Chapter: Kabanata XVNagulat si Alina nang ibato ng kaniyang ina ang kopitang may lamang alak sa sahig. Nagkapira-piraso ang mga iyon. At naglikha iyon ng malakas na ingay sa kabuuan ng bahay. At mabilis ang kilos ng Ginang, mula sa mesa ay pinulot nito ang baril at itinutok nito iyon sa isang tauhan at kasunod niyon ang malakas na putok niyon. Humandahusay ang lalaki sa harapan ni Alina, at saka siya napasigaw nang malakas."Enough, Alina! Hanggang ngayon ba nama'y hindi ka pa sanay na may pinapatay akong tao sa harapan mo?" sigaw ni Matilda sa nagpapanic na dalaga.Tinakpan lang ni Alina ang kanyang dalawang tainga at saka tumakbong umalis papunta sa kanyang kwarto. Hanggang kailan ba matatahimik ang kanyang ina? Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito. Kailangan niyang maisuplong ang ina sa mga police bago pa ito makapatay ulit ng tao. Hindi na n'ya kaya ang mga pinanggagawa nito. Kailangan niya lang nang tiyempo.KASALUKUYANG sinusubuan ni Norain ang anak niyang si Lance. Pasimple siyang nakikinig
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: Kabanata XIVMabuti nalang at nailigaw ni Lucas ang mga humahabol sa kanila. Agad na kinuha niya ang cellphone at saka may tinawagan. Napasulyap siya kay Celina. Halatang hindi pa ito nakakahuma sa insidente. Nagpakawala nang marahas na hininga si Lucas. "Are you okay?" tanong ng binata sa hinihingal na dalaga.Napasulyap si Celina sa binata at saka tumango. Napasapo siya sa sariling dibdib. Pagkatapos ay inabot sa kanya ni Lucas ang isang bottle ng mineral water, agad niya iyong kinuha mula rito at saka mabilis na ininom. Sh-t! She was still in shock. Biglang huminto ang kotse nang binata sa isang condo-unit. Sumunod lang si Celina sa binata. May kinuha itong swipe card. Nang makalapit na sila sa pintuan ng unit nito ay in-swipe nito iyon at saka awtomatikong bumukas ang pintuan ng condo unit ng binata. Pagpasok nila sa living room may kinuha si Lucas na isang remote control, napamangha si Celina sa malawak na living room, it was bright and spacious. The spaces are often visually delimited. Nan
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: Kabanata XIII"Kumusta na, Hercules? Nagawan mo na ba nang paraan, how about Dra. Esperanza?" kabadong tanong ni Celina sa pinsan. Nasa may gazebo sila ngayon naka-upo. Tulad pa rin ng dati nakapalibot ang mga police at bodyguards sa mansion ni Carolina Del Fuego."Hindi siya pagdududahan ni Lucas, ginawan ko na 'yon nang paraan. All you have to do is ang pagiging best actress mo, since 'yan ang ginusto mo gampanan mo 'yan nang maigi, Astraea. Paalala ko lang sa'yo, walang kasinungalingan na hindi nabubunyag, kamumuhian ka ni Lucas lalo kung sakaling malaman n'ya ang pagsisinungaling mong 'yan," tugon ni Hercules sa pinsang tila namumutla sa kaba."Nakausap mo na ba si tita, Carolina?" "Oo, at ipinagtapat ko na sa kanya ang lahat, pati na rin ang pagpapanggap kong may amnesia ako," sagot ni Celina sa binatang tila may malalim na iniisip.Napansin ni Celina ang biglang pagtahimik ni Hercules. Napakunot-noo tuloy siya. May problema ba ang pinsan niya? Pumitik siya para matauhan ito. Nagulat naman an
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: Kabanata XII"Sir, heto na po ang mga files," ani ng isang private investigator na in-hired ni Lucas. Kunot-noong nakatingin si Lucas sa mga files. Ibig sabihin sinadyang tanggalin ang break ng sasakyan ng dalaga. At sino namang gagawa no'n?"Gusto kong alamin mo at imbestigahan mo kung sino ang nasa likod nang krimeng ito," utos ni Lucas sa PI na kaharap. Agad naman itong tumalima at saka ito umalis.Napasandal ang binata sa kanyang swivel chair at napahimas sa batok. Muling hinarap ang sariling laptop. Sino na man kayang magtatangka sa buhay ng dalaga? At bakit siya nagkaro'n ng interes at nag-aksaya ng oras para alamin ang naging dahilan nang pagka-aksidente ni Celina? Ipinilig na lamang ni Lucas ang kanyang ulo. Of course, obligasyon niya iyon dahil tauhan niya si Celina, at isang magaling pang sekretarya. Aminin man niya o hindi sa sarili, labis siyang nag-alala para sa dalaga, hindi n'ya mapangalanan ang damdaming lumukob sa kanya. Basta ang alam niya, gusto niya itong protektahan.Habang ab
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: Kabanata XIAraw ng Sabado kaya naisipan ni Celina na pumasyal sa inang si Carolina. Bago pa man siya tuluyang makababa mula sa hagdanan ng kanyang apartment tumunog ang kanyang cellphone. Hindi na siya nag-aksaya pang tingnan ang caller. Agad niya itong sinagot."Celina," narinig n'ya ang boses ng pinsang si Hercules. Biglang binundol nang kaba ang kanyang dibdib nang mabatid ang kakaibang timbre ng boses ng pinsan."Hercules, bakit?" maagap niyang sagot."Ang mama mo...," tila nanghihina nitong tugon sa kanya."Damn you! Ano'ng nangyari? Come on, tell me..," ani ni Celina nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang sariling cellphone. Halos hindi magkandauga si Celina nang pumasok siya sa sariling kotse. Dahil sa kanyang panginginig na may halong kaba hindi niya maiayos ang pagpasok ng susi sa ignition. Hindi niya alam pero nag-uunahan nang tumulo ang kanyang mga luha. Sa inis niya'y ibinato niya ang sariling cellphone. At nang mai-start niya ang kotse'y pinaharurot niya ito nang takbo. Hal
Last Updated: 2025-03-07
Chapter: Kabanata XNilapitan ni Lucas si Celina. Halatang nalasing na ang dalaga. Wala siyang choice kundi ang buhatin ito. Bridal style pa. Lihim na napangiti si Celina. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok ng binata. Hindi naman talaga siya lasing, nakainom lang. Amoy niya ang mabangong cologne ng binata na tila nakakaliyo, naalala niya ang nangyari sa kanila kanina. Muntik na talagang may mangyari sa kanila, kaya lang ang daming sagabal. Pero sa pag-uwi nilang ito ay sisiguraduhin niyang may mangyayari sa kanila. At walang makakapigil sa planong namumuo ngayon sa utak niya. "Alam mo bang masakit dito," saad ni Celina sa binata, sabay turo sa bandang puso niya, nakikinig lang si Lucas. "Ang sakit-sakit, Lucas, 'yong parang sinaksak ka nang makailang ulit? Ano bang dapat kong gawin para mahalin mo ang isang babaeng hamak na mahirap na tulad 'ko?" pagod na saad ni Celina sa binata. Naantig ang puso ni Lucas sa tinurang iyon ng dalaga. Tila ba may kunting kirot siyang naramdaman nang sabihin nito
Last Updated: 2025-03-07
Chapter: Kabanata 61Lumipas nga ang ilang buwan hanggang sa dumating ang aking kabuwanan. Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon habang nasa tabi ko zi Zeus. "Alam kong kaya mo ito," nakangiting tugon ni Zeus sa akin kahit pa nga sabihing first time kong manganak, expected kasi nito ay second time ko ngayon dahil nga sa pag-aakalang ako si Farrah. Nasa may ulunan ko lang si Zeus habang hawak ang magkabila kong mga kamay. "Like what I've told you before, Mrs. Mondragon gano'n pa rin ang ating gagawin." Narinig kong ani ng doktora. Ibinuka na nga nito ang aking hita kaya lang nahihiya ako at mabilis na isinara ito dahil sa matinding kahihiyan. "Oh, c'mon. At ngayon ka pa ba mahihiya gayong pangalawang beses mo na ito?" Nakangiting turan ni doktora sa akin. "Naninibago pa rin po kasi ako doktora," sagot ko rito. Abut-abot ang kaba ko, paano kung may mapansin ito sa akin? Sigurado akong lagot na talaga ako at siguradong mabubuking ako ni Zeus. "You must be kidding, Mrs. Mondragon." Napangiwi a
Last Updated: 2025-01-08
Chapter: Kabanata 60"Mukhang desperada si Tatiana na alamin ang katotohanan," ani ko. "Halata naman, impakta kasi 'yon at malaki ang gusto sa asawa mo," palatak ni Stacey. "Kaya ikaw careful ka sa mga kilos at pananalita mo dahil sobrang obvious kang si Yna at hindi si Farrah." "Aminado naman ako, kaya nga plano kong panoorin ulit ang mga videos ng kapatid ko." "Magkaibang-magkaiba talaga kayo dahil hindi ikaw si Farrah but you are, Yna. Alam kong mahirap para sa'yo ito, pero kung hindi mo na kaya we can talk about it, Yna." Kumunot ang noo ko sa narinig mula kay Eliza. "Okay ka lang, Eliza?" Biglang binundol ng matinding kaba ang aking puso. "I'm fine, I just feel like... n—nakonsensya lang ako sa plano kong ito. Ang nais ko lang naman ay mabigyan ng kompletong pamilya ang inaanak kong si Ferra kaya naging pabor sa kaisa-isang hiling ng kapatid mo." Hanggang sa tuluyang lumuha ang mga mata ni Eliza ng sabihin ang mga katagang iyon. Niyakap naman agad ito ni Stacey na siyang mas malapit dito.
Last Updated: 2025-01-07
Chapter: Kabanata 59Makalipas ang ilang minuto ay natuyo na rin ang basa kong buhok. Tinungo ko ang walk in closet at nagbihis ng pampatulog. Lahat ng damit ni Farrah ay kaysa sa akin. Kung dati ay pangarap ko lang na makapagsuot ng mga mamahaling damit, ngayon ay heto na at ibinigay sa akin ang pagkakataon. Sa buong-buhay ko ang magpanggap bilang aking kapatid ay isang mahirap na bagay na may halong guilt na sa tingin ko ay babaunin ko hanggang sa hukay. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Zeus, naawa ako rito dahil sa malaking kasinungalingang nagawa ko. Napahaplos ako sa aking tiyan, ilang buwan na lang at manganganak na ako. Ang bilis ng buwan at heto ako kinakabahan sa paglabas ng aking munting anghel. Mayamaya ay napailing, sa dami ba naman ng iniisip ko ngayon ko lang naalalang, ang alam pala nito ay anak namin ni Joshua ang batang dinadala ko. Kung alam lang sana nitong patay na ang tunay nitong minamahal na si Farrah. Kumusta na kaya si Joshua na siyang ama at ang tunay na minamahal
Last Updated: 2025-01-05
Chapter: Kabanata 58Isang malakas na ungol ang pinakawalan ko ng maramdaman ang matigas na bagay na ngayo'y naglabas-masok sa aking pagkabábáé. Nakakapanghina ang bawat ulos ni Zeus, nakakadarang at nakakabaliw lalo na nang marinig ko ang bawat echo ng aming mga halinghing sa looban ng banyong kinaroroonan namin ngayon. Binuhat ako ni Zeus at mabilis ko namang ipinulupot ang magkabilang hita sa bewang nito na naging dahilan para mas lalo pang dumiin ang pagkalapat ng aming mga kasarian. Patuloy na ina-angkin nito ang aking mga labi at mahigpit na napayakap lang ako sa leeg nito. Naglalagablab sa sobrang init ang aming mga katawan na wari bang walang makakapigil sa mainit naming matinding pagniniig. Damang-dama ko ang panunuyo ng aking lalamunan sa init na nanalaytay sa buo kong katawan. Mahirap pigilan ang pagnanasang binuhay ng matinding init na hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Bawat haplos ni Zeus sa aking katawan ay may dalang matinding init at sarap. Bawat ungol ay nakakagana sa ba
Last Updated: 2025-01-03
Chapter: Kabanata 57NAUPO kami sa couch nina Stacey at Eliza. Alam kong pagod ang dalawa kaya ako man ay nagpahinga na rin saglit. Dinampot ko ang remote ng flat screen TV at binuksan ito. Tumambad sa amin ang isang romance movie. Kapwa kami natawa na tatlo. "Grabe ka, Farrah, ha?" "O, bakit?" nakangiting sagot ko kay Stacey. "Nananadya ka yata, e," segunda naman ni Eliza. "Bakit nga?" takang-tanong ko sa dalawa. "Siyempre, puro kami single tapos pinanood natin romance movie," naiiling na sagot ni Eliza sa akin. "I see, kaya pala kung makapag-react kayo ay tila wagas, mag-jowa na kasi kayong dalawa. Marami naman kayong manliligaw pero ni isa wala man lang pumasa sa taste niyo. Naku, baka tumandang dalaga kayo niya'n!" "Sadyang hindi ko pa natagpuan ang lalaking magpapatibok sa puso ko, Farrah." Nailing na lamang ako sa narinig mula kay Eliza. Mabuti na lamang at hindi nakakalimutan ng mga ito na ako si Farrah sa mansion, at kung kaming tatlo lang ay hindi talaga maiiwasan na Yna ang i-t
Last Updated: 2024-12-05
Chapter: Kabanata 56Yna POV "Kailangan na nating umalis, Yna." Malungkot na napalingon ako sa kaibigang si Eliza. Alam kong naramdaman din nito ang matinding kalungkutan na aking nadarama. "Ate Yna, salamat at ni minsan nagawa mo kaming bisitahin dito." "Hindi ko rin inaasahan na makabalik dito, Erika." Hindi ko napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at inihanda na pala ng kapatid ko ang lahat. Ilang araw na lamang ay pupunta na rito sina Tatiana kasama ang mga taong inupahan nito para sa ilang imbestigasyon, at siguradong hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi nito nalalaman ang katotohanan. "Let's go, Yna." Napasulyap ako kay Eliza. Tumango ako rito at tuluyan na naming nilisan ang naturang lugar. "Dalian niyo na bago pa tayo maabutan nina Tatiana," ani Stacey. "Stacey naman, alam mo namang buntis itong si Yna. Kaloka ka talagang babae ka," palatak ni Eliza kay Stacey. Napangiti na lamang ako sa dalawa. "Okay lang," nakangiting saad
Last Updated: 2024-02-09
Chapter: Special Chapter "Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit. "Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito. "Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito. Mula kay Lev
Last Updated: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 29Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap
Last Updated: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 28Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s
Last Updated: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 27Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali
Last Updated: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 26Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad
Last Updated: 2025-01-17
Chapter: Kabanata 25Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd
Last Updated: 2025-01-17