Kaharap ni Gabriella ang salamin habang ninanamnam ang sarap na dulot ng pagsuklay ni Y’da Mae sa buhok niya. Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay nag-offer sa kaniya si Y’da Mae na ayusin ang kaniyang buhok. Kaya ngayon ay pasuklay-suklay lang ito sa buhok niya.“Talaga?” tanong niya habang nasa sariling repleksiyon lang din nakatuon ang mga mata. “So, dapat pala graduating ka na?”Nakita niya ang pagtango nito. “Oo, sana. Pero gano’n talaga, eh. May mga bagay na dapat isakripisyo.”“Pero sayang,” pagkuntra niya. “Kung may dapat mang i-sacrifice, hindi ang pag-aaral mo.” “Iyon lang kasi ang nakikita naming paraan—”“How about your parents?” giit pa niya at pinipilit na siya dapat ang tama. Ano ba namang klaseng kapatid itong si Rey Jhon kung hinayaan lang na tumigil ito sa pag-aaral. “At bakit ba kasi umalis kayo rito? Eh ‘di sana—” Agad siyang umiling. Sabagay, hindi siguro alam ng pamilya ng binata na nagtatrabaho ang binata sa kanila. “Well, siguro may rason kaya kayo umalis.”
Nanlaki ang mga mata ni Gabriella nang maramdaman niya ang kamay ni Rey Jhon sa kaniyang bawyang. Pigil niya ang kaniyang hininga at diin na diin ang kaniyang mga labi. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman lalo na nang lumapit ang mukha ng binata sa kaniyang leeg.OMG! Sigaw ng kaniyang utak. Anong gagawin ni Rey Jhon sa kaniya? Hindi siya na-inform na vampire pala ang lalaking ‘to! Kakagatin ba siya nito sa leeg? Didilaan?Ew! Kagatin mo na lang ako, Rey Jhon. Basta ‘wag mo lang akong dilaan! Nandidiring bulong ng kaniyang utak. Hindi niya ma-imagine na didilaan siya ng binata.Agad din naman siyang natigilan. Ayaw niyang makagat at ayaw din niyang dilaan!Hinawakan niya ang kamay ni Rey Jhon para makawala siya sa pagkakayakap nito sa kaniya. Ayaw niyang maging ulam ng lalaking ‘to! Mas gusto niyang maging desert kaysa sa maging Afritada!Pero hindi pa nga siya nakawala, dumapo na ang labi ni Rey Jhon sa kaniyang leeg kaya agad siyang napatili. Sabi na nga bang bampira a
“How about you, Miss Gabriella?”Lumipas ang tatlong araw mula nang maganap ang pagnanakaw ni Rey Jhon ng halik kay Gabriella. Hindi pa rin maalis sa utak niya kung paano ito nagulat nang makitang may abs na siya. Gusto niya talagang humalakhak sa tagpong iyon pero tudo pigil siya, ayaw niyang makatanggap ng isang malutong na sampal mula kay Gabriella.Baka hindi lang isang sampal. Baka may pasobra pa dahil special siya.Halos isang oras na rin mula nang pumasok siya sa classroom na ito at nakita na naman niya ang dalaga. Bawat tanong niya ay inuuna niya munang tanungin si Gabriella bago tanungin ang ibang estudyante niya. Gusto niya kasing makitang magpigil ng galit ang dalaga at paikutin ang mga mata nito. Na para bang sa paggawa no’n ay makakaganti ito sa kaniya.Lumabas ang matamis na ngiti sa labi niya nang makitang magkasalubong na ang mga kilay ni Gabriella at umikot pa ang mga mata. Ramdam na ramdam na niya kung gaano kainit ang dugo ni Gabriella sa kaniya ngayon pero gusto la
Bitbit ang isang lunch box ay tinahak ni Rey Jhon ang library, ito yata ang first time na nagbitbit siya ng lunch box. Lunch box na hindi naman para sa kaniya. Pasado alas dose ng tanghali, damang-dama niya kung gaano kasakit ang init tuwing dumadapo iyon sa kaniyang balat. Init na para bang pati dugo niya ay gusto pang higupin.Napatingin siya sa langit na tila ba tuwang-tuwa sa balak niyang gawin ngayon dahil wala siyang makitang patunay na mangyayari ang binalita kanina sa TV na uulan daw ngayon. Ni wala nga siyang makitang maitim na ulap sa kalangitan. Paano kaya uulan?Nakahinga siya nang maluwag no’ng nasa pintuan na siya ng malaki nilang library. Halos wala na ngang estudyante siyang nakita dahil paniguradong nasa canteen na ang iba o baka nga ay nasa mga fastfood chain na. Pero ang babae na pakay niya ngayon ay nasa library pa raw at naghahanap ng librong babasahin.Himala! Himala talaga na magbabasa siya ng libro ngayon. Nasapian yata ng ligaw na kaluluwa.Lihim siyang napan
“Stop the car! Stop the car!” Patuloy pa rin sa pag-drive si Rey Jhon kahit pa feeling bida sa isang story ang kasama niya sa kotse at paulit-ulit na isinisigaw ang linyang ‘yon. Gusto niyang matawa pero tudo pagpipigil ang ginawa niya, ayaw niyang masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Gabriella at baka maging si Maleficent pa at magkaroon ng pakpak.“Ano ba, Rey Jhon! I said, stop the car!” sigaw na naman ni Gabriella at panay dabog pa.Pero hindi pa rin siya nagpatigil. Hindi siya papayag na matapos na naman ang araw na ito na hindi niya makakausap nang matino ang dalaga. Ilang araw na ba ang nasayang niya? Ngayon, sa mismong araw na ‘to, sa ayaw man ni Gabriella o sa hindi ay kailangan nilang mag-usap. Gusto niyang bumalik sila sa dati at ayaw niyang madagdagan pa ang paghihirap niya.“Where are we going? What the hell, Rey Jhon! Hindi na ‘ko natutuwa! Nauntog ka ba at nakalimutan mo kung saan ako nakatira?” Bumalot na naman sa buong kotse ang sigaw ng dalaga nang mapansin nitong
Kahit magsalubong pa ang mga kilay ni Gabriella ay hindi nagpapigil si Rey Jhon na gawin ang gusto niya. Kahit ano pang sabihin nito, buo na ang kaniyang pasya na gagawa siya ng paraan para mabalik sila sa dati at magkaroon ng 'sila'. Kung 'label' na lang ang kulang sa kanilang dalawa, gagawa siya ng paraan.Nagpalabas siya ng matamis na ngiti at nagpakawala ng hininga pagkatapos. Kaharap niya ang saradong pinto at handa na siyang hawakan ang door knob. Kanina pa nakalabas ang lahat ng mga estudyante sa computer laboratory kaya mag-isa na lang siya sa apat na sulok ng silid na ito.Agad na yumakap ang malamig na door knob sa kaniyang palad. Tila naging musika sa kaniyang pandinig ang ingay na nalikha ng door knob nang nabuksan niya ang pinto. Pero mas naging musika ang mga ingay nang pumalit ang mga tawa ng mga estudyante sa labas. May nagtatakbuhan at may mga nag-uusap na hinahaluan pa ng tawa. Pero nang makita siya ng mga bata, ang ilan ay tumahimik at yumuko. Pero ang iba ay kinaya
Dumating ang araw na pinakahihintay ni Rey Jhon. Ang araw kung kailan hindi siya teacher at hindi niya estudyante ang dalagang gusto niyang ligawan. Ang araw kung kailan binabalak niyang pumunta sa bahay ng dalaga.Excited pa siyang nagbihis kanina at halos hindi niya kayang humiwalay sa salamin para lang masiguro na ready siyang humarap kay Gabriella. Iyong wala itong makitang maipipintas sa kaniya. Kilala niya ito mula pa noon, kahit pa buhok niya sa ilong ay kaya nitong laitin. Nadamay pa talaga ang nananahimik niyang buhok sa ilong.Wala na talagang atrasan ‘to kahit pa ilang beses ipagsigawan ni Gabriella na ayaw nito sa kaniya, na ayaw nitong makita siya. Kahit pa i-post pa nito sa lahat ng mga social media na meron ito, pero hindi siya nito mapipilit na hindi niya ituloy ang gusto niyang mangyari. Matagal na niya itong napag-isipan kaya hindi na talaga siya nito mapiligilan.Wala naman siyang ibang gusto kun’di ang magbati sila at bumalik sila sa dati. Ilang buwan niya nga ring
Nakatikom lang ang mga labi ni Gabriella kahit pa tudo ngiti ang Daddy niya at kinawayan pa siya nito. Wala siya sa mood na ngumiti kanina pero mas lumala pa ang tupak niya ngayon. Wala na talaga siya sa mood kahit pa ngumiti na lang ng peke, para bang hindi na niya kayang gawin ‘yon. Sinabihan siya ng Daddy niya na lumapit kaya wala siyang nagawa kun’di ang humakbang habang hinihiling na sana namamalikmata lang siya at mawala si Rey Jhon sa paningin niya. Alam naman niyang impossible iyon pero nagbabakasali pa rin siya.Marami naman sanang puwedeng manligaw sa kaniya, bakit si Rey Jhon pa talaga? Marami pa naman sanang single sa mundo pero bakit parang naubusan yata siya? Okay na sa kaniya kahit isa lang ang mata o hindi kaya isa lang ang ngipin, basta huwag lang si Rey Jhon. Huwag talaga dahil ikamamatay niya ‘yon. Makita nga lang ito ay sumasakit na ang ulo niya.Hindi kaya nasobrahan ka na sa kaartehan, Gabriella? Tanong ng utak niya.Hindi siya maarte, sadiyang iyon talaga ang k
“Hon?”Agad na tumingin si Rey Jhon kay Gabriella na may dalang ice cream at palapit sa kaniya. Kahit maingay sa plaza ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ng nobya. Para bang ginawa talaga ang tainga niya para marinig ang boses nito. “Look, bumili ako ng ice cream. You want?” anito at ngumiti pa.Alam na niya kung anong susunod nitong sasabihin. Halos kabisado na niya ang sasabihin nito tuwing may binibili ito tapos hindi nagpapaalam sa kaniya.“Pera mo ang ginamit ko,” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na ngiti.At kailan pa namali ang hula niya? Hindi pa siya pumapalya kapag si Gabriella ang hinuhulaan niya.Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at tinapik ang bakante na upuan sa tabi niya. Ito talagang nobya niya, napakakulit kapag ice cream ang pag-uusapan. Kahit sobrang hina lang ng bell ng nagbebenta ng ice cream, dinig na dinig nito. Para bang ginawa ang tainga nito para marinig ang bell ng ice cream.Napaka-unfair, bulong niya. “Ayaw mo talaga, hon? Masarap pa naman
“Congratulations!”Matamis na ngumiti si Gabriella matapos mabuksan ang pinto ng bahay nila at sabay-sabay na sumigaw ang mga kasambahay nilang hindi nakasama sa graduation ceremony niya kanina.Kanina pa siya iyak nang iyak dahil hindi siya makapaniwalang narating na niya ang puntong ‘to. Parang kailan lang nang nagkaroon siya ng babysitter dahil sa tigas ng kaniyang ulo.Babysitter, bulong niya at nilibot ng tingin ang buong bahay. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?“Nakita mo si Rey Jhon, Mom?” tanong niya sa kaniyang Mommy. “Hindi ba sumunod sa’tin ‘yon kanina?”Tinanggap niya ang bulaklak na binigay sa kaniya ng kanilang Mayordoma. Ngumiti siya at nagpasalamat at muli niyang tiningnan ang kaniyang Mommy.“Mommy? Nakita mo ba si Rey Jhon?”“Si Rey Jhon?” tanong nito at para namang walang ganang sagutin ang tanong niya. May tiningnan pa ito sa cellphone bago siya sinagot. “Hindi ka ba sinabihan?”“Sinabihan na?” nagtataka niyang tanong. Wala naman itong sinabi sa kaniya nang magkita s
Mabilis ang mga hakbang ni Gabriella papunta sa canteen ng school nila. Magkasalubong pa ang mga kilay niya dahil marami namang oras na puwede niyang makalimutan ang payong niya, ay ngayon pa talaga kung kailan parang tinamaan ng kabaitan ang araw. Tirik na tirik iyon at tila walang posibilidad na mabawasan ang init na ibinibigay nito. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang bilisan ang mga lakad niya para marating agad ang canteen.Mas lalo lang uminit ang ulo niya nang makitang wala ng bakante. Kanina pa nagrereklamo ang mga boarders niya sa tiyan kaya naisipan niyang bumaba pero ang galing-galing lang talaga dahil ang ganda ng timing niya, walang bakante na mesa kahit isa.Nasapo na lang niya ang noo at muling pinalibot ang mga mata, nagbabakasaling baka may makita siyang kakilala na puwede niyang matabihan. Hindi na puwedeng umakyat pa siya ulit at maghintay na baka magkabakante pa.Umukit agad sa labi niya ang matamis na ngiti nang makita niya si Rey Jhon na mag-isa lang sa mesa at k
“Saan ka po pupunta, Ma'am Gab?”Nahinto sa paglalakad si Gabriella at mahigpit ang hawak sa bike. Nilingon niya ang security guard nila na alam niyang may rules na namang binigay ang kaniyang Daddy dito. Nahuli pa talaga siya!“Sabi ng Daddy niyo, hindi ka raw po puwede na lumabas.”At ‘yon ang rules, aniya sa sarili at napabuga na lang siya ng hangin. Of course, akala kasi ni Daddy, baby pa ‘ko. Nakalimutan niya yatang matanda na ang nag-iisa niyang anak, dagdag pa niya.Kinawayan niya ang security guard at ngumiti. Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay, aber? Makipagtitigan sa cellphone niya hanggang umuwi ang Daddy niya na hindi na naman niya alam kung saang planeta pumunta?“Hindi mo ako madadala sa smile, Ma'am. I'm just following the rules.” Nag-whistle ito at nag-sign sa isa nitong kasama na security guard na i-lock ang gate. “Lock the gate.”Binitawan niya ang bike at naglikha iyon ng ingay. Daig pa talaga ng security guard nila ang mga guards sa mga movies ng Disney. Iba
“Rey Jhon for you. Don't tell me, ayaw mo rin sa’kin.”Tila natigil sa paggalaw ang lahat ng nakapaligid kay Gabriella. Hindi niya kayang ibuka ang bibig para sabihin kay Rey Jhon na ayaw niya rito. Hindi niya kayang igalaw ang kamay niya para isarado ang pinto nang hindi na niya makita ang mukha ng binata. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa at tumakbo palayo rito.Anong nangyayari sa kaniya? Bakit hindi niya magalaw ang mga paa? Bakit hindi niya kayang ibuka ang bibig?Tinitigan niya lang si Rey Jhon at nanatiling hindi makagalaw. Tinitigan niya ang magandang mga mata ng binata. Pinagmasdan niyang maigi ang maiitim nitong mga mata na para bang hinihigop ang lahat-lahat sa kaniya. Parang may nais itong iparating na hindi niya kayang basahin.Pababa nang pababa ang kaniyang tingin at kinabisado ang lahat. Dumaan sa matangos nitong ilong, sa medyo mapula nitong pisngi, hanggang sa mapula nitong labi. Natural na mapula, parang pinahiran ng lipstick. Kaunti na lang ang mga lalaking ga