“Oh my God! Ano iyang pinapanood mo?”
Napalingon siya sa labas nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki. Pinaikot niya ang mga mata, hindi pala lalaki kun’di isang bakla.
Nayanig yata ang buong bahay ni Sharon dahil sa lakas na bulalas ni Gian nang makita ang pinapanood niya sa kaniyang personal computer.
Simple lang naman ang pinapanood niya, isang bed scene ng sikat na movie sa Hollywood pero kung maka-react naman ang baklang Gian na ito ay parang guguho na ang mundo niya. Sa lakas ba naman ng sigaw nito, tiyak pati eardrums niya ay kailangan na niyang ipatingin sa doctor.
Napailing na lang si Sharon. Sabagay, bakit pa nga ba siya magtataka kung ganiyan umarte si Gian? Sa tinagal-tagal ba naman nilang nagsama ay hindi talaga nagbago ang ugali nito.
Mula noong nakilala niya ito na kahit hindi pa ito tuluyang nagladlad ay masakit na talaga sa tainga ang boses nito na minsan ay ginagawa rin naman nitong lalaki kapag nagsasalubong na ang mga kilay niya.
“Obvious ba?” walang ganang sagot ni Sharon at padabog na muling tumingin sa personal computer. Ibinalik niya sa computer ang atensiyon at nag-focus muli sa pinapanood.
Kung maaari lang sana ay isulat pa niya sa kuwaderno ang bawat eksena para paniguradong hindi niya ito makalimutan. Mula sa paghalik, pagyakap, mga galaw ng bida hanggang sa mauwi sa kama ang lahat.
Kailangan niya talaga ng ibayong focus para kahit papaano ay umayos naman ang takbo ng ginagawa niya. Sa tinagal-tagal ng panahon na inilaan niya para dito ay wala pa rin siyang napala.
“Ang wild naman niyan, Inday, birhen pa po ang aking mga mata,” reklamo na naman ng katabi niya.
Ano na namang kadramahan nito sa buhay? Minsan, napapatanong siya sa sarili niya. Bakit at paano niya kaya natiis ang kaartehan ni Gian? Parang isang malaking himala kasi at natiis niya ang baklang ‘to.
Kahit noong panahon na halos walang minuto na hindi niya ito kasama. Kung iisipin niya pa nga lang ang mga nangyari ay parang hindi niya talaga kaya. Kaya nakapagtataka kung paano niya iyon natiis lahat.
“Mata mo na lang ang virgin, Gian—”
“It’s Janine, not Gian,” putol nito sa litanya niya habang pinapatirik ang mga mata.
Nagagalit talaga si Gian kapag tinatawag ito sa totoong pangalan. Kahit ang mga estudyante nito at kasama sa trabaho ay walang magawa kapag nais nito na tawagin ito sa pangalang Janine. Ewan kung saan napulot ng baklang ‘to ang pangalang Janine.
Pero kahit ganiyan ang ugali ni Gian ay may isang babae na hindi sinusunod ang mga rules nito. Sana nga lang ay magawa ng babae na iyon na gawin matuwid ang balikong utak ng ex-boyfriend niya.
“Lalaki ka, hindi babae,” pagtatama niya sa pinagsasabi ni Gian.
“Excuse me, bakla po ako.”
Hindi na niya pinatulan ang pagda-drama ng bakla niyang ex-boyfriend. Sa totoo lang, naging boyfriend niya talaga ang maarteng baklang fashion designer na ito. Ang kaso nga lang, naging cover girl lang pala siya dahil ayaw pa nitong kumanta ng Ako’y isang serena. Ewan din ba niya kung bakit hindi niya ito naamoy. Mas malandi pa pala ito sa kaniya.
“Ano na naman ba kasing drama mo, Sharon? Bakit nanonood ka niyan?” tanong nito pagkaraan ng ilang minuto.
Tumabi ito sa kaniya at inilapag ang isang bowl ng popcorn na kinuha pa nito sa kusina niya at nagsimula itong kumain.
Ito lang yata ang bakla na hindi nawawalan ng pagkain.
May malaki kasi siyang proyekto na isinusulat ngayon na kahit anong gawin niyang magsulat sa bed scene part ay wala talaga siyang maidugtong. Writer’s block yata ang arte ng kaniyang utak at ayaw talagang makipag-cooperate sa kaniya kaya ang ending, sa panonood at research siya napunta at nagbabakasakaling may makuha siyang kahit anong ideya.
Halos dalawang oras na ang nasayang niya sa panonood pero wala pa rin siyang nakuhang papatok sa kuwento niya. Tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana.
Dati naman ay hindi siya nahihirapan na gumawa ng bed scene. Tila nga ay ito ang naging pinakamadaling parte para sa kaniya tuwing nagsusulat siya ng erotica. Parang mga alon sa dagat kung dumating ang mga eksena para kay Sharon kaya hindi siya nauubusan ng kuwento.
Pero parang nagbago ang lahat.
Nakakainis na, bulong niya sa sarili.
“You know what, bakit hindi ka pumunta sa field at ikaw mismo ang gumawa ng paraan para maranasan ang sinusulat mo. Hindi ‘yong nagsusulat ka nga pero wala kang experience.” Narinig niyang nagsalita na naman ang kaniyang katabi habang ngumunguya ng popcorn.
Minsan talaga, may napapala naman siya kay Gian. Iyon nga lang, kung hindi matino ang sinasabi nito, puro naman kalokohan na minsan pa ay ikapapahamak nila.
Naisip din naman niya ang ganiyang ideya pero hindi madaling isagawa ang ganiyang plano. Pagkababae niya ang nakasalalay doon at idagdag pa na wala siyang nobyo.
“Ang sarap ng popcorn, ‘no?” pagbibiro niya pero hindi pinansin ni Gian.
“Kung iniisip mo ang virginity mo, twenty-six years old ka na. Hindi mo ba rin naisip na it’s time to taste the heaven? Ay perfect!” dagdag nito at pumalakpak pa na para bang nakaisip ng matinong ideya.
Napatulala siya. Twenty-six years old na pala siya pero ang baklang Gian lang ang naging nobyo niya. Paano siya nakasulat ng labin-limang libro na may bed scene content?
Tindi ng imagination mo te, natatawang bulong niya sa sarili.
Tiningnan niya si Gian, guwapo rin naman ito, maganda ang pangangatawan. Bakit hindi na lang si Gian? Bakit hindi na lang ito ang gawin niyang totoong lalaki?
“Perfect nga! Ikaw na lang Gian!” sigaw niya at hinampas sa braso ang katabi kaya nahulog sa sahig lahat ng popcorn na hawak ni Gian.
“Hoy Dios mio! Maghunos-dili ka girl! Kalahi mo rin ako,” nandidiring tugon nito at umarte na tila nasusuka sa sinabi niya at hindi na ininda ang mga popcorn na nagkalat na sa sahig.
Sabi ko nga bakla ka.
“Pero don’t worry, marami akong kilala na perfect sa taste mo pero ‘wag mong agawin sa akin si Lloyd. Don’t you dare!” nanlilisik ang mga matang saad nito.
“Sinong Lloyd?”
“Lloyd Gonzales.”
“Sharon Alvarez! Mag-ha-hunt tayo ng boys tapos ganiyan ang hitsura mo?” Sigaw lang ni Gian ang laman ng kuwarto niya.
Ito na ang gabing isasagawa na niya ang kaniyang plano. Kaya panay puna si Gian sa suot niya, nagdadalawang isip na tuloy siya. Kaya ba niya talaga? Handa na ba siya? Pagkatapos ng gabing ito, hindi na siya birhen.
“What’s wrong with my dress?” nakapamaywang na tanong niya. Nakalimutan niya yatang fashion designer pala ang kausap niya at bakla pa pero hindi niya talaga makita ang mali sa suot niyang pajama at oversized t-shirt na white na pinapalibutan ng mukha ni Pikachu. It covers all her body well.
“Sis, hindi ka matutulog do’n. Bakit ganiyan ang suot mo?” tanong ulit nito habang minamasahe ang sintido.
“Sa kama rin naman ang punta. Prepared nga ko eh.”
“Gaga! So, paano ka mang-aakit niyan?” nanlaki ang mga matang tanong ni Gian.
Dahan-dahan niyang nilapitan ang baklang ex-boyfriend niya na malaki ang pangangatawan. Kung sana hindi lang ito bakla ay ito na sana ang ginamit niya para sa gusto niyang mangyari ngayong gabi. Guwapo kasi ito, hindi mo talaga masasabi na berde ang dugo ng hinayupak na ito.
Kung si Gian ang gagamitin niya, panigurado na hindi siya makararamdaman ng kung anong panghihinayang. Maganda ang genes ng ex-boyfriend niya, iyong tipong hinahabol ng mga kababaihan ngunit lalaki ang hinahabol ng hinayupak na baklang ‘to.
“Kinikilabutan ako sa’yo Sharon! Magtigil ka nga!” Pigil hininga siyang napahiga sa kama. Her laugh feels the whole room.
Nako naman Lord, bakit bading itong kaibigan ko?
“Tumayo ka diyan girl, ‘wag mo akong artehan. Writer ka, hindi artista.” Hinawakan nito ang kamay niya upang ibangon siya. She rolled her eyes. “Since you want to get laid tonight. Maghahanap tayo ng magandang damit na makakaakit sa mga guwapong lalaki. Omg! I’m so excited,” sabi nito at hinalungkat ang mga damit niya sa closet.
“Bakit kasi kailangan ko pang magpalit?” reklamo niya na hindi sinagot ng kaibigan niya. Napailing na lang siya.
Pagbalik ni Gian ay may dala na itong damit. Damit na hindi niya kayang ipaliwanag. Isa siyang mananahi pero wala siyang maalala na bumili o nagtahi siya ng ganitong damit.
Black top, actually crop top iyon na may lace sa lower hemline at marami pang dalang damit ang bading niyang ex-boyfriend.
Saan kaya nito nahanap ang mga telang iyan?
And after ten minutes, she was amazed, the clothes safely covered her up. Naglagay din siya ng pampaganda upang mas magningning daw ang ganda niya.
“Now, you’re ready,” bulong nito sa tainga niya. “Make me proud, honey.”
Sa edad na bente-sais, wala siyang nightlife. Mas gugustuhin pa niyang magtambay sa kuwarto at magsulat. Ayaw niya sa ilaw na dulot ng club, nahihilo siya at mas lalong ayaw niya sa maingay. No’ng tinanong siya ni Gian kung saang bar sila pupunta, sinagot niya ito ng katahimikan.
“Ano pa bang aasahan ko sa’yo bruha?”
She was breathing hard, and keep asking herself if she was really sure of what she was going to do. Siguro, ito na ang tamang oras na burahin na niya ang salitang birhen sa buhay niya. Ano ‘to te? Tatanda siyang birhen? Ayaw din naman niya ng ganoʼn.
“Sana deserving ‘yong lalaking makikita ko mamaya,” wala sa sariling banggit niya.
“Nagdadalawang isip ka na ba?”
Umiling siya. She wanted to get rid of it. Tonight! Nang huminto na ang kotse na sinasakyan nila ay hindi na niya maintindihan ang pagtibok ng kaniyang puso. Tila may sariling ritmo na iyon. This is it, no turning back Sharon. Keep calm, you can do this.
“Smile, honey. Choose wisely,” bulong ni Gian sa kaniya. She nodded.
Dapat guwapo at matino ang mapili mo, sabi niya sa sarili at diretsong pumasok sa bar. Walang lingon-lingon. Focus.
Si Gian na ang umasikaso sa gate pass nila, hindi rin siya sigurado kung gate pass ba talaga ang tawag doon. She welcomed with lights and music. God, she hates it.
Desenting bar din naman pala itong pinasukan nila. Iniisip pa naman niya ay iyong bar na nakikita niya sa TV, iyong kahit saan siya tumingin may nagkakainan ng labi. Eww, gross.
Halatang mga professional ang nandito sa loob ng bar na naghahanap ng refreshment. Sabagay, professional din naman siya. Bukod sa pagsusulat, isa siya sa bestselling erotic writer sa mundo ng W*****d. She’s also a teacher, college teacher.
“My God, sist! Ang daming pogi. Daming fafa!” tili ni Gian sa kaniya. Baklang ‘to! Hindi niya talaga alam kung bakit naging nobyo niya ito noon.
“I’m watching you ha? Take care. Choose wisely, bebegirl,” sabi nito at pumunta sa isang mesa.
“Do you think na mababantayan mo pa akong bakla ka?” She rolled her eyes.
Hmm, so anong gagawin ko ngayon? She steps.
Hanggang nakarating siya sa isang mesa na walang nakaupo. Puwede na siguro siyang tumambay dito kahit saglit lang. Sino kaya sa mga lalaking ito ang puwede niya maging target ngayong gabi? Natawa siya sa naisip. Parang bampira lang. Ang ganda naman niyang bampira.
Inilibot niya ang paningin. Naghahanap ng maaaring maging target. Pero wala, wala talagang nakapasa sa panlasa niya. Wala kahit isa. Gusto ko ng chinito pero iyong med’yo may kalakihan ang mata. Okay, she’s already a bit crazy.
“Hindi naman pala madaling maghanap. Kalerkey!” sabi niya sa sarili.
“Maghanap ng?” tugon ng isang baritong tinig.
My god, narinig niya ko? Ay malamang napalakas yata ang pagsabi ko kanina. Agad siyang lumingon para tiyakin kung sino ang sumagot sa kaniya. When she laid her eyes, she slowly bit her lowerlip. Oh, my goodness! Ang guwapo, para itong hunk na lumabas galing sa magazine or isang greek god na nag-anyong tao.
“Do you mind if I seat?” tanong nito sa kaniya na nagpatanga sa kagandahan niya.
Ang ganda ng boses nito. ‘Yong lalaking kaharap niya ngayon ay parang ang hero sa sinusulat niyang nobela. Matangkad, matangos ang ilong, at tamang-tama ang pangangatawan. Sayang nga lang hindi maliwanag ang ilaw, kaya hindi niya mausisa ng maayos ang binata. She smiled.
“Of course, have a seat,” nakangiting sabi niya.
“Ano ba ‘yong hinahanap mo? Baka makatulong ako,” tanong naman nito.
“Ahm, gift,” nauutal niyang sagot sa binata.
Lihim niyang kinastigo ang sarili. Hindi dapat siya mautal baka ma-disappoint itong kaharap niya. Kinalma niya ang sarili at nagpalabas ng malakas na hininga.
“Gift for what?”
“For myself,” she said and smiled, exposing her white teeth and her dimples.
“I see, a birthday gift.”
“Nope, by the way I’m Sharon,” sabay lahad ng kamay niyang sabi sa binata. “And you are?”
“Lloyd, Lloyd Gonzales.”
The game is about to start.
Bawat galaw ng lalaki ay sinusundan niya, pati galaw ng daliri nito ay hindi niya pinapalagpas. His bone structure looked perfect and solid. Nang tumama sa lalaki ang ilaw, pinagmasdan niya ito ng mabuti. And only two words can describe the man perfectly.Greek God!Ngayon pa lang siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. Ni hindi nga siya makapaniwala na makikita niya ang hero sa sinusulat niyang nobela.Hindi nga niya mapigilang matawa habang sinusulat niya ang hitsura ng hero niya habang tinatanong ang sarili na may tao kayang ganito ang hitsura? Like, hello? Nasobrahan yata siya sa pagbabasa ng fiction novel.Bago kasi siya magsimulang magsulat ay pinagtutuunan niya muna ng pansin ang hitsura ng magiging hero at heroine niya sa nobela. Kinikilala niya munang mabuti bago isalang sa kuwento. Mas mabuti kasi na makilala muna ang mga tauhan nang hindi maligaw ang manunulat.Kahit maliit na detalye ay kinakabesado niyang mabuti. Kahit paggalaw lang
“Sharon! Open the door,” sigaw ni Gian.Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Halos sa bahay na niya kasi ito tumira na para bang bahay na rin nito ang bahay niya.Alas-sais na ng gabi. Medyo masakit pa rin talaga ang ibabang parte niya. She can’t even walk properly. Kaya ang resulta, hindi siya nakapasok sa trabaho. Wala din naming problema kasi nag-excuse na rin siya. Sick leave for one week. May sakit naman talaga siya. Masakit ang cherrypop niya.“Sharon! Bakla! Ano ba!?” sigaw ulit ni Gian na hindi niya matukoy kung sigaw ba talaga iyon o tumitili na ito.Bakit ba kasi nandito ang baklang ‘to?“Wait a second, will you? Hindi makahintay ‘te? May lakad?” inis na sagot niya at dahan-dahang naglakad para pagbuksan ang buwisita niya.Bakit ba kasi malaki ang talong ng lalaking iyon? Wala sa sariling naitanong niya at natawa pagkatapos. Compliment ba iyon o hindi?She managed to w
Panay iwas si Sharon, kung maaari nga lang ay hindi na talaga siya tatapak sa Education Department. Kung kaya niya lang sana ay hindi na talaga siya tatapak sa lugar na ‘to. Parang gusto na lang niya na magtambay na lang sa lab ng major niya upang hindi masilayan ang pagmumukha ni Lloyd na ayaw na niya talagang makita pa.Hindi naman sa ayaw na niya talagang makita si Lloyd. Pakiramdam niya lang kasi kapag nalalapit siya sa taong iyon ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Parang tila nagkakaroon ng sariling utak at mundo ang katawan niya at hindi na sumusunod sa nais niya.Pakiramdam niya na ang department nila ay isa na sa lugar na mapapahamak siya kung tatapakan niya. Lugar na kung saan naroon ang isang tao na dapat niya talagang iwasan. Tao na ang sarap ibaon sa limot.Ibaon ng buhay, baka puwede pa.Nakaka-embyerna rin naman kasi, bakit sa department pa nila pumasok ang Lloyd na iyon? Marami namang department na nababagay ang kaguwapuh
Dalawang linggo rin siyang hindi ginambala ng binata. Dalawang linggo ring naging matiwasay ang araw ni Sharon. Walang Lloyd na gumagambala at panay buntot sa kaniya.Sa mga araw na iyon ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Okay na siya sa gano’n, ‘yong tipong walang sunod ng sunod at buntot ng buntot. Pakiramdam niya’y ang ganda ng araw niya. Matiwasay, payapa, at gumaganda pa ang aura niya. Ayos lang sa kaniya dahil marami rin naman kasi siyang ginagawa.Ang dami niyang tinatapos. Ang daming lesson plan na dapat tapusin, may mga PowerPoint presentation na dapat gawin, mga activity ng mga bata na dapat bigyan ng pansin. Ang sakit sa ulo at mas sasakit pa ang ulo niya kung dadagdag pa si Lloyd.Aside from that, she’s one of the instructors who assisted to their most awaited culmination ever, the Fashion Runway of the Garments, Fashion and Design. Their students are the highlight of the said culmination. She assisted her students fo
Itinaas ni Sharon ang kumot. Ano na namang katangahan ang nagawa niya? Bakit na naman siya nauwi sa ganito? Bakit hindi na naman niya nagawang humindi? Bakit palagi na lang ganito?Tanging kumot na lang ang tumatakip sa kanilang katawan. Kumot na masasabi niyang naging saksi sa kabaliwan niya. Kabaliwan niyang hindi niya matukoy kung bakit palagi niyang nagagawa.Umupo siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. She did it again. She did it again for the second time. Why? She closed her eyes. Bakit hindi niya magawang tanggihan ang binata? Bakit?Tumayo siya. Inilibot ang paningin sa loob ng kuwarto ng binata. Pangalawang pagkakataon na niyang nakapunta sa kuwartong iyon. Sa kuwartong hindi na rin bago sa kaniyang paningin. Kung anong kuwarto ang nadatnan niya noong unang punta niya rito ay ganoon pa rin ang ayos niyon.Pangalawang pagkakataon na ito. Pangalawang pagkakataon na iisa lang ang rason. Sex.Sex, bulong niya. Bakit parang hindi niya kayan
Sabado, nagpapasalamat siya dahil walang pasok at puwede pa niya pag-isipan ang susunod na hakbang niya. Dapat niyang pag-isipang mabuti dahil buhay niya ang nakataya.Tunganga siyang nakaharap sa computer. Isang oras na rin mahigit ang nasayang niya dahil wala siyang nagawa kun’di ang makipag-usap ng tahimik sa kaniyang computer.Inabot niya ang isang supot ng junk food at binuksan iyon. Tinatamaan na naman siya ng writer’s block dahil wala na naman siyang maisip na matino. Kung writer’s block ba talaga tawag do’n.Hindi naman siya tinatamaan ng katamaran, sadiyang wala lang talaga siyang maisulat.Nagpasiya na lang siyang humiga sa kama at kinuha ang cellphone. Wala talaga siya saktong huwisyo upang magsulat at isipin kung anong eksena ang dapat isunod.Ilang beses pa lang siyang nakanguya ay biglang umilaw ang hawak niyang cellphone. Number ni Gian ang lumabas doon kaya sinagot na niya.“Labas tayo,” pa
“What are you saying?” nauutal niyang tanong.Nakuha pa niyang magtanong kahit hindi na normal ang pagtibok ng puso niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nahanap ang sariling dila. Parang biglang huminto ang paghinga niya nang mapagtantong boses ni Lloyd ang narinig niya sa aparato.Umayos siya ng upo at kinuha ang kumot upang ipantakip sa sariling katawan. Pakiramdam niya kasi ay nasa paligid lang si Lloyd at nagmamasid sa kaniya.Pero imposible naman yata ang iniisip niya. Hindi alam ni Lloyd kung saan siya nakatira. Maliban kung nagtanong ito sa mga kasama nila sa trabaho.Tumayo siya at pinulot ang damit na hinubad niya kanina.Ano ba naman kasi ang naisip niya’t naghubad siya sa harap ng salamin. Akala niya tuloy character siya sa isang porn site.“Are you done moaning my name?” seryosong tanong ni Lloyd sa kabilang linya na nagpatigil sa kaniyang pulutin ang underwear niya.Tumayo siya ng tuw
Kinabukasan, tulad ng napang-usapan nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa university. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters tungkol sa five days training seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue. Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kaniya. Be professional, Sharon.Mas okay na nga siya sa gano’n, iyong walang titigan. ‘Yong tipong parang casual lang ang lahat. Dahil kung bumalik sa pagiging malikot si Lloyd, ewan na lang niya talaga. Baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya.Focus. Paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili. Kung hindi lang katawa-tawa tingnan na sapukin niya ang sariling ulo, ginawa na niya sana.Pilit niyang inintindi ang mga sinasabi ni Dean na kanina pa inaayos ang suot nitong salamin. Kailangan na talaga yata nito ng bagong salamin sa mata.Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng university at may three thousand allowance rin silang matatanggap.Sinc
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati
“Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili