Wala sa sariling naglalakad si Rey Jhon pabalik sa classroom niya. Hindi niya alam kung paano siya nakalayo kay Gabriella, kung paano niya hinakbang ang mga paa para makalayo sa dalaga. Inaasahan niyang magiging gano’n talaga ang reaction nito pero sobrang sakit pala kapag naging totoo. Sino ba naman kasing matutuwa sa ginawa niya? Umalis siya nang walang paalam.Hindi madaling maghilom ang sugat kahit na ilang taon na rin naman ang lumipas.Huminga siya nang malalim bago pumasok sa classroom nang biglang may humawak sa kaniyang suot na uniform. Napalingon siya pero agad nawala ang ngiti niya nang makitang si Janine na naman ang nakita niya.“Binayaran mo ba ang kinain ko kanina? Bakit bigla kang nawala? Sabi ng tindera—”“Janine, may klase pa—”“Hindi ka raw kumain.” Ngumuso ito at pinakita ang dala nitong tupperware. “Dinala ko na ‘yong in-order mo. Kumain ka muna, masamang nagpapalipas ng gutom.”Tinitigan niya lang si Janine at tiningnan din ang dala nitong tupperware. Alam niyan
“Ano ba!” sigaw nito at hinablot ang kamay. “Ano bang problema mo? Kung gusto mong gawin din natin ‘yon, sabihin mo nang diretso sa’kin. Hindi mo ‘ko kailangang hilahin!”Halos malaglag ang panga ni Rey Jhon, hindi na nga niya inasahan ang reaksiyon ni Gabriella sa ginawa niya ay mas lalong hindi niya inasahan na magsasalita ito nang gano’n. Wala siyang mahanap na salita kaya napahilamos na lang siya sa mukha niya at tinitigan ang babae.“Ano?” Nanlilisik ang mga mata ng dalaga habang nakapamaywang na tinitigan siya. “Hanggang titigan na lang ba tayo rito? Hindi ka man lang ba mag-so-sorry sa ginawa mo? Sinaktan mo ang boyfriend—”“Boyfriend?” pag-ulit niya. Hindi siya makapaniwalang sinabi nitong may boyfriend na ito. Kusang umangat ang sulok ng labi niya. “Boyfriend mo ang gagong ‘yon—”Lumagapak ang malakas na sampal sa mukha niya na nagbigay init sa kaniyang pisngi. Napamura siya nang palihim. Hindi siya papayag na ang lalaking ‘yon ang magiging boyfriend ni Gabriella.Bakit? Bulo
Huni ng mga ibon ang pumukaw sa diwa ni Gabriella. Halos ayaw pa nga niyang ibuka ang mga mata dahil ramdam na ramdam niya ang malambot na unan na para bang hinihila siya pabalik sa kaniyang pagtulog. Kahit gusto ng utak niyang bumangon para tingnan kung bakit naririnig niya ang huni ng mga ibon.Paano magkakaroon ng ibon malapit sa kuwarto niya? Ni kapitbahay nga nilang may puno ay tudo social distancing dahil ilang metro pa ang lalakarin niya para lang marating ang bahay na ‘yon.Hindi siya nagpadaig sa mga katanungan na nasa utak niya ngayon. Napakasarap ng kumot niya kaya mas inuna na lang niyang matulog kaysa sa alamin kung ano ang sagot sa mga tanong niya.Baka bumili si Daddy ng ibon, bulong ng utak niya.Pero...Impossible dahil nasa Manila ang Daddy niya ngayon.Dagli siyang napabangon at inalis ang kumot sa kaniyang katawan. Pero sa lambot palang ng kumot ay may hinala na siya. Hindi naman niya natandaang nagpalit ng kumot ang maid nila kaya impossible na napalitan ang kumot
Kaharap ni Gabriella ang salamin habang ninanamnam ang sarap na dulot ng pagsuklay ni Y’da Mae sa buhok niya. Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay nag-offer sa kaniya si Y’da Mae na ayusin ang kaniyang buhok. Kaya ngayon ay pasuklay-suklay lang ito sa buhok niya.“Talaga?” tanong niya habang nasa sariling repleksiyon lang din nakatuon ang mga mata. “So, dapat pala graduating ka na?”Nakita niya ang pagtango nito. “Oo, sana. Pero gano’n talaga, eh. May mga bagay na dapat isakripisyo.”“Pero sayang,” pagkuntra niya. “Kung may dapat mang i-sacrifice, hindi ang pag-aaral mo.” “Iyon lang kasi ang nakikita naming paraan—”“How about your parents?” giit pa niya at pinipilit na siya dapat ang tama. Ano ba namang klaseng kapatid itong si Rey Jhon kung hinayaan lang na tumigil ito sa pag-aaral. “At bakit ba kasi umalis kayo rito? Eh ‘di sana—” Agad siyang umiling. Sabagay, hindi siguro alam ng pamilya ng binata na nagtatrabaho ang binata sa kanila. “Well, siguro may rason kaya kayo umalis.”
Nanlaki ang mga mata ni Gabriella nang maramdaman niya ang kamay ni Rey Jhon sa kaniyang bawyang. Pigil niya ang kaniyang hininga at diin na diin ang kaniyang mga labi. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman lalo na nang lumapit ang mukha ng binata sa kaniyang leeg.OMG! Sigaw ng kaniyang utak. Anong gagawin ni Rey Jhon sa kaniya? Hindi siya na-inform na vampire pala ang lalaking ‘to! Kakagatin ba siya nito sa leeg? Didilaan?Ew! Kagatin mo na lang ako, Rey Jhon. Basta ‘wag mo lang akong dilaan! Nandidiring bulong ng kaniyang utak. Hindi niya ma-imagine na didilaan siya ng binata.Agad din naman siyang natigilan. Ayaw niyang makagat at ayaw din niyang dilaan!Hinawakan niya ang kamay ni Rey Jhon para makawala siya sa pagkakayakap nito sa kaniya. Ayaw niyang maging ulam ng lalaking ‘to! Mas gusto niyang maging desert kaysa sa maging Afritada!Pero hindi pa nga siya nakawala, dumapo na ang labi ni Rey Jhon sa kaniyang leeg kaya agad siyang napatili. Sabi na nga bang bampira a
“How about you, Miss Gabriella?”Lumipas ang tatlong araw mula nang maganap ang pagnanakaw ni Rey Jhon ng halik kay Gabriella. Hindi pa rin maalis sa utak niya kung paano ito nagulat nang makitang may abs na siya. Gusto niya talagang humalakhak sa tagpong iyon pero tudo pigil siya, ayaw niyang makatanggap ng isang malutong na sampal mula kay Gabriella.Baka hindi lang isang sampal. Baka may pasobra pa dahil special siya.Halos isang oras na rin mula nang pumasok siya sa classroom na ito at nakita na naman niya ang dalaga. Bawat tanong niya ay inuuna niya munang tanungin si Gabriella bago tanungin ang ibang estudyante niya. Gusto niya kasing makitang magpigil ng galit ang dalaga at paikutin ang mga mata nito. Na para bang sa paggawa no’n ay makakaganti ito sa kaniya.Lumabas ang matamis na ngiti sa labi niya nang makitang magkasalubong na ang mga kilay ni Gabriella at umikot pa ang mga mata. Ramdam na ramdam na niya kung gaano kainit ang dugo ni Gabriella sa kaniya ngayon pero gusto la
Bitbit ang isang lunch box ay tinahak ni Rey Jhon ang library, ito yata ang first time na nagbitbit siya ng lunch box. Lunch box na hindi naman para sa kaniya. Pasado alas dose ng tanghali, damang-dama niya kung gaano kasakit ang init tuwing dumadapo iyon sa kaniyang balat. Init na para bang pati dugo niya ay gusto pang higupin.Napatingin siya sa langit na tila ba tuwang-tuwa sa balak niyang gawin ngayon dahil wala siyang makitang patunay na mangyayari ang binalita kanina sa TV na uulan daw ngayon. Ni wala nga siyang makitang maitim na ulap sa kalangitan. Paano kaya uulan?Nakahinga siya nang maluwag no’ng nasa pintuan na siya ng malaki nilang library. Halos wala na ngang estudyante siyang nakita dahil paniguradong nasa canteen na ang iba o baka nga ay nasa mga fastfood chain na. Pero ang babae na pakay niya ngayon ay nasa library pa raw at naghahanap ng librong babasahin.Himala! Himala talaga na magbabasa siya ng libro ngayon. Nasapian yata ng ligaw na kaluluwa.Lihim siyang napan
“Stop the car! Stop the car!” Patuloy pa rin sa pag-drive si Rey Jhon kahit pa feeling bida sa isang story ang kasama niya sa kotse at paulit-ulit na isinisigaw ang linyang ‘yon. Gusto niyang matawa pero tudo pagpipigil ang ginawa niya, ayaw niyang masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Gabriella at baka maging si Maleficent pa at magkaroon ng pakpak.“Ano ba, Rey Jhon! I said, stop the car!” sigaw na naman ni Gabriella at panay dabog pa.Pero hindi pa rin siya nagpatigil. Hindi siya papayag na matapos na naman ang araw na ito na hindi niya makakausap nang matino ang dalaga. Ilang araw na ba ang nasayang niya? Ngayon, sa mismong araw na ‘to, sa ayaw man ni Gabriella o sa hindi ay kailangan nilang mag-usap. Gusto niyang bumalik sila sa dati at ayaw niyang madagdagan pa ang paghihirap niya.“Where are we going? What the hell, Rey Jhon! Hindi na ‘ko natutuwa! Nauntog ka ba at nakalimutan mo kung saan ako nakatira?” Bumalot na naman sa buong kotse ang sigaw ng dalaga nang mapansin nitong