Share

Chapter 5

last update Huling Na-update: 2022-12-20 05:42:44

Lumabas ang matamis na ngiti sa labi ni Rey Jhon nang matapos ang tawag. Paano siya hindi ngingiti? Tila kakampi na niya ang tadhana at ang tagumpay ay hawak na niya. Kitang-kita na niya ang tagumpay, nagniningning pa at siguradong maaabot na niya. Kung siya lang mag-isa sa mga oras na ‘to, baka hindi lang pagtawa ang kaniyang magawa, kun’di halakhak na.

Ito na yata ang hinihintay niyang oras na makagaganti siya sa ginawa ni Gabriella sa kaniya kanina. Hindi lang ang pride niya ang natapakan ng dalaga, pati ang kaniyang pagkatao. Alam naman niyang mahirap siya at mayaman ang dalaga pero hindi niya ito binigyan ng karapatan para tapakan ang natitira niyang dangal. Dangal na nga lang ang mayroon siya, nagawa pa talaga ng dalagang apakan.

Hindi niya inakalang kasing bilis ng kidlat ang pagdating ng karma at gugulong sa kaniyang palad ang huling halakhak. Mismong ang Don pa ang gumawa ng paraan para makaganti siya sa anak nitong matapobre.

Mas lumapad ang ngiti niya nang matanggap na niya ang text galing sa Don. Ang bilis talaga ng karma, kakampi na niya yata ang lahat ng diyosa sa buong kalawakan.

Tinitigan niya ang laman ng text. Number ni Gabriella ang una nitong binigay at sunod ang classroom ng dalagita. Hindi na siya nagsayang pa ng oras, agad siyang rumampa papunta sa classroom nito. Daig pa niya ang isang bagong beauty queen na nanalo sa isang beauty contest kung rumampa. Kaso wala pa nga lang siyang korona. Aagawin palang niya kay Gabriella ang korona, hindi na rin magtatagal ay mapapasakaniya na.

Muling tumunog ang cellphone niya kaya tiningnan niya iyon. Mismong schedule na ni Gabriella ang pinasa ng Don. At nasa kaniya yata ang lahat ng suwerte dahil hindi conflict ang schedule nila ni Gabriella. Muli na naman siyang napangiti.

Nasa kaniya ang huling halakhak! Nakikita na niya na puputok ang apoy sa bunganga ni Gabriella. Nakikita na niyang magtatagpo na ang mga kilay nito at sisingkit na ang mga mata sa galit. Kumawala ang matamis na ngiti sa kaniyang labi, kung sinuswerte ka nga naman.

Nakita pa niyang kumaway si Janine nang magsalubong ang mga mata nila ng malanding higad. Pero hindi na siya gumanti ng kaway pa rito, baka pilitin na naman siya nitong um-attend sa birthday nito at siya pa ang maging clown of the night. Kahit anong gawin nitong pagpilit, hindi talaga siya papayag.

Tanging si Carlo lang talaga ang nilalapitan niya kapag nasa klase siya. Wala namang mas guwapo pa kasi sa lalaki. Ang ibang kaklase niya ay kung hindi mukhang tikbalang, mukha namang shokoy na hindi naliligo sa dagat. Hindi yata kilala ang salamin kaya hindi alam kung anong dapat ayusin sa sarili. Hindi naman sa nanlalait siya, nag-de-describe lang, magkaiba ang 'yon.

Nang nasa tapat na siya ng gate sa high school ay nakita niya si Gabriella na palabas na rin ng gate. Tamang-tama talaga ang timing niya dahil break time ng high school ngayon. Saktong-sakto para gumanti sa dalagita.

Mas maarte pa itong rumampa sa kaniya. Kitang-kita niya ang pag-indayog ng balakang ng dalagita. Dinaig pa ang mala-beauty queen niyang rampa.

In fairness, puwede itong mag-apply as model sa Victoria Secret. Agad siyang napailing nang maisip niya iyon. Mas maganda pa rin siyang rumampa kumpara sa matapobreng senyorita na ‘to.

Nang lumampas na si Gabriella sa kaniya ay saka naman siya sumunod. Kasama pa ng dalagita ang mga minions nito at sinasabayan ang pagkembot ng leader ng mga ito.

Kung wala lang sigurong makakakita sa kaniya, sumabay na rin siya sa pagkembot at mag-fi-finger comb pa siya sa imaginary hair niya. But this is not the right time to shine. Ayaw pa niyang maging laman ng chismis at maging headline sa newspaper ng school publication nila.

Nagmadali siyang lumakad para maabot ng braso niya ang balikat ng dalaga. Agad niya itong inakbayan nang makalapit siya rito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya at agad inalis ang braso niya.

“What the hell!” anito at agad lumayo sa kaniya. Pero kahit galit na ito ay maintain pa rin ang kagandahan. Ni hindi man lang pumangit ang mukha nito kahit magkasalubong na ang mga kilay.

What the hell, what the hell! What the hell mo mukha mo! Inis niyang paggaya sa linya ni Gabriella.

“Who the hell are you?” tanong nito sa kaniya. Kitang-kita niya kung paano lumabas ang mga ugat nito sa leeg.

Agad naman siyang pinalibutan ng tatlong minions ni Gabriella na para bang may gagawin siyang masama sa leader ng mga ito.

Kung may gagawin siyang masama, edi sana kanina pa.

Who the hell am I? Mahilig yata sa impyerno ang babaing ‘to, aniya sa sarili at pinilit ang sariling huwag ipaikot ang mga mata.

“After mo ‘kong sagutin? Tatanungin mo ‘ko kung sino ako?” Tumaas pa ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay kinagat niya nang bahagya ang kaniyang ibabang labi. “Am I joke to you?”

Nakita niyang napatakip ng bibig ang isang minion at gulat na gulat na tiningnan si Gabriella. Lihim siyang napatawa. Hindi yata makapaniwala ang babae na boyfriend siya ng leader nito. Kahit siya naman, gusto niyang masuka sa pinagsasabi niya. Kahit pa siguro bayaran siya ng isang milyon ng Don ay hindi siya papayag na maging girlfriend ang senyorita na ‘to.

Tanging pagtitig lang ang ginawa ni Gabriella. Ni hindi nga ito sumagot sa tanong ng isang minion nito na tinatanong kung totoo ba ang pinagsasabi niya. Gusto na niya talagang matawa pero ayaw niyang masira ang plano niya.

Lumapit siya kay Gabriella at muling inakbayan ang dalagita. Agad niyang nalanghap ang mabangong amoy nito.

For sure, mahal ang perfume nito. Sana all na lang talaga, mahina niyang bulong.

“Let’s go. Sabi mo sa 'kin kagabi na gusto mong kumain ng popcorn,” aniya at hinalikan pa ang noo ni Gabriella.

Pray for his soul.

*****

HINDI pa nga nakalalayo sina Rey Jhon at Gabriella sa mga minions ay biglang nagbago ang anyo ng dalagita. Nakatikim ng suntok si Rey Jhon. Nakagat na lang niya ang ibabang labi at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Gabriella upang hindi muling madapuan ng suntok ang kaniyang mukha. Ilang beauty products pa naman ang nasayang niya tapos susuntukin lang ng dalagita.

“What’s your problem? Ikaw ba ‘yong lalaki sa house namin kanina?” maarte nitong tanong sa kaniya at nagpupumiglas pa.

Sa likod ng gym sila pumunta, hindi kalayuan sa gate kung saan niya nakita si Gabriella. Laking pasasalamat niya nang hindi sumunod ang mga minions ng dalagita. Naniwala yata sigurong boyfriend talaga siya nito.

Napaismid siya at padabog na binitawan ang kamay ng dalagita. Kung kamay pa siguro ‘yon ni Carlo ang hawak niya, hindi na niya siguro bibitawan pa. Pero siyempre, hinding-hindi mangyayari ‘yon.

“Ako nga.”

Hindi nakaligtas ang pagtaas ng kilay ni Gabriella sa mga mata niya. Ito pa talaga ang may ganang magsuplada samantalang siya naman ang ginawan nito ng masama.

“Then, what do you want from me? Masiyado ba talagang maliit ang money na binigay ko sa’yo? You want more?” Binuksan nito ang wallet at kumuha ng pera. “You can ask me directly, you don't need na gumawa pa ng scene in front of my friends. But please, stay away from me!”

Hinawakan nito ang kamay niya at ibinigay ang pera na kinuha nito sa wallet nito. Hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon na bilangin ang pera na kinuha nito at basta na lang nitong inabot iyon sa kaniya. Parang wala lang talaga rito ang pera.

Gano’n ba talaga ang turing nito sa kaniya? Akala ba talaga nito madadala siya sa pera? Parang gusto na lang talaga niyang pumayag sa gusto ng Don na bantayan niya ang dalagita. Gusto niyang putulan ito ng sungay.

Kahit bakla siya kaya niya ring turuan ng leksiyon ang kaharap. Hindi siya tatahimik na lang basta-basta.

Muli niyang hinawakan ang kamay ni Gabriella kahit ayaw ng utak niyang muling magtagpo ang mga kamay nila. Nanlaki ang mata ng babae at hinarap siya.

“Ano ba! Let me go!” reklamo na naman nito. “Magkano ba ang kailangan mo? Kapag hindi mo ako binitawan isusumbong na talaga kita kay Daddy. For sure papayag ‘yon na hindi ikaw ang maging driver ko!”

“Gaga!” aniya pero agad niyang kinagat ang ibabang labi. “Sa tingin mo papayag akong maging driver mo? Loka-loka ka rin pala eh.”

“What? I’m not loka-loka!”

“Ah, so, anong tawag sa’yo? Assuming?” Pinaikot niya ang mga mata pero mabuti na lang at busy ang dalagita na makaalis sa pagkakahawak niya. Hindi nito nakita ang kabaklaan niya.

“I’m not assuming!”

“For your information, Ms. Gabriella,” aniya at binitawan ang isang kamay ng dalagita. “Hindi mo ako driver, babysitter mo ako. Kaya lahat ng galaw mo ay dapat alam ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Babysitter your ass!” sigaw nito at sinipa ang gitnang bahagi ng hita niya.

Tanginang demonyita ka! Nabasag yata ang egg ko! Buwesit! Sigaw ng utak niya.

Kaugnay na kabanata

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 6

    BUMALIK sa gate si Rey Jhon nang maalala niyang kailangan niya pa lang ihatid si Gabriella pauwi, kahit labag sa kalooban niya iyon. Pero dahil iyon ang utos sa kaniya ng Don kanina pagkatapos nitong mai-send ang information na kailangan niya tungkol sa dalagita, wala siyang ibang nagawa kun’di ang pagbuntonghininga at inihakbang ang mga paa pabalik sa gate ng university. Bitbit ang bag at halos malapit nang masira na sapatos ay bumalik siya sa university. Bakit ba kasi pinasukan niya ‘to?Bakit nga ba? Ilang beses pa ba niyang dapat tanungin ang sarili? Muli siyang napabuntonghininga at hinarap ang gate. Kahit pa siguro masagot niya ang tanong na iyon, hindi na magbabago ang takbo ng buhay niya.Tumango siya sa security guard na panay ang tingin sa wall clock ng guard house. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at tinanong kung bakit siya bumalik. “May naiwan po eh,” aniya at muli na namang nadagdagan ang tanong ng security guard.“Ano ba ang naiwan mo?”Hindi ano, kun’di sin

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 7

    Malalaki ang bawat hakbang ni Gabriella nang makalabas siya sa kotse. Ni hindi na siya nag-abalang magpasalamat pa sa driver niya, hindi naman talaga siya sanay na magpasalamat. Hindi na niya kayang tiisin na pareho sila ng nilalahanghap na hangin sa lalaking nakialam sa bawat galaw niya. Napakaalamero!Ang hindi nga lang niya alam ay kung bakit nagpahila siya sa lalaking ‘to. Kung bakit hinayaan niyang makisali ang ito sa buhay niya at makisawsaw sa lahat ng galaw niya. Sa lalaking hindi nga niya alam kung anong pangalan. O baka nakalimutan lang niya. Sabagay, hindi naman worth it kung aalamin o alalahanin pa niya ang pangalan nito. Hindi niya gawain 'yon.Hindi niya pinansin ang mga kasambahay na bumabati sa kaniya, kahit pa sa bawat hakbang niya papasok sa bahay ay binabanggit nito ang pangalan niya. Wala siyang panahon na ngumiti at bigyan ng plastik na pansin ang mga kasambahay nila na umaasa lang din naman sa pera ng pamilya niya – sa pera ng Daddy at Mommy niya.Alam naman niya

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 8

    Isang oras na rin na nakatambay si Rey Jhon sa swimming pool ng university nila. Isang oras siyang walang ginawa kun'di ang makipagtitigan sa tubig. Kung kaya lang siyang kausapin ng tubig, kinausap na niya. Hindi na siya nag-abalang tawagan o i-text pa si Carlo kahit kating-kati na ang mga daliri niyang pumindot sa cellphone para makapag-sorry siya. Dati gusto lang niyang malaman ni Carlo ang nararamdaman niya pero ngayon hindi na niya alam kung iyon pa rin ba ang gusto niya.Ayos lang naman sila noon kahit hirap na hirap siyang itago ang nararamdaman niya. Maayos ang takbo ng buhay niya kahit kaibigan lang ang turing nito sa kaniya, gano'n talaga eh, wala na siyang magagawa sa bagay na ‘yon. Hindi na niya kayang baguhin pa iyon. Batid naman niyang napakaimposible ang gusto niyang mangyari. It seems like he’s hoping to be a billionaire in just one snap of his fingers.Ganito talaga siguro ang buhay ng isang bakla at mukhang wala na siyang magagawa kun'di tanggapin na lang ang tadhana

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 9

    “I’m Paolo.”Napatitig si Rey Jhon sa mga mata ni Paolo na parang hinihigop ang kaniyang kalandian, isang daang porsyento ng kalandian. Ang sarap tingnan ng maiitim nitong mata na nakatitig din sa kaniya, diretsong-diretso sa kaluluwa niya. Idagdag pa ang medyo may kakapalan nitong kilay na ang gandang tingnan, nakaaakit. Inaakit talaga ang natitirang katinuan niya.“What’s your name again?” tanong ni Paolo sa kaniya.Ano nga ulit ang pangalan niya?He cleared his throat and released a smile. Hindi naman siya naaksidente pero bakit nakalimutan niya yata ang pangalan niya? Pinilit niyang hindi ngumiwi at inilahad niya ang kaniyang kanang kamay bago nagpakilala.“Rey Jhon. My name is Rey Jhon.”Kung sana matagal na siyang nagladlad baka kinindatan na niya si Paolo at tatanungin kung anong gusto nito.You want juice, water, tea or me? Choose wisely, choose me, malanding sabi ng utak niya.Palihim niyang kinagat ang dila, kung ano-ano na lang talaga ang naiisip niya. Delikado, baka masabi

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 10

    Halos hindi na nga nakapagsuklay si Rey Jhon, nagkukumahog siyang makapunta agad sa bahay ng senyorita na matanda naman na sana pero kailangan pa niyang bantayan. Pero naiintindihan naman niya ang Don kung bakit gusto nitong may bantay ang nag-iisa nitong unica hija, sa pagiging maldita palang nito ay sapat na dahilan na iyon para hindi makampante ang Don. Napailing na lang siya, mga spoiled brat nga naman.Nang makita niyang pumatak na ang alas-siyete sa suot niyang relo ay agad na dumaloy ang mainit na dugo sa kaniyang utak patungo sa mga paa niya. Nakalimutan niya tuloy magsuklay. Ang ganda naman ng simula ng araw niya. Wala na talagang ginawang matino sa buhay niya si Gabriella. Ang swerte-swerte niya talaga.Lunes na Lunes pero pakiramdam niya ay Biyernes na. Maliban sa wala ng laman ang wallet niya ay daig pa niya ang na-hold-up nang ganito kaaga. Sabog na nga ang buhok niya, nadumihan pa ang puti niyang polo. "Lord, ano ba namang kamalasan 'to?" Tanong niya na para bang may sa

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 11

    Kanina pa pinipilit ni Rey Jhon si Gabriella na pumasok sila ng klase. Kulang na lang ay hilahin niya ang babae para lang pumasok ito sa klase. Nadadamay na kasi siya sa pagiging maarte nito. Isang subject ang hindi niya napasukan ngayong umaga dahil sa kaartehan na rin ng amo niya. “Ayoko ngang pumasok, you’re so kulit!” Nagdadabog pa si Gabriella nang sabihin niyang papasok sila ngayon. Itinapon pa nito ang shoulder bag sa sahig na para bang hindi man lang ito nanghihinayang kung may mabasag man.Hindi pa nga sila nakararating sa sasakyan pero hindi na maipinta ang mukha ni Gabriella. Padabog pa itong naglakad nang makalabas sila sa mall, parang wala itong pagod habang nilibot nila ang lahat ng store sa mall. Pero agad nagbago ang timpla ng mukha nito nang sabihin niyang pupunta sila sa university.“May pasok ka diba? May pasok din ako,” kalmado niyang saad sa dalagita. Nanatili siyang kalmado kahit gusto na niyang sabunutan ito.“Edi, magpasukan tayo. Problema ba ‘yon?” Muli na na

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 12

    Sa loob ng isang oras na patayo-tayo si Rey Jhon ay ngayon pa lang siya muling nakaupo. Hindi niya kasi mahanap ang libro na kailangan niya sa major subject niya na pinuntahan pa niya talaga sa library.Isinandig niya ang likod sa upuan habang hawak ang libro na napili niya. Mabuti na lang ay nakakita siya ng libro na puwede niyang magamit, pamalit doon sa libro na siyang pakay niya. Medyo sumakit ang bangs niya kanina, nilibot niya talaga ang buong library.“Uy, nandito ka pala, Rey. What a coincidence!” Agad siyang napadilat nang marinig ang pamilyar na boses. Nakita niya ang nakangiting si Paolo. Ang tamis ng ngiti nito na siyang hinahanap-hanap niya dati, parang advertisment lang ng isang brand ng toothpaste. Pero para ding TV series na kusang nag-play sa utak niya ang conversation ng kapatid niya at ni Paolo. Hindi siya makapaniwalang kalahi niya pala ito.Oh, hala! Ibandera ang flag ng LGBT, girl! Laban! Sigaw ng utak niya na pilit siyang chini-chair up. Medyo hindi pa rin mata

    Huling Na-update : 2022-12-21
  • Babysitting the Senyorita   Chapter 13

    Mabilis ang lakad na ginawa ni Rey Jhon para lang mahabol si Gabriella. Daig pa nito ang taxi sa bilis ng pagtakbo. Idinuduyan ng hangin ang buhok ng dalagita na mas lalong nakapadagdag sa taglay nitong ganda. Napapailing na lang siya kapag hinahawakan nito ang school ID na sumasabay din sa buhok nito.Erase, bulong niya sa sarili. Mas maganda pa rin siya kay Gabriella. Mayaman lang ito kaya maganda itong tingnan. Pero kung siya ang nasa kalagayan ng dalagita, mas maganda siya rito panigurado.Bigla na lang tumakbo si Gabriella pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon kay Paolo. Hindi nga niya alam kung bakit nito sinabi iyon. Baka gusto lang nitong ilayo siya dahil nakita nitong hindi na siya comfortable. Pero bakit naman gagawin ni Gabriella 'yon?Pero hindi talaga nakaiwas sa mga mata niya ang pagpula ng pisngi ni Gabriella, na kasing pula sa mansanas na kinagat ni Snow White. Gusto niya tuloy itong tanungin ng kilig ‘yan?Siya ang hinaranahan pero ito ang kinilig. Ibang kla

    Huling Na-update : 2022-12-21

Pinakabagong kabanata

  • Babysitting the Senyorita   Special Chapter

    “Hon?”Agad na tumingin si Rey Jhon kay Gabriella na may dalang ice cream at palapit sa kaniya. Kahit maingay sa plaza ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ng nobya. Para bang ginawa talaga ang tainga niya para marinig ang boses nito. “Look, bumili ako ng ice cream. You want?” anito at ngumiti pa.Alam na niya kung anong susunod nitong sasabihin. Halos kabisado na niya ang sasabihin nito tuwing may binibili ito tapos hindi nagpapaalam sa kaniya.“Pera mo ang ginamit ko,” dagdag nito na pinabaunan pa ng matamis na ngiti.At kailan pa namali ang hula niya? Hindi pa siya pumapalya kapag si Gabriella ang hinuhulaan niya.Ngumiti na lang siya sa sinabi nito at tinapik ang bakante na upuan sa tabi niya. Ito talagang nobya niya, napakakulit kapag ice cream ang pag-uusapan. Kahit sobrang hina lang ng bell ng nagbebenta ng ice cream, dinig na dinig nito. Para bang ginawa ang tainga nito para marinig ang bell ng ice cream.Napaka-unfair, bulong niya. “Ayaw mo talaga, hon? Masarap pa naman

  • Babysitting the Senyorita   Epilogue

    “Congratulations!”Matamis na ngumiti si Gabriella matapos mabuksan ang pinto ng bahay nila at sabay-sabay na sumigaw ang mga kasambahay nilang hindi nakasama sa graduation ceremony niya kanina.Kanina pa siya iyak nang iyak dahil hindi siya makapaniwalang narating na niya ang puntong ‘to. Parang kailan lang nang nagkaroon siya ng babysitter dahil sa tigas ng kaniyang ulo.Babysitter, bulong niya at nilibot ng tingin ang buong bahay. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?“Nakita mo si Rey Jhon, Mom?” tanong niya sa kaniyang Mommy. “Hindi ba sumunod sa’tin ‘yon kanina?”Tinanggap niya ang bulaklak na binigay sa kaniya ng kanilang Mayordoma. Ngumiti siya at nagpasalamat at muli niyang tiningnan ang kaniyang Mommy.“Mommy? Nakita mo ba si Rey Jhon?”“Si Rey Jhon?” tanong nito at para namang walang ganang sagutin ang tanong niya. May tiningnan pa ito sa cellphone bago siya sinagot. “Hindi ka ba sinabihan?”“Sinabihan na?” nagtataka niyang tanong. Wala naman itong sinabi sa kaniya nang magkita s

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 35

    Mabilis ang mga hakbang ni Gabriella papunta sa canteen ng school nila. Magkasalubong pa ang mga kilay niya dahil marami namang oras na puwede niyang makalimutan ang payong niya, ay ngayon pa talaga kung kailan parang tinamaan ng kabaitan ang araw. Tirik na tirik iyon at tila walang posibilidad na mabawasan ang init na ibinibigay nito. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang bilisan ang mga lakad niya para marating agad ang canteen.Mas lalo lang uminit ang ulo niya nang makitang wala ng bakante. Kanina pa nagrereklamo ang mga boarders niya sa tiyan kaya naisipan niyang bumaba pero ang galing-galing lang talaga dahil ang ganda ng timing niya, walang bakante na mesa kahit isa.Nasapo na lang niya ang noo at muling pinalibot ang mga mata, nagbabakasaling baka may makita siyang kakilala na puwede niyang matabihan. Hindi na puwedeng umakyat pa siya ulit at maghintay na baka magkabakante pa.Umukit agad sa labi niya ang matamis na ngiti nang makita niya si Rey Jhon na mag-isa lang sa mesa at k

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 34

    “Saan ka po pupunta, Ma'am Gab?”Nahinto sa paglalakad si Gabriella at mahigpit ang hawak sa bike. Nilingon niya ang security guard nila na alam niyang may rules na namang binigay ang kaniyang Daddy dito. Nahuli pa talaga siya!“Sabi ng Daddy niyo, hindi ka raw po puwede na lumabas.”At ‘yon ang rules, aniya sa sarili at napabuga na lang siya ng hangin. Of course, akala kasi ni Daddy, baby pa ‘ko. Nakalimutan niya yatang matanda na ang nag-iisa niyang anak, dagdag pa niya.Kinawayan niya ang security guard at ngumiti. Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay, aber? Makipagtitigan sa cellphone niya hanggang umuwi ang Daddy niya na hindi na naman niya alam kung saang planeta pumunta?“Hindi mo ako madadala sa smile, Ma'am. I'm just following the rules.” Nag-whistle ito at nag-sign sa isa nitong kasama na security guard na i-lock ang gate. “Lock the gate.”Binitawan niya ang bike at naglikha iyon ng ingay. Daig pa talaga ng security guard nila ang mga guards sa mga movies ng Disney. Iba

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 33

    “Rey Jhon for you. Don't tell me, ayaw mo rin sa’kin.”Tila natigil sa paggalaw ang lahat ng nakapaligid kay Gabriella. Hindi niya kayang ibuka ang bibig para sabihin kay Rey Jhon na ayaw niya rito. Hindi niya kayang igalaw ang kamay niya para isarado ang pinto nang hindi na niya makita ang mukha ng binata. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa at tumakbo palayo rito.Anong nangyayari sa kaniya? Bakit hindi niya magalaw ang mga paa? Bakit hindi niya kayang ibuka ang bibig?Tinitigan niya lang si Rey Jhon at nanatiling hindi makagalaw. Tinitigan niya ang magandang mga mata ng binata. Pinagmasdan niyang maigi ang maiitim nitong mga mata na para bang hinihigop ang lahat-lahat sa kaniya. Parang may nais itong iparating na hindi niya kayang basahin.Pababa nang pababa ang kaniyang tingin at kinabisado ang lahat. Dumaan sa matangos nitong ilong, sa medyo mapula nitong pisngi, hanggang sa mapula nitong labi. Natural na mapula, parang pinahiran ng lipstick. Kaunti na lang ang mga lalaking ga

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 32

    Nakatikom lang ang mga labi ni Gabriella kahit pa tudo ngiti ang Daddy niya at kinawayan pa siya nito. Wala siya sa mood na ngumiti kanina pero mas lumala pa ang tupak niya ngayon. Wala na talaga siya sa mood kahit pa ngumiti na lang ng peke, para bang hindi na niya kayang gawin ‘yon. Sinabihan siya ng Daddy niya na lumapit kaya wala siyang nagawa kun’di ang humakbang habang hinihiling na sana namamalikmata lang siya at mawala si Rey Jhon sa paningin niya. Alam naman niyang impossible iyon pero nagbabakasali pa rin siya.Marami naman sanang puwedeng manligaw sa kaniya, bakit si Rey Jhon pa talaga? Marami pa naman sanang single sa mundo pero bakit parang naubusan yata siya? Okay na sa kaniya kahit isa lang ang mata o hindi kaya isa lang ang ngipin, basta huwag lang si Rey Jhon. Huwag talaga dahil ikamamatay niya ‘yon. Makita nga lang ito ay sumasakit na ang ulo niya.Hindi kaya nasobrahan ka na sa kaartehan, Gabriella? Tanong ng utak niya.Hindi siya maarte, sadiyang iyon talaga ang k

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 31

    Dumating ang araw na pinakahihintay ni Rey Jhon. Ang araw kung kailan hindi siya teacher at hindi niya estudyante ang dalagang gusto niyang ligawan. Ang araw kung kailan binabalak niyang pumunta sa bahay ng dalaga.Excited pa siyang nagbihis kanina at halos hindi niya kayang humiwalay sa salamin para lang masiguro na ready siyang humarap kay Gabriella. Iyong wala itong makitang maipipintas sa kaniya. Kilala niya ito mula pa noon, kahit pa buhok niya sa ilong ay kaya nitong laitin. Nadamay pa talaga ang nananahimik niyang buhok sa ilong.Wala na talagang atrasan ‘to kahit pa ilang beses ipagsigawan ni Gabriella na ayaw nito sa kaniya, na ayaw nitong makita siya. Kahit pa i-post pa nito sa lahat ng mga social media na meron ito, pero hindi siya nito mapipilit na hindi niya ituloy ang gusto niyang mangyari. Matagal na niya itong napag-isipan kaya hindi na talaga siya nito mapiligilan.Wala naman siyang ibang gusto kun’di ang magbati sila at bumalik sila sa dati. Ilang buwan niya nga ring

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 30

    Kahit magsalubong pa ang mga kilay ni Gabriella ay hindi nagpapigil si Rey Jhon na gawin ang gusto niya. Kahit ano pang sabihin nito, buo na ang kaniyang pasya na gagawa siya ng paraan para mabalik sila sa dati at magkaroon ng 'sila'. Kung 'label' na lang ang kulang sa kanilang dalawa, gagawa siya ng paraan.Nagpalabas siya ng matamis na ngiti at nagpakawala ng hininga pagkatapos. Kaharap niya ang saradong pinto at handa na siyang hawakan ang door knob. Kanina pa nakalabas ang lahat ng mga estudyante sa computer laboratory kaya mag-isa na lang siya sa apat na sulok ng silid na ito.Agad na yumakap ang malamig na door knob sa kaniyang palad. Tila naging musika sa kaniyang pandinig ang ingay na nalikha ng door knob nang nabuksan niya ang pinto. Pero mas naging musika ang mga ingay nang pumalit ang mga tawa ng mga estudyante sa labas. May nagtatakbuhan at may mga nag-uusap na hinahaluan pa ng tawa. Pero nang makita siya ng mga bata, ang ilan ay tumahimik at yumuko. Pero ang iba ay kinaya

  • Babysitting the Senyorita   Chapter 29

    “Stop the car! Stop the car!” Patuloy pa rin sa pag-drive si Rey Jhon kahit pa feeling bida sa isang story ang kasama niya sa kotse at paulit-ulit na isinisigaw ang linyang ‘yon. Gusto niyang matawa pero tudo pagpipigil ang ginawa niya, ayaw niyang masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Gabriella at baka maging si Maleficent pa at magkaroon ng pakpak.“Ano ba, Rey Jhon! I said, stop the car!” sigaw na naman ni Gabriella at panay dabog pa.Pero hindi pa rin siya nagpatigil. Hindi siya papayag na matapos na naman ang araw na ito na hindi niya makakausap nang matino ang dalaga. Ilang araw na ba ang nasayang niya? Ngayon, sa mismong araw na ‘to, sa ayaw man ni Gabriella o sa hindi ay kailangan nilang mag-usap. Gusto niyang bumalik sila sa dati at ayaw niyang madagdagan pa ang paghihirap niya.“Where are we going? What the hell, Rey Jhon! Hindi na ‘ko natutuwa! Nauntog ka ba at nakalimutan mo kung saan ako nakatira?” Bumalot na naman sa buong kotse ang sigaw ng dalaga nang mapansin nitong

DMCA.com Protection Status