“Akin na ‘yan,” mahinahon na saad ni Rey Jhon kay Gabriella at pilit na inaabot ang bote na hawak ng dalaga. Pero mahigpit pa rin ang paghawak nito sa bote at inilalayo pa sa kaniya.Kahit anong gawin na pagpigil niya sa dalaga ay parang wala itong naririnig. Ito pa nga mismo ang pumunta sa tindahan para bumili ng alak, wala na naman siyang nagawa. At nang dumating ang dalaga sa boarding house niya na pasuray-suray ay tanging pag-iling na lang ang nagawa niya.“Akin na sabi! Ano ba, Gabriella! Makinig ka naman, lasing ka na.”Tumayo si Gabriella at tinapik ang balikat niya na para bang sinasabi nitong hindi siya lasing at kaya pa nito. Kahit pasuray-suray na ito sa paglakad ay nagawa pa talaga nitong lumapit sa kaniya at tapikin siya. Ang tigas talaga ng ulo.Wala na talaga sa matinong pag-iisip ang senyorita na ‘to, bulong niya sa sarili at sinapo ang sariling noo. Anong gagawin niya ngayon?“Bakit ba kasi uminom ka sa labas! Paano kung may nangyari sa’yo do’n? Sino na naman ang paga
Hindi nagpadala si Rey Jhon sa kagustuhan ng mata niya na pumikit at matulog pa. Para bang ang bigat ng mga mata niya at ang sakit ng katawan niya. Kagigising lang naman niya sana pero bakit parang pagod na siya kaagad. Pinilit niyang bumangon at agad natigilan nang maalala kung bakit siya nakahubad ngayon.Dios mio, Marimar! Anong ginawa ko? Bulong niya at sinabunutan ang sarili. Tudo pikit pa siya sabay hiling na sana hindi niya iyon ginawa. Pero nang muli siyang nagmulat, wala namang nagbago.Nasapo niya ang sariling noo nang makita ang hubad niyang katawan. Lord, bakit ko nagawa 'to? Tanong niya na hindi niya nakuha ang kasagutan.Nawala ang antok na nararamdaman niya at parang daig pa ang nakainom ng kape kung ihahambing ang tension na nasa loob ng kaniyang sistema. Idagdag pa ang pagkabog ng dibdib niya na parang may mga kabayong nag-uunahan. Hindi niya alam kung anong uunahin, kung sasapakin ba niya muna ang sarili o sisigaw. Hindi niya alam kung anong gagawin!Agad niyang iti
Nagliligpit si Rey Jhon ng mga gamit niya para pumasok sa klase niya nang araw na iyon, bawat notebook na gagamitin niya ay pinasok niya sa bag niya. Gulong-gulo man ang isipan at hindi siya makapag-isip nang maayos ay minabuti niyang tumayo at naligo para kahit papaano ay malamigan ang utak niya.Panay ang kaniyang pagbuntonghininga habang nilalagay sa bag niya ang mga notebook at libro na hiniram pa niya sa library. Mabuti na lang talaga at dalawa lang ang subject na papasukan niya ngayong umaga at wala siyang pasok mamayang hapon, baka hindi mapasok sa utak niya ang mga lesson niya ngayon. Mas iniisip niya kasi kung ano ang magiging reaksiyon ng Don sa ginawa niya, iyon ang pinoproblema niya.“Bakit ko ba kasi nagawa ‘yon?” tanong na naman niya sa sarili at napatigil sa ginagawa. Binitawan niya ang notebook na hawak at napaupo muli sa kama. “Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon, Rey Jhon?”Napahilamos siya sa mukha dala ng iritasiyon, gusto na niyang pukpokin ang sarili para lang makuha an
“Itali mo ang bangka, Kuya. Baka makalimutan mo na naman.”Muling napabuntonghininga si Rey Jhon nang makitang umalis na si Y'da Mae na nagawa pa talagang ipaalala na itali niya ang bangkang ginamit nila. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na naging ganito ang buhay nila at hindi niya alam kung masasanay ba siya sa ganitong buhay. Pakiramdam nga niya, parang panaginip lang ang lahat. Sana panaginip nga lang, para may chance pa siyang magising.Tila sobrang bilis ng paglipas ng panahon, halos hindi man lang nagsink-in lahat ng nangyari sa utak niya. Halos hindi siya nakapagpaalam sa lahat ng maiiwan niya sa siyudad bago sila pumunta sa lugar na hindi niya inakalang mapupuntahan niya. Pero naisip niya rin, may maiiwan ba talaga siya? May maghihintay pa kaya sa pagbabalik niya?Kung makakabalik nga ba? Muli na naman siyang napabuntonghininga. Ang hirap ng ganito. Iyong tipong hindi mo alam kung makakabalik ka pa ba sa lugar na pinanggalingan mo.Pero kung siya ang tatanungin, gusto na
3 years after.“Nako, Sir. Wala po ba kayong barya? Ten pesos lang naman po ang pamasahe eh.” Pakamot-kamot ang driver na binigyan ni Rey Jhon ng limang-daang piso. Hawak pa rin nito ang pera habang ang isang kamay ay nasa ulo at pakamot-kamot pa rin.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.May ten pesos naman talaga siya sa bulsa niya. Gusto lang niyang bigyan ng malaking pera ang driver na ‘to. Ito pa rin ang driver na nililibre ang pamasahe niya noon tuwing papunta siya sa university kung saan siya nag-aaaral. Hindi niya kayang kalimutan ang driver na nagbigay din ng malaking tulong sa kaniya.Muli siyang napangiti nang nagpaalam at nagpasalamat ang driver sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam na natulungan mo pabalik ang taong hindi nagdalawang-isip na tulungan ka noon.Worth it, bulong niya sa sarili at muling napangiti.Hinarap niya ang bahay na binalikan niya talaga. Hindi niya kayang talikuran ang lahat na may koneksiyon sa kaniyang namayapang Papa. Ito na nga lang ang nag-iisang b
Kasabay ni Rey Jhon si Janine na kaklase niya rin noon papuntang canteen. Akala niya hindi matatapos ang question and answer ng mga estudyante niya sa third year college. Hindi naman siya magrereklamo kung magtatanong ang mga bata, pero sana tungkol sa klase ang itatanong ng mga ito. Hindi talaga puputok ang butse niya pero kasi hindi tungkol doon ang mga tanong nito.Napapailing na lang siya at pinigilan ang sarili na magreklamo. Itanong ba naman sa kaniya kung may asawa na siya. Tudo pigil talaga siya na hindi matawa, nakakaloka lang kasi. Ni girlfriend nga wala siya, asawa pa kaya? Saan siya maghahanap ng asawa? Okay lang sana kung may mabibili siyang gano’n. O baka may store online na puwede siyang mag-order ng instant asawa. Hilaw na ngiti na lang ang naibibigay niya sa estudyanting nagtanong at sabay sulyap kay Gabriella.Hindi pa rin nagbago ang dalaga. Masungit pa rin itong tingnan na para bang magiging kutsilyo ang mga kilay nito sa sobrang tulis at idagdag pa ang mga matang
Wala sa sariling naglalakad si Rey Jhon pabalik sa classroom niya. Hindi niya alam kung paano siya nakalayo kay Gabriella, kung paano niya hinakbang ang mga paa para makalayo sa dalaga. Inaasahan niyang magiging gano’n talaga ang reaction nito pero sobrang sakit pala kapag naging totoo. Sino ba naman kasing matutuwa sa ginawa niya? Umalis siya nang walang paalam.Hindi madaling maghilom ang sugat kahit na ilang taon na rin naman ang lumipas.Huminga siya nang malalim bago pumasok sa classroom nang biglang may humawak sa kaniyang suot na uniform. Napalingon siya pero agad nawala ang ngiti niya nang makitang si Janine na naman ang nakita niya.“Binayaran mo ba ang kinain ko kanina? Bakit bigla kang nawala? Sabi ng tindera—”“Janine, may klase pa—”“Hindi ka raw kumain.” Ngumuso ito at pinakita ang dala nitong tupperware. “Dinala ko na ‘yong in-order mo. Kumain ka muna, masamang nagpapalipas ng gutom.”Tinitigan niya lang si Janine at tiningnan din ang dala nitong tupperware. Alam niyan
“Ano ba!” sigaw nito at hinablot ang kamay. “Ano bang problema mo? Kung gusto mong gawin din natin ‘yon, sabihin mo nang diretso sa’kin. Hindi mo ‘ko kailangang hilahin!”Halos malaglag ang panga ni Rey Jhon, hindi na nga niya inasahan ang reaksiyon ni Gabriella sa ginawa niya ay mas lalong hindi niya inasahan na magsasalita ito nang gano’n. Wala siyang mahanap na salita kaya napahilamos na lang siya sa mukha niya at tinitigan ang babae.“Ano?” Nanlilisik ang mga mata ng dalaga habang nakapamaywang na tinitigan siya. “Hanggang titigan na lang ba tayo rito? Hindi ka man lang ba mag-so-sorry sa ginawa mo? Sinaktan mo ang boyfriend—”“Boyfriend?” pag-ulit niya. Hindi siya makapaniwalang sinabi nitong may boyfriend na ito. Kusang umangat ang sulok ng labi niya. “Boyfriend mo ang gagong ‘yon—”Lumagapak ang malakas na sampal sa mukha niya na nagbigay init sa kaniyang pisngi. Napamura siya nang palihim. Hindi siya papayag na ang lalaking ‘yon ang magiging boyfriend ni Gabriella.Bakit? Bulo