Loving Him - Montenegro Series #1

Loving Him - Montenegro Series #1

last updateLast Updated : 2025-01-17
By:   nerdy_ugly  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
30Chapters
17views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Levi Velez, isang simpleng dalagang mapagmahal sa sariling ina. Gumuho ang kanyang mundo ng mamatay ang sariling ina. Kinupkop ng mag-asawang Montenegro, pinag-aral at itinuring na anak ngunit dahil sa nag-iisang si Michael Angelo Montenegro A.K.A. Mike Montenegro ay gugulo ang munting mundo ni Levi.

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

"Ano na namang problema mo Levi ba't ka nakanguso diyan?" "Si Sir Mike kasi ang aga-aga mainit na naman ang ulo, minsan naisip ko may regla iyang boss natin, e," nakasimangot na sagot ko kay Tessa. "Na naman? Ano na naman kayang problema ni sir?" May pagtatakang tanong ni Tessa sa akin at naupo ito sa sariling silya saka hinarap ang sariling computer. "Aba, malay ko ba sa boss nating iyan, magmula nang dumating iyong mestisang bangus kanina nagkaganyan nalang bigla." Palatak ko. "Baka nag-break sila, o 'di kaya'y may miss-understanding 'yong dalawa, o 'di naman kaya'y girlfriend ni boss Mike 'yon?" Napapaisip na saad naman ni Tessa sa kanya. "Ewan ko sa kanila, okay sana kung sila lang dalawa ang mag-away, iyong pati ba naman empleyado niya'y pag-iinitan, aba naman hindi naman yata tama iyon no, hustisya nasaan na?" talak ko, at eksakto namang bumukas ang pinto ng opisina ni Mike, kung minamalas nga naman ako. "What did you just say?" Iritadong tanong ni Mike sa akin, nakakun...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
30 Chapters
Kabanata 1
"Ano na namang problema mo Levi ba't ka nakanguso diyan?" "Si Sir Mike kasi ang aga-aga mainit na naman ang ulo, minsan naisip ko may regla iyang boss natin, e," nakasimangot na sagot ko kay Tessa. "Na naman? Ano na naman kayang problema ni sir?" May pagtatakang tanong ni Tessa sa akin at naupo ito sa sariling silya saka hinarap ang sariling computer. "Aba, malay ko ba sa boss nating iyan, magmula nang dumating iyong mestisang bangus kanina nagkaganyan nalang bigla." Palatak ko. "Baka nag-break sila, o 'di kaya'y may miss-understanding 'yong dalawa, o 'di naman kaya'y girlfriend ni boss Mike 'yon?" Napapaisip na saad naman ni Tessa sa kanya. "Ewan ko sa kanila, okay sana kung sila lang dalawa ang mag-away, iyong pati ba naman empleyado niya'y pag-iinitan, aba naman hindi naman yata tama iyon no, hustisya nasaan na?" talak ko, at eksakto namang bumukas ang pinto ng opisina ni Mike, kung minamalas nga naman ako. "What did you just say?" Iritadong tanong ni Mike sa akin, nakakun
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more
Kabanata 2
"Ano nga palang gusto mong sabihin sa'min hija?" malambing na tanong ni Mrs. Montenegro, kasalukuyang nasa hapag-kainan kaming lahat. Tumikhim muna ako at ngumiti. Kailangan kong magkaroon ngayon ng matatag at malakas dapat ang loob. "Tita, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo, ninyo ni Tito Marco regarding po sa desisyon kong bumukod na, I know na hindi kayo papayag but please Tita pumayag na po kayo, kaya ko na naman po ang sarili." Dire-diretsong tugon ko. Napahinto ang mag-asawa sa pagnguya at napatingin sa aking direksiyon. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat. "Levi, ginulat mo naman yata kami sa desisyon mong iyan. Bakit, hija, inaaway ka na naman ba ni Mike, binubulyawan ka na naman ba niya? Napakawalang modo talaga iyang anak mo Thalia!" Kunot-noong turan ni Mr. Montenegro kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao nito. "Tito, hindi po at nagkakamali po kayo," mariing tanggi ko sa tinuran ng ama ni Mike. "Tito, nahihiya na po ako sa inyo ni Tita Thalia, sobra-sobra n
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more
Kabanata 3
"Ano Levi, okay lang ba sa'yo ang apartment na 'to?" Masiglang tanong sa akin ni Tessa. Iginala ko ang tingin sa looban ng apartment. It has two-level studio apartment plays with a cool background pallet, allowing more unique-coloured furnishing to shine. There is wide avocado-hued sofa makes its mark on the main living area, while minimalist grey patterning and simple wooden textures give the room breathing space.Pumunta ako sa may kusina, a stencilled kitchen table make a less dramatic impact, while the thin design introduces elegance.Pumunta naman akong sa may hagdanan, the widen wooden staircase makes a statement while affording a clean, non-intrusive backdrop for other elements.Malawak at maganda at napaka-neat ng naturang apartment. Wala akong maipintas, maganda ang banyo, may maliit na bathtub at malinis. Napangiti ako, sa wakas makakabukod na rin ako sa mga Montenegro."Perfect, and it's impressive!" Bulalas ko.Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Si Micah ang tumaw
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more
Kabanata 4
Nagising ako sa mahinang katok mula sa pinto, nag-inat muna ako bago tuluyang tumayo at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa nagbabalik sa diwa ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Mike. Inaamin kong masarap sa pakiramdam, pero masasabi ko ring imposible dahil sa hinagap hindi ang tipo ni Mike ang type niya sa isang lalaki. "Pack your things, pupunta tayong lahat sa Hacienda Montenegro nakakabuti kung doon na muna natin dadalhin si Mama para sa kalusugan niya," tugon ni Mike sa akin.Nag-angat ako ng tingin sa kausap. Kunot-noong nakatitig lang ako sa mga mata ni Mike. Nang hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa mapupula nitong mga labi, wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi."Titingnan mo na lang ba ako o ako pa ang magpapaligo sa'yo sa loob ng banyo mo?" seryosong saad ni Mike sa akin, bakas sa boses nito ang pang-aasar sa akin. "Ang kapal ng mukha mo, subukan mo at nang makatikim ka sa'kin ng suntok," galit kong sagot sabay
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more
Kabanata 5
"Aling Melba nasaan po sina Tita?" tanong ko sa kasambahay na ngayon ay abala sa pagluluto. Since wala naman akong magawa naisipan ko na lamang na tulungan ito. "Nasa kwarto hija nagpapahinga, ang laki mo na hija, at ang ganda-ganda mo, mana ka sa mama mo," nakangiting turan ni Aling Melba sa akin, naalala ko na naman tuloy si Mama. "Aling Melba na man nambola pa wala po akong pera, pero salamat na rin," nakangiting sagot ko sabay hiwa ng sibuyas. "Totoo ang sinasabi ko at hindi ako nambobola, ikaw talagang bata ka, balita ko ikakasal ka raw kay Mike, totoo ba 'yon?" Hindi ko akalaing may pagka-chismosa rin pala itong si Aling Melba. Nailing na lamang ako sa narinig mula rito sabay ngisi. Napansin kong tila nagulat ito sabay takip sa bibig nito. "Jusko! Totoo nga pala talaga ang sabi-sabi. Paano nangyari, e, bata pa lang kayo hindi na kayo magkasundo no'ng batang iyon?" "Naku, ayoko nang pag-usapan pa iyon Aling Melba. Ang mahalaga nadala namin dito si Tita Thalia sa Hac
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more
Kabanata 6
Paika-ika akong naglakad pababa ng grand staircase, naabutan ko sa salas sina Mike at Trisha na sobrang sweet, napangiwi na lamang ako sa mga ito. Dumiretso na lamang ako sa kusina para magtimpla ng gatas."Magandang umaga, hija, akala ko ba ikakasal kayo ni Mike, ba't may babae yang kalampungan?" tanong ni Aling Melba sa akin halatang naki-chismis na naman. "Oo nga po, kaya lang contract marriage for two years. Kung mahilig kayong magbasa ng mga apps like dreame and wattpad makukuha niyo ang ibig kung sabihin." "Contract marriage? May gano'n ba, hija?" takang tanong ni Aling Melba sa akin sabay kamot ng ulo nito na tila nag-iisip. Hindi ko napigilang mapangiti sa hitsura ni Aling Melba lalo na at hindi maipinta ang mukha nito."Oo, sa mga korean drama Aling Melba uso 'yan. Kaya next time sumama ka kay Micah para ma-gets mo ang punto ko, ang hirap sa inyo palagi na lang kayo sa trabaho. Take your time na man na manood ng mga nakakakilig na mga love stories," nakangiting tugon ko ka
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more
Kabanata 8
Madilim na ang paligid nang huminto ang malakas na ulan. Naisipan ni Mike na bukas na lang sila babalik ng mansion dahil sigurado siyang maputik ang daan. Ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan. Napasulyap siya sa natutulog na si Levi. At pagdakay sumilip siya sa may bintana ng kubo, nang may mamataan siyang liwanag na sa tingin niya'y mga liwanag na nanggagaling sa flashlight. Lumabas siya ng kubo. Hindi nga siya nagkamali, kilala niya ang mga paparating, mga tauhan ito ng kanilang hacienda, malamang nautusan ito ng kanyang ina na sunduin sila, na lubos niyang ipinagpasalamat.Gustuhin man niyang gisingin si Levi pero hindi niya magawa. Nang makalapit ang mga tauhan sa kinaroroonan nila'y may napansin siyang may dalang towel ang mga ito, iniabot ito sa kanya at kinuha naman ng binata. "Ipinadala po kami dito ni Senyora Thalia, senyorito.""Salamat naman at nakita niyo kami, sandali lang at may pupuntahan lang ako sa loob." Maingat niyang binuhat si Levi para hind
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more
Kabanata 7
Ramdam ko ang matipunong dibdib ni Mike sa tuwing lumalapat ang aking likod sa dibdib nito, para bang may kakaibang koneksyon na bumubuhay sa aking natutulog na diwa na siyang pilit kong binalewala. Hindi ko maiwasang kumapit pa ng mas mabuti sa tali ng kabayo. "Matagal pa ba tayo?" tanong ko kay Mike. "Bakit nagmamadali ka ba?" sarkastikong sagot ni Mike sa akin. "Ang bagal mo kasing magpatakbo ng kabayo kaya ang bagal natin, sa tingin mo kaya darating tayo sa patutunguhan natin?" "Could you please shut up! Dàmn you woman!" Inis na tugon ni Mike sabay palo kay Tigrel at hanggang sa mas naging mabilis ang takbo ng kabayo, halos nagkukumahog ako at mas kumapit ng mahigpit sa mga braso ni Mike dahil sa matinding takot kasabay naman ay ang biglang pagkulog ng malakas. Dahil sa labis na takot at gulat ay hindi ko naiwasan na mapasigaw. Nanginginig ako sa sobrang takot, at sumiksik sa dibdib ni Mike. Nang mag-angat ako ng tingin ay napansin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more
Kabanata 9
"You look gorgeous, Ate Levi, at hindi ko akalaing may itinatago ka palang ka-sexyhan," papuri sa kanya ni Micah. Napangiti si Levi habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon. Nakasuot siya ng semi-formal dress na hapit sa kanyang katawan. Mas lalong humulma ang kanyang balakang, ang kanyang alindog na sino mang lalaki'y mapapatingin sa kagandahan niyang taglay. "Thanks Micah, it's my first time wearing this kind of dress," saad niya at inayos ang neckline ng bestida. It's kind of V-line, at hanggang tuhod lang ang laylayan nito. Mabuti na lang at hindi slit type kung hindi ay papalitan niya ito ng ibang bestida. Kulay peach ito na binagayan niya ng peach purse at peach flat sandals. Kwintas lang ang isinuot niya for accessories, ang kwintas na bigay sa kanya ng kanyang ina. Samantalang si Micah naman ay nakasuot ng formal dress na off shoulder na kulay white at may ribbon sa may bewang na kulay yellow. She look pretty and sexy. Sabay na bumaba ang dalawa sa may hagdanan. Kapwa
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more
Kabanata 10
Malawak ang kwartong inukopa nina Levi at Mike. May kama na sa tantiya ni Levi ay king size bed. Mga ilang tao rin ang pwedeng mahiga doon. May malawak na veranda na ang pintuan ay sliding door. Tulad pa rin sa baba, gawa sa antique ang mga kagamitan. Naisipan niyang silipin ang veranda. Nang mabuksan niya ang sliding door, hindi niya akalaing nakaharap pala ito sa dagat. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin, ang amoy ng preskong dagat. Namangha siya sa kanyang nakita. Napapikit siya at dinama ang preskong hangin. Napangiti siya at iminulat ang mga mata. Saka niya naisipang bumalik sa loob. Nang iginala niya ang paningin sa paligid, hindi niya nakita ang bulto ng binata, napakunot ang kanyang noo. Nang mapatingin siya sa gawi ng kama. Nakita niya doon ang nakahilatang si Mike na nakahiga na. Napasimangot siya rito at saka nilapitan ito na nakapameywang. "Don't tell me sa sahig ako matutulog. At saan mo naman ako patutulugin?" sarkastikong tanong niya sa binata. "I'm ti
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status