Kinabukasan, tulad ng napang-usapan nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa university. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters tungkol sa five days training seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue. Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kaniya. Be professional, Sharon.
Mas okay na nga siya sa gano’n, iyong walang titigan. ‘Yong tipong parang casual lang ang lahat. Dahil kung bumalik sa pagiging malikot si Lloyd, ewan na lang niya talaga. Baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya.
Focus. Paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili. Kung hindi lang katawa-tawa tingnan na sapukin niya ang sariling ulo, ginawa na niya sana.
Pilit niyang inintindi ang mga sinasabi ni Dean na kanina pa inaayos ang suot nitong salamin. Kailangan na talaga yata nito ng bagong salamin sa mata.
Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng university at may three thousand allowance rin silang matatanggap.
Sinc
Sharon, wasn’t even anyone he imagined he would meet. Babae na hindi niya talaga inakalang matatagpuan niya. Sino ba namang mag-aakala na ito ang gugulo sa matino niyang sistema?At ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng ganito kagandang babae. May magandang ngiti, magagandang mata na palaging may pilyang kislap at ang boses nitong tila ba’y inaakit siya.Hindi niya kayang tumingin sa iba kung ang mata ni Sharon ang tinitingnan niya. Nakakaakit iyon kahit ayaw niyang magpaakit.Ang malambot at matamis nitong mga labi, noong unang kita pa lang niya rito ay gusto na niyang matikman kung anong lasa nito. And when he tasted it, he couldn’t get enough of her.Lloyd shook his head, kailanman ay hindi nangyari kay Lloyd na magkakaganito siya. Halik pa lang ngunit parang mababaliw na siya.Hindi naman siya ganito. Hindi siya madaling mahulog sa mga babae. Nakakatawa na ang isang lalaking hindi na marunong mags
Hanggang sa kotse ay hindi pa rin kayang pigilan ni Lloyd ang tawa niya dahil sa ginawa niyang kabaliwan. Mga kabaliwan na hindi niya inakalang magagawa niya. Sa buong buhay niya ay hindi niya inisip na magiging ganito siya dahil lang sa isang babae na hindi pa matagal niyang nakilala. Sabi nga niya sa sarili, hindi naman siya ganito noon. Ano kayang nangyari sa kaniya?Imagine, he spent another thousands of his money para maisagawa ang kabaliwan na ito. Walang awa niyang sinayang ang pera na pinaghirapan niya para lang maisakatuparan ang ganitong kalokohan. Aminin man niya o hindi, parang hindi na niya kilala ang sarili niya.Bigla yata siyang nagbago nang hindi niya napapansin. Parang isang pitik lang at kumpas ng kaniyang kamay ay nagbago ang kaniyang ugali.Baka may sakit siya. Malalang sakit na kailangang ipatingin sa doctor.He’s seriously sick. Sick in love. He shook his head in disgust. No one can make him fall in love, no one.Kahit
Hindi alam ni Sharon kung ano ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon. Kung dapat ba siyang makaramdam ng inis o galit na talaga. Kung dapat ba siyang magwala at itapon ang mga gamit niya. Grabe, ito ba ‘yong dahilan ng biyahe niya?Okay, kalma. Kumalma ka, Sharon. Okay? Pagod ka lang. Maaga pa siguro at hindi pa dumadating ang ibang instructors. Okay kalma, paulit-ulit niyang pagkalma sa sarili.Walang tao, walang mga guro o instructors sa hall na siyang inaasahan niya. Lintik! Mali yata ang napuntahan nilang venue!Palagay niya ay hindi ito ang venue na dapat nilang puntahan. Maliban sa parang hindi naman ito pinagdadausan ng isang seminar ay para itong mansiyon. Parang isang malaking bahay ng mayayaman. Halos wala ngang tao eh, maliban doon sa isang babae na nagpupunas ng vase malapit sa pintuan na pinasukan nila kanina.Patuloy pa rin siya sa pagkalma sa sarili. Siguro, maaga pa talaga. Kailangan lang talaga niyang kumalma. Siguro hindi pa prep
Kinabukasan, excited na siyang lumabas sa kaniyang kuwarto. Tapos na siya sa kaniyang morning routine. Tapos na siyang maligo, magbihis, maglagay ng mga kung ano-ano sa mukha. Tapos na rin siyang magsulat ng 500 words sa kaniyang story.Mamaya kapag may time siya, dadagdagan niya ‘yon. Gano’n lang ang routine niya. Tuwing umaga ay nagsusulat siya, naglagay talaga siya ng quota para kahit papaano ay umuusad na siya.Mahirap na, baka mawalan na naman siya ng gana at kung ano-ano na naman ang maisip niyang gawin upang umusad lang ang kuwento na naiwan na ng panahon.Napahinto siya at muling bumalik sa kuwarto. Maiwan na ang lahat, huwag lang ang wallet at cellphone niya.Nang makuha niya ulit iyon ay lumabas na muli siya ng kuwarto.Bitbit ang maliit niyang wallet at personal computer ay tinahak ni Sharon ang makipot na daan patungo sa hagdan. Hindi na siya nag-abalang puntahan ang binata sa kuwarto nito kahit madadaanan naman niya iyon da
Malakas at nakakatakot na hangin, walang tigil na pagbuhos ng ulan, malalakas at kagimbal-gimbal na kulog at kidlat. Senyales na may paparating na bagyo o baka nga ay dumating na talaga. Nakapikit lang si Sharon at nilalabanan ang takot na lumulukob sa kaniyang katawan.Hindi naman siya takot sa kidlat o bagyo noon pero isipin pa lang na wala siya sa sarili niyang bahay ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot at pangamba. Bakit ngayon pa dumating ang bagyo na ‘to kung kailan si Lloyd lang ang kasama niya. Well, maliban doon sa dalawang kasambahay na nakausap niya kaninang umaga.Matapos niyang kausapin si Lloyd tungkol sa damit niya ay hindi ito pumayag na lumabas siya ng bahay upang bumili dahil malakas na pala ang hangin at may ulan na rin pero hindi pa naman masiyadong malakas. Delikado na raw kung pipilitin pa niya kaya hindi na rin siya nagpumilit.Tumalikod na lang siya sa binata at bumulong na maghuhubad na lang siya hanggang sa makauwi sila. Bu
Walang nangyari sa kanila. Pagkatapos niyang maabot ang tuktok ng kaligayahan ay hinalikan siya nito sa noo at kinuha ang cellphone at lumabas ng kuwarto. Kailangan daw nitong tawagan ang Ina.Tulala siyang tumingin sa nilabasan nitong pintuan. Gano’n lang ‘yon? Wala ng iba? Hindi ba dapat ay mag-usap sila?Sabagay, ano ba dapat ang pag-usapan nila.Tumingin siya sa kisame. Kung puwede lang tanungin ang kisame sa lahat ng mga bagay na nalilito siya ay ginawa na niya. Kung sana puwede lang dito isumbat lahat ng hinanakit niya sa buhay, kaso magmumukha lang siyang tanga.“Bakit gano’n? Paano na lang kaya ako kung may girlfriend na pala siya? Paano ako?”Umupo siya at niyakap ang tuhod. Masakit isipin na may girlfriend na si Lloyd, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ang tanga niya rin kasi, binigay niya ang sarili ng ilang beses na hindi alam kung ano ang status ng lalaki.Paano na lang kaya kung may pamily
Maagang nagising si Sharon. Dali-dali siyang nagligpit at nagbihis. Natatawa pa rin talaga siya sa ginawa niya kagabi. Para siyang addict na pinilit si Lloyd sa gusto niyang mangyari.Ang ayaw niya sa lahat ay ‘yong nabibitin siya. Para tuloy siyang loka-loka na pinilit si Lloyd na tuwang-tuwa naman sa inasal niya kagabi.Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya ng kuwarto. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang makita na naman niya ang babae na nakita niya roon noong isang araw.Ngumiti ito sa kaniya na may dalang tray ng pagkain.“Akala ko po hindi ka po lalabas, Ma’am. Kaya dinalhan ko na kayo ni Sir ng pagkain,” magalang nitong saad sa kaniya.“Ay nako, nag-abala ka pa. Doon lang ako sa kusina.”“Sige po.”Sinundan niya ng tingin ang babae na bumaba. Nang hindi na niya matanaw ang dalaga ay doon pa lang niya isinara ang pinto ng kuwarto at sumunod dito.Nang makababa na siya
“Thank you, Lloyd,” matamis na ngiting pasasalamat ni Sharon nang makarating sila sa bahay niya.Mahigpit ang pagkakagapos ng mga daliri niya sa hawak niyang wallet at inayos ang suot niyang itim na casual dress. Muli siyang nagbigay ng ngiti nang tapunan niya ng tingin ang kumikindat na nobyo. Hindi talaga pumayag ang binata na hindi siya ihatid nito, talagang ayaw magpatalo.Kanina pa paulit-ulit nitong pinipilit na gusto raw nitong ihatid siya. Nagreklamo pa kasi nga raw hindi nito alam kung saan siya nakatira. Hanggang paikot na lang sa mata ang nagawa niya kanina.Halos hindi ito nawawalan ng kuwento. Iyong tipong kahit ang nangyari kung paano ito nabunutan ng ngipin noong bata pa ito ay kinuwento pa talaga sa kaniya. Dapat pala naging DJ na lang ito sa isang radio station. Kahit hindi maganda ang jokes pero madadala ka naman sa buhay na buhay nitong pagtawa.Hinawakan ni Lloyd ang kamay niya kaya natigilan siya. Kahit hindi naman malakas
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati
“Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili