Mabilis ang lakad na ginawa ni Rey Jhon para lang mahabol si Gabriella. Daig pa nito ang taxi sa bilis ng pagtakbo. Idinuduyan ng hangin ang buhok ng dalagita na mas lalong nakapadagdag sa taglay nitong ganda. Napapailing na lang siya kapag hinahawakan nito ang school ID na sumasabay din sa buhok nito.Erase, bulong niya sa sarili. Mas maganda pa rin siya kay Gabriella. Mayaman lang ito kaya maganda itong tingnan. Pero kung siya ang nasa kalagayan ng dalagita, mas maganda siya rito panigurado.Bigla na lang tumakbo si Gabriella pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon kay Paolo. Hindi nga niya alam kung bakit nito sinabi iyon. Baka gusto lang nitong ilayo siya dahil nakita nitong hindi na siya comfortable. Pero bakit naman gagawin ni Gabriella 'yon?Pero hindi talaga nakaiwas sa mga mata niya ang pagpula ng pisngi ni Gabriella, na kasing pula sa mansanas na kinagat ni Snow White. Gusto niya tuloy itong tanungin ng kilig ‘yan?Siya ang hinaranahan pero ito ang kinilig. Ibang kla
Matuling lumipas ang halos isang buwan na pakikipagbakbakan ni Rey Jhon sa mundo ni Gabriella. Hindi niya namalayan na halos isang buwan na rin pala ang lumipas na palagi siyang stress kapag kasama ang dalaga, akala nga niya ay matatanggal na talaga ang matris niya. Hindi niya namalayan na medyo matagal-tagal na rin pala na nakikibagay siya sa lugar nito.Palagi lang itong galit kapag kausap siya, na para bang may ginawa siyang mali. Pero may panahon din naman na tila sobrang bait ni Gabriella, pero ‘yang panahon na ‘yan ay kapag may gusto itong ipagawa sa kaniya o hindi kaya ay hindi niya ito kinokontra. Nagiging dragon lang naman ito kapag wala siya sa panig nito.Natigil ang paggawa niya ng bulaklak gamit ang maliliit na papel nang bigla na lang tumabi ng upo sa kaniya si Gabriella at kinuha ang gunting na nasa mesa. Padabog nitong ginugunting ang mga natirang papel.“Ano na namang nangyari sa’yo?” tanong niya at hinayaan na lang ito sa ginagawa, total pera naman nito ang ginamit n
Hawak ni Rey Jhon ang cellphone habang pinapanood si Gabriella na nakikipag-usap sa mga bisita nito. Tudo ngiti ang dalaga habang kausap ang mga bisita at kaibigan nito. Tudo entertain ang dalaga. Huminga siya nang malalim at nagpalabas ng matamis na ngiti. Sa wakas. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Gabriella, ang 18th birthday party nito.Kahit wala siyang masiyadong tulog ay pinilit niyang huwag ipikit ang mga mata. Kung maaari lang ay lagyan na niya ng toothpick ang mga mata para hindi pumikit. Gusto na nga sana niyang umidlip pero natatakot naman siyang hayaan si Gabriella. Baka may gawin na naman itong kalokohan at siya pa ang sisihin ng Don. Masiyado pa namang makulit ang dalaga at hindi nito minsan pinapakinggan ang Daddy nito. Isip bata pa rin talaga. Ano ba namang aasahan niya sa isang spoiled brat?Tumabi kay Gabriella ang isang pinsan nito. Ito ‘yong pinsan nito na pinag-trip-an nito kahapon na crush daw niya. Eh hindi naman ‘yon totoo.Napailing na lang siya nan
“Akin na ‘yan,” mahinahon na saad ni Rey Jhon kay Gabriella at pilit na inaabot ang bote na hawak ng dalaga. Pero mahigpit pa rin ang paghawak nito sa bote at inilalayo pa sa kaniya.Kahit anong gawin na pagpigil niya sa dalaga ay parang wala itong naririnig. Ito pa nga mismo ang pumunta sa tindahan para bumili ng alak, wala na naman siyang nagawa. At nang dumating ang dalaga sa boarding house niya na pasuray-suray ay tanging pag-iling na lang ang nagawa niya.“Akin na sabi! Ano ba, Gabriella! Makinig ka naman, lasing ka na.”Tumayo si Gabriella at tinapik ang balikat niya na para bang sinasabi nitong hindi siya lasing at kaya pa nito. Kahit pasuray-suray na ito sa paglakad ay nagawa pa talaga nitong lumapit sa kaniya at tapikin siya. Ang tigas talaga ng ulo.Wala na talaga sa matinong pag-iisip ang senyorita na ‘to, bulong niya sa sarili at sinapo ang sariling noo. Anong gagawin niya ngayon?“Bakit ba kasi uminom ka sa labas! Paano kung may nangyari sa’yo do’n? Sino na naman ang paga
Hindi nagpadala si Rey Jhon sa kagustuhan ng mata niya na pumikit at matulog pa. Para bang ang bigat ng mga mata niya at ang sakit ng katawan niya. Kagigising lang naman niya sana pero bakit parang pagod na siya kaagad. Pinilit niyang bumangon at agad natigilan nang maalala kung bakit siya nakahubad ngayon.Dios mio, Marimar! Anong ginawa ko? Bulong niya at sinabunutan ang sarili. Tudo pikit pa siya sabay hiling na sana hindi niya iyon ginawa. Pero nang muli siyang nagmulat, wala namang nagbago.Nasapo niya ang sariling noo nang makita ang hubad niyang katawan. Lord, bakit ko nagawa 'to? Tanong niya na hindi niya nakuha ang kasagutan.Nawala ang antok na nararamdaman niya at parang daig pa ang nakainom ng kape kung ihahambing ang tension na nasa loob ng kaniyang sistema. Idagdag pa ang pagkabog ng dibdib niya na parang may mga kabayong nag-uunahan. Hindi niya alam kung anong uunahin, kung sasapakin ba niya muna ang sarili o sisigaw. Hindi niya alam kung anong gagawin!Agad niyang iti
Nagliligpit si Rey Jhon ng mga gamit niya para pumasok sa klase niya nang araw na iyon, bawat notebook na gagamitin niya ay pinasok niya sa bag niya. Gulong-gulo man ang isipan at hindi siya makapag-isip nang maayos ay minabuti niyang tumayo at naligo para kahit papaano ay malamigan ang utak niya.Panay ang kaniyang pagbuntonghininga habang nilalagay sa bag niya ang mga notebook at libro na hiniram pa niya sa library. Mabuti na lang talaga at dalawa lang ang subject na papasukan niya ngayong umaga at wala siyang pasok mamayang hapon, baka hindi mapasok sa utak niya ang mga lesson niya ngayon. Mas iniisip niya kasi kung ano ang magiging reaksiyon ng Don sa ginawa niya, iyon ang pinoproblema niya.“Bakit ko ba kasi nagawa ‘yon?” tanong na naman niya sa sarili at napatigil sa ginagawa. Binitawan niya ang notebook na hawak at napaupo muli sa kama. “Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon, Rey Jhon?”Napahilamos siya sa mukha dala ng iritasiyon, gusto na niyang pukpokin ang sarili para lang makuha an
“Itali mo ang bangka, Kuya. Baka makalimutan mo na naman.”Muling napabuntonghininga si Rey Jhon nang makitang umalis na si Y'da Mae na nagawa pa talagang ipaalala na itali niya ang bangkang ginamit nila. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na naging ganito ang buhay nila at hindi niya alam kung masasanay ba siya sa ganitong buhay. Pakiramdam nga niya, parang panaginip lang ang lahat. Sana panaginip nga lang, para may chance pa siyang magising.Tila sobrang bilis ng paglipas ng panahon, halos hindi man lang nagsink-in lahat ng nangyari sa utak niya. Halos hindi siya nakapagpaalam sa lahat ng maiiwan niya sa siyudad bago sila pumunta sa lugar na hindi niya inakalang mapupuntahan niya. Pero naisip niya rin, may maiiwan ba talaga siya? May maghihintay pa kaya sa pagbabalik niya?Kung makakabalik nga ba? Muli na naman siyang napabuntonghininga. Ang hirap ng ganito. Iyong tipong hindi mo alam kung makakabalik ka pa ba sa lugar na pinanggalingan mo.Pero kung siya ang tatanungin, gusto na
3 years after.“Nako, Sir. Wala po ba kayong barya? Ten pesos lang naman po ang pamasahe eh.” Pakamot-kamot ang driver na binigyan ni Rey Jhon ng limang-daang piso. Hawak pa rin nito ang pera habang ang isang kamay ay nasa ulo at pakamot-kamot pa rin.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.May ten pesos naman talaga siya sa bulsa niya. Gusto lang niyang bigyan ng malaking pera ang driver na ‘to. Ito pa rin ang driver na nililibre ang pamasahe niya noon tuwing papunta siya sa university kung saan siya nag-aaaral. Hindi niya kayang kalimutan ang driver na nagbigay din ng malaking tulong sa kaniya.Muli siyang napangiti nang nagpaalam at nagpasalamat ang driver sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam na natulungan mo pabalik ang taong hindi nagdalawang-isip na tulungan ka noon.Worth it, bulong niya sa sarili at muling napangiti.Hinarap niya ang bahay na binalikan niya talaga. Hindi niya kayang talikuran ang lahat na may koneksiyon sa kaniyang namayapang Papa. Ito na nga lang ang nag-iisang b