Tudo pigil si Rey Jhon kay Gabriella na pasuray-suray habang naglalakad sila papasok sa kaniyang kuwarto. Kahit anong gawing pigil niya na huwag langhapin ang mabangong amoy nito ay hindi niya magawa. Gusto niyang huwag dumaan sa kaniyang ilong at huwag ipaisip sa kaniyang utak na masarap langhapin ang ginamit nitong pabango ngunit ayaw makinig ng kaniyang katawan. Tila animo’y may sariling isip iyon at hindi sinusunod ang kaniyang utos.
Mahigpit ang kaniyang pagkahawak sa baywang ng dalaga. Para kasing hindi sila makararating sa kuwarto kung ipapairal niya ang kaniyang pagiging baliko at pareho silang matumba ng senyorita na ‘to. Baka sabay pa nilang yakapin ang malamig na semento at maligo sa sarili nilang dugo.Daig pa kasi nito ang beauty queen na nakuha ang korona kung makainom kanina. Inubos talaga nito ang binili nilang alak at kahit isang bote ay hindi man lang siya binigyan. Pero ibang beauty queen yata itong dalaga na hawak niya, beauty queen na lasing at pagiwang-giwang kung rumampa.“I told you, Jhon,” anito at hinigpitan ang paghawak sa kaniyang braso. Hindi niya alam kung gusto lang ba talaga nitong hawakan ang braso niya o baka sumanib na ang espiritu ng alak sa katawan ni Gabriella at nakalimutan nitong bakla siya. “I know you’re not gay.”Humagikhik na naman ito at pinigilan ang katawan niya. Diin na diin ang kuko nito sa kaniyang balat at tila pati kaloob-looban niya ay nahiwa pa sa paraan ng pagpigil nito.Halos masira na nga ang dingding ng kaniyang kuwarto dahil ang lakas magpatugtog ang nasa kabilang kuwarto pero kahit bulong lang ang ginawa ng babae ay dinig na dinig niya. Alam niyang maliit ang kaniyang kuwarto pero mas lumiit pa iyon nang pumasok silang dalawa ni Gabriella. Ito na yata ang pinakapalpak na ginawa niya sa buong buhay niya.Huli na talaga ‘to, Gab. Hinding-hindi na ako papayag na pumunta ka sa boarding house ko, bulong niya sa sarili.Hinawakan nito ang kaniyang kuwelyo. Puti ang kaniyang suot na polo shirt pero naging dirty white nang dumapo ang kamay ni Gabriella sa kuwelyo niya. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya at kunting-kunti na lang ay magtatagpo na ang kanilang mga labi kaya pati paglunok ng laway ay ayaw na niyang gawin.Wala siyang ibang nagawa kun’di ang titigan ito. Titigan ang mga mata nitong tila nang-aakit patungo sa namumula nitong mga labi. Para bang hindi man lang nabura ng alak ang ginamit nitong lipstick o baka iyon na talaga ang totoong kulay ng labi ng dalaga. Dahan-dahan na nagkaroon ng sigla ang labi nito at ipinakita sa kaniya ang pinakatamis nitong ngiti.Agad siyang napailing at pinilit na pakalmahin ang sarili. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim para lang alisin ang marumi na diwa na tumatakbo sa kaniyang isipan. Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi tama ‘to!“Bakla nga ako, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo ngayon ‘yan?” aniya at sabay ilag.Mula nang sinayaw na ng alak ang utak ng dalaga ay paulit-ulit nitong sinabi na hindi nga siya bakla. Mas lalo lang nag-init ang ulo niya dahil alam naman niyang baliko nga siya pero bakit ipinipilit nitong hindi iyon totoo.Baka kapag nagtagal pa sila sa ganitong posisyon ay biglang magbago ang matagal na niyang baluktot na paniniwala. Pinilit niya ang sarili na humakbang papasok sa kuwarto upang patulugin si Gabriella kahit mabigat ang kaniyang paglakad. Para bagang may mabigat na bagay siyang dala kaya nahihirapan siyang humakbang. Sana pala talaga hindi niya pinayagan ang dalaga na gawin ang plano nito, wala sana siya sa ganito kalalang sitwasiyon.“I can’t believe this is happening!” Gabriella mumbled. “This is so freaking—”Bigla itong tumahimik at hindi man lang nito natapos ang pangungusap nito kaya huminto siya sa paglakad at hinarap ang dalaga. Kahit nakapikit ito ay hindi maikakaila ang ganda nitong taglay na kinaiinggitan niya. Bakit kasi hindi na lang siya naging totoong babae kung ganito rin lang naman ang patutunguhan niya?“I hate her.”Bigla niyang naitulak ang pinto nang biglang nagsalita ang dalaga. Naging mabigat ang atmospera bunga ng sinabi nito. Kahit siya naman siguro ang hindi sisiputin ay baka ganito rin ang maramdaman niya. Baka sisihin niya rin ang lahat ng tao na makasalamuha niya o baka batuhin pa niya ang bituin sa langit para lang mahulog iyon at umitim na talaga ang paligid.Nanaig ang awa niya nang makita niya na tumulo ang luha ng dalaga. Hindi man niya alam kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman nito pero naiintindihan niya, alam niya ang sakit.“I hate her!”Lahat na yata ng kaba na naranasan niya sa buong buhay niya ay biglang nagsama lahat ngayon. Muntik pa niyang mabitawan ang dalaga bunga ng kaniyang pagkabigla sa biglaang pagsigaw nito.Niyakap siya ni Gabriella at doon nito nilabas ang lahat ng hinanakit nito sa kaniyang balikat. Hinayaan na lang niya ang dalaga at gumanti na lang din siya ng yakap. Wala na siyang ibang narinig kun’di ang iyak na lang nito na nagdulot ng lungkot din sa kaniya. Anong dapat niyang gawin upang kumalma ito?“Matulog ka na lang muna, lasing ka na.” Parang bulong lang ang kaniyang pagkasabi kaya siguro hindi siya nakatanggap ng sagot sa dalaga. Hindi rin ito bumitaw sa pagkayakap sa kaniya.“Bakit gano’n? Masama ba ‘ko? Gusto ko lang naman na makita siya eh. Kahit wala siyang ibigay sa’kin, it’s okay. I just want to—”“Baka may importante lang na pinuntahan—”“Mas importante pa sa’kin?”“Senyorita—”Hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin. Mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kaniya. Gusto niyang intindihin ang dalaga pero iba ang pumapasok sa isip niya. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa pag-iisip ng kung ano-ano habang may iniinda itong problema.“Hindi ka bakla, diba? Can you pleasure me tonight?” tanong nito gamit ang boses na hindi niya alam kung anong dapat itawag.Wala sa oras na itinulak niya ang dalaga. Mabuti na lang at nasalo ito ng kama. Biglang nagbago ang kaniyang aura nang dumaloy sa kaniyang tainga ang sinabi nito. Ang gusto niya ay mawala at tuluyang mabura sa kaniyang isipan ang sinabi ni Gabriella.Alam niya sa sarili kung ano talaga ang gusto niya. Alam niya kung anong plano niya sa buhay. Alam niya at kahit hindi man niya kayang ipagsigawan sa lahat, alam niyang hindi talaga siya straight na lalaki at kahit pa anong gawin ng babae na ‘to, hindi magbabago ang pananaw niya.Pinagmasdan niya si Gabriella na nakahiga na sa kaniyang kama. Alam niyang awa lang itong nararamdaman niya pero bakit sobrang init sa loob ng apat na sulok na kuwartong ito?Muli siyang nagbuga ng hangin at pinaypayan ang sarili. Kahit sa paraan ng kaniyang pagpaypay ay malalaman na kung ano talaga ang kaniyang kasarian.Hindi mo ako madadala kahit maghubad ka pa! Nandidiri niyang sambit sa sarili at parampang tinahak ang daan palabas sa kuwarto niya pero bigla siyang natauhan nang may humawak sa kaniyang braso.Gusto niyang sumigaw pero pinili niyang tumahimik dahil ayaw niyang palayasin siya ng landlady ng boarding house nila. Nang tingnan niya ang kamay ay mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya.Oh goodness! I don’t want to eat bibingka, I want hotdog! Nandidiri niyang bulong.“Chill, Bro. Alam kong babalikan ka niyan. Ikaw pa ba? Marami ngang babae na hinahabol ka kaya alam kong siya na mismo ang lalapit sa’yo para makipagbalikan.”Tinapik ni Rey Jhon ang balikat ni Carlo kahit pati siya ay hindi sigurado kung magiging totoo ang sinabi niya sa kaibigan. Ang tanging gusto lang niya ngayon ay pagaanin ang loob ng kaibigan niya kahit pa kabaliktaran ang nararamdaman niya. Wala naman siyang ibang magagawa eh, ito na talaga ang role niya mula pa noon. Bawat paglapat ng kaniyang kamay sa matigas na balikat ng kaibigan ay tila mas idinidiin ang kutsilyo na nakaipit sa kaniyang dibdib. Dumidiin iyon at hinahanap ang puso niya na may sugat upang mas dagdagan ang sakit na nakaipit doon. Mas gusto niyang ilipat ang kutsilyo sa dibdib ng babae na sinasayangan ng luha ng kaniyang kaibigan. Buwisit ang gagang ‘yon! Inis niya bulong sa sarili.“Hindi mo kilala si Gabriella, hinahabol din ‘yon ng mga lalaki.” Mas lalo lang lumakas ang pag-iyak nito na tila binudburan ng
NAKAILANG yugyog na si Rey Jhon sa balikat ng natutulog na dalagita pero kahit anong gawin niyang pagyugyog ay parang wala itong balak na gumising. Patuloy pa rin siya sa pagyugyog kahit hiniling na ng utak niya na kumuha na ng malamig na tubig upang ibuhos sa mukha ng dalagita na ginawang pulbo ang mamahaling make up. Pero saan naman kasi siya hahanap ng malamig na tubig kung nasa loob sila ng kotse?Baka naman kasi may secret ref dito sa kotse niya, malay natin diba? Bulong na naman niya sa sarili at napaismid. Sana na lang kasi hindi siya nagpa-feeling superhero, edi sana hindi niya kasama ang buwisit na dalagang 'to. Kahit sa panaginip niya, hindi niya kayang lunukin ang eksena na makasama niya ang babaeng kaagaw niya kay Carlo.Napakamot na lang siya sa ulo at isinandig ang likod at ipinaikot ang paningin upang makita ang kabuuan ng kotse. Daig pa niya ang naka-jackpot kung ang kotse ang pag-uusapan. Mamahalin yata ang kotse ng dalaga, sabagay sa yaman ba naman nito, panigurado b
NAKATAKIP ang kamay ni Rey Jhon sa sariling bibig lalo na kapag dumadaan ang mga tricycle sa harapan niya. Ganitong-ganito palagi ang eksena tuwing nasa kalye siya. Kaya hindi niya nakakalimutan na magdala ng panyo, ayaw niyang ang mga alikabok sa daan ang maging first kiss niya. Gusto niyang si Carlo ang unang makakuha ng kaniyang first kiss kaya dapat naka-reserve ang kaniyang beautiful lips.Wala sa oras siyang napabuntonghininga at pinagmasdan ang maalikabok na kalsada. Nagiging niyebe ang mga alikabok na palipad-lipad at dumadapo sa suot niyang uniporme tuwing dumadaan ang mga sasakyan. Kung hindi lang siya stress ngayon, baka kumuha na siya ng bato at itinapon na niya sa mga tricycle driver na parang hindi siya nakita sa gilid ng kalsada kung makapag-drive. Parang first time makapag-drive ng tricycle, feel na feel eh.Mukhang bukas o sa susunod na araw ay magkakaroon na naman ng boarders ang kaniyang mukha. Hindi pa naman sapat na dalawang pares lang ng tigyawat ang tutubo sa mu
PADABOG na isinara ni Rey Jhon ang pinto ng comfort room habang pinipilit ang sarili na hindi pumasok sa ilong niya ang amoy na parang hahalungkayin ang kasulok-sulokan ng sistema niya. Nanununtok talaga ang amoy na pilit pumapasok sa ilong niya. Inipit niya ang ilong habang kinukuha niya ang alcohol na nasa loob ng bag niya at ini-spray iyon sa loob ng CR. Mas gugustuhin na lang niyang maubos ang alcohol kaysa amuyin ang nakakasukang amoy sa CR.Mabuti na lang talaga at hindi siya na-late sa klase niya ngayon. Akala niya talaga kanina habang lulan siya ng tricycle ay hindi na siya makakahabol sa first class niya. Pero kung sakaling hindi siya nakahabol, handang-handa siyang bumili ng barbie doll at kukulamin niya talaga ang senyoritang ‘yon. Kahit siguro asong kalye, hindi kayang kainin ang ugali nitong daig pa ang kasamaan ng first lady ni Satanas.Pagkatapos ng klase niya ay dumiretso siya sa CR. Nag-iinit pa rin ang ulo niya kapag naalala ang pera na tinapon ni Gabriella. Hindi ma
Lumabas ang matamis na ngiti sa labi ni Rey Jhon nang matapos ang tawag. Paano siya hindi ngingiti? Tila kakampi na niya ang tadhana at ang tagumpay ay hawak na niya. Kitang-kita na niya ang tagumpay, nagniningning pa at siguradong maaabot na niya. Kung siya lang mag-isa sa mga oras na ‘to, baka hindi lang pagtawa ang kaniyang magawa, kun’di halakhak na. Ito na yata ang hinihintay niyang oras na makagaganti siya sa ginawa ni Gabriella sa kaniya kanina. Hindi lang ang pride niya ang natapakan ng dalaga, pati ang kaniyang pagkatao. Alam naman niyang mahirap siya at mayaman ang dalaga pero hindi niya ito binigyan ng karapatan para tapakan ang natitira niyang dangal. Dangal na nga lang ang mayroon siya, nagawa pa talaga ng dalagang apakan.Hindi niya inakalang kasing bilis ng kidlat ang pagdating ng karma at gugulong sa kaniyang palad ang huling halakhak. Mismong ang Don pa ang gumawa ng paraan para makaganti siya sa anak nitong matapobre. Mas lumapad ang ngiti niya nang matanggap na ni
BUMALIK sa gate si Rey Jhon nang maalala niyang kailangan niya pa lang ihatid si Gabriella pauwi, kahit labag sa kalooban niya iyon. Pero dahil iyon ang utos sa kaniya ng Don kanina pagkatapos nitong mai-send ang information na kailangan niya tungkol sa dalagita, wala siyang ibang nagawa kun’di ang pagbuntonghininga at inihakbang ang mga paa pabalik sa gate ng university. Bitbit ang bag at halos malapit nang masira na sapatos ay bumalik siya sa university. Bakit ba kasi pinasukan niya ‘to?Bakit nga ba? Ilang beses pa ba niyang dapat tanungin ang sarili? Muli siyang napabuntonghininga at hinarap ang gate. Kahit pa siguro masagot niya ang tanong na iyon, hindi na magbabago ang takbo ng buhay niya.Tumango siya sa security guard na panay ang tingin sa wall clock ng guard house. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at tinanong kung bakit siya bumalik. “May naiwan po eh,” aniya at muli na namang nadagdagan ang tanong ng security guard.“Ano ba ang naiwan mo?”Hindi ano, kun’di sin
Malalaki ang bawat hakbang ni Gabriella nang makalabas siya sa kotse. Ni hindi na siya nag-abalang magpasalamat pa sa driver niya, hindi naman talaga siya sanay na magpasalamat. Hindi na niya kayang tiisin na pareho sila ng nilalahanghap na hangin sa lalaking nakialam sa bawat galaw niya. Napakaalamero!Ang hindi nga lang niya alam ay kung bakit nagpahila siya sa lalaking ‘to. Kung bakit hinayaan niyang makisali ang ito sa buhay niya at makisawsaw sa lahat ng galaw niya. Sa lalaking hindi nga niya alam kung anong pangalan. O baka nakalimutan lang niya. Sabagay, hindi naman worth it kung aalamin o alalahanin pa niya ang pangalan nito. Hindi niya gawain 'yon.Hindi niya pinansin ang mga kasambahay na bumabati sa kaniya, kahit pa sa bawat hakbang niya papasok sa bahay ay binabanggit nito ang pangalan niya. Wala siyang panahon na ngumiti at bigyan ng plastik na pansin ang mga kasambahay nila na umaasa lang din naman sa pera ng pamilya niya – sa pera ng Daddy at Mommy niya.Alam naman niya
Isang oras na rin na nakatambay si Rey Jhon sa swimming pool ng university nila. Isang oras siyang walang ginawa kun'di ang makipagtitigan sa tubig. Kung kaya lang siyang kausapin ng tubig, kinausap na niya. Hindi na siya nag-abalang tawagan o i-text pa si Carlo kahit kating-kati na ang mga daliri niyang pumindot sa cellphone para makapag-sorry siya. Dati gusto lang niyang malaman ni Carlo ang nararamdaman niya pero ngayon hindi na niya alam kung iyon pa rin ba ang gusto niya.Ayos lang naman sila noon kahit hirap na hirap siyang itago ang nararamdaman niya. Maayos ang takbo ng buhay niya kahit kaibigan lang ang turing nito sa kaniya, gano'n talaga eh, wala na siyang magagawa sa bagay na ‘yon. Hindi na niya kayang baguhin pa iyon. Batid naman niyang napakaimposible ang gusto niyang mangyari. It seems like he’s hoping to be a billionaire in just one snap of his fingers.Ganito talaga siguro ang buhay ng isang bakla at mukhang wala na siyang magagawa kun'di tanggapin na lang ang tadhana