Panay iwas si Sharon, kung maaari nga lang ay hindi na talaga siya tatapak sa Education Department. Kung kaya niya lang sana ay hindi na talaga siya tatapak sa lugar na ‘to. Parang gusto na lang niya na magtambay na lang sa lab ng major niya upang hindi masilayan ang pagmumukha ni Lloyd na ayaw na niya talagang makita pa.
Hindi naman sa ayaw na niya talagang makita si Lloyd. Pakiramdam niya lang kasi kapag nalalapit siya sa taong iyon ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Parang tila nagkakaroon ng sariling utak at mundo ang katawan niya at hindi na sumusunod sa nais niya.
Pakiramdam niya na ang department nila ay isa na sa lugar na mapapahamak siya kung tatapakan niya. Lugar na kung saan naroon ang isang tao na dapat niya talagang iwasan. Tao na ang sarap ibaon sa limot.
Ibaon ng buhay, baka puwede pa.
Nakaka-embyerna rin naman kasi, bakit sa department pa nila pumasok ang Lloyd na iyon? Marami namang department na nababagay ang kaguwapuhan nito. Kairita! Bakit sinabi niyang guwapo si Lloyd?
Sabagay, guwapo naman talaga. Masarap pa.
Masarap ibaon ng buhay nang hindi na makahinga!
At ang nakakainis, bakit sa unibersidad pa nila? Marami namang unibersidad na maaari nitong pasukan. Mga unibersidad na roon talaga ito nababagay.
Ang yaman-yaman no’n tapos nag-teacher pa? Siya ba’y pinagloloko nito? Bakit ba kasi nag-teacher pa ‘yon? Dahil ba gusto nitong makita siya? Gusto ba nito ng second round?
Oh my God! What am I thinking?
“Ma’am.”
Kusang tumaas ang kaliwang kilay ni Sharon nang may biglang nagsalita sa tabi niya. Ewan kung pinaglalaruan ba talaga siya ng tadhana dahil tuwing naiisip niya si Lloyd ay nagkakaroon ng disturbo.
Bakit ba siya naiinis? Iyon naman dapat talaga ang mangyari.
Padabog niyang nilapag ang cellphone niya sa mesa at tinaasan muli ng kilay ang kawawang estudyante.
“Bakit?” malumay niyang tanong sa bata.
“Ma’am, ano pong gagamitin na measuring tools kapag—”
Tinuro niya ang mukha niya at ngumiti sa estudyante. “Mukha ba ‘kong G****e?”
Muli siyang ngumiti at kumindat nang paulit-ulit sa estudyante. Mukha talaga siyang weird kapag hindi niya gusto ang tanong. Iyong tipong kahit obvious na ay itatanong pa sa kaniya.
Minsan ay napagkakamalan siyang baliw na kahit hindi naman talaga totoo. Ewan kung inggit lang ba ang iba niyang kasama sa trabaho kaya pinagkakalat nila ang maling balita na iyon. Hindi na siya nagsayang ng oras upang itama ang chismis, nasa kanila na ‘yon kung maniniwala sila o hindi.
Umiling ito at umalis sa harapan niya. Napatawa na lang si Sharon at pagkatapos ay napabuntonghininga. Minsan talaga lumalabas ang pagiging baliw niya kaya kawawa ang estudyante na mabubuntunan niya.
Hindi naman talaga siya terror na instructor. Ayaw niya lang talaga na nakadepende na lang sa kaniya ang mga bata. Na kahit kunting paghihirap lang nito ay magtatanong na agad sa kaniya.
Gusto niyang maging independent ang mga bata. Iyong tipong ang mga ito na talaga ang maghahanap ng kasagutan sa mga tanong na nais nitong magkaroon ng kasagutan. Kasi tanggapin man natin o hindi, mas maganda kapag tayo ang nakakadiskubre ng mga bagay na nais nating malaman.
Nasa 21st century na ang mundo, kaya dapat umaktong independent na ang mga estudyante. Kunting pindot lang naman sa internet ay ibibigay na nito ang mga kailangan at hinahanap na sagot.
Tiningnan niya ang mga estudyante na busy kagagawa ng mga drafts nito. Halos tatlong araw nang ginagawa ng mga bata ang mga drafts na iyon. Ang ganda lang talaga na pagmasdan na sinusunod siya ng mga bata.
Binuksan niya ang laptop. Tanggapin man ni Sharon o hindi, isa siyang manunulat. Dilat ang mga mata niya sa isang responsibilidad na hinaharap niya araw-araw. Para kay Sharon, isa ng malaking responsibilidad ang ginagawa niyang pagsusulat.
Nadiskubre niya ang isang writing platform tatlong taon na ang nakararaan. Isa lamang siyang tao na nais magpalabas ng mga salita sa pamamagitan ng pagsusulat. Noon, nagagawa niya ang pagsusulat na walang isang nagde-demand.
Nagsusulat siya kung kailan niya gusto. Gumagawa siya ng isang kuwento kung kailan niya gusto. Nag-uupdate siya kung kailan niya gusto. Pero no’ng lumipas ang mga taon at naging sikat siya sa mundo ng W*****d, parang biglang nagbago ang lahat.
Hindi naman sa nagrereklamo siya. Sa totoo nga’y masaya siya na naabot niya ang lahat ng ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na magiging sikat siya at habulin ng mga mambabasa. Na may maghihintay ng mga updates niya.
Pero no’ng tumagal kasi parang nagbago na talaga. Ang daming nagde-demand na para bang isa siyang robot kaya tuloy natataranta siya. Iyong tipong kaka-update niya pa lang pero may nanghihingi na naman.
Pumikit si Sharon at pinakalma ang sarili. Mahal niya ang pagsusulat kaya kahit anong mangyari, hindi siya titigil.
Muli niyang sinulyapan ang naghihintay na laptop. Laptop na parang pinagtatawanan pa siya dahil hindi niya matuloy-tuloy ang sinusulat niyang kuwento. Pinakalma niya ang sarili, magsusulat na lang siya kaysa naman masayang ang oras niya kakaisip ng mga walang kuwentang bagay.
Oo, walang kuwenta. Walang kuwenta na isipin si Lloyd nang paulit-ulit, sumasakit lang kasi ang ulo niya.
Hinilot niya muna ang sintido niya. Parang mas niyayakap siya ng stress dahil sa nangyayari sa kaniya. Nakaiinis din naman kasi, gusto lang naman niya ng payapang buhay pero ibang payapa yata ang nais ibigay sa kaniya.
Gusto lang niya na magkaroon ng simple at maayos na buhay. Isipin pa ang edad niya ay kailangan na niya yata talaga na mag-settle down. Hindi na siya bumabata at mabilis na tumakbo ang oras at panahon. Parang isang pikit pa lang ang nagagawa niya ay isang araw na ang katumbas niyon.
Muli niyang naisip si Llyod. Ipinikit niya ang mga mata at umiling.
Ayos lang naman mag-isip ng lalaki, lalo na kung si Lloyd ang iisipin.
Hay nako, Sharon. Nababaliw ka na naman. Hindi na maganda ‘to kaya umayos ka sana.
Pinilit niyang magseryoso. Kailangan niyang tapusin ang chapter nine na isang linggo nang naka-stock. But writer’s block is eating her system, over and over again. Wala talagang eksena na pumapasok sa utak niya.
Kapag talaga nasa ganitong sistema siya ay kusang pumapasok sa utak niya ang nangyari sa kanila ni Lloyd. Dahil sa writer’s block na hinaharap niya ay nakilala niya tuloy ang lalaking naging dahilan kung bakit nagkaganito ang takbo ng utak niya.
Utak ba talaga o kahalayan?
“Nakakainis! Ano nang gagawin ko?”
She closed her eyes and imagining some plots but still, it all black. Wala siyang maisulat.
Lunch break, hindi na kayang mag-inarte ng mga bubwit sa tiyan niya. Tumutunog na iyon at nanghihingi na ng pagkain. Natatawa siya minsan, ang arte kasi ng mga bubwit niya sa tiyan, para kasing kasalanan pa niya dahil nagugutom na ang mga ito.
Napatawa siya ng lihim. Gutom na talaga siya dahil kung ano-ano na lang ang naiisip niya.
She’s been trying to call Gian but the man is out of coverage. Saan na naman kayang lupalop ng mundo nagpunta ang baklang iyon. Wala na siyang mapagpipilian pa, kailangan niyang bumaba at pumunta sa faculty room upang kumuha ng pera.
Ang tanga lang din naman kasi, sa lahat ng puwede niyang maiwan, wallet pa talaga. Ang tanga lang!
At dahil doon, kailangan niya tuloy bumaba upang pumunta sa faculty na sigurado siyang doon niya naiwan ang tangang wallet niya. Ang wallet niya talaga ang totoong tanga, hindi siya.
Dali-dali ang hakbang na ginawa niya upang makarating agad sa faculty room at umaasang sana wala roon ang lalaking naka-pop sa cherrypop niya. Sana talaga panaginip lang ang lahat. Sana hindi totoo na nandito si Lloyd.
Kasi kahit iisipin niya lang ay biglang sumasayaw sa kaba ang puso niya. Biglang nagkakaroon ng club ang utak niya at gustong sumayaw ng katawan niya sa tugtugin na ginawa nila ni Lloyd noon.
Ayan na naman siya, umaandar na naman.
Juskong buhay ‘to! Nasaan ang hustisya? Pumasok agad siya sa faculty at walang lingon-lingon. Please Lord, help me. Nang makarating siya sa table niya, hinarap niya agad ang wallet niya at sa kamalas-malasan, hindi niya ito mahanap.
“Sigurado akong hindi ko naiwan sa bahay ‘yon. Sa’n ka na ba?” banggit niya habang hinahalungkat ang mga gamit niya sa bag at mesa.
“Sha, nag lunch ka na?”
“Ay butiking may pakpak!” gulat niyang sabi nang marinig niya ang boses ni Lloyd.
Anong kamalasan ba naman ito, oh!
“Kanina pa kita hinahanap eh, sabi ni Gian hindi ka pa raw bumababa,” sambit nito. “At isa pa, hindi naman siguro mukhang butiki ang pet ko, ‘no?” dagdag nito habang bumulong sa kaniya.
She rolled her eyes. Sha, kalma. Totoo rin naman ang sinasabi niya na hindi butiki ang alaga niya, diba? Malaking ahas iyon eh. Malaking ahas na tumuklaw sa cherrypop mo.
Huminga siya nang malalim. Pilit niyang pinakalma ang mga ugat niya sa katawan. Bakit ba kasi umiinit na naman siya? Tila may apoy sa katawan niya na nagpupumilit lumabas.
“Kumain na ko eh,” sabi niya at umupo sa swivel chair niya pero sa kamalas-malasan, tumunog ang tiyan niya. Putang-inang tiyan ‘to. Narinig niyang tumawa ang binata.
“Stop laughing, will you!” Tiningnan niya ito nang masama. Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko.
“’Wag na kasing maarte, let’s go honey,” sabi nito at hinila siya palabas ng faculty room.
At hindi na siya nakapalag pa. Kahit gusto niyang pumalag pero nagugutom na talaga siya.
Huwag ka na lang mag-inarte, Sharon. Nakain ka na nga niya noon eh, bulong ng utak niya na nadadala na naman sa paghawak ni Lloyd. Hindi na maganda ‘to. Hindi na talaga.
Temptation. Naka-eembiyerna ang bawat pagsubo nito ng pagkain! Ang guwapo pa rin kasi nito. Hindi niya alam kung guwapo ba talaga o sobrang gwapo.
Binilisan niya ang pagkain, kung puwede lang na kaliwa’t kanan ang gawin niyang pagsubo, gagawin na niya pero may hiya pa rin naman siya, kaya ‘wag na lang.
Pagkatapos niyang ubusin ang pagkain niya. Tumayo na agad siya at naglakad palabas pero ang bilis talaga ng binata at nahawakan agad nito ang braso niya. Kasing bilis ng pagbayo nito. Oh my God, ano na naman itong iniisip ko?
“Aalis ka na?” tanong ni Lloyd sa kaniya habang nakakulong ang braso niya sa kaliwang kamay nito.
“Yes, may gagawin pa ‘ko.”
Ngumiti ito sa kaniya. “Okay, take care honey,” malakas nitong sabi.
Patay na, anong honey? Honey bunch? Honey babe? Honey bee? Nakarinig siya ng bulungan galing sa mga estudyante na kasalukuyang kumakain.
“Ma’am Sha, boyfriend mo po si Sir Lloyd?” tanong ng isang estudyante.
Ito na nga bang sinasabi ko. She rolled her eyes.
“No,” sabi niya.
“Yes,” sabi nito.
Tiningnan niya ng masama ang binata.
“So, ide-deny mo ‘ko?” tanong nito sa kaniya.
Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o ano. Ang nais lang niyang gawin ay ang umalis at lumayo sa binata. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Lloyd, mabuti na ‘yong malayo siya rito. Pero ang tanong, paano siya makakalayo kung kasama niya ito sa trabaho?
Gulong-gulo ang utak niyang lumabas sa cafeteria, mabuti na lang hindi na siya pinigilan ni Lloyd. I don’t know what to do. I guess I have to deal with him na lang. Total, sinimulan ko, so ako na lang din ang tatapos nito. But, how?
Unang araw pa lang na kasama niya si Lloyd pero ang laki na nang ginawang panggugulo nito sa kaniya pero diba siya naman ang unang nang-gulo sa binata. Take your own medicine, Sharon.
Hindi siya makatulog. Alas-onse na ng gabi pero ayaw siyang dalawin ng antok. Tanging laman ng isip niya ay kung paano niya haharapin bukas ang binata.
Ano kayang mangyayari na naman kinabukasan na magpapagulo ng matinong mundo niya? Mukhang babagyuhin na naman kasi siya ng katinuan ni Lloyd.
Balak niyang kausapin ito na kalimutan na lang nila ang nangyari sa kanila. Pero, paano? Gusto niya ng tahimik na buhay! Pero paano tatahimik ang mundo niya kung ginagambala siya ni Lloyd?
Pero in fairness, ‘di niya nakalimutan ang mga hawak nito sa katawan niya. Erase, erase. Ano na namang kahalayan ang tumatakbo sa isip niya?
Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. Nag-open siya ng Messenger at laking gulat niya nang makita niya ang isang unread message galing kay Lloyd.
I miss you.
- Lloyd.
Dalawang linggo rin siyang hindi ginambala ng binata. Dalawang linggo ring naging matiwasay ang araw ni Sharon. Walang Lloyd na gumagambala at panay buntot sa kaniya.Sa mga araw na iyon ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Okay na siya sa gano’n, ‘yong tipong walang sunod ng sunod at buntot ng buntot. Pakiramdam niya’y ang ganda ng araw niya. Matiwasay, payapa, at gumaganda pa ang aura niya. Ayos lang sa kaniya dahil marami rin naman kasi siyang ginagawa.Ang dami niyang tinatapos. Ang daming lesson plan na dapat tapusin, may mga PowerPoint presentation na dapat gawin, mga activity ng mga bata na dapat bigyan ng pansin. Ang sakit sa ulo at mas sasakit pa ang ulo niya kung dadagdag pa si Lloyd.Aside from that, she’s one of the instructors who assisted to their most awaited culmination ever, the Fashion Runway of the Garments, Fashion and Design. Their students are the highlight of the said culmination. She assisted her students fo
Itinaas ni Sharon ang kumot. Ano na namang katangahan ang nagawa niya? Bakit na naman siya nauwi sa ganito? Bakit hindi na naman niya nagawang humindi? Bakit palagi na lang ganito?Tanging kumot na lang ang tumatakip sa kanilang katawan. Kumot na masasabi niyang naging saksi sa kabaliwan niya. Kabaliwan niyang hindi niya matukoy kung bakit palagi niyang nagagawa.Umupo siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. She did it again. She did it again for the second time. Why? She closed her eyes. Bakit hindi niya magawang tanggihan ang binata? Bakit?Tumayo siya. Inilibot ang paningin sa loob ng kuwarto ng binata. Pangalawang pagkakataon na niyang nakapunta sa kuwartong iyon. Sa kuwartong hindi na rin bago sa kaniyang paningin. Kung anong kuwarto ang nadatnan niya noong unang punta niya rito ay ganoon pa rin ang ayos niyon.Pangalawang pagkakataon na ito. Pangalawang pagkakataon na iisa lang ang rason. Sex.Sex, bulong niya. Bakit parang hindi niya kayan
Sabado, nagpapasalamat siya dahil walang pasok at puwede pa niya pag-isipan ang susunod na hakbang niya. Dapat niyang pag-isipang mabuti dahil buhay niya ang nakataya.Tunganga siyang nakaharap sa computer. Isang oras na rin mahigit ang nasayang niya dahil wala siyang nagawa kun’di ang makipag-usap ng tahimik sa kaniyang computer.Inabot niya ang isang supot ng junk food at binuksan iyon. Tinatamaan na naman siya ng writer’s block dahil wala na naman siyang maisip na matino. Kung writer’s block ba talaga tawag do’n.Hindi naman siya tinatamaan ng katamaran, sadiyang wala lang talaga siyang maisulat.Nagpasiya na lang siyang humiga sa kama at kinuha ang cellphone. Wala talaga siya saktong huwisyo upang magsulat at isipin kung anong eksena ang dapat isunod.Ilang beses pa lang siyang nakanguya ay biglang umilaw ang hawak niyang cellphone. Number ni Gian ang lumabas doon kaya sinagot na niya.“Labas tayo,” pa
“What are you saying?” nauutal niyang tanong.Nakuha pa niyang magtanong kahit hindi na normal ang pagtibok ng puso niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nahanap ang sariling dila. Parang biglang huminto ang paghinga niya nang mapagtantong boses ni Lloyd ang narinig niya sa aparato.Umayos siya ng upo at kinuha ang kumot upang ipantakip sa sariling katawan. Pakiramdam niya kasi ay nasa paligid lang si Lloyd at nagmamasid sa kaniya.Pero imposible naman yata ang iniisip niya. Hindi alam ni Lloyd kung saan siya nakatira. Maliban kung nagtanong ito sa mga kasama nila sa trabaho.Tumayo siya at pinulot ang damit na hinubad niya kanina.Ano ba naman kasi ang naisip niya’t naghubad siya sa harap ng salamin. Akala niya tuloy character siya sa isang porn site.“Are you done moaning my name?” seryosong tanong ni Lloyd sa kabilang linya na nagpatigil sa kaniyang pulutin ang underwear niya.Tumayo siya ng tuw
Kinabukasan, tulad ng napang-usapan nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa university. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters tungkol sa five days training seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue. Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kaniya. Be professional, Sharon.Mas okay na nga siya sa gano’n, iyong walang titigan. ‘Yong tipong parang casual lang ang lahat. Dahil kung bumalik sa pagiging malikot si Lloyd, ewan na lang niya talaga. Baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya.Focus. Paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili. Kung hindi lang katawa-tawa tingnan na sapukin niya ang sariling ulo, ginawa na niya sana.Pilit niyang inintindi ang mga sinasabi ni Dean na kanina pa inaayos ang suot nitong salamin. Kailangan na talaga yata nito ng bagong salamin sa mata.Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng university at may three thousand allowance rin silang matatanggap.Sinc
Sharon, wasn’t even anyone he imagined he would meet. Babae na hindi niya talaga inakalang matatagpuan niya. Sino ba namang mag-aakala na ito ang gugulo sa matino niyang sistema?At ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng ganito kagandang babae. May magandang ngiti, magagandang mata na palaging may pilyang kislap at ang boses nitong tila ba’y inaakit siya.Hindi niya kayang tumingin sa iba kung ang mata ni Sharon ang tinitingnan niya. Nakakaakit iyon kahit ayaw niyang magpaakit.Ang malambot at matamis nitong mga labi, noong unang kita pa lang niya rito ay gusto na niyang matikman kung anong lasa nito. And when he tasted it, he couldn’t get enough of her.Lloyd shook his head, kailanman ay hindi nangyari kay Lloyd na magkakaganito siya. Halik pa lang ngunit parang mababaliw na siya.Hindi naman siya ganito. Hindi siya madaling mahulog sa mga babae. Nakakatawa na ang isang lalaking hindi na marunong mags
Hanggang sa kotse ay hindi pa rin kayang pigilan ni Lloyd ang tawa niya dahil sa ginawa niyang kabaliwan. Mga kabaliwan na hindi niya inakalang magagawa niya. Sa buong buhay niya ay hindi niya inisip na magiging ganito siya dahil lang sa isang babae na hindi pa matagal niyang nakilala. Sabi nga niya sa sarili, hindi naman siya ganito noon. Ano kayang nangyari sa kaniya?Imagine, he spent another thousands of his money para maisagawa ang kabaliwan na ito. Walang awa niyang sinayang ang pera na pinaghirapan niya para lang maisakatuparan ang ganitong kalokohan. Aminin man niya o hindi, parang hindi na niya kilala ang sarili niya.Bigla yata siyang nagbago nang hindi niya napapansin. Parang isang pitik lang at kumpas ng kaniyang kamay ay nagbago ang kaniyang ugali.Baka may sakit siya. Malalang sakit na kailangang ipatingin sa doctor.He’s seriously sick. Sick in love. He shook his head in disgust. No one can make him fall in love, no one.Kahit
Hindi alam ni Sharon kung ano ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon. Kung dapat ba siyang makaramdam ng inis o galit na talaga. Kung dapat ba siyang magwala at itapon ang mga gamit niya. Grabe, ito ba ‘yong dahilan ng biyahe niya?Okay, kalma. Kumalma ka, Sharon. Okay? Pagod ka lang. Maaga pa siguro at hindi pa dumadating ang ibang instructors. Okay kalma, paulit-ulit niyang pagkalma sa sarili.Walang tao, walang mga guro o instructors sa hall na siyang inaasahan niya. Lintik! Mali yata ang napuntahan nilang venue!Palagay niya ay hindi ito ang venue na dapat nilang puntahan. Maliban sa parang hindi naman ito pinagdadausan ng isang seminar ay para itong mansiyon. Parang isang malaking bahay ng mayayaman. Halos wala ngang tao eh, maliban doon sa isang babae na nagpupunas ng vase malapit sa pintuan na pinasukan nila kanina.Patuloy pa rin siya sa pagkalma sa sarili. Siguro, maaga pa talaga. Kailangan lang talaga niyang kumalma. Siguro hindi pa prep
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati
“Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili