Sewing the Past

Sewing the Past

last updateLast Updated : 2021-08-04
By:  senyora_athena  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
24 ratings. 24 reviews
43Chapters
4.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

A mixture of excitement and nervousness she feel. Sharon Alvarez, never quite the thought of she would reach that point of giving up; Her virginity versus her career. Lloyd Gonzales, the bar owner, has no idea he was being followed at the University he was attending at. Now the question is, "Can she refuse the young man every time he asks for her body?"

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“Oh my God! Ano iyang pinapanood mo?”Napalingon siya sa labas nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki. Pinaikot niya ang mga mata, hindi pala lalaki kun’di isang bakla.Nayanig yata ang buong bahay ni Sharon dahil sa lakas na bulalas ni Gian nang makita ang pinapanood niya sa kaniyang personal computer.Simple lang naman ang pinapanood niya, isang bed scene ng sikat na movie sa Hollywood pero kung maka-react naman ang baklang Gian na ito ay parang guguho na ang mundo niya. Sa lakas ba naman ng sigaw nito, tiyak pati eardrums niya ay kailangan na niyang ipatingin sa doctor.Napailing na lang si Sharon. Sabagay, bakit pa nga ba siya magtataka kung ganiyan umarte si Gian? Sa tinagal-tagal ba naman nilang nagsama ay hindi talaga nagbago ang ugali nito.Mula noong nakilala niya ito na kahit hindi pa ito tuluyang nagladlad ay masakit na talaga sa tainga ang boses nito na minsan ay ginagawa rin naman nitong lalaki kapag nagsasalubon

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
6teen
malapit na kong matapos ate thenaaaa
2021-08-20 22:32:46
1
user avatar
ACKY LOOWA
Congratulations Author. Galing Galing
2021-08-08 19:46:50
1
user avatar
Martha
nabasa ko na ang w++tpad version nito. pero mas na-hook ako dito. gaaaad
2021-08-07 15:41:24
1
user avatar
6teen
full of exciting scenes. i love this
2021-08-07 13:54:14
1
user avatar
yannadeloso
nakakatuwa pong basahin. congrats
2021-08-06 18:47:13
2
user avatar
Miss Art
book with full of twist. love it
2021-07-25 16:41:46
2
user avatar
Maya Morenang Mangangatha
already added to my library yay
2021-07-25 02:44:22
2
user avatar
Hera Chen
great story! well deserved
2021-07-16 06:58:15
1
user avatar
Hera Chen
oh god! how to delete my comment, that's not supposed to be on rating list!
2021-07-16 06:57:01
1
user avatar
Hera Chen
hwodfjewoowofc
2021-07-16 06:56:21
1
user avatar
Miss Art
thanks sa updateee
2021-07-15 11:22:47
1
user avatar
catchme
💕💕💕💕💕💕💕💕💕
2021-07-12 07:41:49
3
user avatar
janeth
maraming salamat po sa update.
2021-07-12 07:35:29
4
user avatar
catchme
updateeeee na po
2021-07-11 06:38:22
4
user avatar
catchme
updateeeee
2021-07-10 16:56:34
3
  • 1
  • 2
43 Chapters

Chapter 1

“Oh my God! Ano iyang pinapanood mo?”Napalingon siya sa labas nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki. Pinaikot niya ang mga mata, hindi pala lalaki kun’di isang bakla.Nayanig yata ang buong bahay ni Sharon dahil sa lakas na bulalas ni Gian nang makita ang pinapanood niya sa kaniyang personal computer.Simple lang naman ang pinapanood niya, isang bed scene ng sikat na movie sa Hollywood pero kung maka-react naman ang baklang Gian na ito ay parang guguho na ang mundo niya. Sa lakas ba naman ng sigaw nito, tiyak pati eardrums niya ay kailangan na niyang ipatingin sa doctor.Napailing na lang si Sharon. Sabagay, bakit pa nga ba siya magtataka kung ganiyan umarte si Gian? Sa tinagal-tagal ba naman nilang nagsama ay hindi talaga nagbago ang ugali nito.Mula noong nakilala niya ito na kahit hindi pa ito tuluyang nagladlad ay masakit na talaga sa tainga ang boses nito na minsan ay ginagawa rin naman nitong lalaki kapag nagsasalubon
Read more

Chapter 2

Bawat galaw ng lalaki ay sinusundan niya, pati galaw ng daliri nito ay hindi niya pinapalagpas. His bone structure looked perfect and solid. Nang tumama sa lalaki ang ilaw, pinagmasdan niya ito ng mabuti. And only two words can describe the man perfectly.Greek God!Ngayon pa lang siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. Ni hindi nga siya makapaniwala na makikita niya ang hero sa sinusulat niyang nobela.Hindi nga niya mapigilang matawa habang sinusulat niya ang hitsura ng hero niya habang tinatanong ang sarili na may tao kayang ganito ang hitsura? Like, hello? Nasobrahan yata siya sa pagbabasa ng fiction novel.Bago kasi siya magsimulang magsulat ay pinagtutuunan niya muna ng pansin ang hitsura ng magiging hero at heroine niya sa nobela. Kinikilala niya munang mabuti bago isalang sa kuwento. Mas mabuti kasi na makilala muna ang mga tauhan nang hindi maligaw ang manunulat.Kahit maliit na detalye ay kinakabesado niyang mabuti. Kahit paggalaw lang
Read more

Chapter 3

“Sharon! Open the door,” sigaw ni Gian.Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Halos sa bahay na niya kasi ito tumira na para bang bahay na rin nito ang bahay niya.Alas-sais na ng gabi. Medyo masakit pa rin talaga ang ibabang parte niya. She can’t even walk properly. Kaya ang resulta, hindi siya nakapasok sa trabaho. Wala din naming problema kasi nag-excuse na rin siya. Sick leave for one week. May sakit naman talaga siya. Masakit ang cherrypop niya.“Sharon! Bakla! Ano ba!?” sigaw ulit ni Gian na hindi niya matukoy kung sigaw ba talaga iyon o tumitili na ito.Bakit ba kasi nandito ang baklang ‘to?“Wait a second, will you? Hindi makahintay ‘te? May lakad?” inis na sagot niya at dahan-dahang naglakad para pagbuksan ang buwisita niya.Bakit ba kasi malaki ang talong ng lalaking iyon? Wala sa sariling naitanong niya at natawa pagkatapos. Compliment ba iyon o hindi?She managed to w
Read more

Chapter 4

Panay iwas si Sharon, kung maaari nga lang ay hindi na talaga siya tatapak sa Education Department. Kung kaya niya lang sana ay hindi na talaga siya tatapak sa lugar na ‘to. Parang gusto na lang niya na magtambay na lang sa lab ng major niya upang hindi masilayan ang pagmumukha ni Lloyd na ayaw na niya talagang makita pa.Hindi naman sa ayaw na niya talagang makita si Lloyd. Pakiramdam niya lang kasi kapag nalalapit siya sa taong iyon ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Parang tila nagkakaroon ng sariling utak at mundo ang katawan niya at hindi na sumusunod sa nais niya.Pakiramdam niya na ang department nila ay isa na sa lugar na mapapahamak siya kung tatapakan niya. Lugar na kung saan naroon ang isang tao na dapat niya talagang iwasan. Tao na ang sarap ibaon sa limot.Ibaon ng buhay, baka puwede pa.Nakaka-embyerna rin naman kasi, bakit sa department pa nila pumasok ang Lloyd na iyon? Marami namang department na nababagay ang kaguwapuh
Read more

Chapter 5

Dalawang linggo rin siyang hindi ginambala ng binata. Dalawang linggo ring naging matiwasay ang araw ni Sharon. Walang Lloyd na gumagambala at panay buntot sa kaniya.Sa mga araw na iyon ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Okay na siya sa gano’n, ‘yong tipong walang sunod ng sunod at buntot ng buntot. Pakiramdam niya’y ang ganda ng araw niya. Matiwasay, payapa, at gumaganda pa ang aura niya. Ayos lang sa kaniya dahil marami rin naman kasi siyang ginagawa. Ang dami niyang tinatapos. Ang daming lesson plan na dapat tapusin, may mga PowerPoint presentation na dapat gawin, mga activity ng mga bata na dapat bigyan ng pansin. Ang sakit sa ulo at mas sasakit pa ang ulo niya kung dadagdag pa si Lloyd.Aside from that, she’s one of the instructors who assisted to their most awaited culmination ever, the Fashion Runway of the Garments, Fashion and Design. Their students are the highlight of the said culmination. She assisted her students fo
Read more

Chapter 6

Itinaas ni Sharon ang kumot. Ano na namang katangahan ang nagawa niya? Bakit na naman siya nauwi sa ganito? Bakit hindi na naman niya nagawang humindi? Bakit palagi na lang ganito?Tanging kumot na lang ang tumatakip sa kanilang katawan. Kumot na masasabi niyang naging saksi sa kabaliwan niya. Kabaliwan niyang hindi niya matukoy kung bakit palagi niyang nagagawa.Umupo siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. She did it again. She did it again for the second time. Why? She closed her eyes. Bakit hindi niya magawang tanggihan ang binata? Bakit?Tumayo siya. Inilibot ang paningin sa loob ng kuwarto ng binata. Pangalawang pagkakataon na niyang nakapunta sa kuwartong iyon. Sa kuwartong hindi na rin bago sa kaniyang paningin. Kung anong kuwarto ang nadatnan niya noong unang punta niya rito ay ganoon pa rin ang ayos niyon.Pangalawang pagkakataon na ito. Pangalawang pagkakataon na iisa lang ang rason. Sex.Sex, bulong niya. Bakit parang hindi niya kayan
Read more

Chapter 7

Sabado, nagpapasalamat siya dahil walang pasok at puwede pa niya pag-isipan ang susunod na hakbang niya. Dapat niyang pag-isipang mabuti dahil buhay niya ang nakataya.Tunganga siyang nakaharap sa computer. Isang oras na rin mahigit ang nasayang niya dahil wala siyang nagawa kun’di ang makipag-usap ng tahimik sa kaniyang computer.Inabot niya ang isang supot ng junk food at binuksan iyon. Tinatamaan na naman siya ng writer’s block dahil wala na naman siyang maisip na matino. Kung writer’s block ba talaga tawag do’n.Hindi naman siya tinatamaan ng katamaran, sadiyang wala lang talaga siyang maisulat.Nagpasiya na lang siyang humiga sa kama at kinuha ang cellphone. Wala talaga siya saktong huwisyo upang magsulat at isipin kung anong eksena ang dapat isunod.Ilang beses pa lang siyang nakanguya ay biglang umilaw ang hawak niyang cellphone. Number ni Gian ang lumabas doon kaya sinagot na niya.“Labas tayo,” pa
Read more

Chapter 8

“What are you saying?” nauutal niyang tanong.Nakuha pa niyang magtanong kahit hindi na normal ang pagtibok ng puso niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nahanap ang sariling dila. Parang biglang huminto ang paghinga niya nang mapagtantong boses ni Lloyd ang narinig niya sa aparato.Umayos siya ng upo at kinuha ang kumot upang ipantakip sa sariling katawan. Pakiramdam niya kasi ay nasa paligid lang si Lloyd at nagmamasid sa kaniya.Pero imposible naman yata ang iniisip niya. Hindi alam ni Lloyd kung saan siya nakatira. Maliban kung nagtanong ito sa mga kasama nila sa trabaho.Tumayo siya at pinulot ang damit na hinubad niya kanina.Ano ba naman kasi ang naisip niya’t naghubad siya sa harap ng salamin. Akala niya tuloy character siya sa isang porn site.“Are you done moaning my name?” seryosong tanong ni Lloyd sa kabilang linya na nagpatigil sa kaniyang pulutin ang underwear niya.Tumayo siya ng tuw
Read more

Chapter 9

Kinabukasan, tulad ng napang-usapan nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa university. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters tungkol sa five days training seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue. Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kaniya. Be professional, Sharon.Mas okay na nga siya sa gano’n, iyong walang titigan. ‘Yong tipong parang casual lang ang lahat. Dahil kung bumalik sa pagiging malikot si Lloyd, ewan na lang niya talaga. Baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya.Focus. Paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili. Kung hindi lang katawa-tawa tingnan na sapukin niya ang sariling ulo, ginawa na niya sana.Pilit niyang inintindi ang mga sinasabi ni Dean na kanina pa inaayos ang suot nitong salamin. Kailangan na talaga yata nito ng bagong salamin sa mata.Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng university at may three thousand allowance rin silang matatanggap. Sinc
Read more

Chapter 10

Sharon, wasn’t even anyone he imagined he would meet. Babae na hindi niya talaga inakalang matatagpuan niya. Sino ba namang mag-aakala na ito ang gugulo sa matino niyang sistema?At ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng ganito kagandang babae. May magandang ngiti, magagandang mata na palaging may pilyang kislap at ang boses nitong tila ba’y inaakit siya.Hindi niya kayang tumingin sa iba kung ang mata ni Sharon ang tinitingnan niya. Nakakaakit iyon kahit ayaw niyang magpaakit.Ang malambot at matamis nitong mga labi, noong unang kita pa lang niya rito ay gusto na niyang matikman kung anong lasa nito. And when he tasted it, he couldn’t get enough of her.Lloyd shook his head, kailanman ay hindi nangyari kay Lloyd na magkakaganito siya. Halik pa lang ngunit parang mababaliw na siya.Hindi naman siya ganito. Hindi siya madaling mahulog sa mga babae. Nakakatawa na ang isang lalaking hindi na marunong mags
Read more
DMCA.com Protection Status