Share

Chapter 23

“Ano ba!” sigaw nito at hinablot ang kamay. “Ano bang problema mo? Kung gusto mong gawin din natin ‘yon, sabihin mo nang diretso sa’kin. Hindi mo ‘ko kailangang hilahin!”

Halos malaglag ang panga ni Rey Jhon, hindi na nga niya inasahan ang reaksiyon ni Gabriella sa ginawa niya ay mas lalong hindi niya inasahan na magsasalita ito nang gano’n. Wala siyang mahanap na salita kaya napahilamos na lang siya sa mukha niya at tinitigan ang babae.

“Ano?” Nanlilisik ang mga mata ng dalaga habang nakapamaywang na tinitigan siya. “Hanggang titigan na lang ba tayo rito? Hindi ka man lang ba mag-so-sorry sa ginawa mo? Sinaktan mo ang boyfriend—”

“Boyfriend?” pag-ulit niya. Hindi siya makapaniwalang sinabi nitong may boyfriend na ito. Kusang umangat ang sulok ng labi niya. “Boyfriend mo ang gagong ‘yon—”

Lumagapak ang malakas na sampal sa mukha niya na nagbigay init sa kaniyang pisngi. Napamura siya nang palihim. Hindi siya papayag na ang lalaking ‘yon ang magiging boyfriend ni Gabriella.

Bakit? Bulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status