Itinaas ni Sharon ang kumot. Ano na namang katangahan ang nagawa niya? Bakit na naman siya nauwi sa ganito? Bakit hindi na naman niya nagawang humindi? Bakit palagi na lang ganito?
Tanging kumot na lang ang tumatakip sa kanilang katawan. Kumot na masasabi niyang naging saksi sa kabaliwan niya. Kabaliwan niyang hindi niya matukoy kung bakit palagi niyang nagagawa.
Umupo siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. She did it again. She did it again for the second time. Why? She closed her eyes. Bakit hindi niya magawang tanggihan ang binata? Bakit?
Tumayo siya. Inilibot ang paningin sa loob ng kuwarto ng binata. Pangalawang pagkakataon na niyang nakapunta sa kuwartong iyon. Sa kuwartong hindi na rin bago sa kaniyang paningin. Kung anong kuwarto ang nadatnan niya noong unang punta niya rito ay ganoon pa rin ang ayos niyon.
Pangalawang pagkakataon na ito. Pangalawang pagkakataon na iisa lang ang rason. Sex.
Sex, bulong niya. Bakit parang hindi niya kayang banggitin ang salitang iyon. Bakit parang ang sakit? Wala naman siyang ibang inaasahan, hindi ba? Sex lang naman talaga ang lahat.
Hindi love making ang tawag sa ginagawa nila. Hindi matatawag na love making iyon dahil hindi naman siya mahal ng lalaki. Sex lang talaga ang lahat.
Dahil wala namang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa.
But how about her? Ano bang nararamdaman niya?
Mahal niya kaya si Lloyd?
Lihim siyang napatawa. Mahal? Siya? Magmamahal?
Hinanap niya ang mga damit niya at kinuha iyon. Now, she’s confused. Ano na ang gagawin niya? Sana bampira siya para kaya niyang burahin ang mga alaala ni Lloyd tungkol sa kaniya. Sana nga, kaya niya.
Lumapit siya sa natutulog na binata, umupo sa tabi nito at hinawakan ang mukha.
“Ano bang mayroon sa’yo Lloyd? Kailangan ko na yatang umalis at lumayo sa’yo pero, sa tingin ko hindi ko kaya,” bulong niya.
Hindi niya ba talaga kaya? Pero bakit? Hindi pa naman matagal na nakilala niya ang lalaki pero bakit ganito? Bakit parang kung umasta siya ay matagal na niyang kilala si Lloyd?
Inilapit niya ang mukha sa mukha ng binata at hinalikan ang noo nito. Agad na bumalot ang amoy ng lalaki sa kaniyang pang-amoy.
Amoy na gustong-gusto niya. Amoy na nakaaaddict, amoy na minsan ay hinahanap-hanap niya.
Masama na yata ang takbo ng utak ni Sharon. Panahon na siguro upang lumayo. Gusto lang naman niyang makausad sa kuwentong hindi niya matapos-tapos dahil nawalan siya ng inspirasyon.
Ngunit, hindi lang inspirasyon ang natagpuan niya. Nakatagpo rin siya ng lalaking magpapagulo ng sistema niya, lalaking magpapagulo sa matino niyang buhay.
Muli niyang inilapit ang kaniyang labi sa noo ng binata upang bigyan sana ng isang mabilis na halik ngunit hindi niya natuloy dahil biglang gumalaw si Lloyd.
“Please. Don’t go Joy,” sabi nito na nagpaguho sa kunting pag-asa niya.
Aminin man niya o hindi, batid niyang may part sa kaniyang utak na gustong umasa kay Lloyd. Na baka puwede nilang gawing totoo ang lahat. Na baka may pag-asa pa talaga. Pero tama ba ang umasa sa taong hindi mo naman talaga lubusang kilala?
Maliban sa ito ang may-ari ng bar na napasukan nila ni Gian ay wala na siyang alam tungkol kay Lloyd. Nahihiya rin naman siyang magtanong dahil baka iba ang isipin ng mga tao. Siyempre, may hiya pa rin naman siya.
“Lloyd,” mahina niyang bulong at inilayo ang sarili sa lalaki. “Grabe ka naman, harap-harapan talaga eh,” patuloy niya. Ano pa nga bang magagawa niya? May magagawa pa ba siya upang baguhin ang lahat?
Huminga siya nang malalim at umayos ng upo sa kama. Tumingin siya sa kisame at nag-isip. Kung kaya niya lang bilangin lahat ang mga butiki sa loob ng bahay na ito, ginawa na niya upang hindi pumasok sa utak niya ang pangalan na binanggit ni Lloyd.
“Bakit gano’n?” wala sa sariling naitanong niya habang nakatingin pa rin sa kulay puti na kisame. “Sinasadya ba talaga ng tadhana na marinig kong may babanggitin siyang ibang pangalan?”
Itinaas niya ang kamay at tinuro ang isang butiki na kaharap din ang kalahi nito. “Ikaw, ang landi mo. Bakit kayo magkasama? Ikaw ha! Kapag nabuntis ka, lagot ka sa Nanay mo.”
Tama, lagot ako.
Ilang minuto ang lumipas na nakatunganga lang siya sa kisame. Hilik lang ni Lloyd ang bumabasag na nakabibinging katahimikan sa loob ng silid. Dulot ng katahimikan ay kung ano-ano na lang ang pumasok sa isipan niya. Hindi nga niya namalayan na tumulo na pala ang mga luha niya.
Kailanman ay hindi niya pinangarap maging ganito. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na magkakaganito ang buhay niya. Gusto lang niya ng perpektong relasiyon kahit alam niyang wala naman talagang perpekto.
Kahit nga sa nobela ay pinapahirapan niya ng tudo ang mga tauhan niya. Kung maaari lang ay ipapasok niya sa nag-aalburutong bulkan ang bidang babae upang hindi magkatagpo ang mga tauhan niya.
“Ewan pero ang sarap sa pakiramdam kapag nahihirapan ang mga characters. Parang ang saya-saya ko kapag nasa ganoon silang sitwasiyon,” wika niya sa sarili.
Totoo naman, mula pa noong panahong sinusulat niya ang kaniyang unang akda. Tuwang-tuwa talaga siya kapag may tauhan na umiiyak at naghahanap ng karamay tapos wala ni isang dumating.
Gustong-gusto niya talagang pahirapan ang mga tauhan niya.
Siguro, ito ang kabayaran sa mga ginawa niya sa kaniyang mga tauhan. Ito ang kabayaran sa mga paghihirap na binigay niya kahit maaari namang hindi niya ipatikim ang pait ng kahirapan pero ginagawa niya pa rin.
Pero hindi naman gumaganda ang takbo ng kuwento kung walang nahihirapan. Hindi maganda ang kuwento kung puro kasiyahan lang ang laman. Hindi maganda ang kuwento kung walang aral na mapupulot ang mga mambabasa.
Kaya kung maaari, gagawin niya ang lahat upang gumanda ang akdang sinusulat niya. Binubuhos niya lahat dahil gusto niya na maganda ang kinalabasan.
Muli niyang sinulyapan si Lloyd. Ganoon pa rin ang puwesto nito, bahagyang nakabuka ang labi nito at humihilik pa.
Bakit ba kasi ang ganda ng mga pilikmata niya? Bakit ang guwapo ni Lloyd? Bulong niya sa sarili, pagkatapos ay umiling.
“No, I don’t love you, Lloyd. I really don’t.” Tumayo na siya at nagmamadaling nagbihis pagkatapos niyang mahanap lahat ng mga damit niya.
Mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Ayaw na niyang palipasin pa ang isang panibagong oras na walang ginagawa upang makaalis sa silid ni Lloyd.
Tumayo na siyang muli at nilisan ang kuwarto ng binata.
I don’t love that guy, bulong niyang muli at pilit na kinukumbinsi ang sarili.
“Hindi mo siya mahal, Sharon. Hindi! Hindi mo siya mahal, okay?” paulit-ulit niyang bulong nang makasakay na siya sa elevator pababa. “Hindi mo siya mahal dahil hindi maaari.”
Nilisan niya ang lugar na iyon na parang wala siya sa sarili. Umalis siya na may dalang kirot sa puso. Umalis siya at pinangakong hindi na babalik pa.
Quarter to five ng umaga nang nasa kalsada na si Sharon dala ang isang shoulder bag na nakasabit sa kaniyang kaliwang balikat at naghihintay ng maaaring masakyan pauwi ng bahay. Malamig ang hangin at halos hindi pa nagpapakita ang araw.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na ito at panay tanong siya sa mga luha niya kung bakit ayaw nito tumigil sa pagtulo. Sana man lang sagutin siya nito. Sana man lang alam ng mga luha niya kung bakit siya nagkakaganito. Sana alam nito ang mga sagot sa katanungan niya.
Pakiramdam niya parang ang bilis lang ng lahat. Ganito pala ang magmahal.
Magmahal?
Pumikit siya at pinakiramdaman ang hangin na nanunuot sa kaniyang balat. Parang pinapasok ng hangin ang mga hinanakit niya. Kung sana kaya lang nitong gamutin lahat ng mga dinadaan niyang mga suliranin, kanina pa niya binigay sa hangin.
“Grabe, hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito,” panimula niya na para bang may kausap. “Kung alam ko lang sana nilayuan ko na. Kaso, parang ang hirap nang lumabas. Ang hirap nang lumayo.”
Humakbang siya. “Oh, tusko! Layuan mo ako,” birit niya at nagmulat.
Nakakainis! Deserve niya bang umiyak? Ni hindi nga niya alam kung bakit siya umiiyak ngayon.
Bakit ba? Dahil ba umaga na siya umuwi? Dahil ba dalawang beses na siyang nakama ng binata? Dahil ba hindi niya maintindihan ang sarili niya? O dahil may ibang pangalan itong binanggit pagkatapos nilang gawin ang ganoong bagay? O baka dahil mahal na niya ang binata?
What the fuck! Hindi ka dapat magkaroon ng feelings sa lalaking iyon, Sharon. Hindi dapat!
Hindi talaga, bulong niya sa sarili. Dapat bago ka mahulog sa lalaking ‘yon, kilalanin mo muna, naiintindihan mo ba? At isa pa, Sharon. Hindi siya guwapo, ang pangit-pangit niya. Ang baduy, wala sa uso ang porma niya. Hindi nga marunong umintindi kung gusto mo ba o ayaw eh.
Diba? Diba?
Hindi.
Bumuga siya ng hangin. Nababaliw na yata talaga siya. Pati sarili niya ayaw ng sumunod. Paano ba niya sasabihin na hindi guwapo ang binata kung malaki ang ebidensiya? Ni kahit pumikit siya ay nakikita niya ang mukha nito. Kitang-kita niya sa kaniyang balintataw kung paano siya pinaligaya ni Lloyd.
Kahit nga sa mga oras na ito ay ramdam pa niya ang mga haplos ng binata. Kung paano nito ginamit ang sariling mga kamay upang mapaligaya siya. Kung paano nito ginamit ang mga labi upang sambahin ang kaniyang katawan.
Bawat haplos, halik, at yakap ng binata ay hindi kayang burahin ng kaniyang sistema. Parang gusto pa nga niyang bumigay upang maulit ang pangyayari na iyon.
Gusto niya ulit makulong sa mga bisig ni Lloyd. Gusto niyang maramdaman ulit ang init ng yakap ng lalaki. Nais niya ulit na maapuhap ang tamis ng halik ng binata na wari ay bumubulong sa kaniya.
“Gusto ko ‘yon, dati,” matigas niyang wika. “Pero ngayon? Hindi na.”
Paano ba niya magagawang magpakasaya muli sa kaniyang nasaksihan. May binanggit itong ibang pangalan at nasasaktan siya. Hindi niya mawari kung bakit. Hindi niya maintindihan kung dapat ba niyang maramdaman iyon.
Sana kaya siyang sampalin ng hangin upang magising siya sa kabaliwan niya. Sana isang pitik lang ng kaniyang daliri ay muli na siyang bumalik sa nakaraan niya. Sana kaya niyang gisingin ang sarili upang hindi na siya nalilito.
Paano nga ba bumalik?
“Ma’am? Sasakay po ba kayo?” tanong ng taxi driver sa kaniya na nagpagising sa diwa niya. She nodded, wiped her tears and get in the cab.
Sana kaya nga niyang lumimot. Sana kaya niyang kalimutan ang lahat. Sana pagdating niya sa bahay ay bigla na lang mapapawi ang mga hinanakit niya.
Pero, sino nga ba ang Joy na iyon? Bakit gusto ni Lloyd na manatili ito? Iniwan ba siya?
Mahina siyang natawa. Ano bang pakialam niya kung sino ang babae na iyon? Ano bang pakialam niya kung iniwan si Lloyd?
Correct, wala siyang pakialam. May kaniya-kaniya silang buhay.
Dahan-dahan siyang ngumiti. Be professional.
Binuksan niya ang kaniyang sling bag at hinanap ang cellphone. Ano kayang nangyari sa event kagabi? Bigla na lang kasi siyang hinatak ni Lloyd papasok sa sasakyan nito at umalis sa nag-iingay na gymnasium.
Pagkatapos no’n ay hindi na niya kayang isipin pa kung ano ang sumunod na nangyari. Parang ang dali lang ng mga nangyari sa gabing iyon.
Tumango siya kay Lloyd. Nagpatianod. Sinunod ang mga hiningi nito. At…
Tama na, kaya ka nasasaktan eh. Kasi kahit ang mga bagay na hindi na dapat balikan ay pilit mong binubuksan.
Binuksan niya ang cellphone. Ang daming missed calls at text na hindi niya nasagot at nabasa. Ang iba ay galing kay Gian at hinahanap siya. Ang iba naman ay galing sa mga kasamahan niya at sa mga estudyante niya.
Ano kayang nangyari?
May isang text din na galing sa kanilang Dean. Isang text na wala rin namang laman. Napataas ang kaniyang kilay. Ano namang trip ng Dean nila at nag-send ng isang text na walang laman?
Tinawagan niya si Gian. Nakadalawang tawag siya bago sinagot ng bakla. Halata pa sa boses nito na bago itong gising.
“Anong nangyari?” tanong niya habang naririnig niyang humikab ang nasa kabilang linya.
“Good morning, Sharon. Kumusta ang gabi na kasama si Lloyd? Grabe kayo, talaga pang nagsama kayo, ano? Habang kami sa gym ay nagtataka dahil kayo pa talagang dalawa ang nawala. Nakalimutan niyo yata na kayo ang gagawa sa closing ceremony! Good luck ka na lang sa Dean natin. Mukhang magpapalabas na naman iyon ng apoy. Bye!”
Hindi na niya nagawang sumagot dahil biglang naputol ang linya.
Patay! Anong nagawa ko?
“Saan tayo Ma’am?” tanong ng driver sa kaniya na hindi pa pala pinapaandar ang taxi.
Sinabi niya ang address niya.
You have to be strong, bulong niya sa sarili.
Sabado, nagpapasalamat siya dahil walang pasok at puwede pa niya pag-isipan ang susunod na hakbang niya. Dapat niyang pag-isipang mabuti dahil buhay niya ang nakataya.Tunganga siyang nakaharap sa computer. Isang oras na rin mahigit ang nasayang niya dahil wala siyang nagawa kun’di ang makipag-usap ng tahimik sa kaniyang computer.Inabot niya ang isang supot ng junk food at binuksan iyon. Tinatamaan na naman siya ng writer’s block dahil wala na naman siyang maisip na matino. Kung writer’s block ba talaga tawag do’n.Hindi naman siya tinatamaan ng katamaran, sadiyang wala lang talaga siyang maisulat.Nagpasiya na lang siyang humiga sa kama at kinuha ang cellphone. Wala talaga siya saktong huwisyo upang magsulat at isipin kung anong eksena ang dapat isunod.Ilang beses pa lang siyang nakanguya ay biglang umilaw ang hawak niyang cellphone. Number ni Gian ang lumabas doon kaya sinagot na niya.“Labas tayo,” pa
“What are you saying?” nauutal niyang tanong.Nakuha pa niyang magtanong kahit hindi na normal ang pagtibok ng puso niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nahanap ang sariling dila. Parang biglang huminto ang paghinga niya nang mapagtantong boses ni Lloyd ang narinig niya sa aparato.Umayos siya ng upo at kinuha ang kumot upang ipantakip sa sariling katawan. Pakiramdam niya kasi ay nasa paligid lang si Lloyd at nagmamasid sa kaniya.Pero imposible naman yata ang iniisip niya. Hindi alam ni Lloyd kung saan siya nakatira. Maliban kung nagtanong ito sa mga kasama nila sa trabaho.Tumayo siya at pinulot ang damit na hinubad niya kanina.Ano ba naman kasi ang naisip niya’t naghubad siya sa harap ng salamin. Akala niya tuloy character siya sa isang porn site.“Are you done moaning my name?” seryosong tanong ni Lloyd sa kabilang linya na nagpatigil sa kaniyang pulutin ang underwear niya.Tumayo siya ng tuw
Kinabukasan, tulad ng napang-usapan nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa university. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters tungkol sa five days training seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue. Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kaniya. Be professional, Sharon.Mas okay na nga siya sa gano’n, iyong walang titigan. ‘Yong tipong parang casual lang ang lahat. Dahil kung bumalik sa pagiging malikot si Lloyd, ewan na lang niya talaga. Baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya.Focus. Paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili. Kung hindi lang katawa-tawa tingnan na sapukin niya ang sariling ulo, ginawa na niya sana.Pilit niyang inintindi ang mga sinasabi ni Dean na kanina pa inaayos ang suot nitong salamin. Kailangan na talaga yata nito ng bagong salamin sa mata.Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng university at may three thousand allowance rin silang matatanggap.Sinc
Sharon, wasn’t even anyone he imagined he would meet. Babae na hindi niya talaga inakalang matatagpuan niya. Sino ba namang mag-aakala na ito ang gugulo sa matino niyang sistema?At ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng ganito kagandang babae. May magandang ngiti, magagandang mata na palaging may pilyang kislap at ang boses nitong tila ba’y inaakit siya.Hindi niya kayang tumingin sa iba kung ang mata ni Sharon ang tinitingnan niya. Nakakaakit iyon kahit ayaw niyang magpaakit.Ang malambot at matamis nitong mga labi, noong unang kita pa lang niya rito ay gusto na niyang matikman kung anong lasa nito. And when he tasted it, he couldn’t get enough of her.Lloyd shook his head, kailanman ay hindi nangyari kay Lloyd na magkakaganito siya. Halik pa lang ngunit parang mababaliw na siya.Hindi naman siya ganito. Hindi siya madaling mahulog sa mga babae. Nakakatawa na ang isang lalaking hindi na marunong mags
Hanggang sa kotse ay hindi pa rin kayang pigilan ni Lloyd ang tawa niya dahil sa ginawa niyang kabaliwan. Mga kabaliwan na hindi niya inakalang magagawa niya. Sa buong buhay niya ay hindi niya inisip na magiging ganito siya dahil lang sa isang babae na hindi pa matagal niyang nakilala. Sabi nga niya sa sarili, hindi naman siya ganito noon. Ano kayang nangyari sa kaniya?Imagine, he spent another thousands of his money para maisagawa ang kabaliwan na ito. Walang awa niyang sinayang ang pera na pinaghirapan niya para lang maisakatuparan ang ganitong kalokohan. Aminin man niya o hindi, parang hindi na niya kilala ang sarili niya.Bigla yata siyang nagbago nang hindi niya napapansin. Parang isang pitik lang at kumpas ng kaniyang kamay ay nagbago ang kaniyang ugali.Baka may sakit siya. Malalang sakit na kailangang ipatingin sa doctor.He’s seriously sick. Sick in love. He shook his head in disgust. No one can make him fall in love, no one.Kahit
Hindi alam ni Sharon kung ano ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon. Kung dapat ba siyang makaramdam ng inis o galit na talaga. Kung dapat ba siyang magwala at itapon ang mga gamit niya. Grabe, ito ba ‘yong dahilan ng biyahe niya?Okay, kalma. Kumalma ka, Sharon. Okay? Pagod ka lang. Maaga pa siguro at hindi pa dumadating ang ibang instructors. Okay kalma, paulit-ulit niyang pagkalma sa sarili.Walang tao, walang mga guro o instructors sa hall na siyang inaasahan niya. Lintik! Mali yata ang napuntahan nilang venue!Palagay niya ay hindi ito ang venue na dapat nilang puntahan. Maliban sa parang hindi naman ito pinagdadausan ng isang seminar ay para itong mansiyon. Parang isang malaking bahay ng mayayaman. Halos wala ngang tao eh, maliban doon sa isang babae na nagpupunas ng vase malapit sa pintuan na pinasukan nila kanina.Patuloy pa rin siya sa pagkalma sa sarili. Siguro, maaga pa talaga. Kailangan lang talaga niyang kumalma. Siguro hindi pa prep
Kinabukasan, excited na siyang lumabas sa kaniyang kuwarto. Tapos na siya sa kaniyang morning routine. Tapos na siyang maligo, magbihis, maglagay ng mga kung ano-ano sa mukha. Tapos na rin siyang magsulat ng 500 words sa kaniyang story.Mamaya kapag may time siya, dadagdagan niya ‘yon. Gano’n lang ang routine niya. Tuwing umaga ay nagsusulat siya, naglagay talaga siya ng quota para kahit papaano ay umuusad na siya.Mahirap na, baka mawalan na naman siya ng gana at kung ano-ano na naman ang maisip niyang gawin upang umusad lang ang kuwento na naiwan na ng panahon.Napahinto siya at muling bumalik sa kuwarto. Maiwan na ang lahat, huwag lang ang wallet at cellphone niya.Nang makuha niya ulit iyon ay lumabas na muli siya ng kuwarto.Bitbit ang maliit niyang wallet at personal computer ay tinahak ni Sharon ang makipot na daan patungo sa hagdan. Hindi na siya nag-abalang puntahan ang binata sa kuwarto nito kahit madadaanan naman niya iyon da
Malakas at nakakatakot na hangin, walang tigil na pagbuhos ng ulan, malalakas at kagimbal-gimbal na kulog at kidlat. Senyales na may paparating na bagyo o baka nga ay dumating na talaga. Nakapikit lang si Sharon at nilalabanan ang takot na lumulukob sa kaniyang katawan.Hindi naman siya takot sa kidlat o bagyo noon pero isipin pa lang na wala siya sa sarili niyang bahay ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot at pangamba. Bakit ngayon pa dumating ang bagyo na ‘to kung kailan si Lloyd lang ang kasama niya. Well, maliban doon sa dalawang kasambahay na nakausap niya kaninang umaga.Matapos niyang kausapin si Lloyd tungkol sa damit niya ay hindi ito pumayag na lumabas siya ng bahay upang bumili dahil malakas na pala ang hangin at may ulan na rin pero hindi pa naman masiyadong malakas. Delikado na raw kung pipilitin pa niya kaya hindi na rin siya nagpumilit.Tumalikod na lang siya sa binata at bumulong na maghuhubad na lang siya hanggang sa makauwi sila. Bu
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati
“Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili