“Congratulations!”Matamis na ngumiti si Gabriella matapos mabuksan ang pinto ng bahay nila at sabay-sabay na sumigaw ang mga kasambahay nilang hindi nakasama sa graduation ceremony niya kanina.Kanina pa siya iyak nang iyak dahil hindi siya makapaniwalang narating na niya ang puntong ‘to. Parang kailan lang nang nagkaroon siya ng babysitter dahil sa tigas ng kaniyang ulo.Babysitter, bulong niya at nilibot ng tingin ang buong bahay. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?“Nakita mo si Rey Jhon, Mom?” tanong niya sa kaniyang Mommy. “Hindi ba sumunod sa’tin ‘yon kanina?”Tinanggap niya ang bulaklak na binigay sa kaniya ng kanilang Mayordoma. Ngumiti siya at nagpasalamat at muli niyang tiningnan ang kaniyang Mommy.“Mommy? Nakita mo ba si Rey Jhon?”“Si Rey Jhon?” tanong nito at para namang walang ganang sagutin ang tanong niya. May tiningnan pa ito sa cellphone bago siya sinagot. “Hindi ka ba sinabihan?”“Sinabihan na?” nagtataka niyang tanong. Wala naman itong sinabi sa kaniya nang magkita s
“Hon?”Agad na tumingin si Rey Jhon kay Gabriella na may dalang ice cream at palapit sa kaniya. Kahit maingay sa plaza ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ng nobya. Para bang ginawa talaga ang tainga niya para marinig ang boses nito. “Look, bumili ako ng ice cream. You want?” anito at ngumiti pa.Alam na niya kung anong susunod nitong sasabihin. Halos kabisado na niya ang sasabihin nito tuwing may binibili ito tapos hindi nagpapaalam sa kaniya.“Pera mo ang ginamit ko,” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na ngiti.At kailan pa namali ang hula niya? Hindi pa siya pumapalya kapag si Gabriella ang hinuhulaan niya.Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at tinapik ang bakante na upuan sa tabi niya. Ito talagang nobya niya, napakakulit kapag ice cream ang pag-uusapan. Kahit sobrang hina lang ng bell ng nagbebenta ng ice cream, dinig na dinig nito. Para bang ginawa ang tainga nito para marinig ang bell ng ice cream.Napaka-unfair, bulong niya. “Ayaw mo talaga, hon? Masarap pa naman
Tudo pigil si Rey Jhon kay Gabriella na pasuray-suray habang naglalakad sila papasok sa kaniyang kuwarto. Kahit anong gawing pigil niya na huwag langhapin ang mabangong amoy nito ay hindi niya magawa. Gusto niyang huwag dumaan sa kaniyang ilong at huwag ipaisip sa kaniyang utak na masarap langhapin ang ginamit nitong pabango ngunit ayaw makinig ng kaniyang katawan. Tila animo’y may sariling isip iyon at hindi sinusunod ang kaniyang utos.Mahigpit ang kaniyang pagkahawak sa baywang ng dalaga. Para kasing hindi sila makararating sa kuwarto kung ipapairal niya ang kaniyang pagiging baliko at pareho silang matumba ng senyorita na ‘to. Baka sabay pa nilang yakapin ang malamig na semento at maligo sa sarili nilang dugo. Daig pa kasi nito ang beauty queen na nakuha ang korona kung makainom kanina. Inubos talaga nito ang binili nilang alak at kahit isang bote ay hindi man lang siya binigyan. Pero ibang beauty queen yata itong dalaga na hawak niya, beauty queen na lasing at pagiwang-giwang ku
“Chill, Bro. Alam kong babalikan ka niyan. Ikaw pa ba? Marami ngang babae na hinahabol ka kaya alam kong siya na mismo ang lalapit sa’yo para makipagbalikan.”Tinapik ni Rey Jhon ang balikat ni Carlo kahit pati siya ay hindi sigurado kung magiging totoo ang sinabi niya sa kaibigan. Ang tanging gusto lang niya ngayon ay pagaanin ang loob ng kaibigan niya kahit pa kabaliktaran ang nararamdaman niya. Wala naman siyang ibang magagawa eh, ito na talaga ang role niya mula pa noon. Bawat paglapat ng kaniyang kamay sa matigas na balikat ng kaibigan ay tila mas idinidiin ang kutsilyo na nakaipit sa kaniyang dibdib. Dumidiin iyon at hinahanap ang puso niya na may sugat upang mas dagdagan ang sakit na nakaipit doon. Mas gusto niyang ilipat ang kutsilyo sa dibdib ng babae na sinasayangan ng luha ng kaniyang kaibigan. Buwisit ang gagang ‘yon! Inis niya bulong sa sarili.“Hindi mo kilala si Gabriella, hinahabol din ‘yon ng mga lalaki.” Mas lalo lang lumakas ang pag-iyak nito na tila binudburan ng
NAKAILANG yugyog na si Rey Jhon sa balikat ng natutulog na dalagita pero kahit anong gawin niyang pagyugyog ay parang wala itong balak na gumising. Patuloy pa rin siya sa pagyugyog kahit hiniling na ng utak niya na kumuha na ng malamig na tubig upang ibuhos sa mukha ng dalagita na ginawang pulbo ang mamahaling make up. Pero saan naman kasi siya hahanap ng malamig na tubig kung nasa loob sila ng kotse?Baka naman kasi may secret ref dito sa kotse niya, malay natin diba? Bulong na naman niya sa sarili at napaismid. Sana na lang kasi hindi siya nagpa-feeling superhero, edi sana hindi niya kasama ang buwisit na dalagang 'to. Kahit sa panaginip niya, hindi niya kayang lunukin ang eksena na makasama niya ang babaeng kaagaw niya kay Carlo.Napakamot na lang siya sa ulo at isinandig ang likod at ipinaikot ang paningin upang makita ang kabuuan ng kotse. Daig pa niya ang naka-jackpot kung ang kotse ang pag-uusapan. Mamahalin yata ang kotse ng dalaga, sabagay sa yaman ba naman nito, panigurado b
NAKATAKIP ang kamay ni Rey Jhon sa sariling bibig lalo na kapag dumadaan ang mga tricycle sa harapan niya. Ganitong-ganito palagi ang eksena tuwing nasa kalye siya. Kaya hindi niya nakakalimutan na magdala ng panyo, ayaw niyang ang mga alikabok sa daan ang maging first kiss niya. Gusto niyang si Carlo ang unang makakuha ng kaniyang first kiss kaya dapat naka-reserve ang kaniyang beautiful lips.Wala sa oras siyang napabuntonghininga at pinagmasdan ang maalikabok na kalsada. Nagiging niyebe ang mga alikabok na palipad-lipad at dumadapo sa suot niyang uniporme tuwing dumadaan ang mga sasakyan. Kung hindi lang siya stress ngayon, baka kumuha na siya ng bato at itinapon na niya sa mga tricycle driver na parang hindi siya nakita sa gilid ng kalsada kung makapag-drive. Parang first time makapag-drive ng tricycle, feel na feel eh.Mukhang bukas o sa susunod na araw ay magkakaroon na naman ng boarders ang kaniyang mukha. Hindi pa naman sapat na dalawang pares lang ng tigyawat ang tutubo sa mu
PADABOG na isinara ni Rey Jhon ang pinto ng comfort room habang pinipilit ang sarili na hindi pumasok sa ilong niya ang amoy na parang hahalungkayin ang kasulok-sulokan ng sistema niya. Nanununtok talaga ang amoy na pilit pumapasok sa ilong niya. Inipit niya ang ilong habang kinukuha niya ang alcohol na nasa loob ng bag niya at ini-spray iyon sa loob ng CR. Mas gugustuhin na lang niyang maubos ang alcohol kaysa amuyin ang nakakasukang amoy sa CR.Mabuti na lang talaga at hindi siya na-late sa klase niya ngayon. Akala niya talaga kanina habang lulan siya ng tricycle ay hindi na siya makakahabol sa first class niya. Pero kung sakaling hindi siya nakahabol, handang-handa siyang bumili ng barbie doll at kukulamin niya talaga ang senyoritang ‘yon. Kahit siguro asong kalye, hindi kayang kainin ang ugali nitong daig pa ang kasamaan ng first lady ni Satanas.Pagkatapos ng klase niya ay dumiretso siya sa CR. Nag-iinit pa rin ang ulo niya kapag naalala ang pera na tinapon ni Gabriella. Hindi ma
Lumabas ang matamis na ngiti sa labi ni Rey Jhon nang matapos ang tawag. Paano siya hindi ngingiti? Tila kakampi na niya ang tadhana at ang tagumpay ay hawak na niya. Kitang-kita na niya ang tagumpay, nagniningning pa at siguradong maaabot na niya. Kung siya lang mag-isa sa mga oras na ‘to, baka hindi lang pagtawa ang kaniyang magawa, kun’di halakhak na. Ito na yata ang hinihintay niyang oras na makagaganti siya sa ginawa ni Gabriella sa kaniya kanina. Hindi lang ang pride niya ang natapakan ng dalaga, pati ang kaniyang pagkatao. Alam naman niyang mahirap siya at mayaman ang dalaga pero hindi niya ito binigyan ng karapatan para tapakan ang natitira niyang dangal. Dangal na nga lang ang mayroon siya, nagawa pa talaga ng dalagang apakan.Hindi niya inakalang kasing bilis ng kidlat ang pagdating ng karma at gugulong sa kaniyang palad ang huling halakhak. Mismong ang Don pa ang gumawa ng paraan para makaganti siya sa anak nitong matapobre. Mas lumapad ang ngiti niya nang matanggap na ni