Isang oras na rin na nakatambay si Rey Jhon sa swimming pool ng university nila. Isang oras siyang walang ginawa kun'di ang makipagtitigan sa tubig. Kung kaya lang siyang kausapin ng tubig, kinausap na niya. Hindi na siya nag-abalang tawagan o i-text pa si Carlo kahit kating-kati na ang mga daliri niyang pumindot sa cellphone para makapag-sorry siya. Dati gusto lang niyang malaman ni Carlo ang nararamdaman niya pero ngayon hindi na niya alam kung iyon pa rin ba ang gusto niya.Ayos lang naman sila noon kahit hirap na hirap siyang itago ang nararamdaman niya. Maayos ang takbo ng buhay niya kahit kaibigan lang ang turing nito sa kaniya, gano'n talaga eh, wala na siyang magagawa sa bagay na ‘yon. Hindi na niya kayang baguhin pa iyon. Batid naman niyang napakaimposible ang gusto niyang mangyari. It seems like he’s hoping to be a billionaire in just one snap of his fingers.Ganito talaga siguro ang buhay ng isang bakla at mukhang wala na siyang magagawa kun'di tanggapin na lang ang tadhana
“I’m Paolo.”Napatitig si Rey Jhon sa mga mata ni Paolo na parang hinihigop ang kaniyang kalandian, isang daang porsyento ng kalandian. Ang sarap tingnan ng maiitim nitong mata na nakatitig din sa kaniya, diretsong-diretso sa kaluluwa niya. Idagdag pa ang medyo may kakapalan nitong kilay na ang gandang tingnan, nakaaakit. Inaakit talaga ang natitirang katinuan niya.“What’s your name again?” tanong ni Paolo sa kaniya.Ano nga ulit ang pangalan niya?He cleared his throat and released a smile. Hindi naman siya naaksidente pero bakit nakalimutan niya yata ang pangalan niya? Pinilit niyang hindi ngumiwi at inilahad niya ang kaniyang kanang kamay bago nagpakilala.“Rey Jhon. My name is Rey Jhon.”Kung sana matagal na siyang nagladlad baka kinindatan na niya si Paolo at tatanungin kung anong gusto nito.You want juice, water, tea or me? Choose wisely, choose me, malanding sabi ng utak niya.Palihim niyang kinagat ang dila, kung ano-ano na lang talaga ang naiisip niya. Delikado, baka masabi
Halos hindi na nga nakapagsuklay si Rey Jhon, nagkukumahog siyang makapunta agad sa bahay ng senyorita na matanda naman na sana pero kailangan pa niyang bantayan. Pero naiintindihan naman niya ang Don kung bakit gusto nitong may bantay ang nag-iisa nitong unica hija, sa pagiging maldita palang nito ay sapat na dahilan na iyon para hindi makampante ang Don. Napailing na lang siya, mga spoiled brat nga naman.Nang makita niyang pumatak na ang alas-siyete sa suot niyang relo ay agad na dumaloy ang mainit na dugo sa kaniyang utak patungo sa mga paa niya. Nakalimutan niya tuloy magsuklay. Ang ganda naman ng simula ng araw niya. Wala na talagang ginawang matino sa buhay niya si Gabriella. Ang swerte-swerte niya talaga.Lunes na Lunes pero pakiramdam niya ay Biyernes na. Maliban sa wala ng laman ang wallet niya ay daig pa niya ang na-hold-up nang ganito kaaga. Sabog na nga ang buhok niya, nadumihan pa ang puti niyang polo. "Lord, ano ba namang kamalasan 'to?" Tanong niya na para bang may sa
Kanina pa pinipilit ni Rey Jhon si Gabriella na pumasok sila ng klase. Kulang na lang ay hilahin niya ang babae para lang pumasok ito sa klase. Nadadamay na kasi siya sa pagiging maarte nito. Isang subject ang hindi niya napasukan ngayong umaga dahil sa kaartehan na rin ng amo niya. “Ayoko ngang pumasok, you’re so kulit!” Nagdadabog pa si Gabriella nang sabihin niyang papasok sila ngayon. Itinapon pa nito ang shoulder bag sa sahig na para bang hindi man lang ito nanghihinayang kung may mabasag man.Hindi pa nga sila nakararating sa sasakyan pero hindi na maipinta ang mukha ni Gabriella. Padabog pa itong naglakad nang makalabas sila sa mall, parang wala itong pagod habang nilibot nila ang lahat ng store sa mall. Pero agad nagbago ang timpla ng mukha nito nang sabihin niyang pupunta sila sa university.“May pasok ka diba? May pasok din ako,” kalmado niyang saad sa dalagita. Nanatili siyang kalmado kahit gusto na niyang sabunutan ito.“Edi, magpasukan tayo. Problema ba ‘yon?” Muli na na
Sa loob ng isang oras na patayo-tayo si Rey Jhon ay ngayon pa lang siya muling nakaupo. Hindi niya kasi mahanap ang libro na kailangan niya sa major subject niya na pinuntahan pa niya talaga sa library.Isinandig niya ang likod sa upuan habang hawak ang libro na napili niya. Mabuti na lang ay nakakita siya ng libro na puwede niyang magamit, pamalit doon sa libro na siyang pakay niya. Medyo sumakit ang bangs niya kanina, nilibot niya talaga ang buong library.“Uy, nandito ka pala, Rey. What a coincidence!” Agad siyang napadilat nang marinig ang pamilyar na boses. Nakita niya ang nakangiting si Paolo. Ang tamis ng ngiti nito na siyang hinahanap-hanap niya dati, parang advertisment lang ng isang brand ng toothpaste. Pero para ding TV series na kusang nag-play sa utak niya ang conversation ng kapatid niya at ni Paolo. Hindi siya makapaniwalang kalahi niya pala ito.Oh, hala! Ibandera ang flag ng LGBT, girl! Laban! Sigaw ng utak niya na pilit siyang chini-chair up. Medyo hindi pa rin mata
Mabilis ang lakad na ginawa ni Rey Jhon para lang mahabol si Gabriella. Daig pa nito ang taxi sa bilis ng pagtakbo. Idinuduyan ng hangin ang buhok ng dalagita na mas lalong nakapadagdag sa taglay nitong ganda. Napapailing na lang siya kapag hinahawakan nito ang school ID na sumasabay din sa buhok nito.Erase, bulong niya sa sarili. Mas maganda pa rin siya kay Gabriella. Mayaman lang ito kaya maganda itong tingnan. Pero kung siya ang nasa kalagayan ng dalagita, mas maganda siya rito panigurado.Bigla na lang tumakbo si Gabriella pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon kay Paolo. Hindi nga niya alam kung bakit nito sinabi iyon. Baka gusto lang nitong ilayo siya dahil nakita nitong hindi na siya comfortable. Pero bakit naman gagawin ni Gabriella 'yon?Pero hindi talaga nakaiwas sa mga mata niya ang pagpula ng pisngi ni Gabriella, na kasing pula sa mansanas na kinagat ni Snow White. Gusto niya tuloy itong tanungin ng kilig ‘yan?Siya ang hinaranahan pero ito ang kinilig. Ibang kla
Matuling lumipas ang halos isang buwan na pakikipagbakbakan ni Rey Jhon sa mundo ni Gabriella. Hindi niya namalayan na halos isang buwan na rin pala ang lumipas na palagi siyang stress kapag kasama ang dalaga, akala nga niya ay matatanggal na talaga ang matris niya. Hindi niya namalayan na medyo matagal-tagal na rin pala na nakikibagay siya sa lugar nito.Palagi lang itong galit kapag kausap siya, na para bang may ginawa siyang mali. Pero may panahon din naman na tila sobrang bait ni Gabriella, pero ‘yang panahon na ‘yan ay kapag may gusto itong ipagawa sa kaniya o hindi kaya ay hindi niya ito kinokontra. Nagiging dragon lang naman ito kapag wala siya sa panig nito.Natigil ang paggawa niya ng bulaklak gamit ang maliliit na papel nang bigla na lang tumabi ng upo sa kaniya si Gabriella at kinuha ang gunting na nasa mesa. Padabog nitong ginugunting ang mga natirang papel.“Ano na namang nangyari sa’yo?” tanong niya at hinayaan na lang ito sa ginagawa, total pera naman nito ang ginamit n
Hawak ni Rey Jhon ang cellphone habang pinapanood si Gabriella na nakikipag-usap sa mga bisita nito. Tudo ngiti ang dalaga habang kausap ang mga bisita at kaibigan nito. Tudo entertain ang dalaga. Huminga siya nang malalim at nagpalabas ng matamis na ngiti. Sa wakas. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Gabriella, ang 18th birthday party nito.Kahit wala siyang masiyadong tulog ay pinilit niyang huwag ipikit ang mga mata. Kung maaari lang ay lagyan na niya ng toothpick ang mga mata para hindi pumikit. Gusto na nga sana niyang umidlip pero natatakot naman siyang hayaan si Gabriella. Baka may gawin na naman itong kalokohan at siya pa ang sisihin ng Don. Masiyado pa namang makulit ang dalaga at hindi nito minsan pinapakinggan ang Daddy nito. Isip bata pa rin talaga. Ano ba namang aasahan niya sa isang spoiled brat?Tumabi kay Gabriella ang isang pinsan nito. Ito ‘yong pinsan nito na pinag-trip-an nito kahapon na crush daw niya. Eh hindi naman ‘yon totoo.Napailing na lang siya nan