Share

Kabanata 8

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-01-17 07:55:44

Madilim na ang paligid nang huminto ang malakas na ulan. Naisipan ni Mike na bukas na lang sila babalik ng mansion dahil sigurado siyang maputik ang daan. Ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan.

Napasulyap siya sa natutulog na si Levi. At pagdakay sumilip siya sa may bintana ng kubo, nang may mamataan siyang liwanag na sa tingin niya'y mga liwanag na nanggagaling sa flashlight. Lumabas siya ng kubo.

Hindi nga siya nagkamali, kilala niya ang mga paparating, mga tauhan ito ng kanilang hacienda, malamang nautusan ito ng kanyang ina na sunduin sila, na lubos niyang ipinagpasalamat.

Gustuhin man niyang gisingin si Levi pero hindi niya magawa. Nang makalapit ang mga tauhan sa kinaroroonan nila'y may napansin siyang may dalang towel ang mga ito, iniabot ito sa kanya at kinuha naman ng binata.

"Ipinadala po kami dito ni Senyora Thalia, senyorito."

"Salamat naman at nakita niyo kami, sandali lang at may pupuntahan lang ako sa loob."

Maingat niyang binuhat si Levi para hindi ito magising, ramdam niya ang kakaibang init ng katawan nito na naghahatid sa kanya ng kakaibang damdamin which is weird. Bago sa kanya ang damdaming iyon.

Mabuti na lang at may dalang sasakyan ang nakasunod sa mga tauhan na ipinadala ng Mama niya, doon niya naisipang sumakay para hindi magising si Levi.

Makaraan ang ilang oras na biyahe, nakarating na rin sila sa mansion, sinalubong siya ng kanyang ina at kapatid na bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala.

"Mabuti na lang at ligtas kayong nakauwi hijo, hindi ko alam na may bagyo pala, how's Levi?"

"She's fine Mama, nakatulog lang siya, I need to take her in her room," tugon ni Mike at umakyat ng hagdan nakasunod sa kanya ang nakangiting si Micah na tila kinikilig.

"Alam mo kuya, bagay kayo ni Ate Levi, the problem is, hindi nga lang kayo magkasundo, here oh, the key." si Micah sabay bigay sa susi ng kwarto ni Levi.

"Open the door Micah, kita mo ngang binuhat ko pa ang babaeng 'to, ang lakas pa namang humilik nito."

Nakangiti lang si Micah sa nakasimangot na kapatid. "That's normal, baka pinagod mo siya kaya humihilik?" tudyo nito kay Mike at mabilis na tumalilis ng takbo pagkatapos mabuksan ang kwarto ni Levi.

Naiiling na lamang si Mike sa sinabi ng kapatid. Inayos niya ang dalaga sa pagkakahiga at kinumutan. Pagkatapos ay hinanap n'ya si Aling Sita para bihisan si Levi.

"Kuya," tawag ni Micah sa kanya. Napalingon siya sa kapatid.

"Whatever Micah, kung ano man 'yang sasabihin mo, please stop that nonsense."

Napasimangot si Micah at umirap sa kapatid. Naisipan na lamang niyang pumunta sa dining room baka naihanda na ni Aling Melba ang kanyang spaghetti at lemonade.

Eksakto namang kakahain lang nito ng marating niya ang mesa. Langhap niya ang amoy ng Filipino style spaghetti. Umupo agad siya sa upuan, since mainit pa ang kanyang spaghetti naisipan niya munang mag-open ng f******k.

Napukaw ang atensiyon niya nang may pumasok sa loob ng dining room na sa tingin niya'y anak ng trabahador nila sa hacienda. Karga nito ang isang makina. The man was tall, dark and she could say, he was totally handsome. Pansin niyang matipuno ang pangangatawan nito. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.

Lihim siyang napangiti sa pagkamahiyain ng binata. Muli'y ibinalik niya ang atensiyon sa kanyang cellphone. And this time, she was busy chatting with her friends.

***

"Pero Papa, ayoko pong dumalo sa party na 'yon," protesta ni Micah.

"We have to attend that party Micah bilang respeto sa alkalde ng lugar na ito, nakahanda na ang susuotin mo kaya wala ka nang magagawa pa kundi ang sumama sa'min mamayang gabi," pinal na saad ng kanyang ama. Napasimangot ang dalaga.

Nakikinig lang si Levi at Mike sa pinagtatalunan ng mag-ama, nasa hapag-kainan silang lahat ngayon. Tumikhim si Mrs. Montenegro at napasulyap dito si Micah.

"Hija, iwasan mo nang makipagtalo pa sa ama mo, kailangan nating dumalo sa party na idadaos mamaya. I know, that you hates parties but you have to explore the circle were you belong hija," paliwanag ng butihing Ginang sa anak.

Napatango na lamang ang dalaga saka inayos ang salamin niya sa mata. Micah looks like a nerd, but she was a jolly one. Hindi siya mahilig sa mga parties. Mas pipiliin pa niyang magmukmok sa loob ng bahay at magbasa ng mga favorite books niya.

Naunang tumayo si Mike sa hapag kasunod si Levi, nagpaalam muna silang dalawa sa mag-asawa para puntahan ang mga trabahador ng hacienda na sigurado silang matutuloy na ang kanilang pagbisita.

"Paalala ko lang sa'yo Levi, mamaya sa party bawal kang humarot sa mga lalaki kung sakali," seryosong saad ni Mike sa dalaga habang naglalakad sila patungo sa kwadra.

Gulat namang napatitig ang dalaga sa likod ng binata sabay kunot-noo. "At sa tingin mo naman ugali ko ang humarot? Hindi pa nga tayo kinakasal ang possessive mo na," reklamo ng dalaga.

"Hindi ako possessive, I just want all things clear, balang araw dadalhin mo ang apelyido ko at ikakasal ka sa'kin, itatak mo diyan sa utak mo na hindi ka pwedeng makipag-usap sa kung sinu-sinong lalaki."

"Gano'n? Pag bakla ba pwede na?" asar niyang tanong sa binata.

Hindi ito sumagot. Pansin niyang nakaigting lang ang panga nito. Nag-eenjoy siyang asarin ang binata. Tinapik nito si Tigrel. Siya nama'y sumakay na kay Sapira. Pagdaka'y kapwa nila pinatakbo ang kanu-kanilang kabayo sa malawak na hacienda.

Mainit ang sikat ng araw na tila nakakapaso, palibhasa'y araw na nang tag-init. Naisipan nilang dumaan sa mga lilim ng mga punong-mangga. Ngunit malamig ang hanging tumatama sa kanilang mga balat.

Naabutan nila ang ilang trabahador na busy sa ginagawa. Napahinto ang mga ito at magalang na sinalubong ang anak ng may-ari ng hacienda Montenegro.

Nagkakumustahan at tinanong lang ng binata kung ano'ng problema at kung paano ito masulosyunan. Nakikinig lang si Levi sa sinasabi ni Mike, napahanga siya sa mga idea na ibinibigay sa mga trabahador. Masasabi niyang magaling si Mike kung pagpapatakbo lang ng hacienda ang pag-uusapan.

Hanggang sa dumating ang oras nang pananghalian, naghanda ang mga ito ng mga seafoods, may bagoong, tuyong isda at mga sariwang prutas na sa tantiya ni Levi ay bagong pitas pa. May sinabawang manok, baka, at baboy rin. Natakam ang dalaga sa mga pagkaing nakahanda sa kanyang harapan.

Napansin ni Mike ang pagkabibo ni Levi sa pakikitungo sa mga trabahador, lihim siyang napangiti sa isiping iyon. Masasabi niyang may pagka-over-acting si Levi pero hindi ito ang tipo ng babae na maarte. Siya ang tipo na babae na sinasabi ang isinasaloob. Hindi plastik at talagang sinasabi ang kung anong gustong sabihin.

Nakita niya kung paano ito kumain lang na nagkakamay, hindi niya akalaing kumakain pala ng bagoong ang dalaga, na kailan ma'y hindi niya nakita sa mga babaeng na-link sa kanya. Nang hindi sinasadyang mapasulyap ang dalaga sa gawi niya na may kakaibang ngiti sa mga labi, ipinakita pa nito ang pakwang kinakain.

Tango lang ang naging tugon niya sa dalaga.

Makalipas ang ilang oras naisipan na rin nilang umuwi. Nagpaalam sila sa mga trabahador na may ngiti sa mga labi. Masaya ang binata dahil kailanma'y hindi binigo ng mga ito ang mga Montenegro. Palibhasa'y mabait ang kanilang angkan. Hindi sila yung tipong nang-aapak ng kapwa. Itinuring nilang kapamilya ang kanilang mga trabahador.

"Tahimik ka yata," basag ni Levi sa katahimikan.

"I'm just thinking of something, mga bagay na dapat kong gawin," sagot ng binata sa malalim na pag-iisip.

"How about taasan ang sweldo nila," suhestiyon ni Levi.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Mike. Napalingon ito sa kanya at napangiti. Bigla namang nagwala ang puso ni Levi nang makita ang ngiting nakapaskil sa mga labi ng binata. This is the first time na ngumiti itong kasama at kausap siya. Minsan nahiling niya, sana ngumiti na lang ito lage para hindi laging masama ang araw niya.

"May point ka, good idea. Tamang-tama pagdating natin sa mansion 'yan ang i-suggest natin kina Mama at Papa. I'm sure na papayag sila sa suhestiyon mo, Levi."

Nang marating nila ang dalawang kabayo sa puno ng mangga, sabay na sumakay sila sa kani-kanilang kabayo at matuling pinatakbo patungo sa mansion para ibalita ang kalagayan ng mga trabahador at ang mga dapat na isagawa.

Hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Levi dahil sa araw na ito'y na-appreciate din ng binata ang suhestiyon niya, dati kase palagi itong kontra sa kanya. Napalingon sa kanya ang binata na nakakunot ang noo.

"Hindi ko akalaing may pagkabaliw ka rin pala dahil ngumingiti kang mag-isa," puna sa kanya ni Mike at nagpatiunan nang pumasok sa looban ng mansion.

Napasimangot siya sabay nguso. Tahimik lang siyang nakasunod sa binata. Pagpasok nila sa may living room may napansin silang may kausap na lalaki si Micah. Sa tantiya ni Levi ay isa ito sa mga manliligaw ng dalaga.

Nang makita sila ng mga ito. Halos sabay napatayo ang dalawa. Napasulyap siya kay Mike na ngayon ay nagtagpo ang dalawang kilay na nakatitig sa kinakabahang kapatid na babae.

Napansin agad ni Levi ang isang bouquet of flowers at chocolate. Napakagat-labi si Levi.

Mukhang may gulong mangyayari, alam niya kung gaano ka protective si Mike sa kaisa-isang kapatid na babae.

"Magandang hapon po," pagbigay galang ng binata sa seryosong si Mike na ang titig ay nasa nakayukong kapatid.

"Hello, magandang hapon din naman sa iyo," si Levi na ang tumugon sa kinakabahang binata.

"Ako nga po pa-" naputol ang sasabihin nito ng barahin ito ni Mike.

"I don't care whoever you are, Micah, who give you the permission na tumanggap ka ng bisita?" maawtoridad na tanong ni Mike sa kapatid.

"Kuya, could you please don't be rude with Gabriel, gusto niya lang makipagkaibigan," protesta ng dalaga sa kapatid.

"Get out!" asik ni Mike sa binata sabay turo ng pintuan palabas.

"Mike ano ba, hindi naman tama 'yang pagtrato mo sa bisita ng kapatid mo," pumagitna si Levi sa magkapatid. Napansin na lamang niya ang nakayukong manliligaw ni Micah na nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Pwede ba 'wag kang makialam dito, usapang magkapatid 'to Levi, kaya wala kang karapatang pigilan ako kung paano ko disiplinahin ang kapatid ko," galit na tugon ng binata. Saka nila napansin ang pagtakbo ni Micah paakyat ng hagdan papunta sa sarili nitong silid.

"Hindi na bata si Micah, she's already eighteen Mike. Alam na niya ang tama't mali. Nakakahiya 'yong ginawa mo sa bisita niya, alam mo ba iyon?"

"I don't really care! Palibhasay sampid ka lang dito kaya hindi mo alam kung paanong mag-alala ang isang kapatid sa kanyang kapatid." galit na saad ni Mike kay Levi. Napaatras ang dalaga, bawat binibitiwang salita kase ng binata ay nag-aabante ito siya naman itong todo-atras.

"Pwede ba 'wag kang abante nang abante, wala na akong maatrasan dahil pader na 'tong nasa likod ko. Baka na man sa susunod niyan tatahimik ka nalang bigla tapos titigan mo ako ng matagal at hahalikan tulad ng mga ginagawa ng bidang lalaki sa bidang babae na binabasa kong love story sa w*****d at d****e!" mataray na bulyaw niya sa mukha ng binata.

Kunot noong nakatitig lang sa kanya si Mike at tumitig ito sa kanya ng matagal. Napalunok naman si Levi, bumaba ang tingin niya sa mga labi ng binata. Inilapit ni Mike ang sariling mukha sa mukha ng dalaga. Nagrigodon bigla ang nagwawalang puso ni Levi. Feeling niya lalabas ang puso niya sa kabang naramdaman. Hahalikan ba siya ni Mike?

Ilang hibla na lang ay talagang maghahalikan na sila, amoy niya ang mabangong hininga ng binata, napansin ng dalaga ang pagtaas ng sulok ng mga labi ng binata na sa tantiya niya'y pinaglalaruan lang siya nito.

"Close your eyes, Levi." mahinang bulong nito sa punong tenga niya na naghahatid na man ng kakaibang kiliti sa kanyang buong sistema.

Pumikit na man siya, at hinihintay ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang naghihintay na mga labi. Nang bigla itong bumulong sa kanya na ikinainis niya ng sobra.

"I've told you, hindi ko type ang mga flat-chested. Huwag kang assuming hindi ko type ang isang tulad mo. And could you please ayusin mo ang pagkakabutones ng blouse mo, halata kasing wala kang boobs." tugon nito at mabilis na lumayo sa kanya.

At dahil sa inis niya'y tinanggal niya ang kanyang isang flat sandals at ibinato iyon sa papalayong binata, kung minamalas nga naman siya'y si Mr. Montenegro pa ang natamaan eksaktong papanaog ito ng hagdan paharap sa gawi niya at nasapul ito sa mukha.

"Sorry, sorry Tito, hindi ko po sinasadya," hinging paumanhin niya dito.

"No, it's okay hija. Hindi na man gaanong masakit. Sige na, I have to go may meeting pa akong pupuntahan, please don't forget mamayang gabi ng alas-otso maghanda ka rin dahil sasama ka sa party na idadaos ni alkalde." nagmamadaling tugon ni Mr. Montenegro sa kanya. Agad na rin itong umalis at nasundan na lamang niya ito ng tingin, pagdaka'y napasimangot na naman siya.

Related chapters

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 7

    Ramdam ko ang matipunong dibdib ni Mike sa tuwing lumalapat ang aking likod sa dibdib nito, para bang may kakaibang koneksyon na bumubuhay sa aking natutulog na diwa na siyang pilit kong binalewala. Hindi ko maiwasang kumapit pa ng mas mabuti sa tali ng kabayo. "Matagal pa ba tayo?" tanong ko kay Mike. "Bakit nagmamadali ka ba?" sarkastikong sagot ni Mike sa akin. "Ang bagal mo kasing magpatakbo ng kabayo kaya ang bagal natin, sa tingin mo kaya darating tayo sa patutunguhan natin?" "Could you please shut up! Dàmn you woman!" Inis na tugon ni Mike sabay palo kay Tigrel at hanggang sa mas naging mabilis ang takbo ng kabayo, halos nagkukumahog ako at mas kumapit ng mahigpit sa mga braso ni Mike dahil sa matinding takot kasabay naman ay ang biglang pagkulog ng malakas. Dahil sa labis na takot at gulat ay hindi ko naiwasan na mapasigaw. Nanginginig ako sa sobrang takot, at sumiksik sa dibdib ni Mike. Nang mag-angat ako ng tingin ay napansin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 9

    "You look gorgeous, Ate Levi, at hindi ko akalaing may itinatago ka palang ka-sexyhan," papuri sa kanya ni Micah. Napangiti si Levi habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon. Nakasuot siya ng semi-formal dress na hapit sa kanyang katawan. Mas lalong humulma ang kanyang balakang, ang kanyang alindog na sino mang lalaki'y mapapatingin sa kagandahan niyang taglay. "Thanks Micah, it's my first time wearing this kind of dress," saad niya at inayos ang neckline ng bestida. It's kind of V-line, at hanggang tuhod lang ang laylayan nito. Mabuti na lang at hindi slit type kung hindi ay papalitan niya ito ng ibang bestida. Kulay peach ito na binagayan niya ng peach purse at peach flat sandals. Kwintas lang ang isinuot niya for accessories, ang kwintas na bigay sa kanya ng kanyang ina. Samantalang si Micah naman ay nakasuot ng formal dress na off shoulder na kulay white at may ribbon sa may bewang na kulay yellow. She look pretty and sexy. Sabay na bumaba ang dalawa sa may hagdanan. Kapwa

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 10

    Malawak ang kwartong inukopa nina Levi at Mike. May kama na sa tantiya ni Levi ay king size bed. Mga ilang tao rin ang pwedeng mahiga doon. May malawak na veranda na ang pintuan ay sliding door. Tulad pa rin sa baba, gawa sa antique ang mga kagamitan. Naisipan niyang silipin ang veranda. Nang mabuksan niya ang sliding door, hindi niya akalaing nakaharap pala ito sa dagat. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin, ang amoy ng preskong dagat. Namangha siya sa kanyang nakita. Napapikit siya at dinama ang preskong hangin. Napangiti siya at iminulat ang mga mata. Saka niya naisipang bumalik sa loob. Nang iginala niya ang paningin sa paligid, hindi niya nakita ang bulto ng binata, napakunot ang kanyang noo. Nang mapatingin siya sa gawi ng kama. Nakita niya doon ang nakahilatang si Mike na nakahiga na. Napasimangot siya rito at saka nilapitan ito na nakapameywang. "Don't tell me sa sahig ako matutulog. At saan mo naman ako patutulugin?" sarkastikong tanong niya sa binata. "I'm ti

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 11

    "Anyare sa'yo ba't parang nakakita ka ng multo?" takang tanong ni Mike kay Levi, ininguso ni Levi ang babae sa likuran ni Mike. Bago pa mapaharap si Mike, tinakpan ni Yuna ang mga mata ng binata gamit ang kanyang mga palad. At hindi maipagkakaila na hindi mahulaan ni Mike kung sinong palad iyon, sa amoy pa lang nito kilala na niya, si Yuna, ang babaeng nang-iwan sa kanya ng ilang taon dahil mas pinili nito ang career kesa sa kanya. Umigting agad ang panga ng binata at mabilis na pinalis ang mga kamay ng dalaga. "What are you doing here, Yuna?" seryosong tanong ni Mike sa dalaga. "I just passing by when I saw you, then I came here just to know if how are you," masiglang sagot ng dalaga. Hindi man lang nito pinag-ukulan ng pansin si Levi. Palibhasa'y hindi sila magkasundo kahit noon pang magkasintahan sila ni Mike. "Mike, mauna na ako sa kotse mukhang need ninyo ng privacy," paalam ni Levi, tumayo siya at akmang aalis na sana siya nang pigilan siya ni Mike sa braso. "Sabay na tayo,

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 12

    "Kailangan ba talaga nating gawin 'to, nakakapagod mag-shopping," angal ni Levi habang hila-hila siya ng binata. May kinausap na saleslady si Mike. Lumapit ang babae kay Levi at sinabi nitong tutulungan siya nito sa mga bestidang babagay sa kanya. Halatang magaling ang babae sa pagpili ng mga bestida. Mabuti naman kung gano'n dahil kung siya ang papipiliin siguradong hindi lang magugustuhan iyon ni Mike. Palibhasa'y mahilig siyang magsuot ng t-shirts, pantalon at pedal shorts. Halos malula siya sa presyong napili ng saleslady, tumaas ang kilay niya rito. "Excuse me, Miss? Wala bang mas mura dito? Ang mahal naman, hindi ba 'to sale?" reklamo niya. Iniisip niya tuloy mapagsamantala rin ang babaeng 'to, kesyo napansin lang nitong ma-pera ang bibili mahilig pang mambola na bagay daw sa kanya ang lahat ng iyon. Wais si Levi kaya sinukat niya muna bago kinuha dito. "Branded po 'yan Ma'am kaya mahal, at sigurado po akong babagay 'yan lahat sa inyo, ang ganda niyo kaya," saad nito, pansin

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 13

    "Dito nalang muna tayo magpapalipas ng gabi. Pagod akong mag-drive. Pumili ka nalang ng kwarto sa taas na tutulugan mo," saad ni Mike sa dalaga. Nauna nang natapos sa pagkain si Mike at tinungo ang living room para manood ng magandang palabas. Tahimik lang si Levi. Nang matapos siya sa pagkain, siya na ang nagligpit ng pinagkainan nila at naghugas ng mga pinggan.Lumapit si Levi sa kinaroroonan ng binata, pero mas pinili niyang maupo sa kabilang gilid ng couch na naroon. Napasulyap sa kanya ang binata. Seryoso pa rin ang mukha nito. Gusto niya sanang lambingin, kaya lang, baka isipin nitong gusto niyang may mangyari sa kanila. Kaya mas minabuti niyang manood na lang din muna ng palabas. Hindi pa na man siya inaantok. "Natawagan mo na ba sina Tita, na nandito tayo sa bahay na ini-regalo niya sa'tin? Baka kase mag-alala na naman 'yon," malumanay niyang tanong sa binata. "I already called Mama regarding about that, so you don't have to worry, ang ipag-alala mo ngayon ay paano ko papata

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 14

    Nang makauwi sila ng mansion, nag-request si Levi na magpabuhat uli kay Mike. Nasa loob palang sila ng kotse ng binata'y pinakiusapan na niya ito. Feeling proud naman si Mike, tingin niya'y sobrang laki yata siguro nang alaga niya dahil hanggang ngayo'y napapangiwi pa rin ang dalaga sa tuwing ikilos nito ang dalawang hita. "No problem, of course I'm very willing to carry my bride-to-be," sagot niya sa dalaga na may pilyong ngiti sa mga labi. "Pwede ba 'wag kang ngumiti-ngiti diyan dahil nakakainis iyang mukha mo! Bwesit!" asar na saad ni Levi sa binata. At pagdaka'y muling napangiwi. "Darn! It's really hurt, normal ba 'to? Parang may mali, e," daing ng dalaga at napahawak sa dalawang hita. Inayos muna siya ng binata ng upo at saka dahan-dahang binuhat palabas ng kotse. Mula sa pintuan ng mansion ay naghihintay sina Mr. and Mrs. Montenegro at Micah sa kanila na kapwa kunot-noong nakamasid sa kanilang dalawa. "Is there's something wrong hijo, ba't buhat-buhat mo si Levi? May nangy

    Last Updated : 2025-01-17
  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 15

    Hindi agad nakatulog si Levi nang gabing iyon. Kaya mula sa malambot na kama'y bumalikwas siya. Naisip niyang uminom ng gatas. Bumaba siya at tinungo ang kusina. Pagkatapos niyang magtimpla ng gatas. Hinila niya ang upuan at naupo sa silya. Napahilot siya sa kanyang sentido. Nalilito siya sa nararamdaman, hindi niya alam kung bakit biglang binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Iniisip niya kung nasaan na kaya si Mike. Kanina pa ito wala sa mansion. Nakipagkita kaya ito kay Yuna? Napalunok siya. Naubos niya ang isang basong gatas. At nagpasya siyang bumalik na sa kanyang silid. Akmamg papanhik na sana siya sa taas nang may marinig siyang kakaiba. Parang may tao sa may pool. Kaya minabuti niyang sumilip. Tila nabato si Levi sa kinatatayuan, parang gumuho ang kanyang mundo. Nagsisi tuloy siya kung bakit sumilip pa talaga siya. Mike and Yuna kissing each other. Hindi na niya kayang pagmasdan pa ang eksenang nakita ng kanyang dalawang mata. Mabilis na umalis siya sa kanyang kinatatayuan

    Last Updated : 2025-01-17

Latest chapter

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Special Chapter

    "Mama, do I look good?" tanong ng bunso niyang si Isaac. Napangiti si Levi sa anak. Ginulo niya ang buhok nito at saka kinarga sabay halik sa pisngi. Ngumisi ang cute na bubwit."Where's your kuya's?" instead, tanong niya dito. "They were swimming at the pool with, Papa. I don't even know how to swim, Mama," busangot ang mukha nito."Don't be mad, Mama will teach you on how to swim, do you like it?" magiliw niyang tanong dito. Tumango si Isaac sa ina at muli' napangiti. Nadatnan niya ang kanyang mag-ama na masayang naliligo sa pool. Looking at her three little kiddos is just like a dream. Lucas age is already 18, binatilyo na ang kanyang Lucas. Lucas is a serious type of man. Mateo is already 8, a boy who love to play guitar, and he loves book, which is, na mana yata nito sa tita Micah niya. While her little Isaac is so sweet and a loving one. Napasulyap siya sa kanyang asawa. Kumindat ito sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti at lumapit dito.Mula kay Levi ay

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 29

    Nang hilahin siya ng anak papunta sa living room ng kanilang bahay ay hindi niya inaasahan ang kanilang bisita. Natutuwa siyang makita ang mag-asawang Montenegro. At si Micah. Panigurado siyang alam na ng mga ito ang katotohanan.Hindi nga siya nagkamali nang yakapin siya ng mga ito at isatinig ang kanyang pangalan. Napaluha siya. Halos pauli-ulit siyang humingi nang tawad sa mga ito. Heto ang pamilyang kinalakhan niya, ang pamilyang may ginintuang puso. Masaya ang lahat nang araw ding iyon habang kumakain nang agahan. Maliban kay Mike. Kanina pa niya hinahanap ang asawa, ni anino nito'y hindi niya nakita. Ang sabi ng mga magulang nito'y may importante lang daw itong meeting sa mga board of directors. Napasulyap si Levi sa orasan. It's almost 10:AM na pala. Nalaman ni Levi na naging maganda na ang takbo nang kalusugan ng Ginang. Hindi naman nagtagal ang mga ito at nagpaalam na din sa kanila ni Lucas, na abut-abot ang kurot sa pisngi nito ng kanyang tita Micah sabay busangot nito. Nap

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 28

    Ano na nga ba ang gagawin niya? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang tunay na dahilan kaya siya hindi matanggap-tanggap sa mga kompanyang in-applayan niya dahil sa kagagawan ng asawa niya. Malapit nang sumabog sa inis si Levi.Pumara siya ng taxi. Sinabi niya agad ang address sa driver. Kailangan niyang makapasok sa Montenegro Industries Corp. Kailangan niyang harapin ang walangya niyang asawa. Hindi pwedeng ganito, injustice na ang ginagawa nito sa kanya, sobra na 'to. Nang makarating siya sa Montenegro building, hindi na siya nagpapigil sa guard dire-diretso siyang pumasok, halos takbuhin niya ang elevator. Napapakamot naman sa ulo ang guard. Bagsak ang balikat nito.Inis ang nararamdaman ni Levi ngayon. Wala siyang pakialam sa mga taong nagsisitinginan sa kanya. Kailangan niyang makausap ng maayos ang gago niyang asawa. Bago pa niya mahawakan ang seradura ng pintuan ng opisina ni Mike ay napigilan na agad siya ni Irish. "Gosh, girl hindi ka pwede dito! Mainit ang ulo ni s

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 27

    Bumukas ang pintuan ng kwartong inukopa ni Levi. Pumasok doon ang mga taga-linis ng hotel. Tahimik lang ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang maid at sinabing lumipat siya sa ibang room. "Iyon po ang utos ni Mr. Montenegro Ma'am," magalang na wika ng maid. Dahan-dahang napatayo si Levi. Sinamahan siya ng maid sa bago niyang room, dala nito ang kanyang kagamitan. Wala siyang pakialam kung ano mang hitsura niya ngayon. Ang alam lang niya, takot na takot siya sa isiping, paano nga ba kung ilalayo sa kanya ni Mike ang kanilang anak. Hiling niya na sana'y bigyan man lang siya nito nang pagkakataon na magpaliwanag. "Kung sakali man, na may makita kayong singsing, ibigay ninyo agad sa'kin," utos niya. "Opo, Ma'am, magpahinga na po kayo," sagot ng maid. Tinungo ni Levi ang balcony ng hotel, hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan niya ang sliding door. Ang malamig nang simoy ng hangin ang bumungad sa kanya, pumikit siya, dinama ang sariwang hangin. Naalala niya ang galit na gali

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 26

    Nakahinga nang maayos si Levi nang mai-close agad ni Mike ang deal nito sa dalawang kliyente. Sumakit na nga ang kamay ni Levi sa kasusulat ng mga detalyeng pinag-uusapan ng mga ito, at medyo sumakit din ang ulo niya at minsan nakaramdam siya nang pagkahilo. Pilit lang niya iyong nilalabanan. Baka akalain pa ng kanyang boss na nag-iinarte na naman siya. Napasulyap siya sa kanyang wristwatch, it's almost 8:30 na pala ng gabi at kasalukuyang nasa isang Italian Restaurant sila, katatapos lang ng meeting ni Mike sa pangatlo nitong kliyente. Napahilot sa sentido ang dalaga. Sa tuwing susulyap ang binata'y inaalis niya ang kanang kamay sa kanyang sentido. Malamang, nagugutom na rin siguro siya, kaya sumasakit ang kanyang ulo. "Are you alright?" hindi na nakatiis si Mike, kaya tinanong na niya ang dalaga. Napasulyap na man ito at napatango sa kanya. Sumenyas si Mike sa waiter na naroon, agad namang lumapit ang waiter at ibinigay sa kanila ang menu. "Spaghetti alla Carbonara and lemonad

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 25

    Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Sumakay sila sa kotse ni Mike, nasa backseat si Lucas at nasa front seat na man si Levi. Napasulyap siya sa anak sa rearview mirror. Minsan nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Mike kasabay nang pagsikd

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 24

    Subsob ngayon si Levi sa harapan ng kanyang computer. Napahilot siya sa sariling sentido. Nang pukawin siya sa tunog ng intercom. Boses iyon ni Mike. Humihingi na naman ito ng Brewed Coffee. Lihim siyang napangiti. Pero hindi niya pa rin maiiwasan ang sarili na kabahan sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin, kaya minsan ibinaling niya ang tingin sa ibang direksiyon. Dahil sa tuwing tititigan niya ang mga mata nito'y parang nahipnotismo siya. Agad siyang nagtimpla ng kape at nagmamadaling inihatid sa opisina nito. Inilapag niya ito sa mesa ng binata, nagtanong muna siya kung mayron pa ba itong ipag-uutos nang tumango ito. "Masakit ang ulo ko, marunong ka bang magmasahe?" pormal na tanong ni Mike sa kanya. "Yes sir," maagap niyang sagot. Mabilis ang kilos niya na lumapit dito. Nanginginig na napahawak siya sa magkabilang dulo ng noo ng binata. Halos hindi na humihinga si Levi dahil sa kabang nadarama. Narinig pa niyang umungol ang binata. Nasarapan siguro sa masahe niya. Napakagat

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 23

    Mula sa kotse ay umibis si Levi. Pinindot niya ang doorbell ng gate at hinintay na pagbuksan siya ng kaibigan. Mga ilang minuto rin siyang naghintay bago lumabas si Tessa. Kumunot ang noo ni Tessa, wala naman siyang inaasahang bisita. Napansin niya ang isang magandang babae na nakasilip sa kanyang apartment. Napanguso si Tessa. Hindi naman niya kilala ito. Naisip din niya, baka siguro naghahanap ito ng apartment na matutuluyan. "Hello, ano'ng atin Ms.?" masiglang tanong ni Tessa habang binubuksan ang gate para makapasok ang magandang panauhin. "Ahm, gusto ko sanang magtanong kung may bakante pa kayong apartment," sagot ni Levi. Medyo nagulat si Tessa sa boses na iyon ng babae, her voice sounds familiar, pero agad din niyang iwinaksi iyon sa kanyang isipan at hinarap ang kanyang panauhin. "Oh, halika pasok ka sa loob," paanyaya ni Tessa sa bagong dating. Halatang mayaman ang babae, naisip niya, baka gusto lang bumukod kaya naghanap ng apartment. Magiliw niyang pinapasok ang bisit

  • Loving Him - Montenegro Series #1   Kabanata 22

    Papunta na sanang airport si Paula para Estados Unidos, nang madaanan niya ang isang kotse, nagimbal siya dahil halos wasak ang kotse nang nabangga ng malaking truck. Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kanyang kotse, may narinig siyang boses ng babae na humihingi nang tulong. Pinaandar niya agad ang kaniyang kotse malapit sa nagkabanggaan, nang matanaw niya ang isang babae na nag-agaw-buhay ay nagmamadali siyang bumaba ng kotse at tinulungan ang sakay niyon. Dahan-dahan lang ang kaniyang paghila sa babae, buhay pa ito. Napuno nang dugo ang mukha nito, nanginginig siyang isinakay ang babae at dinala niya ito sa kanyang sariling clinic. Isang doktor si Paula Sy, at isa rin siyang surgeon doktor. Inayos niya ang babae sa pagkakaupo, nang paandarin niya ang kotse palayo sa lugar na iyon, saka naman ito sumabog. Nagulat pa siya nang makita sa rearview mirror, halos naging buto ang sasakyan nang babae. Kung hindi niya agad ito nakuha malamang naging abo na din siguro ito. Pagkarating

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status