukit agad sa labi niya ang matamis na ngiti nang makita niya si Rey Jhon na mag-isa lang sa mesa at k
“Congratulations!”Matamis na ngumiti si Gabriella matapos mabuksan ang pinto ng bahay nila at sabay-sabay na sumigaw ang mga kasambahay nilang hindi nakasama sa graduation ceremony niya kanina.Kanina pa siya iyak nang iyak dahil hindi siya makapaniwalang narating na niya ang puntong ‘to. Parang kailan lang nang nagkaroon siya ng babysitter dahil sa tigas ng kaniyang ulo.Babysitter, bulong niya at nilibot ng tingin ang buong bahay. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?“Nakita mo si Rey Jhon, Mom?” tanong niya sa kaniyang Mommy. “Hindi ba sumunod sa’tin ‘yon kanina?”Tinanggap niya ang bulaklak na binigay sa kaniya ng kanilang Mayordoma. Ngumiti siya at nagpasalamat at muli niyang tiningnan ang kaniyang Mommy.“Mommy? Nakita mo ba si Rey Jhon?”“Si Rey Jhon?” tanong nito at para namang walang ganang sagutin ang tanong niya. May tiningnan pa ito sa cellphone bago siya sinagot. “Hindi ka ba sinabihan?”“Sinabihan na?” nagtataka niyang tanong. Wala naman itong sinabi sa kaniya nang magkita s
“Hon?”Agad na tumingin si Rey Jhon kay Gabriella na may dalang ice cream at palapit sa kaniya. Kahit maingay sa plaza ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ng nobya. Para bang ginawa talaga ang tainga niya para marinig ang boses nito. “Look, bumili ako ng ice cream. You want?” anito at ngumiti pa.Alam na niya kung anong susunod nitong sasabihin. Halos kabisado na niya ang sasabihin nito tuwing may binibili ito tapos hindi nagpapaalam sa kaniya.“Pera mo ang ginamit ko,” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na ngiti.At kailan pa namali ang hula niya? Hindi pa siya pumapalya kapag si Gabriella ang hinuhulaan niya.Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at tinapik ang bakante na upuan sa tabi niya. Ito talagang nobya niya, napakakulit kapag ice cream ang pag-uusapan. Kahit sobrang hina lang ng bell ng nagbebenta ng ice cream, dinig na dinig nito. Para bang ginawa ang tainga nito para marinig ang bell ng ice cream.Napaka-unfair, bulong niya. “Ayaw mo talaga, hon? Masarap pa naman
Tudo pigil si Rey Jhon kay Gabriella na pasuray-suray habang naglalakad sila papasok sa kaniyang kuwarto. Kahit anong gawing pigil niya na huwag langhapin ang mabangong amoy nito ay hindi niya magawa. Gusto niyang huwag dumaan sa kaniyang ilong at huwag ipaisip sa kaniyang utak na masarap langhapin ang ginamit nitong pabango ngunit ayaw makinig ng kaniyang katawan. Tila animo’y may sariling isip iyon at hindi sinusunod ang kaniyang utos.Mahigpit ang kaniyang pagkahawak sa baywang ng dalaga. Para kasing hindi sila makararating sa kuwarto kung ipapairal niya ang kaniyang pagiging baliko at pareho silang matumba ng senyorita na ‘to. Baka sabay pa nilang yakapin ang malamig na semento at maligo sa sarili nilang dugo. Daig pa kasi nito ang beauty queen na nakuha ang korona kung makainom kanina. Inubos talaga nito ang binili nilang alak at kahit isang bote ay hindi man lang siya binigyan. Pero ibang beauty queen yata itong dalaga na hawak niya, beauty queen na lasing at pagiwang-giwang ku
“Chill, Bro. Alam kong babalikan ka niyan. Ikaw pa ba? Marami ngang babae na hinahabol ka kaya alam kong siya na mismo ang lalapit sa’yo para makipagbalikan.”Tinapik ni Rey Jhon ang balikat ni Carlo kahit pati siya ay hindi sigurado kung magiging totoo ang sinabi niya sa kaibigan. Ang tanging gusto lang niya ngayon ay pagaanin ang loob ng kaibigan niya kahit pa kabaliktaran ang nararamdaman niya. Wala naman siyang ibang magagawa eh, ito na talaga ang role niya mula pa noon. Bawat paglapat ng kaniyang kamay sa matigas na balikat ng kaibigan ay tila mas idinidiin ang kutsilyo na nakaipit sa kaniyang dibdib. Dumidiin iyon at hinahanap ang puso niya na may sugat upang mas dagdagan ang sakit na nakaipit doon. Mas gusto niyang ilipat ang kutsilyo sa dibdib ng babae na sinasayangan ng luha ng kaniyang kaibigan. Buwisit ang gagang ‘yon! Inis niya bulong sa sarili.“Hindi mo kilala si Gabriella, hinahabol din ‘yon ng mga lalaki.” Mas lalo lang lumakas ang pag-iyak nito na tila binudburan ng
NAKAILANG yugyog na si Rey Jhon sa balikat ng natutulog na dalagita pero kahit anong gawin niyang pagyugyog ay parang wala itong balak na gumising. Patuloy pa rin siya sa pagyugyog kahit hiniling na ng utak niya na kumuha na ng malamig na tubig upang ibuhos sa mukha ng dalagita na ginawang pulbo ang mamahaling make up. Pero saan naman kasi siya hahanap ng malamig na tubig kung nasa loob sila ng kotse?Baka naman kasi may secret ref dito sa kotse niya, malay natin diba? Bulong na naman niya sa sarili at napaismid. Sana na lang kasi hindi siya nagpa-feeling superhero, edi sana hindi niya kasama ang buwisit na dalagang 'to. Kahit sa panaginip niya, hindi niya kayang lunukin ang eksena na makasama niya ang babaeng kaagaw niya kay Carlo.Napakamot na lang siya sa ulo at isinandig ang likod at ipinaikot ang paningin upang makita ang kabuuan ng kotse. Daig pa niya ang naka-jackpot kung ang kotse ang pag-uusapan. Mamahalin yata ang kotse ng dalaga, sabagay sa yaman ba naman nito, panigurado b
NAKATAKIP ang kamay ni Rey Jhon sa sariling bibig lalo na kapag dumadaan ang mga tricycle sa harapan niya. Ganitong-ganito palagi ang eksena tuwing nasa kalye siya. Kaya hindi niya nakakalimutan na magdala ng panyo, ayaw niyang ang mga alikabok sa daan ang maging first kiss niya. Gusto niyang si Carlo ang unang makakuha ng kaniyang first kiss kaya dapat naka-reserve ang kaniyang beautiful lips.Wala sa oras siyang napabuntonghininga at pinagmasdan ang maalikabok na kalsada. Nagiging niyebe ang mga alikabok na palipad-lipad at dumadapo sa suot niyang uniporme tuwing dumadaan ang mga sasakyan. Kung hindi lang siya stress ngayon, baka kumuha na siya ng bato at itinapon na niya sa mga tricycle driver na parang hindi siya nakita sa gilid ng kalsada kung makapag-drive. Parang first time makapag-drive ng tricycle, feel na feel eh.Mukhang bukas o sa susunod na araw ay magkakaroon na naman ng boarders ang kaniyang mukha. Hindi pa naman sapat na dalawang pares lang ng tigyawat ang tutubo sa mu