Share

Chapter 15

Author: senyora_athena
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Walang nangyari sa kanila. Pagkatapos niyang maabot ang tuktok ng kaligayahan ay hinalikan siya nito sa noo at kinuha ang cellphone at lumabas ng kuwarto. Kailangan daw nitong tawagan ang Ina.

Tulala siyang tumingin sa nilabasan nitong pintuan. Gano’n lang ‘yon? Wala ng iba? Hindi ba dapat ay mag-usap sila?

Sabagay, ano ba dapat ang pag-usapan nila.

Tumingin siya sa kisame. Kung puwede lang tanungin ang kisame sa lahat ng mga bagay na nalilito siya ay ginawa na niya. Kung sana puwede lang dito isumbat lahat ng hinanakit niya sa buhay, kaso magmumukha lang siyang tanga.

“Bakit gano’n? Paano na lang kaya ako kung may girlfriend na pala siya? Paano ako?”

Umupo siya at niyakap ang tuhod. Masakit isipin na may girlfriend na si Lloyd, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ang tanga niya rin kasi, binigay niya ang sarili ng ilang beses na hindi alam kung ano ang status ng lalaki.

Paano na lang kaya kung may pamily

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Sewing the Past   Chapter 16

    Maagang nagising si Sharon. Dali-dali siyang nagligpit at nagbihis. Natatawa pa rin talaga siya sa ginawa niya kagabi. Para siyang addict na pinilit si Lloyd sa gusto niyang mangyari.Ang ayaw niya sa lahat ay ‘yong nabibitin siya. Para tuloy siyang loka-loka na pinilit si Lloyd na tuwang-tuwa naman sa inasal niya kagabi.Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya ng kuwarto. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang makita na naman niya ang babae na nakita niya roon noong isang araw.Ngumiti ito sa kaniya na may dalang tray ng pagkain.“Akala ko po hindi ka po lalabas, Ma’am. Kaya dinalhan ko na kayo ni Sir ng pagkain,” magalang nitong saad sa kaniya.“Ay nako, nag-abala ka pa. Doon lang ako sa kusina.”“Sige po.”Sinundan niya ng tingin ang babae na bumaba. Nang hindi na niya matanaw ang dalaga ay doon pa lang niya isinara ang pinto ng kuwarto at sumunod dito.Nang makababa na siya

  • Sewing the Past   Chapter 17

    “Thank you, Lloyd,” matamis na ngiting pasasalamat ni Sharon nang makarating sila sa bahay niya.Mahigpit ang pagkakagapos ng mga daliri niya sa hawak niyang wallet at inayos ang suot niyang itim na casual dress. Muli siyang nagbigay ng ngiti nang tapunan niya ng tingin ang kumikindat na nobyo. Hindi talaga pumayag ang binata na hindi siya ihatid nito, talagang ayaw magpatalo.Kanina pa paulit-ulit nitong pinipilit na gusto raw nitong ihatid siya. Nagreklamo pa kasi nga raw hindi nito alam kung saan siya nakatira. Hanggang paikot na lang sa mata ang nagawa niya kanina.Halos hindi ito nawawalan ng kuwento. Iyong tipong kahit ang nangyari kung paano ito nabunutan ng ngipin noong bata pa ito ay kinuwento pa talaga sa kaniya. Dapat pala naging DJ na lang ito sa isang radio station. Kahit hindi maganda ang jokes pero madadala ka naman sa buhay na buhay nitong pagtawa.Hinawakan ni Lloyd ang kamay niya kaya natigilan siya. Kahit hindi naman malakas

  • Sewing the Past   Chapter 18

    Bumalik sa dating payapang mundo ang buhay ni Sharon. Balik sa pakikidigmaan sa mga salita, balik sa pakikipag-usap sa mga fictional characters niya. Balik sa pagiging manunulat na ang tanging layunin ay gawing makulay at maganda ang mundo. Balik sa paglikha ng nakakaakit na kuwento, kuwentong hindi kayang bitawan ng mga mambabasa.Balik na rin siya sa trabaho niya bilang isang butihing guro. Guro na kayang gawing malikhain ang isipan upang intindihin ang libo-libong mag-aaral. Hindi madali ang gawain niya sa araw-araw kaya nga nagugulat siya kung paano niya nagawang pagsabayin lahat ng mga gawain niya.Nagmadali siya sa pagbibihis, mahuhuli siya sa trabaho kung usad-pagong ang galaw niya. Kailangan niyang magmadali dahil marami pa siyang dapat na tapusin at maghahanda pa siya sa papalapit na midterm exam ng mga makukulit niyang college students. College students na parang mga high school students. Sobrang kulit na tipong hindi siya dapat magpahinga.Hindi nagta

  • Sewing the Past   Chapter 19

    Mabilis kumalat ang balita tungkol sa kanila ng binata. Basta si Gian ang may dala ng chismis ay daig pa nito ang virus sa bilis ng pag-spread. It only takes a couple of minutes para malaman ng lahat.Kahit bulong lang nito ay tila sigaw na sa lahat. Mahinang bulong ay daig pa ang may megaphone. Kung sa pagdala ng chismis ay hindi na siya lalayo pa, kay Gian lang talagang bilib na siya.Para kasing walking magazine ang baklang si Gian. Halos kilala ito ng lahat ng instructors at students sa loob ng university kaya nga na-fall siya rito dati dahil sikat talaga ito sa panahon nila. Pero ‘yon nga lang, pink ang dugo nito at pareho sila ng hanap. They want jumbo hotdog for breakfast.Tuwing naaalala niya lahat, napapangiti na lang siya. Hindi rin kasi umabot sa isipan niya na baka bakla ang boyfriend niya. Para kasing normal lang ang lahat. Parang walang halong kabaklaan. Kung ano at paano kasi ang nakikita niya sa ibang may karelasiyon, ganoon din ang inaakto

  • Sewing the Past   Chapter 20

    Ilang araw na mula nang magkausap sila ni Kristina pero tila sariwang-sariwa pa sa kaniyang balintataw ang napag-usapan nila. Sariwa pa para kay Lloyd ang mga nalaman niya. Pakiramdam nga niya ay parang ngayon lang sila nag-usap ng dalaga.Para sa kaniya, hindi madali ang mga nalaman niya. Hindi man niya aminin pero ikinatuwa niya nang nalaman niyang may gusto si Kristina sa kaniya pero pilit niya iyon kinalimutan dahil ayaw niyang ito ang maging dahilan ng lahat.Uminom muli siya sa kupita. Mahirap, alam niyang mahirap. Mahirap kung gagawa pa siya ng isang bagay na alam niyang ikakapahamak niya.Nandito na siya sa matinong daan, bakit pa siya gagawa ng mali? Baka nga isa lamang itong patibong ni Kupido para kunwari ay mapahamak siya at mawala ang babae na nais nitong ilaan sa kaniya.“May pagtingin din naman ako kay Kristina. Bakit hindi ko na lang subukan?” tanong niya sa sarili. “Gusto niya rin naman ako, hindi ba? Baka kami talaga.&r

  • Sewing the Past   Chapter 21

    “Ito? Gusto mo?”Hindi na mabilang ni Sharon kung ilang beses nang itanong ni Lloyd iyon. Tango at iling na lang ang ginagawa niya. Tuwing lilingon si Lloyd sa kaniya at may dalang damit o hindi kaya ay mga gamit ay hinahanda niya ang sarili upang tumango at umiling.Hindi niya rin alam kung bakit biglaan ang pag-aya sa kaniya ng binata. Nagulat na nga lang din siya nang pagsagot niya sa tawag nito ay pag-aaya agad ang sumalubong sa kaniya.“Ayaw mo nito?” tanong na naman ni Lloyd na may dalang papel.Napailing na lang siya. Pati papel ba naman?Kung kaya lang sigurong ilagay sa cart ang buong mall, ginawa na siguro ni Lloyd.“Pati papel ba naman? Anong akala mo sa akin, grade 1?” tumatawa niyang puna sa nobyo.“Hindi kasi ‘yan para sa’yo,” sagot nito at nag-una nang maglakad at iniwan siya.Wala na rin naman siyang ibang ginawa kun’di sumunod dito.&ldquo

  • Sewing the Past   Chapter 22

    Alas siyete na ng gabi nang makauwi sila ni Vanessa sa bahay. Pumunta pa kasi ng mall ang pinsan niya upang bumili ng sewing materials. Gaya niya, Garments din ang major nito. Wala siyang nagawa kun’di samahan ang pinsan niya. Balak pa niya sanang kausapin si Gian kanina pero mas kailangan siya ngayon ng pinsan niya.Muli na naman kasing tumubo ang buntot ni Gian, kumekerengkeng na naman at talagang harap-harapan pa kung saktan ang inosente niyang pinsan. Ang pinsan niyang walang kaalam-alam.Alas siyete palang pero parang kakaunti lang ang mga mamimili kanina sa mall, ibang-iba noong nakaraang araw na tila isdang dumagsa. Sabagay, nasa unibersidad na kasi ang isda at si Gian ‘yon.Ibang isda, sobrang malaking isda.“Diba bumili ka last month ng gamit?” tanong niya kay Vanessa nang makarating sila sa bahay.Sa pagkakatanda niya, kompleto sa gamit itong pinsan niya. Hindi kasi ito pumapayag na may kulang ito kahit isa.

  • Sewing the Past   Chatper 23

    Sinusuklay niya ang buhok ni Lloyd gamit ang mga daliri niya habang ang ulo nito ay ginawang unan ang kaniyang hita. Hapong-hapo ang binata na para bang pasan nito ang buong mundo. Kahit ang mga mata nito ay namamaga na dulot ng pag-iyak nito kanina at kahit ang matangos nitong ilong ay namumula na. Walang ibang binanggit ang boyfriend niya maliban sa sinapit ng kapatid nito.Parang kahapon lang nang magkasama sila habang tinutulungan niya itong maglaba. Parang kahapon lang nang pagalitan niya ito dahil sa ginawa nitong kabaliwan sa panty niya. Sino ba namang matino ang gagawing parang cover cellophane ang panty at ginawang cover sa lesson plan! Dios mio, si Lloyd lang naman.At lesson plan pa talaga ang napagtripan nito. Kapag nakita ito ng iba nilang kasama, panigurado, malalang tukso na naman ang aabutin nila.Kung ano-ano na lang ang dinaldal niya upang pagalitan ang binata. Hinablot niya rin at tinabas ang panty niya nang may nakita siyang gunting sa mesa n

Pinakabagong kabanata

  • Sewing the Past   Epilogue

    “Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy

  • Sewing the Past   Chapter 42

    “Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two

  • Sewing the Past   Chapter 41

    “I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.

  • Sewing the Past   Chapter 40

    “Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita

  • Sewing the Past   Chapter 39

    Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap

  • Sewing the Past   Chapter 38

    Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali

  • Sewing the Past   Chapter 37

    Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati

  • Sewing the Past   Chapter 36

    “Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it

  • Sewing the Past   Chapter 35

    “Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili

DMCA.com Protection Status