“Itali mo ang bangka, Kuya. Baka makalimutan mo na naman.”Muling napabuntonghininga si Rey Jhon nang makitang umalis na si Y'da Mae na nagawa pa talagang ipaalala na itali niya ang bangkang ginamit nila. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na naging ganito ang buhay nila at hindi niya alam kung masasanay ba siya sa ganitong buhay. Pakiramdam nga niya, parang panaginip lang ang lahat. Sana panaginip nga lang, para may chance pa siyang magising.Tila sobrang bilis ng paglipas ng panahon, halos hindi man lang nagsink-in lahat ng nangyari sa utak niya. Halos hindi siya nakapagpaalam sa lahat ng maiiwan niya sa siyudad bago sila pumunta sa lugar na hindi niya inakalang mapupuntahan niya. Pero naisip niya rin, may maiiwan ba talaga siya? May maghihintay pa kaya sa pagbabalik niya?Kung makakabalik nga ba? Muli na naman siyang napabuntonghininga. Ang hirap ng ganito. Iyong tipong hindi mo alam kung makakabalik ka pa ba sa lugar na pinanggalingan mo.Pero kung siya ang tatanungin, gusto na
3 years after.“Nako, Sir. Wala po ba kayong barya? Ten pesos lang naman po ang pamasahe eh.” Pakamot-kamot ang driver na binigyan ni Rey Jhon ng limang-daang piso. Hawak pa rin nito ang pera habang ang isang kamay ay nasa ulo at pakamot-kamot pa rin.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.May ten pesos naman talaga siya sa bulsa niya. Gusto lang niyang bigyan ng malaking pera ang driver na ‘to. Ito pa rin ang driver na nililibre ang pamasahe niya noon tuwing papunta siya sa university kung saan siya nag-aaaral. Hindi niya kayang kalimutan ang driver na nagbigay din ng malaking tulong sa kaniya.Muli siyang napangiti nang nagpaalam at nagpasalamat ang driver sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam na natulungan mo pabalik ang taong hindi nagdalawang-isip na tulungan ka noon.Worth it, bulong niya sa sarili at muling napangiti.Hinarap niya ang bahay na binalikan niya talaga. Hindi niya kayang talikuran ang lahat na may koneksiyon sa kaniyang namayapang Papa. Ito na nga lang ang nag-iisang b
Kasabay ni Rey Jhon si Janine na kaklase niya rin noon papuntang canteen. Akala niya hindi matatapos ang question and answer ng mga estudyante niya sa third year college. Hindi naman siya magrereklamo kung magtatanong ang mga bata, pero sana tungkol sa klase ang itatanong ng mga ito. Hindi talaga puputok ang butse niya pero kasi hindi tungkol doon ang mga tanong nito.Napapailing na lang siya at pinigilan ang sarili na magreklamo. Itanong ba naman sa kaniya kung may asawa na siya. Tudo pigil talaga siya na hindi matawa, nakakaloka lang kasi. Ni girlfriend nga wala siya, asawa pa kaya? Saan siya maghahanap ng asawa? Okay lang sana kung may mabibili siyang gano’n. O baka may store online na puwede siyang mag-order ng instant asawa. Hilaw na ngiti na lang ang naibibigay niya sa estudyanting nagtanong at sabay sulyap kay Gabriella.Hindi pa rin nagbago ang dalaga. Masungit pa rin itong tingnan na para bang magiging kutsilyo ang mga kilay nito sa sobrang tulis at idagdag pa ang mga matang
Wala sa sariling naglalakad si Rey Jhon pabalik sa classroom niya. Hindi niya alam kung paano siya nakalayo kay Gabriella, kung paano niya hinakbang ang mga paa para makalayo sa dalaga. Inaasahan niyang magiging gano’n talaga ang reaction nito pero sobrang sakit pala kapag naging totoo. Sino ba naman kasing matutuwa sa ginawa niya? Umalis siya nang walang paalam.Hindi madaling maghilom ang sugat kahit na ilang taon na rin naman ang lumipas.Huminga siya nang malalim bago pumasok sa classroom nang biglang may humawak sa kaniyang suot na uniform. Napalingon siya pero agad nawala ang ngiti niya nang makitang si Janine na naman ang nakita niya.“Binayaran mo ba ang kinain ko kanina? Bakit bigla kang nawala? Sabi ng tindera—”“Janine, may klase pa—”“Hindi ka raw kumain.” Ngumuso ito at pinakita ang dala nitong tupperware. “Dinala ko na ‘yong in-order mo. Kumain ka muna, masamang nagpapalipas ng gutom.”Tinitigan niya lang si Janine at tiningnan din ang dala nitong tupperware. Alam niyan
“Ano ba!” sigaw nito at hinablot ang kamay. “Ano bang problema mo? Kung gusto mong gawin din natin ‘yon, sabihin mo nang diretso sa’kin. Hindi mo ‘ko kailangang hilahin!”Halos malaglag ang panga ni Rey Jhon, hindi na nga niya inasahan ang reaksiyon ni Gabriella sa ginawa niya ay mas lalong hindi niya inasahan na magsasalita ito nang gano’n. Wala siyang mahanap na salita kaya napahilamos na lang siya sa mukha niya at tinitigan ang babae.“Ano?” Nanlilisik ang mga mata ng dalaga habang nakapamaywang na tinitigan siya. “Hanggang titigan na lang ba tayo rito? Hindi ka man lang ba mag-so-sorry sa ginawa mo? Sinaktan mo ang boyfriend—”“Boyfriend?” pag-ulit niya. Hindi siya makapaniwalang sinabi nitong may boyfriend na ito. Kusang umangat ang sulok ng labi niya. “Boyfriend mo ang gagong ‘yon—”Lumagapak ang malakas na sampal sa mukha niya na nagbigay init sa kaniyang pisngi. Napamura siya nang palihim. Hindi siya papayag na ang lalaking ‘yon ang magiging boyfriend ni Gabriella.Bakit? Bulo
Huni ng mga ibon ang pumukaw sa diwa ni Gabriella. Halos ayaw pa nga niyang ibuka ang mga mata dahil ramdam na ramdam niya ang malambot na unan na para bang hinihila siya pabalik sa kaniyang pagtulog. Kahit gusto ng utak niyang bumangon para tingnan kung bakit naririnig niya ang huni ng mga ibon.Paano magkakaroon ng ibon malapit sa kuwarto niya? Ni kapitbahay nga nilang may puno ay tudo social distancing dahil ilang metro pa ang lalakarin niya para lang marating ang bahay na ‘yon.Hindi siya nagpadaig sa mga katanungan na nasa utak niya ngayon. Napakasarap ng kumot niya kaya mas inuna na lang niyang matulog kaysa sa alamin kung ano ang sagot sa mga tanong niya.Baka bumili si Daddy ng ibon, bulong ng utak niya.Pero...Impossible dahil nasa Manila ang Daddy niya ngayon.Dagli siyang napabangon at inalis ang kumot sa kaniyang katawan. Pero sa lambot palang ng kumot ay may hinala na siya. Hindi naman niya natandaang nagpalit ng kumot ang maid nila kaya impossible na napalitan ang kumot
Kaharap ni Gabriella ang salamin habang ninanamnam ang sarap na dulot ng pagsuklay ni Y’da Mae sa buhok niya. Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay nag-offer sa kaniya si Y’da Mae na ayusin ang kaniyang buhok. Kaya ngayon ay pasuklay-suklay lang ito sa buhok niya.“Talaga?” tanong niya habang nasa sariling repleksiyon lang din nakatuon ang mga mata. “So, dapat pala graduating ka na?”Nakita niya ang pagtango nito. “Oo, sana. Pero gano’n talaga, eh. May mga bagay na dapat isakripisyo.”“Pero sayang,” pagkuntra niya. “Kung may dapat mang i-sacrifice, hindi ang pag-aaral mo.” “Iyon lang kasi ang nakikita naming paraan—”“How about your parents?” giit pa niya at pinipilit na siya dapat ang tama. Ano ba namang klaseng kapatid itong si Rey Jhon kung hinayaan lang na tumigil ito sa pag-aaral. “At bakit ba kasi umalis kayo rito? Eh ‘di sana—” Agad siyang umiling. Sabagay, hindi siguro alam ng pamilya ng binata na nagtatrabaho ang binata sa kanila. “Well, siguro may rason kaya kayo umalis.”
Nanlaki ang mga mata ni Gabriella nang maramdaman niya ang kamay ni Rey Jhon sa kaniyang bawyang. Pigil niya ang kaniyang hininga at diin na diin ang kaniyang mga labi. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman lalo na nang lumapit ang mukha ng binata sa kaniyang leeg.OMG! Sigaw ng kaniyang utak. Anong gagawin ni Rey Jhon sa kaniya? Hindi siya na-inform na vampire pala ang lalaking ‘to! Kakagatin ba siya nito sa leeg? Didilaan?Ew! Kagatin mo na lang ako, Rey Jhon. Basta ‘wag mo lang akong dilaan! Nandidiring bulong ng kaniyang utak. Hindi niya ma-imagine na didilaan siya ng binata.Agad din naman siyang natigilan. Ayaw niyang makagat at ayaw din niyang dilaan!Hinawakan niya ang kamay ni Rey Jhon para makawala siya sa pagkakayakap nito sa kaniya. Ayaw niyang maging ulam ng lalaking ‘to! Mas gusto niyang maging desert kaysa sa maging Afritada!Pero hindi pa nga siya nakawala, dumapo na ang labi ni Rey Jhon sa kaniyang leeg kaya agad siyang napatili. Sabi na nga bang bampira a